Write it. Scratch it. Write it again. And then scratch it. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga matapos punitin ang isa na namang piraso ng papel. Wala akong maisip. Hindi ko alam paano ko marapat na isulat ang gusto kong malaman ng hindi niya o ng iba mauunawaan agad. Na kung sakaling ikanta niya ako ay magkakaroon ako ng dahilan upang sabihin na walang masamang pakay ang tula maliban na lamang sa ang i-entertain siya. Bakit ba wala akong maisip? Ni hindi ko alam ano ang magandang tema na gamitin. Hindi katulad ng una kong isinulat, dala iyon ng bugso ng damdamin at nararamdaman ko subalit ngayon ay may isinasaalang alang ako. Maari akong magkamali at siguradong may consequence iyon na naghihintay. Pinagmasdan ko ang ilang basyo ng papel na nakakalat ngayon sa kinauupuan ko.