HINDI makapaniwala si Althed na mapupunta siya sa gano’ng sitwasyon in just a snap. Nakaposas sa likod ng silyang inuupuan ang kanyang kamay. And this sexy policewoman looked so seductively beautiful in front of him.
He smirked. “How can I call them? I don’t have my cell phone here.”
Tumawa ito. “Iyan ang sinasabi ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon, magagamit mo ang cell phone mo to ask for help. Dapat may signaling device ka. Tell me, wala ano?”
Umiling siya. Kasabay noon ang pagkainis niya kay Ainah dahil aminin man niya o hindi, talagang may point ito.
“By this moment, you are already dead if this is a real scenario. Ikamamatay mo lang ang incompetence ng mga tauhan mo. How will they know na nasa panganib ka kung wala ka sa paningin nila? Your cell phone is actually useless if there’s no signal. Isa pa, cell phone mo ang unang kukunin ng kidnapper to make sure na hindi ka matutunton through GPS. At saka—”
“Can you just get my cell phone so that we can get through this?” he interrupted. Ang dami nitong kinukuda at naiirita na siya. Sa pagdami kasi ng sinasabi nitong facts, mas lumalaki ang proof na tama ito: palyado ang security niya at hindi iyon matanggap ng ego niya.
“Kung iwan na lang kita diyan—” Tiningnan niya ito nang masama. “Okay, kukunin ko na ang cell phone mo.” Naglakad ito palapit sa mesa sa lanai at kinuha ang cell phone niya. Lumapit ito sa kanya at lumuhod sa kanyang tabi. “Which finger do you use for biometrics?”
“Right thumb.” Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay at inilapat ang fingerprint sensor ng cell phone niya sa kanyang right thumb.
“Sino’ng tatawagan?” tanong nito.
“Security Maldonado.”
Ainah searched the name in his contacts and placed the call on loud speaker mode.
“I’m being abducted,” sabi ni Althed nang sumagot ang head security niya.
“Ano po, boss? Choppy po kayo.”
Napapikit siya sa inis nang marinig niya ang tawa ni Ainah. “Come over! May nagposas sa akin sa silya!”
“Opo.”
Call ended.
“Mahina sa pick up ang tauhan mo. Tingnan natin kung babawi sila sa rescue skill at sa bilis kumilos. They shall be here in less than a minute dahil nasa kabilang bahay lang naman sila.” Ipinatong lang nito ang cell phone sa hita niya at pinagmasdan nito ang wristwatch na waring naiinip na sa oras. Lumipas ang higit isang minuto pero wala pa rin ang security niya. “Oops! Time’s up na, wala pa rin sila. Paglalamayan ka na talaga niyan.”
Nakita ni Althed mula sa likod ni Ainah na papalapit na si Maldonado dito. Hindi niya iyon ipinaalam kay Ainah para makita niya kung ano ang ipinagmamalaki nito sa kanya. He just lazily sat down the chair. Hindi nakatakas sa kanyang paningin nang ngumisi sa kanya si Ainah.
“’Huwag kang gaga—”
Bago pa man matapos ni Maldonado ang sasabihin nito ay nahagip na ni Ainah ang braso nito at pinilipit iyon. Madali nitong naagaw ang baril na itinutok ni Maldonado dito. Agad nitong diniskarga ang bala sa magazine ng baril bago iyon itinapon. Sunod na sumugod dito ang dalawa pa sa limang security personnel nila ngunit madali rin silang napatumba ni Ainah. Althed must admit that she was really good in combat. Hindi rin ito lumalayo sa kanya habang nakikipagbuno sa mga tauhan niya. It meant, she was fully aware of her two goals: not letting anyone come near him and fight the opponent.
Muling lumapit si Maldonado at nakipag-combat dito. He hit her in stomach and flipped her down. Hindi alam ni Althed kung bakit ngunit napapitlag siya nang bumaksak sa damuhan sa harap niya si Ainah. He instantly got worried. Worried, huh? Kahit naman mainit ang dugo niya rito, babae pa rin ito. Hindi siya comfortable na may makitang babae na sinasaktan physically.
Nabawasan ang pag-aalala niya nang balewalang bumangon si Ainah at sumugod kay Maldonado. One powerful kick on his leg and he was back down at the right side of the garden.
Ang natitirang dalawa ay sumugod sa magkabilang side ni Ainah but this woman just flipped them down easily after few hits and punches.
“Iyon na iyon? Hindi man lang ako pinagpawisan—”
Mula sa likod nito ay sumubok muling sumugod si Maldonado, now armed with a dagger knife. Althed eyes just settled at Ainah. She was just gazing back at him seductively.
Nang akmang sasaksakin na ito ni Maldonado sa kaliwang tagiliran ay madali itong nakaiwas. Nahawakan agad nito ang armed hand ni Maldonado, twisted his hand and threw him at the right side of the garden. Nahulog ang kutsilyo sa damo na sinipa lang pataas ni Ainah at prenteng nasalo ng free hand nito. In just a snap ito na ang may hawak sa dagger. Sumugod pang muli ang mga tauhan niya trying to defeat her. Ngunit nang itutok nito ang dagger sa mga ito in defense position ay wala nang nag-attempt na lumapit kaya ito naman ang sumugod. She didn’t use the dagger though. Arm works lang nito, sapat na para patumbahin ang tauhan niya.
Why does she look so sexy while fighting?
In just three minutes, lagpak na sa isang side ng garden ang mga tauhan niya. Napailing na lang si Althed. Ayaw man niyang aminin sa sarili ngunit mukhang tama itong si Ainah. Wala man lang ni isa sa mga ito ang nakaisip na kalagan siya sa pagkakaposas habang abala ang iba sa pakikipagbuno sa isang babae.
Bumangon si Maldonado at akmang susugod muli.
“Stop there, Maldonado. The game is over. You are all fired!” deklara niya.
“Po?” nagtatakang tanong nito.
Pinandilatan lang niya ito. “You heard me, I know. You’re all fired. Get out! Out!”
Mabilis na nagsipulasan ang mga ito. Mukha namang okay lang ang mga ito. Sa kabila ng mabibigat na suntok, wala naman sa mga ito ang duguan. And that meant, Ainah hit them with precautions. Fine, magaling nga siya.
Feeling in victory na lumapit sa kanya si Ainah. “Ikaw? Kaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa ganitong desperate situation?” She gazed at him once more as if she was testing his capabilities. He hated that feeling. Hindi maganda iyon sa king-like image niya.
Lalo siyang nainis dahil hindi ang sagot sa tanong nito. He might be a good businessman but he knew nothing about self-defense.
“Of course, I know,” he replied not letting her get a hint that he was just bluffing.
“Good. Let’s see.” Naglakad na ito palayo. “Get yourself out of the situation.”
“Wait! You can’t just leave me here!” reklamo niya.
“Akala ko ba, alam mo ang gagawin?” Umupo ito sa tabi ng parents niya sa may lanai. “I need to assess your capability to save yourself para alam ko rin kung ano ang ituturo ko sa ’yo for self-defense. Kahit bigyan ka pa ng security ng Code Black, mas mabuti pa rin na alam mo kung paano ililigtas ang sarili mo in times na wala nang ibang maasahan kung ’di ang sarili mo lang.” Binalingan nito ang kanyang mga magulang na nagpapatango-tango lang. “’Di ba po?”
“Yes, she has a point,” sabi ng kanyang ina.
“See? Okay, go ahead, Mr. Kaviero. Save yourself now.” Prente itong umupo at pinagmasdan siya.
I hate the guts of this woman!
Ang pagpanig ng kanyang mga magulang dito ay lalong nagpapakulo ng dugo niya sa babaeng ito. What should I do? He felt frustrated. Ayaw niya ng pakiramdam na napapahiya lalo na sa babaeng ito na pangisi-ngisi lang sa kanya. He tried his best to look for ways to escape but no avail. Wala siyang makitang matulis na bagay na puwedeng ipangbukas sa posas.
“Oh, ano, Sir Althed? Papa-rescue ka na ba sa isang sexy bodyguard na babae?” may halong pang-aasar nito. “Bulong ni Doc Geo, wala ka naman daw alam sa mga ganyan.”
Lalong naningkit ang kanyang mata. Inilaglag pala siya ng kanyang ama. I hate this day! “Can you just unlock me?”
Tumayo ito at pinaglaruan sa mga daliri nito ang susi ng posas para lalong asarin siya. “Mag-please ka muna, Sir Althed.”
“I don’t say please to my servants—”
“Okay. Matusta ka diyan ever!”
“Okay, okay. Please? Unlock me, please?” naaasar na sagot niya.
In his mere surprise. His parents were just watching at laughing at his expense as if seeing their son being manipulated by a woman was a sort of entertainment.
“Iyan. Matuto kang mag-please.” Maglalakad na sana si Ainah palapit sa kanya nang mag-ring ang phone nito. “Ay, wait lang. Sagutin ko lang ito. Hello? Yes, speaking . . .” Napairap na lang si Althed nang magtagpo ang mata nila. “Okay. I’ll be there on time. Thank you.” She ended the call and continued walking to her. “Tumawag na ang HR ng company n’yo for my job interview bukas.” She moved closer.
Muling nasamyo ni Althed ang fruity-floral scent ng gamit nitong pabango. He knew it was a famous scent of Victoria’s Secret. Pumuwesto ito sa likod niya para i-unlock ang posas. She was about to do it when her cell phone rang again.
Seriously?
Sinagot muna nito ang tawag kaysa unahing pakawalan siya. Inuubos talaga ng babaeng ito ang pasensiya ko.
“Okay, Mapagmahal. I’ll let them know.” Bumaling muna ito sa kanyang ama. “Doc, nasa gate po si PSMS. Cedrick
Mapagmahal from NCIA and Code Black. Siya po ang bagong security head for this case.”
“Okay, anak. I’ll open the gate,” tugon ng kanyang ama.
“Thank you po, doc.” Muli siya nitong binalingan. Umalis na ang parents niya at naiwan sila sa may garden.
He was caught gazing at her but he didn’t mind. “You are really enjoying this, huh?”
Tinanggal nito ang posas sa kamay niya. Finally, he was free. “Enjoying what?” tanong nito.
“Making me look like a fool in front of you.” Siya na mismo ang tuluyang nagtanggal ng posas.
Tinitigan siya nito na tila pinagmamasdan nito ang bawat anggulo ng kanyang mukha. “Ang guwapo mo namang fool, Sir Althed. Walang gano’n. What I did was part of my work. I told you, it is part of the assessment.”
An idea popped his head. “Talaga ba? You think, I’ll buy that excuse? I’m not that stupid, Miss Florendo. Alam naman natin na may galit ka sa akin.” Mabilis niyang hinawakan ang dalawa nitong kamay at pinosanan niya ito. Then he smirked as he turned around and walked away.
Hinabol siya nito at iniwagayway sa kanya ang posas. Kung paano ito nakawala gayong nasa kanya ang susi ay hindi niya alam. “I’ll teach you how to get away with handcuffs as easy as your favorite hobby: insulting people.”
“What?”
“Bakit? ’Di ba iyon ang expertise mo?”
“Sabihin mo nga sa akin, Ainah. How much do you hate me?”
“Real talk? Sapat lang naman. Sapat na para isumpang ’wag ka sanang magka-jowa. Naibulong ko nga pala iyon sa lola kong mambabarang. I heard, effective ang sumpa. Sorry, but not sorry at all.”
Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. He was 29, a young billionaire blessed with beautiful race and he was single. He tried dating women but none of them pass his standards. Most of them just use the date as an excuse to live in luxury for a day. In return, these women would satisfy him in bed then disappeared before he woke up. Up to date, no one even said I love you or even expressed love to him. Ngayon, alam na niya ang dahilan.
“Bawiin mo iyong pagkakasumpa mo sa akin!” he commanded. He was showing her the darkest glare he could give. Kung nakapapatay lang iyon, baka tegi na ito. No one should mess up with Althed Sol Kaviero.
Napangisi si Ainah sa kanya. “Ahm, ayoko. Alalahanin mo muna kung sino ako sa buhay mo. Hangga’t hindi mo naalala kung sino ako, mananatili kang single forever!”
He smirked. “Siguro may gusto ka sa akin, ano? Kaya lang, I really don’t remember you. Tell me, Ainah. Aside from being school mates, are you one of those women I fu—”
“Yuck! Ang bastos! Hindi ako ganyang kababa,” pag-cut nito sa sasabihin niya. Bigla pa itong lumayo sa kanya.
Althed grabbed her arms and managed to corner her though. Isinandal niya ito sa pader. “Who told you that spending a hot night with me will make a woman low? It’s a privilege. It’s an honor,” he grinned.
She rolled her eyes. “Ang yabang!”
“I’m just stating a fact.” Indeed, may ipagmamalaki naman siya talaga. Marami namang lumalapit na babae sa kanya. And he knew those women get satisfied with him. But still not enough to love me. Damn! Why am I thinking about it now?
Ngumisi si Ainah. “Well, I give you a fact. Marami ka ngang na-chever pero single ka pa rin. Wala pa ring nagmahal sa ’yo nang totoo. Kawawa!” pang-aasar nito.
Muling tinapunan niya ito ng masamang tingin dahil natumbok nito ang isang mapait na reyalidad. “Isusumpa rin kita kung gano’n. With my money and power, I can hire the best witch in the world to curse you,” may halong pagbabanta niya.
Tinawanan lang siya nito. “And ano namang sumpa iyan, Sir Althed? Sa tingin mo matatakot ako? Hindi nga ako takot mamatay.”
He moved his face closer to her intentionally. “You will never fall in love with anyone else than me. That will be my curse to you.” He stared at her as if he was damn serious. For the first time, he saw different reaction from her. Suddenly, she became anxious. Mukhang sa wakas, may epekto dito ang sinabi niya.
Damn, is she one of the girls I ignored and just forgot before? Althed was just taking random wild guesses.
Hindi umiwas ng tingin si Ainah sa kanya kahit bakas dito ang tensyon. Nakipagsukatan ito ng tingin. “H-Hello Kitty.”
“What?!” kunot-noong tanong niya.
“Gusto mong bawiin ko ang sumpa, ’di ba? Iyan ang clue kung sino ako sa buhay mo.” Nag-ring ang cell phone nito. It became her excuse to escape. “Excuse me, Sir Althed.” Agad itong lumayo at sinagot ang tawag. He just let her go.
Sinundan niya ito nang tingin habang naglalakad ito palayo. Hello Kitty? Ano’ng kinalaman ko kay Hello Kitty?
Lalo lang naguluhan si Althed dahil sa confrontation na iyon.