ISANG sweet na ngiti ang ibinigay ni Ainah kay Vernice, ang secretary ni Althed. Gaya ng nasa plano ay dumaan siya sa employment procedure ng Kaviero Group of Companies at ngayon ay iniabot na ng HR staff ang employment file niya sa secretary ni Althed. Mukhang hindi siya bet nito. Pinakatingnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. She looked plain. She was just wearing a simple corporate attire malayo sa pananamit nito na medyo revealing at pa-sexy.
“Maria Aimelyn Florendo?” pagbanggit ni Vernice sa pangalan niya. It was her identity name.
“Yes. I’ll be working with you from now on as Mr. Kaviero’s EA.” Nginitian uli niya ito at sinimangutan lang siya in return.
Attichona ka gurl?
“You look very familiar. ’Di ba, pulis ka?” tanong nito.
“Ah, hindi ako iyon. That’s my twin sister, perhaps. She’s Maria Ainah Florendo. Naka-deploy na siya sa Cebu now,” confident na sagot niya. NCIA got it covered. Ipinalabas nilang may kakambal siya. NCIA also secured her undercover identity just in case may magbalak paimbestigahan siya.
“Really?” parang ’di naniniwalang tugon nito. Itinuro nito ang mesa sa katapat nito. “Anyway, that will be your working table.” Tumayo na ito. She passed through her. “Follow me. I let our boss know that you’re here.”
Ainah disregard what Vernice said and just followed her silently. Binuksan nito ang malaking double door at pumasok na sila sa isang napakalaking office. May isang malaking office table roon na gawa sa high-grade na kahoy kung saan nakapuwesto ang pinakaguwapo yet pinakademonyong lalaking nakilala niya. Althed was just busy doing something in his laptop.
“Sir, Althed, your new EA is here, Miss Aimelyn Florendo,” sabi ni Vernice.
Nag-angat ng tingin si Althed at diretsong tumitig sa kanya. He gave her a dark stare, but she didn’t care. Ang guwapo talaga ng isang ’to. May invisible sungay nga lang. She just smiled back seductively. Akala ata ng lalaking ito matitinag ako after niya akong almost halikan kahapon. Napakunot-noo siya sa naisip. Saang bada iyong muntik na siyang halikan? Wala namang naganap na gano’n. He just moved closer to her yesterday to annoy her.
Binalingan nito si Vernice. “Leave. I don’t need you here now.”
“Yes, sir.” Binalingan siya ni Vernice. “Lumabas na tayo,” utos nito sa kanya.
Hindi alam ni Ainah kung bakit pakiramdam niya, feeling superior itong secretary ni Althed gayong pareho lang naman sila ng job level.
“No! You shall leave. The EA will stay,” Althed corrected her.
“Okay, sir.” Vernice nodded to Althed after showing of a seductive smile. Ngunit nang tumalikod na ito para lumabas ay agad siya nitong tiningnan nang masama bago ito tuluyang makalabas ng opisina.
Nailing na binalingan niya si Althed. He was busy again in front of his laptop. She became a ghost in instant kaya inilibot na lang ni Ainah ang paningin sa malawak na opisina. There was a bookshelf at the right side of the office. Adjacent to this was an elegant couch for visitors. There was a door at the side of the sofa that led to his bachelor’s pad. Kabisado naman na ni Ainah ang silid, maging kung saan nakalagay ang CCTV cameras na nakatago sa kubling lugar ng silid.
“Ipalipat mo iyong working table ko rito sa loob ng office mo,” sabi niya kay Althed.
Nag-angat ito ng tingin diretso sa kanya. “What?”
“I cannot save you from danger if I’ll be outside your office.”
“I can’t work with an eyesore around.”
“Hindi ko po, sir, magagawa ang trabaho ko nang ayos kung nasa labas ako,” she insisted.
“Ako ang hindi makakatrabaho nang ayos knowing that I will breathe the same air with you. My place, my rule,” pagmamatigas nito.
Ainah sighed. She was left with no choice. Dinukot niya ang cell phone mula sa bulsa at maktong magda-dial. “Okay, kung ayaw mo talaga, I’ll just call Mrs. Sophia Kaviero so that I can do my job—”
“Fine!” awat nito. “Bukas, andito na sa loob ang mesa mo. Just please don’t bother my parents with petty things like this.” He rolled his eyes and went back typing something in his laptop.
“Okay.” Muli niyang inilibot ang paningin sa kabuoan ng opisina. “Matanong ko lang, sir, soundproof itong opisina mo?”
Muli siyang nilingon nito. “Yes it is.” He then impishly grinned. “But I’m sorry. I don’t have plans on having s*x with you here.”
Napanganga siya sa sinabi nito. “Feeling mo, iyan ang dahilan kung bakit ko tinanong iyon? Duh? Kung s*x experience din lang naman, kay Ian Sol na lang ako papa-experience, ano. I know he’ll be gentle,” pang-aasar niya. “Kung sa ’yo lang din, huwag na. Baka isumbat mo pa ang makita mong flaws sa sexy kong katawan.” She rolled her eyes. “Anyway, tinanong ko lang iyon para alam ko iyong possibility na may makarinig sa usapan dito mula sa labas o sa kabilang room—”
He rolled his eyes. “Do you like Ian?”
“Everyone likes Ian Sol,” nakangiting tugon niya na ikinasimangot nito.
“That’s pathetic kung ang pagiging biktima ng kapatid kong babaero lang pala ang goal mo sa buhay—”
“Excuse me! Ang baba talaga ng tingin mo sa akin. Hindi ako ganyang klaseng babae—”
“Kasasabi mo lang. Willing kang makipag-s*x sa kapatid ko—”
“It is a comparison statement. Sana mas pinansin mo iyong emphasis na kung s*x experience din lang, hindi ko gugustuhing sa ’yo ko iyon makuha. It can be with anybody else but not you—”
“Why the hell are we talking about s*x here?” Tila nauubos na ang pasensiya nito sa kanya.
“Aba, malay ko sa ’yo. Ikaw ang nagsimula niyan.”
Kumunot ang noo nito dahil alam nitong tama siya. “You know what? Can you just do your work and stop bothering me?”
“I am doing my work,” giit niya. “Maliban sa ’yo at sa security personnel, sino pa ang may access sa CCTV security? Any person possible na makita ang galaw mo rito sa loob?”
“My cousin Jasper Chii, the Vice President for Operations of SCK Malls,” tugon nito sabay balik ng mata sa laptop nito.
“How’s your relationship with him? Kumusta siya bilang empleyado mo—”
“Enough!” Inihampas nito sa mesa ang nahagip na folder, na nag-create ng malakas na tunog. “Look, Miss Florendo. I am a billionaire business tycoon from 8 a.m. to 7 p.m every day. Can I just work peacefully? And you, you should try working like a normal executive assistant, right? Your investigative questions can wait. Let’s discuss it at home, okay? Puwede?” iritadong litanya nito. Muli siya nitong sinamaan ng tingin bago nito binalikan ang laptop nito.
“Okay. So, anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?”
“You know what executive assistant do, right? Do it. Ikuha mo ako ng maiinom,” utos nito.
“Coffee? Juice?”
“Fresh milk.”
’Di sinasadyang napangiti siya nang may maalala. Tumanda na si Althed na mahilig pa rin sa fresh milk. Pero agad din niya iyong binawi nang maalala niyang isinusumpa nga pala niya ito at hindi siya dapat natutuwa dito. Tahimik na pumunta siya sa pantry. Binuksan niya ang ref at nakakita ng familiar na brand ng fresh milk na nakalagay sa isang jar. Iyon pa rin ang favorite nitong brand ng fresh milk. Nagsalin siya ng gatas sa baso at kumuha ng saucer sa cup cabinet. Bumalik siya sa mesa ni Althed. Ipinatong niya ang baso sa tabi nito.
“Gatas mo, sir. It is the same brand of fresh milk that you have been drinking for years,” she commented.
Kunot-noong binalingan after years. “Kahit ito alam mo?”
“Yes and a lot more.”
“Like?” he took a sip of his milk sexily.
Oh, such a hunky baby!
Pinalis ni Ainah, ang agiw sa utak niyang tila naaakit sa kaguwapuhan ng lalaking ito. Hindi na gano’n dapat iyon. Malaking torture talaga sa kanya ang trabaho niyang ito. Pero hindi ako dapat maging marupok. Naka-move on na ako!
“Favorite mo ang mais con yelo, palagi kang may mint candy sa bulsa mo noon, iba’t ibang shades ng color blue ang panyo mo, at allergic ka sa talong—”
“Siguro, mahal na mahal mo ako noon ano at alam na alam mo ang mga iyan,” hirit nito.
Biglang kumabog ang puso niya dahil tama naman ito. Her young heart was so in love with him, but she had been proven that love wasn’t that fair at all times. She fell hard and ended being rejected and humiliated, pagkatapos ay kinalimutan lang. She would never go back to that path again. Tinawanan niya ang sinabi nito para pagtakpan ang puso niyang kabog nang kabog.
“Kung may pinagsisisihan man ako sa buhay ko, iyon na iyon,” hirit niya.
“So, I’m right. Isa ka nga sa mga may gusto sa akin na hindi pumasa sa standard ko—”
“Na naging blessing in disguise,” she interrupted. “Salamat nga pala dahil kung hindi mo iyon ginawa, hindi ako magiging kasing-dyosa ko ngayon,” confident na hirit niya.
Tiningnan siya nito na parang amused sa natuklasan. “Kaya ka galit sa akin kasi ni-reject kita. Iyon lang? That’s pathetic!”
Nginitian niya ito. “Yes, my younger self is pathetic. Biruin mo, sa dinami-rami ng puwedeng paglaanan ng feelings, sa ’yo pa. I gave everything that a young girl can give para sa first love pero hindi mo naman nakita, na-appreciate, or kahit maalala man lang ako. Pero alam mo, buti na lang din siguro na hindi mo ako naalala. At least, mas confident akong humarap sa ’yo dahil wala ka namang detalyadong memory tungkol sa akin. And I’m thankful that I grew up stronger and wiser. Insult me all you can. Pathetic, petty, sira-ulo, name it. Hindi na ako tatablan niyan, Sir Althed. Hindi na ako iiyak kahit sigawan mo ako, sabihang mag-shut up ako, o sabihing huwag akong umasa kasi hindi naman ako maganda, hindi tayo bagay, hindi ako pasado sa standard mo. That only girl who had genuine concern to you grew up better because you ignored her. You rejected me.” For the first time, she saw guilt reflecting in his eyes. “Pero . . . huwag kang mag-alala. Wala na talaga akong pakialam sa ’yo. Gagawin ko lang ang trabaho ko.”
Agad nitong binawi ang mga mata at ibinalik sa laptop nito ang paningin. “What makes you think that I feel guilty? Kung sinabi ko iyon noon, I’m sure you deserve it.”
Nginitian niya lang ito pero at the back of her mind, nakikita na niya itong tinutubuan ng sungay. Napakademonyo talaga!
Dismayado talaga siyang tumandang antipatiko itong first love, first rejection niya. Bilang parte ng trabaho niya, nagsagawa siya ng thorough background checking kaya nalaman niya ang mas detalyadong bagay sa buhay ni Althed. Isa pa rin itong heartless na tao. Gloomy ang management nito. He was strict, inconsiderate, at perfectionist. Kaya wala rin itong girlfriend. Maliban sa hindi naman siya sure na epekto ng sumpa niya para dito, mukhang wala talagang babaeng makatatagal dahil sa ugali nito unless tapalan ng pera. Ilang beses na rin kasi itong nagde-date ng babae pero ginagawa lang itong ATM o ’di kaya naman ay lalandiin ito para ma-experience lang ito in bed. No one stayed to love him.
“Deserve mo rin.” She grinned when he lifted his eyes and looked at her with a knotted forehead.
“What?”
“Deserve mo rin ang walang girlfriend, walang nagmamahal at nag-aalagang babae. Wala naman kasing loveable sa ’yo maliban sa mukha mo at pera mo. Eh, sadly, those two will disappear in time.”
“You sound bitter.”
“You sound evil.”
“Whatever.” Tumayo ito at tila naghandang umalis. “Maglilibot tayo sa mall. Follow me.” Basta na lang siya nito nilagpasan. Nang hindi siya agad kumilos ay tinawag siya nito. “Hurry up. Miss Florendo, wala akong empleyadong tatanga-tanga. Huwag kang maging una.”
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Napakuyom siya ng palad sa pagtitimpi habang nagmamadaling sumunod dito.
Paglabas nila ng opisina ay nagtatakang tinapunan sila ng tingin ng secretary nito. Vernice grabbed her notebook and hurriedly came near them. “Sir—”
“Just stay here, Vernice. I don’t need you,” he said in poker face pagkatapos ay naglakad na ito palayo.
Napapangiwi na lang si Ainah. Hindi nakaiwas sa paningin niya ang pagkagulat ni Vernice sa sinabi ni Althed. Vernice even looked at her differently. Mukhang hindi ata talaga siya feel nito.
Hinabol niya si Althed bago pa ito mawala sa paningin niya. For the next two hours they roamed around the mall, went to one office to another, and had a meeting in one of the restaurants inside the mall. Since Althed was busy being a CEO, Ainah also did her job in discreet. She observed every person they meet. Dahil clueless ang pamilya Kaviero kung sino ang may kagagawan ng death threat sa kanila, lahat ng connected sa pamilya ay possible na culprit.
It was already 1 p.m. when they finally went back to the office. Gutom na si Ainah, pero parang wala namang pakialam itong boss niya.
Muli silang hinarang ni Vernice. “Sir, the HR called regarding Miss Florendo’s board and lodging—”
“No need for that. I want her to be with me always. She will be staying at home with me,” tugon ni Althed. Medyo nagulat si Ainah nang biglang kumabog ang puso niya. The way Althed said that sounded sweet. Anong sweet? Aliping bodyguard ka niya, self. Paalala lang.
Napanganga sa pagtataka si Vernice. Kung alam lang sana nito ang totoo. “At your home, sir?”
Tiningnan ito ni Althed in poker face. “You’re not deaf, Vernice. By the way, did you do a reservation on Chembrant Resto at Neryz Ennael Hotel Makati?”
“Yes, sir. Table for two.”
“Good.” Bumaling sa kanya si Althed. “Call the parking valet. I’m dining out,” utos nito sa kanya.
“Noted, sir.” Trying to do her job as an executive assistant, she called the parking receptionist. Pagkatapos ay binalingan niya ito. “Your car is ready in a few.”
“Let’s go.” Nagpatiuna ito papunta sa elevator. Sumunod lang siya.
Habang lulan ng elevator pababa ng lobby, iniisip ni Ainah kung paano siya pupuslit para kumain ng lunch. Pinagsisisihan tuloy niyang hindi niya dinamihan ang kinaing breakfast na inihanda ng nanay ni Cedrick dahil doon siya tumuloy sa bahay nito nang nagdaang gabi.
Pagbaba nila ng lobby, saktong ando’n na rin sa drop off entrance ng building ang sasakyan ni Althed. Walang pakialam na dire-diretsong sumakay ito sa backseat at walang pakundangang pinagsarahan siya ng pinto. Gigil na sa harap na passenger seat na lang siya sumakay.