“KAPAG minamalas ka nga naman!” gigil na hirit ni Ainah. Hawak niya ang documents na naglalaman ng classified information tungkol sa bago niyang kasong iimbestigahan.
Tuluyang ibinigay sa kanya ang kaso ng car bombing and death threats sa pamilya ni Althed. Aside from that, she was in-charge of the family’s security and safety. To be able to pull this off, she would be working with the Code Black this time and she needed to go undercover for couple of months until the case was over.
Kasalukuyan siyang nag-aagahan ng impormasyon. Didiretso na kasi siya sa mansion ng mga Kaviero para simulan ang trabaho niya. Wala siyang choice. Ayaw na sana niyang makita uli si Althed pero tila pinaglalapit talaga sila ng tadhana. Wow, ha. Tadhana talaga, self?
Nang matapos kumain ay nag-ayos na siya ng gamit. Papalabas na siya ng bahay nang tawagin siya ng tita niya.
“Ainah, pahingi ako ng dalawang libo. Kailangan ko na pera,” sabi ni Tita Mely.
Kabibigay ko lang ng limang libo no’ng isang araw, ah. “Ubos na po ba iyong ibinigay ko?”
Pinagtaasan siya ng kilay ng tita niya. “Pinaghahanapan mo ba ako? Aba! Wala kang utang na loob, ah! Hoy, Ainah! Hindi ka magiging pulis kung hindi kita pinag-aral, pinalamon, at dinamitan. Iyong binibigay mo, kulang pa iyan sa ginastos ko sa ’yo mula nang iwan ka ng mga magulang mo!”
Sa computation ko po, bayad na ako. Gusto sana niyang managot pero hindi maaari. Kahit saan pa daanin, totoong may utang na loob siya sa kanyang Tita Mely at Tito Badong. Sila ang kumupkop sa kanya noong mamatay sa isang bus accident ang kanyang mga magulang. Nasa third year high school pa lang siya noon. Malayong kamag-anak ng nanay niya si Tita Mely ito na lamang ang natitira niyang kakilalang kamag-anak kaya wala rin itong naging choice kung ’di ang kupkopin siya.
Sinubukan niyang maging mabuting pamangkin sa mga ito ngunit kahit kailan ay hindi siya itinuring na pamangkin ng mag-asawa. Investment ang naging tingin sa kanya ng mga ito. Pinag-aral noon, magsusustento sa kanila ngayon. Palaging isinusumbat ng mga ito ang nagastos sa kanya gayong sila naman ang kumuha lahat ng ari-arian ng magulang niya maging ang insurance claim na dapat ay sa kanya napunta. She wondered until when she would return the debt of gratitude. Maliban doon ay nananakit din ang kanyang Tito Badong. Huminto lang ito nang maging pulis siya. Mabuti na lamang dahil talagang sinabi niya sa sarili na once na saktan uli siya ng tito niya, siya mismo ang kakaladkad dito hanggang kulungan.
Bumunot si Ainah ng pera sa wallet at iniabot sa tita niya. “Ipadedestino po ako. Baka ilang buwan din po akong mawawala. Magpapadala na lang po ako ng pera sa ATM n’yo.” Though, she was not sure of that matter, she made that as an excuse to leave that house. Ayaw na niya talaga. Living with them was really suffocating. Inuunti-unti na nga niyang ipuslit ang mga gamit niya. Tuwing pupunahin siya kung bakit may malaking bag siyang dala, palagi niyang sinasabi na idedestino siya o may undercover. The truth was, iniiwan na niya ang kanyang mga gamit sa bahay ng katrabahong si Cedrick at dito na rin siya madalas makituloy dahil ayaw na talaga niyang tumira sa bahay ng tita niya.
“Ganyan dapat. Laki-lakihan mo ang padala, ah. Kinukulang ako, eh. Mahina ang kita ng tindahan ng nanay mo.”
Paanong hindi hihina ang kita, puro kayo luho, puro kayo shopping? Nagsusugal pa kayo. Gusto sana niyang isumbat iyong ngunit hindi maaari.
“Aalis na po ako.”
“Iyong tuition ni Marlon, bayaraan mo, ah. Next month na ’yon,” pahabol nito.
Hindi na niya ito inintindi. Agad na siyang lumabas bago pa lumaki ang hinihinging pera ng tita niya. Tuluyan lang siyang nakahinga nang makasakay siya sa luma niyang kotse. “Kaunting tiis na lang, Ainah. Makakawala ka rin sa impiyernong ito. Ang hirap maging mahirap.” Halos wala siyang naiipon dahil sa kabibigay niya ng pera sa tita niya. She took a deep sigh and started driving. “For now, I have to face Althed. Sino kayang gustong pumatay sa kanya?”
She was also curious. Kahit naman mainit ang dugo niya rito, hindi naman niya gugustuhing makita itong nakakahon. She just wanted to witness how he got his lessons learned the hard way. Iyong tipong makatagpo lang sana ito ng babaeng gugustuhin nito pero ito naman ang ipagtatabuyan. She never ever thought of wishing him to be in that great danger. Plus, involved sa threats dito ang mga taong kilala niya in person. That added to her reasons to be extra cautious. Kailangang makagawa siya ng concrete plan para mailigtas ang lahat sa panganib.
Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa Leiren Heights kung saan nakatira ang pamilya Kaviero. Napatitig siya sa gate ng bahay. It brought back the memory of a young Ainah who fell in love with a haughty campus cutie. Naalala niya tuloy ang ilang beses niyang pagdaan sa bahay na iyon para lang maghulog ng love letter para kay Althed. Ilang beses pa nga siyang nahuli ng nanay nito. Ano bang agiw meron ang utak ko noon?
She sighed. Kailangan ko munang kalimutan iyon. For now, I’m just a police investigator. Napangisi siya. Oh, well. Time na rin siguro ito para makita niya na ito na ang babaeng binasted niya. “Strong independent sexy woman.”
Bumaba siya ng kotse at nag-doorbell. Few minutes more, bumukas ang gate at napatulala na lang siya. There in front of her was the magnificent haughty billionaire, looking so hot in plain white shirt and cream-colored sleeping pajamas.
Kung hindi lang talaga saksakan ng sama ang ugali mo, ang sarap magka-crush sa ’yo uli, Althed.
“What are you doing here?” tanong ni Althed.
“Ipinadala ako ng NCIA at Code Black.”
Mataman siyang sinipat nito. “Get in.” He opened the gate wider and turned around. “Follow me.”
She did. Naging abala siya sa pagtitig sa paglalakad nito sa harap niya. She admitted. He was hot like fire. Maganda ang naging hulma ng katawan nitong halatang alaga sa exercise. His face looked more than perfect too. Ugali lang talaga nito ang palyado.
Nakarating sila sa lanai ng bahay kung saan naroon sina Doc Geo at Ma’am Sophia.
“Good morning po,” agad niyang pagbati sa magulang ni Althed.
“Good morning, hija. Have a seat,” nakangiting tugon ni Doc Geo. Nakalatag sa hapag ang pagkain.
“Serve yourself a decent breakfast. We can discuss everything in the middle of a good meal,” sabi ni Ma’am Sophia.
“Salamat po, pero nakapag-breakfast na po ako. You may continue your meal while I’m discussing the plan.”
“I don’t get what’s happening. Magbibigay ka lang naman ng progress report, right? If and if, may naging progress sa investigation n’yo.” Althed sat beside her. Awtomatikong nasamyo niya ang fresh scent nito. Mukhang kalalabas lang nito sa shower. Hindi alam ni Ainah kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Focus on your job, Ainah. Palihim niyang pinakiramdaman ang paligid.
Napatigin siya sa mag-asawa. “Ah, anak, from now on hahawakan na ng NCIA at Code Black ang bombing and death threat case and Ainah will take charge of your security and safety. Lahat ng may kinalaman sa kaligtasan mo at ng pamilya natin, si Ainah ang masusunod. Please cooperate, Althed.” deklara ni Doc Geo.
“Wait, what? Ipagkakatiwala ninyo ang buhay ko sa babaeng ito?” ’di makapaniwalang hirit ni Althed.
Mukhang hindi ipinaalam ng mga magulang nito ang pag-uusap na naganap the night before. Nagkaroon sila ng late night meeting ng mga magulang nito kasama ang ninong nitong nagkataong superior niya. Ayon kay PGEN Eldwick Almendral, mas magiging kampante daw sila kung si Ainah ang hahawak sa kaso at poprotekta dito. His parents even offered additional salary just for her to do the extra job aside from the investigation. Wala namang problema sa kanya na pagsabayin ang investigation at pagiging bodyguard nito. Mas mapapadali nga ang pag-imbestiga niya kung may access siya sa buhay ni Althed. Ngunit mukhang ito ang mismong may ayaw sa idea.
“May problema ka ba, Sir Althed, sa babaeng bodyguard?” tanong niya.
“Tell me. How can a woman as thin as you, can even save me from death? Let’s say you have that good police skills, but how can I be sure? Baka nga ikaw pa ang unang papatay sa akin dahil diyan sa galit mo sa aking hindi ko naman alam kung anong pinag-ugatan.”
Gusto sanang magtaas ng kilay ni Ainah ngunit nakakahiya sa mga magulang nito kaya sa halip na patulan ang pang-iinsulto nito, iniabot na lang niya dito ang isang folder.
“May deployment order ako mula sa Code Black at recommendation from your ninong and from NCIA head. Nasa files ang lahat ng qualifications ko. This is not also my choice but I have to do my job.” Nginitian lang niya ito kahit nakasimangot ito. “Kung inaalala mo naman ang past natin—na hindi mo naman maalala— don’t worry. Moved on na ako. Guwapo ka pa rin pero hindi na ako marupok.”
She heard his parents chuckled.
He rolled his eyes. “I don’t trust you.”
“Okay lang. Pinagkakatiwalaan ako ng magulang mo at ng awtoridad. That’s enough for me. Magulang mo naman ang magsusuweldo sa akin at hindi ikaw. ’Di ba po, doc?” baling niya sa tatay nitong pangiti-ngiti.
“Ah, yes. Naka-ready na nga pala iyong employment contract. Pirmahan mo na lang mamaya, anak.”
“Thank you po.” Binalingan niya si Althed. She caught him gazing at her in poker face. Nagpatalon iyon ng puso niya. Bakit ako ganito? Akala ko ba hindi na ako marupok? “S-Shall we proceed, sir?”
“As if I have a choice?”
She took it as yes. “To begin, kailangan ko pong mag-undercover bilang simpleng empleyado lang ni Sir Althed. Hindi puwedeng malaman ng mga taong nasa paligid ninyo na isa akong pulis investigator ng NCIA at Code Black. Hindi natin mahuhuli ang mga taong may gawa nito sa inyo if they know kung sino ang nag-iimbestiga. Kaya, kailangang maging legit ang pagpasok ko sa eksena ng buhay mo, Sir Althed. In that way, no one would think that I’m the police investigator working under the table.” Ibinigay niya ang fake niyang resume na may recommendation letter mula sa kapatid nito. “Ian Sol knew about this. Ipalalabas natin kailangan mo ng executive assistant and I’ll be applying for the position and then you will hire me. Dadaan ako sa regular process of employment so that no one will find it suspicious.”
“But, I already have a secretary who also do EA tasks.”
“Apparently, your secretary may also be a suspect. Every employee who is up close to you 24/7 may be a suspect,” paliwanag niya.
“May point siya, anak,” sabad ni Ma’am Sophia.
“Fine.”
Tinawagan ni Althed ang HR head ng Kaviero Group and told her to find an EA for him. Tinawagan din nito ang kapatid para ipa-email ang fake resume niya sa HR head once the job hiring had been posted to make it look authentic.
“It’s done. Hintayin mo na lang ang tawag ng HR,” sabi ni Althed.
Tumango siya. “Good. Next, we need to talk about the people coming in and out of your home especially those who live here. Wala tayong problema kay Manang Lisa. She had been working here for fifteen years. Baka nga natatandaan pa niya ako.” Ang tinutukoy niya ay ang yaya nina Althed at Ian noon na siyang head ng mga kasambahay ngayon. “Iyong tatlo pang kasambahay ninyo na tatlong taon pa lang sa mansion, medyo alanganin pa ako sa kanila. I need to investigate them more. Kaya kahit dito sa bahay, walang makaaalam ng tunay na identity ko.”
“So, that’s the reason why mom threw the bodyguards and the servers to Ian Sol’s house,” sabi ni Althed. Nasa katabing bahay lang naman ang mga ito.
“Yes. And speaking of your bodyguards, you have to fire them all.”
Napanganga ito sa sinabi niya. “What?”
“The Code Black will provide much reliable personnel to do the job. Iyong limang bodyguards mo, kaya kong patumbahin ang mga iyon nang walang ka-effort effort. They were investigated and they have relatively low skills when it comes to saving lives. Security guards sila not skilled bodyguards.”
Napapalatak ito. “Mayabang ka. Ikaw? Kaya mo silang patumbahin? Come on!” hindi makapaniwalang buska nito. “Miss Florendo, hindi ako nakukuha sa yabang. I need proofs.”
“Ainah has an excellent skill in martial arts, anak,” sabad ni Doc Geo. “Not to mention her firing and combat skills are also exceptional. Hindi pa ba proofs ’to, anak?”
Umiling si Althed. “No. Prove it.”
Akala ata ng isang ito, papalag siya. “Proof ba? Sige. Tingnan natin ang galing ng mga tauhan mo.” Binalingan niya ang magulang nito. “Dito lang po kayo, doc at ma’am.”
“Sure. Go ahead. We’ll just be watching here,” sabi naman ni Ma’am Sophia.
Tumayo siya at hinila ang isang upuan at dinala sa garden. “Pumarito ka, Sir Althed.”
“Inuutusan mo ako?” he asked. Prente pa itong umupo at humalukipkip as if masisindak siya nito. He seemed to be so annoyed with her presence. Lalo lang tuloy siyang natutuwang inisin pa ito.
“Ang sabi ng magulang mo kapag tungkol sa security and safety mo, ako ang masusunod. This is for this purpose kaya yes, inuutasan kita.” Payback time, Althed!
Umiiling-iling ito na tumayo at lumapit sa kanya. “Then what?”
“Sit here.” Pinaupo niya ito sa silya. At pumuwesto naman siya sa harap nito. Naka-ready na ang posas sa isang kamay niya na itinago niya sa kanyang likod. She moved closer and whispered to his right ear sexily just to annoy him more. “Call your security.” Maagap niyang hinagip patalikod dito ang dalawa nitong kamay at pinosasan ito. She immediately moved away and tied up her hair.
“What the hell are you doing?!” he shouted.
Ngumisi lang siya at nagsuot ng black face mask para hindi siya makilala ng mga bodyguards nito. “Go ahead. Tell your security that you are being abducted . . .” she moved closer him and gazed at his handsome face, “by a sinfully gorgeous and sexy woman.” Muntik na siyang mapatawa nang sumimangot ito sa sinabi niya.