Irah Marie’s POV “Irah, ako na d’yan!” nagulat ako sabay lingon sa malakas na boses ni Nanay Delia mula sa likod ko. Tumigil ako sa ginagawang pagwawalis dito sa may entrance ng mansyon para harapin ang mayordoma. “Nay Delia, kaya ko na po ito,” sambit ko sabay ngiti sa matanda. “Wala pa naman akong ginagawa sa kwarto. Tsaka excercise ko na rin po.” Magalang na sabi ko. Totoo naman na na-boring na ako sa kwarto, kaka-emote na rin dahil kapag mag-isa ako at walang ginagawa ay marami akong naaalala, at isa na roon si Noah. Sa mga taong nakaka-alam dito sa mansyon na iniuwi ako ni Rome dahil nabuntis ako ay okay lang na makita akong hindi parang katulong dito. Pero ang iba, na kagaya ng mga drivers ay hindi naman alam kung sino talaga ako, lalo na at sa maid’s quarter ako pinapatulog. Kaya