Irah Marie’s POV Napako na ako sa kinatatayuan sa pagtatama ng mata namin ni Rome. Bakit ito narito? Hindi ko alam kung bakit nagulo ang sistema sa simpleng titig na ‘yun. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kaba ng dibdib. Nanatiling nakalahad ang kamay ko kay Vincenzo na nawala ang kaninang atensyon ko sa lalaki na dapat kakausapin ko. Hindi ko na kinaya ang titig ni Rome at agad binaling sa ibang direksyon ang paningin. Ngayon ay napansin ko na bahagyang napapalingon sa gawi namin ang ibang kumakain sa restaurant. Kaunti lang naman ang tao dahil pasado alas dos na ng hapon. Bigla tuloy ako nahiya dahil tila naging sentro ako ng atensyon. Ito naman kasing si Romnick Guillermo ay akala na nabili ang buong restaurant at ang lakas ng tawag sa akin. Mukhang na-skip nito ang good moral