Irah Marie’s POV My God! Hahalikan niya ba uli ako kagaya nang unang beses na ginawa niya sa akin sa gilid ng kalsada sa nightclub. Nakaawang ang labi ko at para na akong tuod na nakatayo habang pigil ang hininga sa mga susunod na mangyayari. Bigla ko naman naalala ang nangyari kani-kanina lang. Ang mga panghahamak nito sa akin. Pati na ang mga binitawan nitong salita. No! Matapos akong away-awayin kanina ay manghahalik na lang ng basta basta. Lakas loob kong tinulak ang dibdib ni Rome, humakbang ako palayo at pinilit na kumawala mula sa paghapit nito sa maliit kong beywang. “Rome,” anas ko. Labis na gulat ang nabakas ko sa gwapong mukha ni Rome. Mas lalo akong kinabahan sa tingin nito, na nakikita ko ang frustration sa mata nito. Nabitin ba siya? Pero saglit lang ay nakabawi ito sa