Irah Marie’s POV “Irah, maghunos dili ka!” pagalit na wika ni Richel. Natauhan ako sa sinabi ko. Tila may demonyo na sumanib sa katawan ko kung bakit ko nasabi ang bagay na iyon. Napakalaking kasalanan ang pagkitil ng buhay. Kahit dugo pa lang ang nasa sinapupunan ay hindi ko kakayanin na pumatay. Ang sama ko! Bakit lumabas sa bibig ko ang gano’ng salita. Ikahihiya ng magulang ko kung naririnig nila ako. Pinalaki kaming mabuting tao ng mga magulang ko. Hindi dahilan ang kahirapan para gumawa ng masamang bagay kahit wala ng pagpipilian. “No! Sorry. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Hindi ako ito! Sorry, Richel sa nasabi ko. Sorry. Pero paano na ako ngayon na hindi ko ginusto ito?” Yumakap na ako kay Richel na agad akong hinimas sa likod. Tuloy-tuloy ang daloy ng luha ko. “Paano ako m