Chapter 4

1782 Words
Irah Marie’s POV Napahawak ako sa dibdib ko. Parang mahihimatay yata ako sa narinig mula kay Ma’am Glodie. “Ma’am?” sambit ko matapos ituro ang sarili ko. Parang may dumaan na anghel at natahimik ang iba ng ilang saglit. Matapos ay narinig ko ang boses ni Elghin, may sinabi ito pero hindi ko na rin naintindihan pa dahil nasa isip ko ang sinabi ng assistant manager namin. Nilingon ko muna si Elghin na nakatingin pala sa akin. Bigla na lang ako nitong inirapan. Na-bad trip siguro dahil isa ito sa kilig na kilig doon sa customer na pogi raw... tapos ay hindi naman pala matutuloy ang romansahan nila. “Oo Irah, ikaw pala ang gusto ni Mr. Guillermo,” muli itong tumingin sa cellphone. “Gosh!” “Ang swerte naman ni Irah!” Naririnig kong bulungan sa paligid ko. Marami pa akong nauliningan pero hindi ko na lang pinansin hanggang sa magtama ang mata namin ni Ma’am Glodie. “Irah, huwag mong ipahiya si Boss,” maliwanag na narinig ko kay Ma’am Glodie, matapos ay binalik nito ang tingin sa akin at sumeryoso. Nanatili lang ako nakatingin sa kanya habang muling napahawak sa dibdib para pigilan ang malakas na t***k ng puso ko, pero wala akong nagawa, mas lalo pang tumindi ang t***k ng puso ko kasabay nang panginginig ng tuhod ko ay tila gusto kong mahimatay. Mahimatay dahil ayaw pa i-proseso ng utak ko na tuluyan ko nang ibebenta ang sarili ko. Kahit parang kanina lang ay naiiyak na ako dahil hindi ako ang napili. “Girls, magsilabas na kayo at baka hinahanap na kayo ng mga ka-table niyo!” Nagsi-sunod naman ang mga katrabaho ko sa utos ni Ma’am Glodie. Mahihinang bulungan mula sa kanila pa rin ang maririnig. Mahinang tapik mula kay Richel ang naramdaman ko. “Congrats, bes!” wika nito sa may punong tenga ko habang nasa likuran ko, kinilabutan ako sa sinabi nito at tila ngayon tuluyan na nag-sink in sa akin ang nagaganap. Lumabas na ang mga kababaihan at tanging kami na lang ni Ma’am Glodie ang natira loob ng silid. “Irah,” Lumamlam ang mata ng assistant manager ko. Bumuntong hininga muna si Ma’am Glodie bago muling nagpatuloy. “Nalulungkot ako dahil sa nangyari sa kapatid mo at isasama ko siya sa dasal ko na sana ay bumuti na ang lagay niya. Alam kong hindi mo gusto ang gagawin mo, pero malaking tulong ang pera na makukuha mo para sa kapatid mo... sa pamilya mo." Ramdam ko ang sinseridad sa tinuran ni Ma'am Glodie. Masungit ito sa akin madalas pero iba ngayon. Nagulat pa ako ng naglabas ito ng sobre, lumapit at binigay sa akin. Labis na pasasalamat ko at mabubuti ang loob ng mga kasamahan ko. "May isang linggo ka pa Irah para maghanda para kay Mr. Guillermo. Huwag ka munang pumasok bukas. Kung pwede ay magpaalam ka muna rin sa restaurant na pinapasukan mo. Kagaya ng sinabi ko kay Elghin, maraming physical test na gagawin, at siyempre magpa salon ka na rin at spa. Maganda ka na Irah, pero malay mo bigyan ka ng bonus kapag mas naakit siya sa'yo, kailangan maging kaakit-akit ka lalo sa paningin niya." Marami pang sinabi si Ma’am Glodie tungkol sa mga bagay na dapat kong gawin. Matapos ang mga instruction ay lumabas na ako ng kwarto nito. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong sumandal sa dingding. Nanlalambot ang tuhod, dahan dahan na naupo. Nanghihina ako. “Nay, Tay.” Mahinang usual ko. Mas bumigat pa lalo ang dibdib ko na tila hindi ako makahinga. “Patawarin niyo ako, kung ito ang naisip kong paraan.” Muli akong nagtrabaho. Halos, wala ako sa concentration habang nagse-serve ng mga order ng customers. Maliban sa may isang manyakis na costumer na lasing, na nagtangka na mambastos, ay may nambulyaw pa sa akin dahil hindi sinasadya kong natapon ang isang bote ng beer sa hita nito. Hindi ko concern na natapunan ko ang customer ng alak, bagkus ay kung may mababasag na naman ako na pwedeng ikaltas sa karampot kong sahod. At laking pasalamat ko ay walang kasangkapan na nadamay dulot ng pagiging lutang ko. Matapos ang ilang oras na trabaho ay umuwi ako ng bahay, pagod ang katawan at isipan ay hindi na ako nakakain pa. Ni ang maghilamos ay hindi ko na nagawa. Pagdating kasi ng kinabukasan ay dadalawin ko pa si Noah, iaabot ko na rin ang mga naipon na pera mula sa donasyon ng mga katrabaho ko. Laking tulong talaga at nadagdagan pa mula sa sobre na inabot sa akin ni Ma’am Glodie na naglalaman ng three thousand pesos. - - - "KAMUSTA po si Noah, Doctora?" Malungkot na tanong ko pagkapasok pa lang ng Doctor sa silid ni Noah. Kararating ko lang at bumisita sa ospital. Nagpaalam naman na ako sa restaurant na pinapasukan ko. Ngayon kasi ay magpapa-laboratory test ako. Mamaya naman ay magpapa-spa, lahat naman ng gastos ay sagot raw ni Mr. Guillermo. "Tatapatin na kita Ms. Villanueva," seryosong turan ni Doctora. "Sa ngayon ay wala pang fifty percent ang chance na mabuhay ang kapatid mo.” Nanlumo ako, "No!" Tinignan ko naman saglit si Clara na nakaupo sa tabi ng kama ni Noah, biglang nagluha ang mata nito sa narinig. "Kaya nga sa mas lalong madaling panahon ay mas maganda na mailipat s'ya sa ibang ospital na mas advance ang equipments." Lumingon muna si Doctora sa kaawa-awang bata matapos ay muling lumingon sa akin at tinapik ako sa balikat. "D-Doctora, kakapit po ako sa natitirang porsyento na chance, alam ko po ay may-awa ang Diyos." Pinigilan ko na tumulo ang luha ko na nagbabadya "Magkano pa po kaya ang aabutin ng gastusin?" maya-maya ay tanong ko. "Hija, alam kong hirap kayo, pero sa tingin ko ay hindi bababa ng two hundred thousand ang kailangan niyo. Huwag kayong mag-alala pwede naman kayo lumapit sa mga social services, makakatulong ‘yun." Nanlumo ako sa laki ng gagastusin, kulang pa rin ang isang gabi kong serbisyo para kay Sir Rome, at ang masaklap ay sa next week pa magaganap 'yun. Matapos ang ilang sandali na usapan ay nagpasya ako na umalis na ng ospital. Mahalaga ang bawat oras para magdelihensya. Nagbilin at nag iwan ako kay Clara ng pera mula sa donasyon ng mga ka-trabaho ko. "Ate, saan galing ang pera?” tanong ni Clara habang nakaharap sa akin. Hindi ako sumagot, nangugusap ang mga mata nito na tila may gustong ipahiwatig, nararamdaman ba nito sa gagawa na ako ng bagay na ayaw kong gawin? Sandaling katahimikan ang namayani sa amin, matapos ay narinig ko na lang ang malalim na buntong hininga ni Clara. "Ayoko na dumating sa punto na gumawa ka ng bagay na labag sa loob mo Ate... ayoko na kumapit ka sa patalim," maya-maya ay banggit ni Clara. Ngumiti ako ng mapait. Kung alam niya lang. “Clara, alam mo na hindi ko kayang isuko si Noah, pinangako ko ‘yan sa puntod ng mga magulang natin. Ilalaban ko si Noah, o kahit sino sa inyo na kapatid. M-mahal na mahal ko kayo, kahit—” “A-ate!” bigla akong niyakap ni Clara kasabay ng masagana nitong luha. MATAPOS ang madamdamin na usapan sa ospital ay balak kong dumerecho na sa isang diagnostic center para magpa x-ray at blood test. Nag-aabang na ako ng jeep na masasakyan nang maramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone sa loob ng bag ko. Text mula kay Ma'am Glodie na nagsasabing magpunta ako ngayon din sa night club. Gusto ko sana na sabihin sa assistant manager na mag-usap na lang kami sa cellphone para hindi na rin ako mag-aksaya ng pamasahe. Pero baka naman biglang magsungit na naman si Ma'am Glodie. Lalo na at makikiusap ako na i-advance na ang ibabayad sa akin para sa next week. Hindi ko naman tatakbuhan ang responsibilidad ko kay Mr. Rome Guillermo. Nagmamadali akong pumunta sa night bar. "Irah, maaga pa para pumasok, ha?" Nakangisi na bati pa sa akin ng guard na hinagod ako ng tingin. "Tsk," irap ko dito. Minsan na kasi akong nabastos nito, tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko. Nagsumbong naman ako kay Ma’am Glodie, pero hindi naman nito gumawa ng aksyon. Sa bar naman daw ako nagtatrabaho at normal lang ang mabastos. At hindi lang naman ako ang nabastos ng guard na 'yun. Hindi ko naman kinaya ang rason ng assistant manager namin, nakaka-turn off na narinig ko 'yun sa kapwa ko babae. Lahat ng kababaihan naman ay may karapatan na magreklamo against any kind of abuse. Hindi basehan ang trabaho ng isang babae para kayan-kayanin o bastusin ng kahit na sino man. "Michael," tawag ko sa bartender na nasa counter. Nag-inventory ito ng mga nakadisplay na alak. "Irah!" gulat na banggit ni Michael, matapos ay ngumiti ng matamis, nagpapa-cute na naman. "Si Ma'am Glodie?" tipid na tanong ko habang lumilinga sa paligid. "Nasa office niya—" "Salamat." Hindi ko na pinatapos pa si Michael, ayoko kasi magbigay ng atensyon talaga kahit kaninong lalaki na katrabaho ko. Takot din ako na umabot sa point na magtangka itong manligaw sa akin. Mahinang katok muna ang ginawa ko matapos ay binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang assistant manager na may kausap sa cellphone. Agad itong sumenyas sa akin na maupo, kaya agad ako na lumapit sa may table nito at marahan na umupo sa katapat na upuan. "Copy, Mr. Guillermo. Bye." narinig ko na banggit nito matapos magpaalam sa kausap at binaba ang cellphone. Bigla naman akong kinabahan ng marinig ang pangalan ng lalaki na nakatakda kong pag-alayan ng p********e ko. Malamang ay pinag uusapan nila ay tungkol sa akin. "Irah," agad na sabi ni Mam Glodie. "Ma'am." "Hindi mo na kailang ng mga test.” Kumunot ang noo ko sa sina bi ni Ma’am Glodie. “Gusto ni Mr. Guillermo na makasama ka na bukas, bukas mo na rin makukuha ang ibabayad sa’yo. Napa-awang ang labi ko. Hindi ko na pala kailangan na magmaka-awa na i-advance ang bayad, ang bilis sagutin ng prayers ko. “H-ha? P-paano po yung mga test na kailangan?” “Sinabi ko naman na never ka pang nakipag-table, na bago ka lang dito at first time mo na magtrabaho sa ganitong club.” May mga sinabi pa si Ma’am Glodie, matapos ay may kinuha ito sa drawer niya at inabot sa kamay ko. “A-ano po ito?” “Number one rule, bawal mabuntis. Kailangan mo ‘yang i-take within seventy-two hours matapos may mangyari sa inyo ni Mr. Guillermo para hindi mabuntis. Ayaw niya ng protection kaya inumin mo ‘yan.” Nanginig ang kamay ko habang nakatitig sa gamot na nasa palad. “This is it! Goodbye, virginity…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD