Chapter 5

2001 Words
Irah Marie’s POV “Good morning, madam. How may I help you?” Nakangiti na bungad sa akin ng receptionist ng isang sikat na salon. “Pinapunta po ako ni Miss Glodie dito.” “Miss Villanueva, right?” Tumango lang ako. Nakaramdam pa ako ng intimidation. Ang sosyal ng salon na ito para sa katulad kong mahirap at simpleng tao. Hindi ko nga expected na makakatuntong ako sa ganitong klase ng lugar na alam kong mayayaman lang ang nakaka-afford. Parang gusto ko tuloy mag-back out na. Agad akong inasikaso ng mga salon staff. Binigyan nila ako ng brochure at pinapili ng services na gusto ko. “Kayo na po ang bahala.” Tipid na sabi ko na lang at hindi naman ako pamilyar sa kung ano man ang gagawin nila sa akin. “Okay po, ma’am.” Ilang sandali lang ay dinala ako sa isang kwarto at pinahiga sa kama, doon ay kung ano-ano na ang ipinahid na sa katawan ko, ako naman ay naging tahimik lang at na-iimagine ko na ang mangyayari bukas. Matagal din pala ang magpaganda dahil inabot pa ng ilang oras bago matapos ang beauty session. Kahit ako ay nagustuhan ang lambot ng balat ko. Pinaghintay muna ako sa may lobby dahil may lotion na ibibigay sa akin as freebies. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mukha ko sa isipin na bukas lang ay mahahawakan ni Mr. Guillermo ang katawan ko. Kakaiba pala ang lalaki na iyon mag-alaga ng mga callgirls niya, may libre pang beauty salon. Nagtataka lang ako na nagbago ang isip nito na ipa-test pa ako, o nagmamadali na ito dahil gusto na makatikim? Mas lalo nag-init ang mukha ko sa naisip, lalo na at hindi naman nahawakan ng ex ko ang maselang parte ng katawan ko at french kiss lang ang pinaka-intimate na nangyari sa pagitan namin. Bigla naman na nagbaliktanaw ang isip ko sa pogi na customer sa night club na nagnakaw ng halik sa akin, dahilan para mapahawak ako sa labi ko. “Mam, okay lang po kayo?” Bigla naman ako nagbalik sa ulirat at napatingin sa staff. “H-ha?” “Namumula po kasi kayo.” “W-wala ito.” Nahihiya na lang ako na napayuko at tinanggal ang daliri sa labi ko. Ilang sandali lang ako naghintay at binigay agad ng staff ang mga lotion. Hindi na ako nagtagal at umalis na rin ng walang binayaran dahil si Ma’am Glodie na ang nagbayad kahapon pa raw. Imbes na dumerecho sa bahay para makapagpahinga ay mas pinili ko na magpunta sa puntod ng mga magulang ko. Dalawang sakay lang naman mula sa salon na pinuntahan ko. Pagkarating ng sementeryo ay maingat kong nilinisan ang puntod ng mga magulang ko. Kapag may matindi akong pinagdadaanan ay dito talaga ako naglalabas ng mga hinaing ko. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng halos isang oras ko na pananatili sa puntod ng mga magulang ko. Napagpasyahan ko na tumayo na at magpaalam sa puntod ni Nanay ay Tatay, matapos ay hinanap ang cellphone sa bag. Nagsimula na akong maglakad habang nagbabasa ng ng mga messages ko, bukod sa mga kaibigan ko na nangungumusta at update ng kapatid ko tungkol kay Noah ay wala naman emergency na miscall o text. “Ahhh!” napatili naman ako nang may mabangga habang papaliko sa isang kanto ng mga nitso, ilang metro papalabas ng sementeryo. Kasalanan ko dahil naka-focus ako sa cellphone. Bukas pala ang bag ko at nagkalat ang mga gamit ko sa lupa. Nagmamadali kong pinulot isa-isa. “Miss, sorry,” napalingon ako at agad kinabahan ng makita ang lalaki na nakabunggo sa akin. Sepulturero siguro ito dito sa sementeryo at may hawak pa na pala. Hindi naman sa pagiging judgemental, hawig pa ito sa isa sa mga goons doon sa lugar namin na madalas napapaaway. Minadali ko ang pagpulot sa mga gamit ko at hindi ko na alam kung napulot ko ba lahat ng nalaglag. Agad akong tumayo at lakad takbo ang ginawa ko papalayo sa lalaki. "Miss ganda, sandali!" sigaw ng mama na nabunggo ko. Agad naman ako kinabahan na baka hinahabol ako nito. Lumingon ako saglit at mabuti ay hindi naman ito nakasunod na sa akin. Pero mukhang may tinuturo ito sa lupa ngunit hindi ko na ito inintindi dahil malayo na ako dito at nakarating na ako sa bukana ng gate. "Whew!" nakahinga ako ng maluwag sabay punas ng palad sa noo ko na may butil butil ng pawis, matapos ay sinarado na ang bag at nagpunta na sa sakayan ng jeep. Nang makauwi ng bahay ay sandali akong nagpahinga. Tumawag na rin ako sa mga kapatid na nagbabantay sa ospital at kinumusta ang kalagayan ni Noah. Nakapanlalata lang na ganoon pa rin ang sitwasyon ng kapatid ko at wala raw bakas ng improvements sa kalagayan nito. Ilang sandali lang ay tinapos ko na rin ang tawag sa kapatid ko. "Kapit lang, Noah. Pagkapos ng serbisyo ko kay Mr Rome ay ipapalipat kita sa ibang ospital." Kinagabihan naman ay dumating si Janna mula sa school kasama si Luna. Naabutan pa ako nito sa loob ng kwarto na nagpapahid ng mga mamahalin na lotion sa katawan bilang paghahanda ko para bukas. "A-ate?" takang tawag nito sa akin na sa hula ko ay nagtataka sa kinikilos ko. Hindi ako kumibo. Lumabas na rin naman si Janna sa kwarto matapos ilapag ang bag nito at naiwan kami ni Luna dito sa kwarto. Ako naman ay mabilisan na tinapos ang beauty preparations ko at sinundan si Jana sa labas. Natatakot ako na gaya ni Clara ay naiisip na nito na may gagawin ako na di kaaya-aya. Janna is sixteen years old at may isip na rin naman ito. "Ate, maghinto na lang kaya ako sa pag-aaral? Kapag nakalabas na ng ospital si Noah, tutulong ako sa gastusin, huwag ka lang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo.” “Ano bang iniisip mo Janna?” kunot noo na tanong ko, bahagya akong nagtaas ng boses. “Huwag mong sayangin ang ilang taon na sakripisyo ko para mapag-aral kayo.” “Ate kasi sabi ni Ate Clara, nagdedelihensya ka raw... natatakot ako na gagawa ka ng masama o kaya ang ginagawa ng mga kasamahan mo sa club, para lang mapagamot si Noah.” “Makinig ka. Janna.” Bigla akong lumapit sa kapatid ko at hinawakan ko ito sa magkabilang pisngi. Tumulo na ang luha nito. “Hindi ako gagawa ng masamang bagay. Please lang huwag na huwag niyong sasabihin na maghihinto kayo, dahil ang laki na ng sakripisyo ko maitawid lang ang pag-aaral niyo. Kahit anong paraan ay gagawin ko, para magkaroon kayo ng bagay na wala ako, ang diploma. Malaking bagay iyon para hindi bumaba ang tingin niyo sa sarili niyo. Hindi ba sinabi ni Nanay, bago siya mamatay? Pangarap niya na makita tayo na umakyat sa stage, taas noo, pwede niyo ipagmalaki kahit kanino, na nakatapos kayo.” Mas lalong naiyak si Janna sa sinabi ko at agad itong yumakap sa akin. Ako naman ay hinimas lang ang buhok nito. Hinayaan ko lang si Janna na umiyak, dahil sabi nga nila nakakagaling ng sama ng loob ang pagluha. “Ate, bakit kasi ikaw lang ang kumikilos, sila Ate Mia at Kuya Joshua, wala na ba sila na magawang paraan!?” “Gustuhin man nilang tumulong, wala silang kakayahan, Janna. Alam mo naman na parehong kapos sa buhay si Ate at Kuya.” Bumitaw ako ng pagkakayakap sa kapatid ko at pinahid ang luha nito. “May pamilya na sila, huwag kang magtatampo kung hindi sila lubos na makatulong sa atin, iba na ang priority nila. Solid tayong magkakapatid hindi ba?” Tumango lang si Janna, habang kagat ang ibabang labi ay pinahid nito ng tuluyan ang mga luha na nagkalat sa pisngi nito habang sumisinghot. Matapos ay mapait itong ngumiti. “Basta kahit anong mangyari ,Ate... solid tayong magkakapatid.” Lumabas naman si Luna sa kwarto, ngumiti ako dito at sumenyas dito na makiyakap sa amin ni Janna. Patakbo naman itong nakisali sa drama namin ni Janna. - - - “SUITE 1801, mam.” Nakangiti na sabi sa akin ng receptionist ng isa sa pinaka-elegante na five-star hotel sa Pilipinas, ang pagkakaalam ko. “Salamat, miss.” Tipid na sagot ko. Napalunok ako at napahigpit ang kapit sa hawak ko na paperbag na may laman na mocha half-roll cake. Mamayang alas dose ng gabi ay birthday na ng mokong na aangkin sa akin. Ayoko man na gumastos ay nagbabaka sakali ako na matuwa ang customer ko sa birthday gift ko na cake at maisipan na magdagdag ng bayad. Sobrang sosyal ng hotel at may staff pa na sumama sa akin patungo sa room. Pagkapasok pa lang ay napapanganga na ako dahil nagsusumigaw ng karangyaan ang loob ng kwarto na pinasok ko. Naramdaman ko kaagad ang lamig sa balat ko dahil bukas na ang aircon, malamang ay hinanda na ng staff ang kwarto ilang minuto bago ako dumating dito. Binaba ko ang dalang paper bag sa table at hinanap ang remote ng aircon. Pagkapatay ko ay ay sakto naman na nag-vibrate ang cellphone ko at kinuha sa shoulder bag ko, matapos ay inilapag ko naman ang shoulder bag ko sa table bago lumapit sa couch at umupo. Pagkaupo ay doon ko pa napag-sino ang nag-text. Si Ma’am Glodie at nagtatanong kung nadala ko raw ba ang pills na binigay niya, sinabi niya rin na paparating na si Mr. Rome. Luminga ako sa table kung nasaan ang shoulder bag ko, doon ko nilagay ang pills at hindi ko naman tinanggal ‘yun. Nag-reply ako sa boss ko ng 'oo'. Muli akong tumayo ay nilibot ng tingin ang paligid. Meron na malaking TV. Iniisip ko kung manonood ako habang naghihintay para mabawasan ang nerbyos ko. Nanlalamig din kasi ako... na parang nadudumi. Hindi ko na maintindihan ang katawan ko. Dahil ito sa sobrang tense. Mas lalo akong na-tense nang tapunan ng tingin ang isang pinto na sa hula ko ay naroon ang kama. Ilang minuto ang nakalipas nagpasya ako na sumilip na lang sa bintana. Tanaw mula kinatayuan ko ang nagtatayugan na building. Ten pm na at wala pa rin ang customer ko. Mabuti na lang at kumain ako bago umalis ng bahay kanina. Hanggang ngayon ay fresh na fresh pa naman ako pati ang hininga ko, kaya sana ay dumating na ang lalaking iyon para hindi naman nakakahiya at baka mawala na ang freshness ko. “Sh*t!” Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ang pinto na may nag-tatangka na magbukas. Nakagat ko agad ang ibabang labi ko. Ayan na! Ilang segundo lang ay narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan. Napabuga ako ng hangin. Nanatiling nakatingin sa labas ng bintana, habang naririnig ko ang yabag na papalapit sa akin. Ayoko pang lumingon kahit dapat na. Natatakot akong makita ang lalaki na kahit na pinagkakaguluhan ng kasamahan ko dahil gwapo raw. “Did you turn off the aircon?” Napakislot ako nang marinig ang tila pamilyar na baritonong boses, sobrang lapit nito sa akin, pati balahibo ko sa batok ay tumatayo. Tumango ako habang hindi pa rin hinaharap ang lalaki. Ilang sandali ay narinig ko ang yabag nito palayo sa akin, agad akong lumingon dito. Lalo akong kinabahan nang makita ang likuran nito. Ang ganda ng katawan na parang pang-modelo. Naka-polo shirt ito at maong pants. Papunta ito sa remote ng aircon. Muli kong binaling ang tingin sa labas ng bintana matapos ay narinig ko ang pag-on nito sa aircon. Ilang sandai pa ay narinig ko ang paglapit nito sa likod ko at paghawak nito sa magkabila kong balikat na nagdulot ng tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko. “Don’t worry, baby,” sabi ng lalaki, tila pina-sexy pa nito ang pagtawag ng baby. “I’ll make sure to make our night hotter. How many positions do you know?” Biglang akong napanganga sa sinabi nito at mabilis na lumingon sa manyakis kong customer. “I-ikaw?” nasambit ko, kasabay ng gulat ay ang malaking awang ng labi ko ng makilala ang lalaki…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD