Chapter 3

2592 Words
Irah Marie’s POV “He suffered from traumatic brain injury and in a coma state. I’m sorry, Miss Villanueva. Right now, your brother is in deep sleep. I suggest na ilipat niyo sya sa mas malaking ospital ASAP.” Seryosong sabi ng Doctor ni Noah. “D-doc, sabihin niyo po na makakaligtas ang kapatid ko.” Pinipigilan kong maiyak, pero tumulo pa rin ang luha ko. Pagkarating ko pa lang dito sa ospital ay ilang tabo ng luha na yata ang nailuha ko, pero tila hindi mapapagod ang mata ko sa pagiyak hanggang hindi magiging ligtas ang buhay ni Noah. “M-miss Villa—” “Doc… please gumawa kayo ng paraan, please.” putol ko sa sasabihin ng Doktora, hinawakan ko ito sa magkabilang braso, kasabay ng pagluha ko ay binitawan ko ito at dahan-dahan na napaluhod. “Ate! Ate Irah, tama na.” halos sabay na sabi ni Janna at Clara, tinignan ko sila at pati sila ay muli na naman tumulo ang luha. “Miss Villanueva,” malungkot na sabi naman ng doctor, pati nito ay nakikita kong grabe ang simpatya sa akin. “Ipagdasal na lang natin na mabilis gumaling ang kapatid mo.” “Doctora, kailangan po kayo sa E.R,” bigla naman pasok ng isang nurse at agad inaya si Doctora na tumango lang sa nurse, matapos ay lumingon ito sa akin at inalalayan akong tumayo. Pinahid ko na ang mga luha ko. Lumabas na si Doctora na bakas ang awa sa amin na magkakapatid. “Ate Irah,” lumuluha na yumakap sa akin si Luna, ang twelve-year old kong kapatid. “Gagaling pa ba si Noah?” “S-syempre, Luna ” Pinahid ko ang mga luha nito. “Natutulog lang si Noah. Sigurado ako na bukas makalawa, gigising siya. O kaya naman baka mamaya magising na siya.” Kailangan na ipakita ko sa mas nakababata ko na kapatid na matatag ako. Dapat hindi ako umiyak muna dahil sa akin sila kukuha ng lakas. Dapat hindi nila ako makita na pinanghihinaan ng loob. Napalunok ako. Naramdaman ko na naman na magtutubig muli ang mata ko. Bago pa man mangyari ay nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga matapos ay nagpaalam muna ako saglit sa mga kapatid ko at lumabas ng kwarto kung saan naka-confine si Noah. Pagkalabas ko ng kwarto ay naghanap ako ng lugar kung saan kaunti lang ang mga pasyente na nakikita. Mas lalo kasi akong na-stress kapag may nakikita na batang may sakit. Agad kong tinawagan si Ate Mia, ilang ring bago ito sumagot sa akin. Kinabahan pa ako na hindi ako nito kausapin. Kagabi pa nito nalaman ang tungkol sa nangyari sa bunso namin na kapatid, pero hindi na ito nag text at nanghingi man lang ng update kung kamusta na si Noah. “I-irah,” bungad sa akin ng panganay kong kapatid. “Pasensya ka na at hindi ako nakatawag agad.” Doon nagsimulang magsabi si Ate na nag-away pala sila ng asawa niya dahil dagdag problema daw sa pamilya nila ang pagkaka-ospital ni Noah. “Hindi ko na rin alam kung saan mangungutang,” patuloy ni Ate Mia. “Hayaan mo at gagawa ako—” “Ate, huwag na.” putol ko sa sasabihin nito, ayoko nang dumagdag sa problema ng kapatid ko. “Makakagawa rin ako ng paraan.” Ilang sandali pa ay tinapos ko na ang pakikipag-usap kay Ate Mia. Hindi ko naman ito masisi. Gipit rin ito at baka mauwi pa sa seryosong away mag-asawa kapag ini-stress ko siya. “Ate umuwi ka muna ng bahay at magpahinga,” maya-maya ay sabi naman Jana nang makabalik na ako sa kwarto kung saan naka confine si Noah. Ilang oras na rin ang lumipas mula ng makausap ko si Ate Mia, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-isip ng maayos kung saan kukuha ng pampa-opera ng kapatid ko. “Bantayan niyo mabuti si Noah,” kailangan kong umuwi muna. Magpapahinga lang ako, kailangan kong pumasok bukas sa restaurant at club, Clara. Sayang ang isang araw na sasahurin ko.” “Wag kang mag-alala Ate, hindi namin siya iiwan.” Tumayo na ako. Bago ako umalis ng kwarto ay lumapit ako kay Noah at hinawakan ito sa kamay. Yumuko ako at inabot ang noo nito at kinintalan ng halik. “Noah, lalaban ka para sa amin, wag kang susuko ang bunso namin ha. Mahal na mahal ka namin,” marahan kong bulong. Pinigilan kong tumulo ang luha ko para hindi na makita ng mga kapatid ko. Nagmamadali akong lumabas ng ospital. Wala akong dapat sayangin na oras para magpahinga at magkaroon ng lakas para sa pagpasok bukas sa trabaho. Sa ngayon ay pahinga ang kailangan ko. Mag alas siyete ng gabi nang makarating ako ng bahay. Na-badtrip pa ako ng madaanan sa may tindahan sa kanto ang hipag ko na nakikipag-chismisan lang. Malamang ay nag-kwento na ito ng kaganapan sa buhay namin. At kumukuha na naman ito ng simpatya sa mga kapit bahay, dahil iniisip nito na pabigat kami sa kay Kuya. Nakakasawa na makiamot ng tulong sa mga kapatid kong may asawa na. Natural lang din naman dahil hindi kami ang priority. Bakit ba pinanganak kami mula sa mahirap na pamilya, at nang mamatay ang mga magulang ko ay wala kaming mana na nakuha, para man lang sa ganitong sitwasyon ay hindi kami problemado sa pera. Nang pagpasok ko ng bahay ay si Luna ang nadatnan ko at nagbabantay sa anak ni Kuya Joshua. Kung ganoon ay malamang ay iniuwi ito ni Kuya Joshua mula sa ospital dahil dinadalaw nito si Noah bago umuwi dito sa bahay. Saglit lang akong nagpahinga sa kwarto at maya-maya rin ay lumabas na at kumilos para asikasuhin ang kapatid at pamangkin ko. "K-kuya," sambit ko ng biglang dumating si Kuya Joshua habang naghahain ako. "May nahiraman ka ba ng pera pandagdag sa gastusi—" "Irah naman," biglang naputol ang sasabihin ko ng lumabas sa kwarto ang hipag ko, tapos na pala itong makipagchismisan sa kanto, "Pwede ba, pagpahingahin mo muna ang Kuya mo, pagod ang tao para bungaran mo ng problema." Natahimik ako at tumingin kay Kuya Joshua. Naimbyerna ako sa hipag ko pero may point naman ito. Magkaaway pa kami ni Kuya, kahapon nga lang kami nag-usap dahil sa aksidente ni Noah. Napakuyom na lang ako ng palad at masama ang loob na muling pumasok ng kwarto. Ilang saglit lang ay biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko si Richel na tumatawag sa akin. Malamang ay tungkol ito sa text ko, nangungutang kasi ako sa kanya. "Irah, kumusta si Noah?" bungad ni Richel na halata ang pag-aalala. "Masama ang lagay niya, Chel." malungkot na sabi ko, hindi ko na magawang umiyak, dahil pagod na akong umiyak. "Ah-m mapapautang mo ba ako, Richel?" kahit papaano ay tinatablan ako ng hiya na mangutang. "May extra akong ten thousand, Irah. Kung gusto mo ipapahiram ko muna sayo. Tumawag din ako kasi baka gusto mo ngang patusin yung audition para mag-service dun sa gwapo natin customer ni Mam Glodie? Sayang din kasi ang fifty thousand, bes." "Hindi ko rin kasi kaya, Chel." muli kong tanggi. "Sigurado ako may iba pang paraan para magkapera." "O siya, sige." sabi na lang ni Richel sabay buntong hininga. "Sinabi ko lang sayo kasi deadline na today ng picture, kung nagbago ang isip mo ay ipapakausap ko sana na ihabol ang picture mo. Pero kung nakapagdesisyon ka naman na ay wala na akong magagawa, ang sa akin lang ay isang gabi na service yun para sa singkwenta mil, na makakatulong sa'yo." Ilang minuto lang ang tinagal ng usapan namin ng kaibigan ko ay nagpaalam na ako dito. Muli kong inisip ang alok nito. Pero nakapagdesisyon na talaga ako. Hindi ko ibebenta ang puri ko kahit anong mangyari. Never! “ONE TWO THREE, smile!” Puno ng emosyon na sabi ni Richel, habang hawak ang camera nito. Matapos ang isang shot ay tinignan nito ang hawak na camera. “Pucha, nakapikit ka dito, isa pa girl.” muling nitong tinutok ang camera nito sa akin. “Girl, seksihan mo lalo ang pose mo, ibuka mo ng kaunti ang mga hita mo.” “S-sandali lang, Richel, Aiza.” Bigla akong tumayo mula sa pagkakapose sa upuan dito sa locker room ng night bar. “Kailangan ba talaga yung ganyang posing?” “Wag ka na kumontra, Irah.” singit naman ni Aiza. “Alam mo kami, sa totoo lang kahit walang bayad ay papayag kaming magpagamit d’yan kay Papa Rome, pero dahil alam namin na nasa gipit kang sitwasyon at kailangan mo ng pera, iniisip namin na makakatulong, kahit kapalit ng dangal mo. Kaya tiisin mo muna ang pinapagawa namin.” Bigla muli akong napaisip, ako nga pala ang nakiusap kila Richel para makahabol pa sa pagpasa ng picture kay mam Glodie. Matapos ko kasi na itaga sa bato na never akong magbebenta ng katawan ay tumawag sa akin si Clara, at may hinihingi na naman na pera para sa isang test na gagawin kay Noah. Muli akong bumalik sa puwesto at pinilit kong maging kaakit-akit habang kinukuhanan ako ni Richel ng larawan. Matapos ng ilang minuto ay tila nakuntento na si Richel sa posing na ginawa ko. Tinanggal ko na lahat ng naipon na kahihiyan sa katawan ko. Nang pinakita sa akin ni Richel at Aiza ang mga kuha ko ay tila hindi ko maatim na nagposing ako na sobrang daring. “Halatang puyat ka at galing pa sa iyak dito Irah, pero over-all maganda pa rin,” wika naman ni Aiza na tinitingnan ang mga larawan ko sa digital camera nito. Akmang mag-suggest ako ng picture na gusto kong ipa-submit pero tinalikuran na ako ni Aiza at Richel at excited na lumabas ng locker room para ibigay na raw ang picture ko kay Ma’am Glodie. Ako naman ay muling umupo. Ipinikit ko na lang ang mata, nakakapagod ang araw na ito. Pumasok agad sa isip ko si Noah, kung kamusta na kaya ito sa ospital, kung nagising na ito. Sana naman. Ilang sandali pa ng dumami na ang negative thoughts ko ay naisipan kong tumayo na lang at magbihis na ng pang sexy waitress ko na damit. Magtatrabaho na lang ako kesa mag isip ng kung ano-ano. Mabuti na nga lang at pumasok na lang ako ngayong araw. Kanina kasi sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko ay nag-contribution ang mga kasamahan ko para kay Noah. Nakalikom sila ng four thousand five hundred pesos. Kahapon naman ay nag-ambagan rin ang mga kasamahan ko dito sa club at pagka-in ko nga ay inabot nila sa akin kaagad ang pera. Masaya ako na kahit paapaano ay may tumutulong sa panggastos sa ospital. Nagsimula na akong magtrabaho, sa ganoong paraan ay panandalian kong nakalimutan ang bigat ng pasanin ko sa buhay. Katulad ng mga nakakaraan araw ay punuan na naman sa night bar na ito. Palinga-linga ako sa paligid, naalala ko na naman kasi yung gwapong lalaki na ninakawan ako ng halik, kaso sayang rin pala, kagaya ng mga ibang nagpupunta dito, manyakis din si Kuya na pogi. Lumalim na ang gabi, hindi pa rin na maiwasan na may lalaking nambastos sa akin, na lalong nagpapasama ng loob ko while working. Bago tuluyang umuwi at pumasok ng hallway papunta sa locker room ay nakasalubong ko naman si Richel, bahagyang namumungay ang mata nito at halatang nakainom na, pero mukhang nasa katinuan pa naman kausapin. “Bes.” agaw pansin ko sa kaibigan ko. “Kamusta ‘yung pinasa mo na picture kay Mam Glodie.” “Ah, yun ba?” bigla naman sumeryoso si Richel sa akin. “Ahh, a-ano Irah eh. mamaya siguro ipapatawag tayo ni Ma’am Glodie para sa announceme—” “Mga bakla!” agaw pansin na sigaw ni Aiza sa gitna ng maingay na paligid dulot ng sounds mula sa stage. “Punta muna raw tayo saglit sa office ni Madam Glodie. Saglit lang... mga three minutes lang daw, Michael, pakitawag ang iba,” dagdag pa ni Aiza. Iniwan muna namin ng mga ka-trabaho saglit ang trabaho, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong excited na takot at the same time, paano ba naman kasi kung ako ang mapili? “Girls, pinatawag ko kayo para sa announcement kung sino ang napili ni Mr. Guillermo. Narito na ba lahat ng mga nag-audition?” “Yes, Madam!” halos sabay-sabay na banggit ng mga katrabaho ko. Halos lahat yata ay nag audition para dun sa Rome na sinasabi nila. “So ayun nga,” patuloy ni Ma’am Glodie. “Congrats sa napili…” Huminto muna saglit si Ma’am Glopdie at inilibot ang tingin sa amin. Pigil hininga akong nakatingin kay Ma’am Globie kasabay ng malakas na t***k ng puso, tila nasa game show at magkadaop ang palad habang nananalangin na ako ang mapipili. “Elghin.” malakas na announce ni Ma’am Glodie. “Ikaw ang napili ni Sir Romnick. Galingan mo ha.” Kibit balikat ako na tila maiiyak na hindi ako ang napili. Naririnig ko ang pinaghalong panghihinayang sa mga kasamahan ko kasabay ng inggit sa iba pang babae. “Elghin, napakaswerte mo.” “Oo nga, pinagpala ka sa lahat.” “Sana all, may makakas3x na gwapo!” Parang mga bubuyog na nagkakagulo ang mga kasamahan ko. Hindi na ako makapag concentrate, tila tutulo na talaga ang luha ko, labis na panghihhinayang, hindi dahil sa gwapo itong sinasabi nilang customer, kung hindi dahil sa singkwenta mil, na kikitain sana. Sa totoo lang ay kulang ang halagang iyon para sa pagamot kay Noah, pero hindi maikakaila na malaking tulong iyon. “Huwag mong ipahiya ang nightclub na ito ,huh, Elghin, magkaibigan si Boss at si Sir Rome.” patuloy na sabi ni Ma’am Glodie, sila Aiza at Richel naman ay lumapit sa banda ko at hinimas ang likod ko, siguro dahil halaata sa mukha ko ang labis na panghihinayang. “Magpa-drugtest ka na this week, nanghihingi rin si Mr. Guillermo ng HIV test, XRAY, at marami pang test. Next week ka na raw mag-service dahil mag-birthday siya sa makalawa at busy siya.” “Irah, ayos ka lang?” Mahinang bulong ni Richel sa akin. Nanghihina ako na tumango matapos ay kagat labing yumuko para pigilan ang pag-iyak ko. “Noah!” “Pasensya ka na Irah,” napa-angat naman ako ng tingin kay Mam Glodie, “Alam ko na kailangan mo ng pera, pero hindi ikaw ang napili. Pinagdadasal ko ang kaptid mo.” tumango tango na lang ako. “Hayaan mo na Irah, baka may iba pang paraan para gumaling si Noah, baka makautang ka pa sa ibang tao." bulong ni Aiza, doon tuluyan ng tumulo ang luha ko, kasi wala na nga akong kakilalang malalapitan. "Makakaalis na kayo. Back to work girls!" sambit ni Mam Glodie, kasabay ng pagtingin nito sa cellphone nito ay hudyat na tapos na ang meeting. Nagsimula nang magsipagpunta sa pinto ang mga katrabaho ko. Bagsak ang balikat ko na tumalikod papunta rin sa pinto habang nasa gilid ko si Richel. Pasimpleng sumulyap pa ako kay Elghin na abot hanggang tenga ang ngiti. Ang swerte naman nito. Sabagay ay malakas kasi ang s*x appeal nito kaya malamang siya ang pinili. "Girls, sandali!" napalingon naman kaming lahat sa bulalas ni Ma'am Glodie "Nagtext si Mr. Guillermo. Nagbago siya ng isip late daw niya nakita ang ibang pictures." Halos manginig naman ang tuhod ko sa tindi ng kaba. Napalunok ako sa sinabi ng Assistant Manager, ang mga kasamahan ko naman ay parang mga bubuyog na nagsisi-bulong. “Congrats Irah, ikaw na ang gustong ikama ni Sir Romnick Guillermo…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD