Irah Marie’s POV “Irah, gising! Diyos ko! Ano ba ang nangyari sa’yo?” nauuliningan ko na boses ni Nanay Delia. Gising na ang diwa ko pero nahihirapan pa akong imulat ang mata habang naramdaman ko na may tumatapik sa pisngi ko at ginigising ako. Naramdaman ko ang lamig sa balat ko at basang basa pa rin ang katawan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero naalala ko na nahimatay ako sa katawan ni Jestoni. Ramdam ko na buhat buhat pa rin ako ng driver ni Rome at hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Kampante naman ako dahil nga dinig ko ang boses ni Nanay Delia, malamang ay papunta na sa maid’s quarter. Ayoko pang imulat ang mata ko, dahil parang mahihilo lang uli ako. “Uhmm… Jestoni” anas ko na napakapit sa braso nito para hindi ako mahulog sa pagkakabuhat. “Ibaba mo na ak—" “D*mn! I’m