CHAPTER 7
“Dito ka,” yakag niya kay Clint. “May gagawin muna tayo.”
Humiga si Clint sa tabi ni Errol. Ito na nga ‘to. Kailangan ba niyang haluan pa ng ganito? Hindi niya ito napaghahandaan. Wala sa plano. Nalilito na siya. Hindi ito ang Errol na sinusundan niya noon pa man para imbestigahan. Hindi din ito ang Errol na nanuntok sa kanya dahil sa ninakawan niya ito ng halik. Ngunit kung totoo man ang sinasabi niyang escort o karelasyon siya ni Congressman Falcon, sa ganito ito talaga sanay. Kaya siguro ito na unang nagpakita ng motibo at siya na nagnakaw ng halik, ang lumalabas na bagito.
Inaamin naman ni Clint na nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki ngunit wala pa naman talaga siyang karanasan sa pakikipagtalik sa katulad niya ng kasarian. Sa babae parin siya nasanay at kay Avi lang iyon. Bago sa kanya ang lahat. Kinakabahan siya. Nanlalamig. May takot siyang nararamdaman. Hindi kay Errol kundi sa ikinintal ng kanyang ama mula nang bata palang siya na hindi tama yung ganito. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi na niya kailangan pang matakot. Matanda na siya para malaman ang tama at mali. At kung sa tingi ng nakakarami, mali ito, para sa kanya, kailangan niya ding maranasan at maramdaman ang gusto niyang naipagkait sa kanya sa mahabang panahon.
Wala man siyang karanasan sa s*x sa kapwa niya lalaki, may idea naman siya sa kung paano ginagawa dahil nanonood din naman siya sa mga videos ng lalaki sa lalaki. Madalas nga sinasabayan niya sa pamamaraan ng pagsasarili. Hanggang gano’n lang ang karanasan niya. Imahinasyon lang niya ang hindi na birhen. Pero ang katawan niya, virgin pa.
Ngayong nandito na ang matagal niyang pinapantasya hindi naman niya kayang harapin ng buong tapang. Nanginginig parin talaga siya. Nanlalamig kahit pilit niyang pinapakalma ang sarili. Yung takot, nabawasan na kahit kinakabahan pa din siya.
Nilingon niya si Errol.
Hindi si Errol ang gagawa ng first move. Ano naman ang gagawin niya? Hahalikan niya si Clint? Roromansahin na parang babae? Hindi. Kahit pa siya ang unang nagpakita ng motibo ngayon ay hindi niya kayang trumabaho sa kapwa niya lalaki. Siya pa din ang straight sa kanilang dalawa. Kung may bakla sa kanilang dalawa, si Clint iyon kaya nararapat lang na si Clint ang magpapainit sa kanya.
Kung babae lang sana si Clint ay kanina pa ito nakana ni Errol. Huminga siya ng malalim. Ngunit tang-ina, bakit hindi pa ito gumagalaw? Bakit parang walang balak may mangyari sa pagitan nilang dalawa? Tinitigan niya ang kanyang katabi. Bumunot siya ng malalim na hininga. Bakit antagal? May susuko ba o ganito na lang hanggang mag-umaga. Bahala na nga. Ginagap niya ang kamay ni Clint at naramdaman niya ang panlalamig nito.
“Bakit nanlalamig ka at nanginginig?” tanong ni Errol dahil hindi niya mahintay si Clint na mag-first move.
“Kinakabahan ako e,” garalgal ang boses na sagot ni Clint.
“Di ba gusto mo ako?”
“Gusto pero wala pa kasi ako karanasan sa ganito.”
“Ano?” tumawa si Errol, “Paanong… di ba bakla ka?”
“Bakla, siguro, pero alam kong Bi ako kasi kaya ko naman magmahal at makipagsex sa babae.”
“Siguro? May gano’n ba. Basta alam ko bakla ka.”
“Pwede ba huwag mo akong ituring o tawaging bakla?” masakit kay Clint na marinig iyon. Totoong siya nga iyon ngunit hindi niya gustong tinatawag siya na bakla lalo pa’t magkakaanak na din naman sila ni Avi.
“E, di ba hinalikan mo ako? Kabaklaan ‘yon.”
“Hinalikan nga kita pero hanggang halik lang, ikaw nakikipagsex ka, nakikirelasyon sa mayamang mga pulitiko, ibig bang sabihin no’n mas bakla ka pa sa akin.”
“Hindi ah Tang-ina, tingin mo sa akin bakla ako kasi nakikipagsex ako sa kapwa ko lalaki?”
“Hindi nga lang s*x e, nakikipagrelasyon ka pa nga hindi ba?’
“Nakakawalang gana ka naman e,” nairita si Errol. Hindi niya kasi alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili.
“Kaya nga, sinasabi ko, huwag mo akong tawaging bakla kasi nasasaktan din naman ako. Kung tutuusin nga ikaw din ang may idea ne’tong ginagawa natin ngayong ganito?”
“E, anong tawag sa kagaya mo?”
“Kailangan bang lagyan ng label? Sige para sumaya ka, nasa discreet o bisexual ang pagkatao ko. Okey ka na?”
“Pati pala pagiging bakla hindi din pare-pareho?”
Napabuntong-hininga na lang si Cint. Mahirap talaga makipagtalo sa taong may kakitiran ang utak. “Maniwala ka man o hindi, ikaw lang ang una kong nahalikan na lalaki at ngayon lang ako pumasok sa isang hotel room na lalaki ang kasama ko.”
“Talaga?” hindi makapaniwala si Erron.
“Ikaw ba? Di ba sanay ka sa ganito? Trabaho mo ‘to e, di ba?”
Napikon si Errol sa sinabi ni Clint ngunit paano niya ipagtatanggol ang sarili e, iyon ang pinalabas niya kanina lang.
“Ano ngayon kung trabaho ko ‘to?” hindi na talaga niya maitago ang inis niya. “Gusto mo bang ako ang tatrabaho sa’yo?” nanggigil siya.
Hinila niya si Clint at mabilis niya itong hinalikan sa labi. Inisip na lang niya na trabaho lang ito. Marahas ang halik na iyon. May kaakibat kasi itong galit at inis kaya ipinaramdam niya dito yung sakit kaysa sa sarap. Ngunit nang lumaban si Clint sa kanyang halik ay naging parang tinutupok ng ritmo ng halik nito ang sumisilab niyang poot kanina. Bakit gano’n? Hindi siya nandiri. Wala siyang naramdamang mali. Hanggang yung halik niya kaninang marahas ay naging dahan-dahan sumasaliw na sa ritmo ng halik ni Clint. Napapikit siya. Nadadala siya sa kakaibang sensasyong ng malalambot na labi at ang mabangong hininga ni Clint.
Hinawakan ni Clint ang batok ni Errol. Masakit sa labi ang halik ni Errol nang una. Para nga siya nitong kinakagat at binubunggo ang ngipin nito sa kanyang labi ngunit nang marahan niyang nilabanan ang halik na iyon ay nakontrol niya din ito. Hanggang sa nagpaubaya ni si Errol, sumasabay na ito sa madamdamin niyang paghalik.
Bumaba ang palad ni Clint sa likod ni Errol. Hinahaplos niya ang makinis at may katigasan nitong muscles sa likod pababa sa maumbok nitong puwitan. Galit na galit na din ang bahaging iyon sa pagitan ng kanyang hita. Hindi na niya kinakaya pa yung sarap nang halikan siya ni Errol. Sa tagal ng panahong pinangarap niyang makahalik ng isang lalaki, ngayon ay natupad na sa taong gustung-gusto pa niya. Ninais niyang ikintal ang karanasan na iyon sa kanyang isipan para hindi na niya makakalimutan pa.
Nagiging agresibo na siya. Buong lakas siyang umibabaw kay Errol.
Hinayaan lang ni Errol na gawin ni Clint iyon. Hanggang sa naramdaman na lang niyang hinahalikan na ni Clint ang kanyang leeg pababa sa pinkish niyang mga u***g. Napakagat siya ng labi sa kakaibang sarap. Hindi niya iyon inaasahan. Pwede palang mangyari ito? Naramdaman na lang niyang tumindig na ang kanyang p*********i. Hindi na niya nakontrol ang igting ng pagnanasa ng kanyang kaselanan. Posible pala talagang kayang gisingin ng isang lalaki ang kanyang damdamin. Gusto niya ang kanyang nararamdaman. Ibinubulong man ng kanyang isip na nakakadiri itong ginagawa niya ngunit gusto ng kanyang katawan. Masarap sa kanyang pakiramdam.
Nag-iinit na ang kabuuan ni Clint. Iniisip niyang isa siya sa mga pinapanood niya sa mga p**n videos na napanood na niya. Matagal na niyang gustong masubukan iyon para alam niya ang kaibahan. Ngayon na ginagawa na niya ito, gusto niyang maging magical ang karanasan niyang ito. Pinagbuti niya ang paghalik at p*****a sa buong katawan ni Errol. Nakapikit niyang sinuyod ang bawat bahagi at kasuluk-sulukan ng mabango at matikas nitong katawan. Hanggang sa narinig niya ang pigil na ungol ni Errol nang dinidilaan niya ang mamula-mulang u***g nito. Nakahawak na ito sa kanyang ulo na para bang hindi niya kinakaya ang sensasyon nitong nararamdaman. Gusto niya ang kanyang ginagawa. Unti-unti niyang nakakalimutan ang takot na ikinintal ng kanyang ama sa kanyang isip mula noong bata pa siya. Kung isa itong kasalanan, isa ito sa mga kasalanang hinding-hindi niya pagsisihan. Bumaba ang kanyang bibig at dila sa maputi, makinis at matigas-tigas na abs ni Errol. Dahan-dahan niyang ipinasok sa boxer short ni Errol ang kanyang palad at sa isang iglap ay binigti ng palad niya ang may kalakihang nag-uumigting na iyon.
“Sandali.” Tinanggal ni Errol ang palad ni Clint doon.
“Bakit?” tanong ni Clint.
“Hindi pwede.” Tumayo si Errol kahit pa tirik na tirik iyon sa loob ng kanyang boxer short.
“Anong hinid pwede? Akala ko ba?” natigilan si Clint. Naisip niyang bayaran nga pala si Errol. “Magkano ba?”
“Magkano ang alin?”
“Magkano ang serbisyo mo,” sa lahat ng ayaw niya ay ang binibitin siya, “Kahit ngayon lang.”
“Tang-ina pre, okey ka lang? Hindi ako nagpapabayad sa ganito!”
“Hindi ka nagpapabayad? E, di ba sabi mo trabaho mo ‘to?”
Nalintikan na. “Ayaw ko na. Nagbagong buhay na ako. Huli na yung kay Congressman.” Pagdadahilan niya.
“Bakit mo sinimulan ‘to kung di rin lang naman pala natin tatapusin?” nainis na din si Clint. Ang hirap kasi nang naroon na siya at ginaganahan tapos bigla na lang siyang iniwan sa ere.
“Magdamit ka na. Uuwi na tayo.” Utos ni Errol.
“Gano’n na lang ‘yon? Ang g**o mo talaga!” bumagon na din siya.
Hindi na din sumagot pa si Errol. Tahimik niyang tinungo ang Comfort Room.
Nang humarap siya sa salamin ay nakangisi siya. Gusto niya ang nangyayari. Kailangan niyang pasabikin lang si Clint. Yung kaya na nitong ibigay lahat lahat ng gusto niya makuha lang ang nasimulan na niyang ipinatikim. Tinanong ba naman siya ng gago kung magkano daw ba. Natawa siya. Magkano talaga? Sa dami na ng kanyag naipong pera, tatanungin siya kung magkano ang serbisyo niya sa kama?
Nagshower muna siya. Kailangang matanggal ang amoy ng laway ni Clint sa kanyang katawan. Habang sinasabon niya ang katawan ay napapangiti pa din siya. Umaayon na ang pagkakataon sa kanya. Kukunin niya ang emosyon nito at kung mapapaibig na niya ay saka niya ito pasusunurin sa lahat ng gusto niya.
Hindi nagustuhan ni Clint ang ginawa ni Errol na bitinin siya. Pakiramdam niya ay pinapasabik siya at pinagtitripan. Mabilis siyang nagsuot ng kanyang damit at lumabas na sa kwarto. Hihintayin na lang niya si Errol sa labas.
Mabuti na din siguro na hindi natuloy. “Tang-ina, nawawala ka sa pokus mo, Clint. Hinahayaan mong talunin ka lagi ng emosyon mo.” Bulong niya sa sarili nang nasa elevator na siya. Pero bakit gano’n? Iba na ang nararamdaman niya kay Errol. Pilit man niyang laban ay nangingibabaw yung hindi niya mapigilang pagkagusto. Hindi ito ang inaasahan niya. Hindi dapat aabot sa ganito ang dati’y bahago lang sa trabaho niya.
Naghanap siya ng maupuan sa receiving area ng hotel. Kailangan niyang turuan muli ang kanyang damdamin na magfocus lang sa trabaho. Kailangan niyang ipaintindi na destruction at distraction and ginagawa ni Errol sa kanya at hindi siya dapat patatalo. Wala din namang patutunguhan kung ipagpapatuloy niya ang pakikipaglandian kay Errol dahil kapwa na sila may kinakasama. Ilang sandali pa ay nakita na niya si Errol na palingon-lingon. Halatang hinahanap siya ne’to.
“Tara.” Seryosong tawag sa kanya ni Errol.
Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. Sumunod lang siya kay Errol. Tahimik siyang pumunta sa passenger’s seat. Halos sabay silang sumakay.
Nang umandar ang sasakyan ay tumunog na din ang car stereo. Isang lumang kanta ang pumailanlang. Victims of Love. Isang kantang naririnig na ni Clint ngunit hindi niya pinakikinggan ang lyrics nito. Patapos na ang kanta. Nilingon siya ni Errol. Hindi niya pinansin. Nakatingin lang siya sa labas. Narinig na lang niyang sinasabayan na ni Errol ang kanta habang nakatingin ito sa kanya. Maganda ang boses ni Errol.
It used to be so easy, it used to be so good
We had an understanding that got misunderstood
Nagulat siya nang hinawakan ni Errol ang kamay niya. Bahagya niya itong hinila dahil hindi naman siya sanay na hinahawakan ng kapwa niya lalaki ang kanyang kamay. Nakakababae lang kasi lalo na kumakanta ang lalaking gumagawa no’n sa kanya. Hindi siya komportable. Isa pa hindi siya natutuwa. Kanina pa siya nakakaramdam na pinapasabik at nilalandi lang siya nito. Kung hindi siya makapagpigil, siya ang bibigwas ng suntok. Naiirita na siya.
I thought we were survivors and we never would go down
But now we're just outsiders as our love
Comes tumbling down
“Hindi bagay yang kantang ‘yan sa atin dahil wala naman naging tayo o walang maging tayo.” Si Clint. Pero patuloy pa din sa pagkanta si Errol habang titig na titig sa kanya.
Victims of love
A broken down affair
So sad to see the debris
Scattered everywhere
“Tara na. Gabihin na tayo. Hinihintay na ako ng asawa ko pwede ba?” seryosong tinuran ni Clint.
Victims of love, I still cannot believe
We're the victims of love
We cannot retrieve
Isang mabilis na halik sa labi na naman ang iginawad ni Errol sa kanya. Kahit hindi niya napaghandaan iyon. Bahagya niyang itinulak si Errol. “Ano ba!”
Ngunit determinado si Errol na pasabikin siya. Kahit naramdaman niyang itinulak siya ni Clint, alam niyang hindi iyon tulak ng talagang ayaw.
Hinawakan niya ang batok ni Clint para hindi na ito makawala pa.
Inisip na lang ni Clint na sabayan ang trip ni Errol. Sinadya niyang ibuka ang labi niya at ilabas ng bahagyang inilabas ang dila. Mas nagiging mainit ang halik na iyon. Napapikit siya.
Mas nagiging komportable na din si Errol. Tumagal ng ilang saglit ang dapat ay smack kiss lang. Bakit parang nagugustuhan na niya ang paghalik kay Clint?
“Anong ginagawa mo?” Si Clint ang unang naglayo ng labi niya.
“Ayaw mo ba?”
“Ayaw? Ikaw itong nangtitrip e. Okey ka na?” bumuntong hininga.
“Nangtitrip?”
“Akala mo ba hindi ko ramdam? Inaakit at pinapasabik mo ako, para saan? Para magig sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto mo?”
“Hindi ah.” Napakunok si Errol. Nagtataka siya kung paanong nalaman nito ang kanyang pinaplano.
“Hindi? Huwag ako ang lokohin mo p’re. Sinisimulan mo, ta’s basta mo na lang puputulin. Magkaliwanagan nga muna tayo, bakit mo ginagawa ito?”
“Wala lang, masarap e.” sagot ni Errol. Mabilisang sagot iyon na di niya pinag-isipan. “Masarap? Anong masarap sa labi ng kapwa niya lalaki. Tang-inang sagot.” Bulong niya sa sarili.
Nadadala lang si Clint ng kanyang emosyon. Gusto lang din niyang pagbigyan ang sarili dahil matagal na niyang pinapantasyahang maranasang makipagtalik sa kapwa niya lalaki. Ngunit hanggang do’n lang dapat. Pinasok niya ito at alam niya kung paano labasan. No feelings attached. Ngunit yung ginagawang ito ni Errol. Yung mga pasimpleng paghawak sa kamay niya habang kumakanta, mga pahalik-halik sa labi nang di niya inaasahan. Lahat yun ay parang mga pana ni Kupido na umaasinta sa kanyang puso. Ngunit hindi siya tanga. Hindi siya bobo para hindi niya maramdaman ang pinaplano ni Errol.
“Kung ito ang larong gusto mo? Sige, makikipaglaro ako sa’yo,” bulong ni Clint sa sarili.
Tahimik ang kanilang byahe pauwi ng Imus. Iniisip ni Errol kung anong kahihinatnan ng ginagawa niyang ito. Nakalahata na si Clint sa plano nya at wala siyang Plan B. Bihasa siya sa pagpatay ng tao. Alamat na siya pagdating sa pagpapasabik at pang-aakit sa mga papatayin niya at yung ginagawa niya ngayong pagpapa-ibig, paghalik-halik at paghawak-hawak sa kamay ng kagaya niya ng kasarian, lahat ng ito ay bago din sa kanya. At ang di niya nagugustuhan ay yung katotohanang nag-eenjoy at gusto na niya.
“Tahimik mo yata.” Si Errol ang hindi nakatiis.
“Wala na kasi akong itatanong.”
“Okey na tayo?”
“Okey naman tayo ah.”
“Baka idamay mo pa ako sa imbestigasyon mo ha.”
“Natatakot ka?”
“Sino namang hindi?”
“Kung wala kang kinalaman sa mga p*****n ngayon, hindi mo kailangang matakot,” tinitigan niya si Errol. Gusto niyag makita ang reaksiyon nito.”
“Di naman sa takot kasi malinis naman ang konsensiya ko. Ayaw ko lang ng magulong buhay.”
“Sino bang may gusto?”
“Di ba, maliwanag naman na ako ang gusto nilang patayin, hindi ba? Naikuwento ko na din sa’yo ang dahilan”
Naisip ni Clint. Masyado yatang defensive si Errol. “Alam ba ng kinakasama mo ang pinasok mong trabaho?”
“Hindi. At hindi na dapat pa niyang malaman dahil ayaw ko na din sa ganoong pagkakakitaan.” Bumunot siya ng malalim na hininga. Dumadami na ang kanyang kasinungalingan.
“Hindi naman pwedeng hindi niya malalaman na may banta na sa buhay mo.”
“Ako nang bahala sa kanya.” Pamumutol niya sa usapan tungkol kay Cess.
Alam ni Cess na hitman siya. Kung may nakakakilala sa kanya ng buum-buo si Cess iyon dahil magkasama sila sa trabaho. S Cess ay pulido ding magtrabaho. Magaling dumipensa sa kanyang sarili. Kaya nga sila nagkatuluyan dahil magkasundo sila sa lahat ng bagay pati prinsipyo. Kapmpante siya na kahit iwan niya ito, kayang kaya nitong protektahan ang sarili.
“Gaano ka kasiguradong hindi uli sila magpapadala ng iba pang tauhan nila na papatay sa’yo o sa inyo ng kinakasama mo?”
“Nandiyan ka naman, di ba? Saka di ba ikaw ang pumatay sa mga tauhan nila, hindi naman ako.”
“Trabaho kong protektahan ka o ng iba pang nasa ganyang sitwasyon. Dalawa ang rekomendasyon ko, magpapadala ako ng magbabantay na kapulisan sa bahay mo hanggang di humuhupa ito o lilipat muna kayo sandali ng kinakasama mo sa ibang lugar na ligtas kayong dalawa.”
“Kailangan pa ba ‘yon?” Hindi lang niya maidiretso kay Clint na kaya niya ang sarili niya.
Sa tagal niya sa kanyang trabaho ngayon lang naman siya binalikan dahil namukhaan siya ng bodyguard na itinumba niya. May opisyal pa nga ng pulis, kilalang mga businessmen na d**g lords at iba pang may mga matataas na katungkulan na siya mismo ang nag-ambush at bumaril pero hindi heto’t buhay pa din naman sila ni Cess.
“Hindi mo kailangan ang proteksiyon ko?”
“Syempre kailangan pero huwag naman yung lilipat kami ng bahay.”
Biglang tumunog ang cellphone ni Clint. Si Avi ang tumatawag. Hindi nito ugaling mangulit sa tawag. Tumawag na ito kanina at nagpaalam naman siya ng maayos kaya alam niyang hindi na ito mang-iistorbo pa. Ganoon siya kamahal ng kanyang kinakasama. Suportado siya sa lahat ng kanyang ginagawa. Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda.
“Hello?”
“Clint may mga armadong lalaki sapilitang pumasok sa bahay.”
“Ano? Nasa’n ka?” nakaramdam siya ng takot para sa kinakasama.
“Nakatago ako dito sa banyo sa kusina.”
“Bakit diyan?
“Sinira na nila ang pintuan natin e.”
“Nakuha mo ba yung b***l?”
“Hindi e. Akala ko kasi ikaw yung nasa pintuan kaya hindi na ako nakapaghanda pero nang sinilip ko, iba pala.
“Nakapasok na ba sila?
“Oo, nakapasok na sila. Anong gagawin ko?”
“Umalis ka na diyan. May daanan tayo sa likod bahay, doon ka dadaan.”
“Kanina ko pa dapat gagawin iyon kaso nakita ko may nag-aabang din doon.”
Sobrang lakas na ng kabog ng kanyang dibdib. Nasa bahaging Dasmariñas palang sila ni Errol.
“Pwedeng pakibilasan ang takbo natin? Pinasok nila ang bahay. Paniguradong kami nga ang binalikan.” Ninenerbiyos niyang sinabi kay Errol.
“Ano? Sige. Bibilisan ko na.” nataranta na din si Errol. Bakit si Clint ang binalikan at hindi siya?
“Clint nandito na sila sa pinagtaguan ko. Sinisira na nila ang pintuan.”
“Kumalma ka. Ako ang hinahanap ng mga iyan at hindi ikaw. Parating na kami, babe. Sorry wala ako diyan to defend you.”
“Babe… nandito na sila.”
Dinig niya ang mga kalabog.
“Anong kailangan ninyo? Please, pera ba?”
“Pera daw pare oh!” dinig ni Clint na sagot ng lalaki sa kabilang linya.
“Please, maawa kayo sa akin. Buntis po ako. Wala naman po akong kasalanan sa inyo.” Humahagulgol na si Avi. Parang nakikita niya ang kasintahan kung paano ito nagmamakaawa para sa kaniyang buhay at buhay ng kanilang anak.
“Tumatawag ka pa sa asawa mo ah! Akin nga ‘yan!”
BANGGGGG!!!! BANGGGGG! BANGGG!
Malalakas na putok ang narinig niya ng kasunod niyon.
“Babe!!! Anong nangyari? Babeeeee!” sumisigaw na siya ngunit wala na siyang narinig pa sa kabilang linya.