IMBESTIGASYON

3802 Words
 Chapter 6   Walang planong patayin ni Clint ang riding in tandem para maimbestigahan niya ang mga ito ngunit buhay na niya  ang nakasalalay. Hindi na siya kailangan makampante. Nangyari na ito noon sa kanila ng kanyang Papa at wala siyang nagawa. Ngayon, hindi na niya na hahayaang mangyari pa iyon. Kaya sa balikat muna niya inasinta ang driver ng motor para matumba ang mga ito ngunit nang itinutok ng lalaking naka-leather jacket ang b***l kay Errol, alam ni Clint na hindi siya ang puntirya ng mga ito. Bago pa man makalabit ng lalaki ang gatilyo ng b***l ay mabilis na nitong inasinta. Tumama ang bala sa bandang dibdib ng tatlong beses. Nakita niyang kahit duguan ang driver ng motor ay bumunot din ito ng b***l at mabilis nitong tinutukan si Errol. Nakalabit nito ang gatilyo ngunit mabilis na hinila ni Clint si Errol na noon ay dapat iilag din. Nakapatong si Errol kay Clint nang bumagsak sila at kinuha ni Clint ang pagkakataon na iyon para makaganti ng putok sa lalaki. Sapol sa dibdbi ang lalaki. Inubos niya ng bala ng revolver niyang hawak.                 Bumangon si Errol. Wala siyang nagawa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. “Okey ka lang?” tanong niya kay Clint. Inilahad niya ang kamay niya  para tulungan itong bumangon. “Ayos lang ako. Ikaw? Wala ka bang tama?” hinawakan ni Clint ang balikat ni Errol. Halata sa mukna nito ang pag-aalala. “Ayos lang din naman ako.” “That’s good,” sinipat niya mula sa ulo hanggang paa kung okey lang talaga si Errol. “Sandali lang ha. Dito ka lang.” Pinuntahan ni Clint ang kanyang mga nakasagupang nakahandusay. Una niyang sinipa ang mga b***l ng mga ito palayo sa kanila. Kung buhay pa ang mga ito ay nararapat lang na dadalhin sila sa hospital para maimbestigahan. Tinanggal niya ang helmet ng dalawa. Pinulsuhan niya. Kapwa wala nang buhay ang mga Kriminal. Tinawagan niya ang kanyang mga kasamahan para rumisponde. Kailangan nilang makilala ang mga napatay. Mga criminal man ang mga ito, naisip pa din niya na may mga pamilya ang mga ito na kailangan sabihan. Nakilala ni Errol ang isa sa mga nabaril ni Clint. Iyon ang bodyguard ni Congressman na nakakita noon sa kanya paglabas niya ng CR. Bumuntong-hininga siya. Binabalikan na talaga siya. Kailangan niyang lisanin na ang lugar na iyon. Bahala na pero hindi na siya dapat pang magtagal. Nang dumating ang mga kasamahan ni Clint na mga pulis ay binigyan niya sila ng instructions. Hinanap niya si Errol ngunit wala na ito sa pinaag-iwana niya sa kanya. Wala din naman siyang number para sana matawagan niya ito. Alam niya kung saan nakatira si Errol. Sa tawag ng tungkulin kalangan niya itong makausap para imbestigahan kung bakit siya ang parang tinutugis ng mga masasamang loob na iyon. Sino ba talaga si Errol? Bakit pabago-bago ang personalidad na ipinapakita nito sa kanya? Anong dahilan kung bakit siya gustong patayin ng mga ito? Tama ba ang kanyang hinala? Siya nga ba talaga ang hinahanap niya? Sumakay siya sa kanyang motor. Bahala na pero kailangan niyang puntahan si Errol. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang totoong dahilan ng pagtangka sa buhay nito. Pagbaba niya sa kanyang motor ay sakto namang lalabas na nang sasakyan ni Errol sa garahe nito.                 Mabilis niyang iniharang ang motor niya sa sasakyan ni Errol. Bumaba siya at kinatok ang pintuan ng sasakyan.                 Ibinaba ni Errol ang salamin ng pinto ng kanyang sasakyan.                 “Saan ka pupunta? Iiwas ka ba?”                 “Ako? IIwas? Bakit naman ako iiwas?”                 “Di ba sabi ko sa’yo? Babalikan kita do’n sa pinang-iwanan ko sa’yo? Ta’s ngayon aalis ka? Ibig sabihin umiiwas ka nga sa imbestigasyon.”                 “Imbestigasyon? Ako ang kailangan imbestigahan?” napakamot si Errol.                 “Huwag kang mag-alala, kailangan lang natin mag-usap. May mga itatanong lang ako sa’yo kaya bumaba ka muna.”                 “Hindi.” Luminga-linga si Errol sa paligid. “Sumakay ka muna dito dali.” Mabilis na sumunod si Clint. “Ihatid mo ang motor mo sa inyo. Maaring may mga kasamahan pa silang nagmamanman ngayon sa atin.” Lalong tumitibay ang kanyang mga hinala. Paanong alam lahat ni Errol ang lahat ng protocol na ‘to? “Ngayon paghatid mo ng motor mo, simplehan mo lang ang alis. Dumaan ka sa likod ng subdivision ninyo, doon kita dadaanan. Sa ibang lugar tayo dapat mag-uusap. Hindi ligtas dito.”                 “Fair enough. Deal.”                 Binalikan niya ang motor niya saka niya inihatid iyon sa inuupahan nila ni Avi. Pumasok siya at iiwan lang sana niya sa sala ang kanyang helmet ngunit nagising si Avi. “Babe, bakit ngayon ka lang?” “Napatrobol, e. May napatay ako don sa labasan sa may inuman.” “Ano? Paanong…” “Huwag kang mag-alala,” paningit niya sa mga itatanong pa sana ni Avi.  “Tumulong lang ako, rumisponde.” “Ito na nga yung sinasabi ko sa’yo babe. Nakausap mo na daw si Daddy?” “Babe, may imbestigasyon pa akong ginagawa. Aalis muna ako. Saka na natin pag-usapan ‘yan.” “Ngayon? Aalis ka din agad?” “Oo eh,” nilapitan niya si Avi. Hinalikan niya ito sa kanyang pisngi. “Di ba pwedeng ipagpabukas na lang ‘yan,” niyakap ni Avi si Clint. “May ano kasi babe.” “Ano?” hindi natutuwa si Avi sa sobrang dedikasyon ni Clint sa trabaho. “Ano yung may anon a sinasabi mo?” “May naghihintay sa akin sa labas. Kailangan kong makausap yung taong tinangkang barilin.” Bumunot ng malalim na hininga si Avi. “Bakit pakiramdam ko mas mahalaga talaga ang trabaho mo sa akin, sa amin ng magiging anak natin.” “Hindi naman sa gano’n babe.” “Gano’n ang ipinaparamdam mo, babe. Kabuwanan ko na. Mas kailangan kita dito ngayon.” Niyakap niya si Avi. Ngayon lang naging gano’n ang kasintahan niya. Lumuhod siya at hinaplos ang tiyan ng kasintahan. “Aalis sandali si daddy anak ha? Sandali lang ako,” bulong niya sa tiyan ng kanyang kasintahan. “Promise mo, sandali lang ‘yan ha. Maghihintay kami ni baby,” malambing na sagot na ni Avi. “Kumain ka na ba?” inakbayan niya si Avi patungo sa kanilang kwarto. “Oo. Di lang ako makatulog. Kinakabahan ako nang di ko maipaliwanag kung bakit.” “Baka yung kanina na nakipagbarilan ako. Pero di ba babe, alam mo namang bahagi ito ng aking trabaho?” inayos niya ang unan. “Naiintindihan ko naman kaya lang baka kahit ngayon lang, dito ka muna sa tabi ko.” Humiga siya sa kama. “Pagkatapos ng imbestigasyon. Uuwi ako agad babe,” hinalikan niya sa labi ang kasintahan. “Promise. Uuwi ako agad.” “Sige na nga para makauwi ka agad dahil wala akong kasama dito.” Tumayo siya. Parang mabigat ang paa niyang umalis nang makita niya ang mukha ni Avi. Tumunog ang cellphone niya. Si Errol ang nakita niyang tumatawag. “Pare, asan ka na? Bakit antagal mo?” “Paalis palang. Nagpaalam lang ako sa asawa ko.” “Sige. Bilisan mo ha.” Pagkababa niya sa tawag ni Errol ay tinungo na niya ang pintuan ngunit nang isara niya iyon ay nakita niyang nakatingin lang si Avi sa kanya. May luha ito sa kanyang mga pisngi. Binalikan niya ito. “Huwag ka namang ganyan Babe, please?” “E, kasi nga inuuna mo lagi ang trabaho mo kaysa sa amin ng magiging anak mo.” “Sabi ko naman, di ba? Sandali lang ako?” hinalikan niya sa labi si Avi. Niyakap niya ng mahigpit. “Sige na. Okey na ako dito.” “Sige sandali lang ako.” Bumuntong-hininga si Avi. “Pahinga ka na. Huwag mo na ako hintayin dahil makakasama sa’yo ang magpuyat. Magigising ka na lang nasa tabi mo na ako.” “Mag-ingat ka.” “Ikaw din babe.” “Dito lang naman ako sa bahay bakit kailangan ko pang mag-ingat.” Ngumiti siya. “Sige babe ko, alis na ako.” Pinagmasdan niya ang kasintahan niya nang matagal bago parang hirap ang kalooban niyang iwan ito. Ngunit naghihintay si Errol sa kanya. Kailangan na niyang umalis.                   Mabilis niyang tinalunton ang daan papunta sa gate sa likuran ng kanilang subdivision. Wala halos dumadaan sa gate na iyon dahil malayo ang iikutan kaya siguro doon napili ni Errol na sunduin siya para na din sa kanilang kaligtasan. Naabutan na niya ang sasakyan ni Errol na nakaparada sa tabi ng daan.                 Sumakay siya. Sandaling katahimikan. Hindi alam ni Clint kung paano niya umpisahang imbestigahan si Errol. Ngayon lang ito nangyari sa kanya. Kilala siya bilang magaling na pulis at imbestigador ngunit kay Errol bakit parang natatameme siya.                 “Okey ka lang ba?” tanong ni Clint kay Errol. Alam niyang walang kahit anong galos ito o tama. Ang gusto niyang malaman ay yung nararamdaman nito. Gusto niyang makita kay Errol yung takot at nerbiyos na dapat ay nararamdaman ng mga taong tinangkang patayin. Ngunit siya, mukhang kalmado na parang walang nangyari.                 “Medyo gulat at shock pa.”                 Alam ni Clint, hindi iyon totoo. Hindi niya kasi nakikita iyon. Hindi niya naramdaman.                 Tumunog ang kanyang Cellphone, si Avi.                 “I love you babe.”                 “Oh, sorry. I love you too.” Hindi nga siya nakapag- I love you kanina bago umalis. Weird. Hindi siya umaalis nang hindi nagsasabi kung gaano niya kamahal si Avi. Ngayon lang nangyari ito.                 “Bakit nakalimutan mo?”                 “I am just preoccupied kanina po.”                 “Okey. Kinakabahan pa din ako.”                 “Don’t worry, nakapag lock ka naman ng pintuan at saka safe naman ako dito. Basta matulog ka na okey?”                 “Okey. Take care babe ah?”                 “I will. Magpahinga na babe ko ah?”                 Ibinaba niya ang cellphone. Nakita niyang nakangiti si Errol.                 “What?” tanong niya.                 “Anong what?” balik tanong ni Errol sa kanya.                 “Nakangiti ka kasi.”                 “Sweet ninyo ah.”                 “Gano’n talaga.”                 Muling naghari ang katahimikan.                 Binasag ng tunog ng cellphone ni Errol ang katahimikan. Naka-connect ang tawag sa Bluetooth ng sasakyan kaya pinindot na lang ni Errol ang answer key sa dashboard.                 “Hello, ano?” iritableng tanong ni Errol. “Sino ‘yung kasama mo?” “Kasama?” “Yung nakamotor? Sinundan mo siya hindi ba?”                 “Ah, tropa ko, bakit?”                 “Ngayon ko lang kasi nakita.”                 “Kailangan ba kilala mo lahat ang tropa ko?”                 “Bakit ganyan ka sumagot?”                 “Alam mo Cess kung bakit. Lumabas ka kanina na walang pasabi? May sumundo daw sa’yo?” “As if you care.” “Sige na, wala ako sa mood makipag-away. Usap tayo pag-uwi ko.” “Sige. Ingat.”                 Pinindot niya ang end call button.                 Nahalata ni Clint na mainit ang ulo ni Errol. Sa pagsagot niya sa kasintahan nito, alam niyang pakalmahin na muna niya ang sitwasyon bago siya magtatanong.                 Hindi alam ni Errol kung ano ang isasagot niya sa mga itatanong ni Clint. Alam niyang tatanungin siya nito kung bakit siyang patayin? Iyon ang kailangan niyang pag-isipan ng tama at hindi kahina-hinalang sagot. Masyado pang maaga para malaman ni Clint ang trabaho niya. Hindi pa niya ito napagkakatiwalaan. Kung magkakamali siya ng isasagot, maaring ikapapahamak nilang dalawa ni Clint kung mag-iimbestiga pa ng mas malalim ito. Mabuti na lang at si Clint mismo ang nakapatay sa mga armadong lalaki. Alam niyang iyon ang mga bodyguard ni Congressman na pinatay niya sa isang CR. Ipinapatumba siya ng pamilya nito lalo pa’t Senador pa ang kapatid nito. Hindi sila naniniwala sa hustisya ng bansa. Siya man din ay hindi na naniniwala dito. Kayang paikutin ng mga namumuno ang batas ng bansa. Kaya nilang idiin ang walang kasalanan at palayain ang mga nagkasala. Iyon ang sistemang naglalaro sa bansa. Ang hustisya para sa kanila ay ang pagganti. Buhay para sa buhay. Lalo pa’t lahat ng mga ebidensiya ay burado at ang tanging nakakilala sa kanya ay ang bodyguard na napatay ni Clint.                 “Saan tayo mag-uusap?” tanong sa kanya ni Clint.  Nalahata siguro nito na malayo-layo na ang nilalakbay nila. Nasa Silang, Cavite na kasi sila at halos tatlumpong minuto na din ang mabilis niyang pagpapatakbo. Tanging music lang ang pumupunit sa katahimikan sa pagitan nila.                 “Tagaytay.”                 “Tagaytay? Bakit do’n pa. Napakalayo naman.”                 “Wala pang 30 minutes, nandon na tayo.” “Paalam ko kay Avi sandali lang ako.” “Pasensiya na. Doon lang ang nararamdaman kong ligtas ako.”                 “Bakit ka ba kasi gustong patayin?”                 Iyon na yung tanong na kinatatakutan niya. Kailangan pa niya ng sapat na oras para pag-isipan ang kanyang isasagot. Paano ba niya iyon sasagutin?                 Naghihintay si Clint ng sagot. Pakiramdam niya, malapit na niyang malaman ang katotohanan.                 “’Sasagutin ko ‘yan pagdating natin doon. Sa ngayon, magpapasalamat muna ako sa pagligtas sa buhay ko. Utang ko ang buhay ko sa’yo.” Ginagap ni Errol ang pala niya. May kung anong kuryente siyag naramdaman.                 “Sige na nga, do’n natin pag-uusapan.” Patay-malisya niyang hinila ang kanyang kamay dahil natutupok siya sa init nito.                   Ipinasok ni Errol ang sasakyan sa isang Luxury Hotel and Resort. Hindi iyon ang inaasahan ni Clint ngunit nandon na siya. Kung saan ang gusto ni Errol ay kailangan niyang sumunod sapagkat sa mga panahong iyon, si Errol ang biktima, ang pinagtangkaan ang buhay. Ngunit hindi din matanggal sa isip ni Clint na maaring binalikan lang ito ng kanyang mga kalaban. Kailangan lang niya ng patunay sa kanyang mga hinala.                 Pumasok sila sa isang magara at magandang kuwarto. Narinig din niyang nag-order si Errol ng dinner na ihahatid na lang sa kanilang kwarto.                 “Bakit kailangan pa ng ganito?” nagtataka pa ding tanong ni Clint.                 “Dahil alam kong magtatanong ka kung sino talaga ako, kung bakit ako gustong ipapatay ng mga iyon.” Ipinatong ni Errol ang susi ng sasakayan sa maliit na ref. Binuksan niya ito. Kumuha ng beer in can at tubig. Tinungo niya ang maliit na dining table at inilapag niya ang dalawang beer in can doon. Umupo siya.  Umupo na din si Clint sa tapat ni Errol. Binuksan ni Errol ang beer in can at iniabot niya kay Clint. Nagbukas din siya ng para sa kanya. Halos sabay silang tumungga.                 “Kung wala ka, paniguradong patay na ako ngayon. Salamat talaga pare.” Bukal sa loob niya iyon. Wala kasi siyang dalang b***l kanina at mabuti na lang hindi siya nakapagdala dahil alam niyang madadagdagan ang tanong ni Clint sa kanya kung nagkataon.                 “Bakit ka nga ba gustong ipapatay.”                 “Dahil kay Congressman?”                 “Congressman? Sinong Congressman?”                 “Congressman Falcon. Yung napatay.”                 “Sandali, anong kinalaman mo sa kanya?”                 “Kilala mo ba siya? Ang pagkatao niya?” balik tanong niya kay Clint.                 “Silahis? Bakla? Hindi ko alam pero ‘yon ang bali-balita. Iyon din ang lumalabas sa imbestigasyon ko.”                 “Tama at isa ako sa mga hawak niya.”                 “Hawak niyang ano?” Nalilito na siya.                 “Bayaran… ikinakama… kabit… inaasawa? Hindi ko alam kung anong gusto mong itawag sa akin pero may relasyon kami at alam ko ang mga transaksiyon niya at mga kinakausap niya sa droga.”                 Napalunok si Clint. “Talaga? So, confirmed nga na bakla siya.” Tumango si Errol. Kailangan niyang panindigan ito. Kailangan niyang mapaniwala si Clint na totoo ang kanyang mga sinasabi.                 Sa tingin ni Clint, may punto ang sinasabi ni Errol. Isa ito sa mga hawak niyang kaso ngunit hindi niya nareresolba dahil parang may mga humahadlang. Hindi din kasi buo ang pakikipagtulungan ng pamilya ni Congressman sa ginagawa niyang imbestigasyon dahil parang may mga pinagtatakpan silang mga impormasyon lalo na ang kapatid nitong Senador.                 “Anong alam mo sa mga transaksiyon niya nang nabubuhay pa siya?” tanong ni Clint.                 May kumatok sa pintuan.                 “Iyan na siguro ang pagkain natin. Sandali lang at pagbubuksan ko.” Tinungo niya ang pintuan at nanatiling nakatingin si Clint sa kanya.                 Sa naririnig niya ngayon, hindi niya alam kung kailangan niyang pagkatiwalaan ng buo si Errol. May mga gusto pa siyang itanong. Kaya niya ginagawa ito dahil mga mga gusto siyang malaman. Malaki ang papel ni Errol sa ginagawa niya ngayong imbestigasyon. Nalilinawan man si Clint kung bakit ganoon kayaman si Errol pero hindi pa din siya kumbinsido. May magarang bahay at sasakyan. Idagdag pa ang kanyang mga mamahaling gamit. Gano’n ba kalakas magbigay ang pinaslang na Congressman para yumaman si Errol ng ganito? May mga hindi sinasabi si Errol sa kanya at iyon ang patuloy at kailangan niyang alamin.                 Pumasok ang roomboy na may dalang pagkain.                 “Iwan mo na lang diyan at makakaalis ka na.” utos ni Errol sa roomboy. Inabutan niya ito ng tip at magalang na nagpasalamat ang roomboy bago umalis.                 “Kumain muna tayo. Nagugutom na din kasi ako.” Si Errol. Nakaramdam siya ng kakaiba sa titig sa kanya ni Clint. Inilapag niya ang pagkain sa harap ni Clint. “Ako na.” nahawakan ni Clint ang kamay ni Errol. Muli silang nagkatitigan. Kung iyon ang naikuwento niya na dahilan ng pagpapatay sa kanya at ang pagiging bayaran niya at pakikipagrelasyon sa mga mayayamang pulitiko, paano na niya ngayon iyon mapapanindigan? Paano niya mapapatunayan samantalang nakita noon ni Clint kung paano siya magalit nang hinalikan siya nito. Kailangan niyag burahin iyon ngayon sa isip ni Clint. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina, anong alam mo sa mga transaksiyon ni Congressman?” sumubo siya ng pagkain. “P’re, bayaran lang ako. Hanggang kama lang ako. Oo kapag nagbabakasyon kami may mga kausap siya at katagpong mga kasantraksiyon pero tingin mo ipagkakatiwala niya sa akin na isang escort at s*x partner lang ang mga ganoong bagay?” “Kung wala ka palang nalalaman sa mga transaksiyon niya, bakit ka nila ipinapapatay?” “Dahil siguro iniisip nila na may alam ako?” “Alama saan?” “Sa droga? Iniisip nila na nakikilala ko ang kanyang mga kausap at kanyang mga ginagawa. Inuunahan akong patayin bago makapagsalita sa midya. Pera ni Congressman ang habol ko, Pre hindi ang kanyang illegal business. Kaya anong pakialam ko. Kung sobra-sobra naman ang ibinabayad niya sa akin, bayad iyon ng pananahimik ko at serbisyo.” “So, totoong wala kang alam.” “Alam kong may mga illegal siyang transactions pero pinili kong hindi na alamin o kilalanin ang kanyang mga katransaction. Kapag hindi ka interesado sa isang bagay, pare, hindi maikikintal sa isip moa ng mukha ng mga tao o kanilang ginagawa. Isa pa, hindi naman niya ako ipinapakilala sa mga ‘yon.” “Okey, malinaw sa akin ang lahat. Alam mo bang hawak ko ang kasong ito?” “Talaga?” kinabahan si Errol. “Kumusta ang imbestigasyon mo?” Hindi agad sumagot si Clint. Sumubo muna siya ng pagkain. Gustuhin man niyang ipagtapat na sinadya niya talaga lahat ang nangyari sa bus pero hindi pa napapanahon. Hindi pa siya kumbinsido sa pagkatao ni Errol kahit pa sabihing kapani-paniwala din naman ang kaniyang testimonya. “Nasasabit ba ako?” “Bakit mo naman naisip na sabit ka dito?” “Kasi di ba? Ipinapapatay nga nila ako?” “Sigurado ka ba na dahil lang sa may hinala sila na may alam ka? Hindi kaya may iba pang dahilan?” “Hindi ko alam,” lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, “Kaya nga kita tinatanong.” “Bukod sa sinasabing pagpapakamatay niya, wala na akong alam dahil lahat ng mga kailangan ko ay burado. Malinis. Walang saksi, walang gustong magsalita. Ngunit hindi nila ako maloloko.” Uminom siya ng tubig. Muling tumingin kay Errol. “Wala kasi kahit anong sign of depression bago nangyari ang suicide, pagpapatuloy niya. Anong mabigat na dahilan para magpakamatay? Bakit kailangan pa sa isang public toilet magpakamatay ang isang Congressman?  Walang probable cause. Wala din naman nagsasalita sa mga bodyguard niya at lalo na sa pamilya. Walang lumalabas na mga kaaway. Tingin ko nga, kumikilos ang pamilya ni Congressman para gumanti.” Sumubo ng pagkain si Errol. Napangiti. Hindi kilala ni Clint ang mga binabangga niyang mga pader. Magaling ang kanyang grupo sa pagtatago ng lahat ng ebidensiya. Mukhang abswelto na talaga siya. “Tama ka din, may mga illegal transaction siguro si Congressman at ang pamilya nito na pinagtatakpan nila kaya walang kooperasyon sa hanay nila. Bakit? Kasi ayaw nilang maimbestigahan sila at ang kanilang illegal businesses.” Sumubo siya. Ngumuya sandali at nilunok ang kanyang kinakain. “Maari nga namang gusto ka nilang itumba dahil ang alam nila, may nalalaman ka sa mga naging transaction ni Congressman na maaring ikabagsak nila. Gusto nilang gumanti sa paraang gusto at alam nila. Kaya mag-iingat ka pa din lagi.” “Salamat Clint. Siguro naman, kaya mo akong protektahan.” Ginagap niya ang palad ni Clint. Pinisil niya iyon at tinitigan niya ito sa mga mata nito. “Wala ‘yon. Kain ka pa.” Iyon lang ang paraan para maitago ni Clint ang kahinaan niya kay Errol.  Binuksan ni Errol ang TV. Wala silang planong manood. Gusto lang nilang may ibang naririnig habang tahimik silang kumakain. Sa katulad ni Errol na puro kasinungalingan ang ipinapakita niya kay Clint, hindi siya dapat nagkukuwento dahil isang pagkakamali ay maaring ikasisira ng kanyang mga plano. Ngayon pa na alam niyang nakuha na niya ang proteksyon ni Clint? Habang tinitigan ni Clint si Errol ay alam niyang hindi pa niya lubos na kilala ang kaharap niya. May mga katanungan pa din sa isip niya. Ngunit lahat ng duda at paghihinalang iyon ay tinatakpan ng kanyang kakaibang nararamdaman. Naunang natapos si Errol kumain. “CR muna ako ha?” “Sige lang. Patapos na din naman ako,” sagot ni Clint. Pumasok si Errol sa banyo at nagsipilyo. Hinubad niya ang kanyng jacket, t-shirt at pantalon. Tanging boxer short lang ang iniwan niya. Kailangan niyang panindigan na ito kahit parang kinakabahan siya. Kung gusto niyang mapaniwala si Clint, kailangan niyang gawin ito. Gusto niyang mabura sa isip ni Clint ang pagsuntok nito sa kanya nang una silang magkita. Kung bayaran naman pala siya at nakikipagrelasyon sa mga mayayaman, bakit ganoon na lamang ang galit niya sa bus at nang ninakawan siya ng halik. Kailangan niyang malinis ang gusot na iyon sa kanyang kuwento. Napalunok si Clint nang makita niya ang ganda ng katawan ni Errol nang lumabas ito sa banyo. Tanging boxer short na lang kasi ang suot nito. Napakaputi ang mainis nitong maskuladong katawan. Sino ang hindi manghihina at di makapagbibigay ng malaking halaga sa gano’ng tikas at kapogian? “Hindi ka ba magpapalit?” tanong ni Errol na parang nang-aakit. “Bakit kailangang magpalit? Matutulog ba tayo dito?” “Ayaw mo ba?” “Di kasi alam ni Avi isa pa may trabaho kasi ako bukas.” Napakamot siya. Wala talaga kasi ito sa plano. “E di sige. Uuwi din tayo mamaya-maya.” Sinadya niyang himasin ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan at ipinasok niya ang kamay sa kanyang boxer. Napalunok si Clint sa nakikita niyag ginagawa ni Errol. Umiinit siya. Napapaisip siya kung bakit nito ginagawa ang gano’n. “Magpapahinga lang tayo sandali, promise. Hugas ka muna sa banyo.” Muling napalunok si Clint nang makita niyang humiga na sa kama si Errol at nakabukaka. Bago pa niya ito mapatungan ay pumasok na siya sa banyo. May isang sipilyo doon na hindi pa nabubuksan kaya iyon muna ang kanyang ginawa. Hindi niya alam kung tama ang kanyang pinapasok. Para kasing nagpapakita si Errol ng motibo na gusto din nito ang kanyang gusto. Hindi na naalis sa isip niya ang halik na iyon at alam niya, matindi ang pagkakagusto niya kay Errol. Pero paano na ang ginagawa iyang imbestigasyon kung patatalo siya sa kagustuhan ng kanyag damdamin? Nang lumabas si Clint ay dala pa niya ang hinubad niyang mga damit niya. Ipinatong niya iyon sa isang upuan sa tabi ng kama. Nakabrief na lang din ito. Pinagmasdan ni Errol si Clint. Maganda ang katawan ni Clint. Pang romansa. Yung tindig niya, paniguradong madaming bakla ang maglalaway. Idagdag pa ang sobra nitong kapogian pero babae ang gusto niya. Katunayan, hindi nga tumitigas ang kargada niya. Walang init siyang naramdaman. Ngunit tulad ng lagi niyang sinasabi, trabaho lang ito, walang personalan. “Dito ka,” yakag niya kay Clint, “May gagawin muna tayo.” Kasunod iyon ng mapang-akit niyang kindat at ngiti. Nanginginig at nanlalamig na humiga si Clint sa tabi ni Errol. Ito na nga ‘to. Walang kahirap-hirap. Walang pagtanggi at hindi niya iyon napaghahandaan. Bahala na. Kinakabahan silang dalawa. Kakayanin ba nilang gawin ito samantalang pareho silang walag alam sa pakikipagtaik sa kapwa nila lalaki? Sino ang unang gagawa ng hakbang? Sino ang mananaig sa kanilang mga lihim na hangarin? Saan sila dadalhin ng kanilang unang pagniniig? Wala sa hinagap nilang dalawa na ang tagpong iyon sa pagitan nila ang magiging dahilan ng mas magulo nilang buhay. Sila ay magiging mga biktima. Biktima ng pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD