PAGPASLANG SA INOSENTE

3033 Words
Chapter 8                   Hindi na mapakali si Clint. Hindi niya alam kung paano niya mapapatawad ang kanyang sarili. Abut-abot na ang kaba sa kanyang dibdib. Kung may magagawa lang sana siya. “God, huwag mong pabayaan ang si Avi at ang aming magiging anak,” taimtim niyang dasal.                 “Wala na ba tayong ibibilis?”                 “Mabilis na ang takbo natin,” sagot ni Errol. Baka naman tayo ang madidisgrasya kung bibilisan ko pa.” Hindi niya alam kung paano niya dadamayan si Clint.                 Hinanap niya sa contacts niya ang number ni Tom. Si Tom ay tao niya at siyang pinagkakatiwalaan din ng papa niya. “Sir, naayos na ang mga bangkay. Confirmed sir. Tao ni Senator Falcon ang mga nabaril mo.” Mabilis na pagbabalita sa kanya ni Tom. “Baka babalikan…” “Tom, sandali, makinig ka.” Pamumutol niya sa mga sasabihin pa sana nito sa kanya. “Ano yon sir?” “Pumunta kayo sa bahay ngayon din.” “Bakit ho?” “Delikado ang lagay ng asawa ko. Make this as emergency okey?” utos ni Clint. Malapit lang ang headquarters sa kanilang bahay. “Sige sir. Right away po. Pupunta na kami do’n sir.” Umaasa si Clint na hindi pa huli ang lahat. Sana mailigtas nina Tom si Avi. Sinubukan niyang tawagan muli si Avi, nagbabakasakaling buhay pa ito at sasagutin ang tawag niya. Hindi pwedeng mamatay ang mag-ina niya. Hindi siya makapapayag na mangyari iyon sa pamilya niya.                 Tuloy-tuloy ang kanyang pagluha. Nanginginig siya. Hindi na siya mapakali at hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Kung may kapangyarihan lang sana siya ay nagawa niyang makarating agad para saklolohan si Avi. Halos paliparin na din ni Errol ang sasakyan nito. Nagdadasal siyang hindi totoo ang kanyang hinala.  Hindi pwedeng mangyari iyon. Sana lang hindi pinatay ng mga walang budhing mga kriminal ang kanyang mag-ina. Sana tinatakot lang sila. Sana nakinig siya kay Avi kanina. Hindi na dapat pa siyang umalis. Alam niyang ginawa lang niya ang kanyang trabaho ngunit nakalimutan niyang may kinakasama din siyang umaasa sa kanyang proteksiyon. May mag-ina siya na dapat unahin sa kahit kaninuman.                 Hindi pa din siya tumitigil sa pagtawag kay Avi sa cellphone nito. Umaasang sasagot ito. Tahimik lang ang kanyang pagluha at nararamdaman niya ang paghaplos-haplos ni Errol sa kanyang likod tuwing nasa traffic light sila at naghihintay mag-green ang ilaw. May mga sinasabi ito ngunit hindi niya iniintindi. Nagdadasal siya na sana sumagot si Avi sa mga tawag niya kahit kanina pa nakapatay at hindi na makontak ang cellphone nito. Hanggang sumuko na lang siya. Nakasaklob ang phone niya sa dalawang palad niya. Nakapikit. Nanginginig. Hindi tumitigil sa paghingi ng tulong sa Maykapal.  Iyon lang naman ang kaya niyang gawin.  Nang makarating siya sa tapat ng kanilang bahay ay alam niyang may mali. Maraming pulis ang naroon. Gumagawa na sila ng imbestigasyon. Dumiretso siya sa kusina. May mga pulis din doon. “Sir,” sumaludo si Tom sa kanya ngunit banaag ang niya ang lungkot sa mukha nito. “Asan si Avi? Nasan ang asawa ko?” natataranta niyang tanong. “Sorry sir, hindi na namin sila naabutan, hindi na naming nailigtas…” Hindi na niya tinapos pa ang sasabihin ni Tom Alam na niya ang sasabihin nito. Ang ibang pulis ay malungkot na binati siya at sumaludo. Ilan ay umiwas ng tingin. Itinatago nila ang lungkot sa kanilang mga mukha. Alam na niya ang ibig sabihin no’n. Hanggang sa nakita na niya si Avi. Nakahandusay. Duguan. “Aviiiiiii!!!!! Babeeeeeeee!” sigaw niya. Sinipat niya ang kabuuan ni Avi habang humahagulgol siya. May dalawang tama sa ulo at dibdib ang kanyang kasintahan. Kahit ang tiyan niya ay may mga tama din. Sinigurado nila na kahit ang walang muwang niyang anak ay madamay. Nanginginig siya sa galit. Humahagulgol siya sa tindi ng pagdadalamhati. Niyakap niya ang kanyang wala nang buhay na kasintahan at hinaplos niya ang tiyan ng kanyang asawa dahil alam niya, patay na din ang bata sa sinapupunan nito. Hirap siyang huminga tindi ng nararamdaman niya. “I’m sorry babe. Wala akong nagawa para iligtas ka. I’m sorry baby ko. Walang kuwenta si Daddy,” humihikbi niyang sinabi iyon. “Sana babe, nakinig ako sa’yo. Sana hindi na lang ako umalis. Sorryyyyyy!!!!!! Babe ko!!!” humahagulgol siya. Kung sana maibalik lang niya ang panahon, sana talaga nagpapigil na lang siya sa kanyang asawa.   Kitang-kita ni Errol ang pangyayaring iyon. Kahit pa anong tigas ng kanyang puso, naluha pa din siya sa tagpong iyon.  Nilusaw ng pagtatangis ni Clint habang yakap-yakap nito ang wala nang buhay nitong girlfriend ang kanyang batong damdamin. Awang-awa siya kay Clint. Pinunasan niya ang kanyang luha. Kasalanan niya ang lahat. Kung sana hindi niya dinala si Clint sa Tagaytay nakauwi sana ito sa asawa niya ng maaga-aga. Maaring nailigtas nito ang kanyang mag-ina sa kamatayan. Kung sana sa bahay na lang nila niya sinagot ang lahat ng katanungan ne’to. Bumunot si Errol nang malalim ng hininga kasabay ng pagpupuyos ng kanyang damdami. Kilala niya ang nag-utos sa Kriminal. Hindi siya maaring magkamali sa kanyang hinala. Ang Senator na kapatid ng Congressman ang may gawa nang lahat ng ito. Habang nabubuhay ito, patuloy ang pag-uutos na paslangin ang pumatay sa kanyang kapatid.  Kailangan nitong gumanti sa kahit anong paraan. Tumiwalag na sa sindikato ang Senador nang patayin ang kanyang kapatid. Bumuo ng sarili nitong grupo na siya niyang pinakikilos para maningil ng kumitil sa buhay ng kanilang bunso. Huwag maliitin ang kakayahan niya. Kahit walang utos sa taas ay kaya niyang itumba ang Senador. Para kay Clint gagawin niya iyon. Utang niya ang buhay niya kay Clint, nawalan ito ng magiging asawa at anak dahil sa kanya at ang ipaghihiganti ito ang tanging  alam niyang paraan para makabawi.   Hanggang sa may dumating na magarang SUV na may mga kasamang gwardiyang unipormadong pulis din. Bumaba ito. Si General Santos.  Sa TV lang niya ito nakikita at minsan sa cellphone nakakausap. Si General Santos ang dahilan kung bakit pilit niyang isinisiksik ang sarili niya kay Clint. Nakita niya kasi ito  sa gym. Malakas ang kutob niyang Daddy ni Clint ang tinatawag nilang Jaguar sa kanilang grupo. Si Jaguar ang untouchable nilang pinuno. Alam kaya ni Clint iyon? “Anong nangyari dito? Clinnnttttt!” sigaw ng General. Nakita niyang yumuko si Tom. Tanda ng pagbigay pugay. “Aviiii!!! Anakkkk!” sigaw ng General. Lumuluhang niyakap nito ang duguang bangkay ng anak. Ilang sandali lang iyon. Dahan-dahan niyang binitiwan ang bangkay ng anak saka siya tumingin sa noon ay nakaluhod at umiiyak sa tabi niyang si Clint. “Ayusin ninyo ang bangkay ng anak ko!” utos ng General sa mga naroon. “Halika rito.” Kinuwelyuhan ng Heneral si Clint at inilayo niya sa iba pang pulis. Pasimpleng lumapit sa kanila si Errol para mapakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa. “Anong ginawa mo!” isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan niya. Napayuko si Clint sa sakit. Patuloy lang ito sa pag-iyak. “Bakit mo hinayaang mamatay ang anak ko?”                 “Sorry Dad,” humihikbing sagot ni Clint. “Sorry? Putang-ina, sorry?” halos masuntok uli ni General si Clint. Nakatungo lang si Clint. Humihikbi. “Tang-ina naman Clint. Maibabalik ba ng buhay ng anak ko ang sorry mo?” “Wala akong nagawa Dad.” Humihikbi si Clint. “Putang-ina, nasa’n ka ba nang pinaslang nila ang anak ko?” Patuloy lang sa paghagulgol si Clint. “Tinatanong kita, sumagot ka gago!” isang suntok sa tagiliran ang pinakawalan ni General kay Clint. Namilipit sa sakit si Clint.   Napaluha si Errol nang hindi makasagot si Clint. Siya ang dahilan ng lahat. Kasalanan niya kung bakit nangyari ito sa pamilya ni Clint. Siya ang dapat sisihin. Maiintindihan niya si Clint kung magagalit ito sa kanya. “Ba’t hindi ka sumagot. Nasaan ka?” nanggigil na sa galit si General Santos. Binunot niya ang b***l niya sa kanyang tagiliran. “Nasa trabaho ho.” “Trabaho? Sa ganitong oras?” “May nangyari ho kasing tangkang pagpatay Dad. Napatay ko ang mga salarin. Kaya ako umalis para mag-imbestiga.” “Tang-ina! Hindi mo na ba naipagpabukas man lang? Bakit hindi mo iniutos sa iba? Inutil ka talaga kagaya ng tatay mo, punyeta ka!” “Hindi ko ho alam na mangyayari ito, Dad.” “Buntis ang asawa mo, mag-isa lang sa bahay ninyo at alam mong delikado dito. Inuna mo pa putang-ina mo ang ibang tao kaysa sa asawa at anak mo?” “Kasalanan ko ho talaga, Dad.” Umiiling-iling na umiiyak si Clint. “Ngayon, anong nagawa ng letseng pagprotekta mo sa iba ha? Naililigtas mo sa kamatayan ang ibang tao pero ang asawa mo, wala ka nang pinaslang siya? Wala kang nagawa. Wala kang kwenta! Maibabalik ba ng buhay ng anak ko ang paiyak-iyak mong ‘yan. tang-ina mo!!!!” tinutukan niya ng b***l si Clint. Nanginginig ang kamay nito. “Sige Dad. Iputok ninyo. Patayin na lang din niyo akooooo!” “Putang ina mo!!!!” itinutok niya ang b***l sa sintido ni Clint. Nanginginig ang kanyang kamay. Isang kalabit lang nito ay sabog ang utak ni Clint. Hindi humihinga si Errol nang masaksihan niya iyon. Gusto niyang iligtas si Clint. Babarilin ba niya si General? Uunahan ba niya ito? “Pinabayaan mong anak ko. Ipinagkatiwala ko sa’yo kasi akala ko, mapoprotektahan mo siya. Anak ka pa din ng tatay mong walang kwenta!” dahan-dahang bumaba ang pagkakatutok ng b***l sa sintido ni Clint. Hanggang sa bumagsak ang kamay ni General. Humahagulgol ito sa sobrang sakit na nararamdaman. “Kasalanan ko ho lahat. Nagpabaya ako…” dahan-dahan siyang yumuko hanggang sa pasadlak siyang umupo na parang hinang-hina. Gusto ni Errol na damayan si Clint. Yakapin ito ng mahigpit at sabihing magiging maayos din ang lahat. Siya man din ay napaluha na nang tuluyan. Mabilis siyang humakbang paalis do’n.   Malinaw na kay Errol ang lahat. Anak ni General ang kasintahan ni Clint. Gumaganti nga ang kalaban. Hindi siya napatay ng mga ito, kaya si Avi na anak ni General ang inuna nila para maramdaman nito ang sakit ng ginawa nila kay Congressman. Gusto nilang ipamukha kay General na hindi sila madaling kalaban. Nagiging personal na ang laban ng dalawang matitinding sindikato sa bansa. Ubusan na ng lahi. Sumakay siya sa kanyang SUV dahil awang-awa na siya sa nakikita niya na nangyayari kay Clint ay umiiyak na din siya. Ipinatong niya ang kamay niya sa manibela saka niya ipinatong doon ang kanyang ulo. Matigas siya e. Akala niya wala na siyang konsensiya. Batid niyang hindi na siya marunong maawa pa sa iba ngunit iba itong nangyari kay Clint. Ramdam niya yung sakit. Matagal nang hindi siya nakakaramdam ng ganitong pagkaawa. Hindi niya kayang patawarin ang sarili niya hangga’t hindi niya ito naigaganti. Siya ang nakakaalam sa lahat. Wala pang kaalam-alam si Clint na biktima lang sila ni Avi nang gulong pinasok ng sindikatong pinamumunuan ni General. Hindi niya alam kung aalis na ba siya o do’n lang siya at babantayan niya si Clint. Inapuhap niya ang b***l niya sa pinagtaguan niya. Magagamit niya muli ito. Kahit walang utos sa taas, siya ang kikilos. Binunot niya ang cellphone niya. Alam niyang hindi ito ang tamang panahon para guluhin niya si Clint. Kailangan niyang bigyan ng oras ang kaibigan hanggang sa maayos itong makapag-isip. Ngunit kailangan niyang magtext para magpaalam. Muli niyang pinagmasdan ang noon ay lumuluha pa ding nakamasid sa inaayos nang bangkay ni Avi. “Kung kailangan mo ng karamay, ng makausap… andito lang ako. Maghihintay ako kung kailan ka handa.” Text niya iyon. Pinag-isapan niya kung pipindutin niya ang send. Ngayon lang kasi siya naging gano’n sa kahit sinong kaibigan. Pinindot niya ang send. Bago siya umalis ay muli niyang pinagmasdan ang kalunos-lunos na sinapit ni Avi at ang nakakaawang kalagayan ni Clint. Bumunot siya ng malalim na hininga. “I’m sorry. Sorry dahil ako ang lahat ng dahilan kung bakit nangyayari sa’yo ang lahat ng ito,” bulong niya bago pinaharurot ang kanyang sasakyan. Pagdating niya sa tapat ng kanilang bahay, tumunog na ang kanyang cellphone. Akala niya ay si Clint na iyon ngunit nagkamali siya. Nang nakita niyang si Eagle ang tumatawag sa kanya, ang kanyang middleman ay alam na niya kaagad ang motibo ng tawag na iyon. “Ano hong atin?” diretsuhan niyang tanong. “Mamba, pinatay ang anak ni Jaguar.” “Nabalitaan ko nga, sir?” “Malakas ang pakiramdam niyang si Senador ang nasa likod ne’to. Kailangan mong tapusin ang job na ‘to, Mamba.” “Target, si Senator Falcon, tama?” “Shoot.” “Plan?” “Bahala ka kung anong plano mo, Mamba. Magaling ka diyan.” “Personality ng target.” “Nagsusugal, mahilig sa bar, mahilig sa magandang babae, madalas sa condo ng kanyang babae.” “Difficulty?” tanong niya habang bumababa ng sasakyan. “Laging may kasamang mga bodyguard. Pero kung nalusutan mo si Congressman kahit marami ang bodyguard, kaya mo din ito. “Group?” “Three or Four. Ikaw ang bahala sa kung sino ang isasama mo. Pwede si Scarlet at Rocky. Sila ang alam kong makakatulong sa’yo.” “Technique.” “Open, kayo ang mas may gamay ng iba’t ibang technique sa pag-aassassinate.” “Damage?” “Million with bonus ang pinag-uusapan natin dito. Linisin ninyo ang pagkakagawa. Huwag na sana maulit pa yung kay Congressman.” Lahat ng sagot ng middleman ay nasa utak na niya. Personal na ito para sa kanya kaya naroon yung gigil na pumatay. Aayusin niya ito sa madaling panahon. May nagbukas ng gate. Nakita niya agad si Dodong. Si Dodong ang apo ng pinatay niyang namamalimos noon. Bumabawi pa din siya sa pagpatay niya sa lola nito. Kaya niya ito inampon, pinag-aaral at ibinibigay ang lahat ng kanyang pangangailangan at maibigan. Kapatid ang turing niya at hindi isang utusan. Binatilyo na si Dodong. Hindi siya nito namukhaan ngunit tanda pa din ni Dodong ang lahat ng nangyari nang gabing sinasaksak ang lola niya. Tanging mukha ng pumatay sa kanyang lola ang sadyang hindi niya na matandaan. “Ang ate Cess mo, lumabas ba?” tanong niya kay Dodong pagkababa niya sa kanyang sasakyan. “Oho kadarating lang ho niya.” “Yung naghatid pa din ba ang naghatid sa kanya ngayon?” “Opo,” malikot ang mga mata ni Dodong. Halatang iniiwasan niyang marinig siya ni Cess na nagsusumbong sa mga lihim na lakad nito. “Tulog na kaya siya?” “Hindi ko alam kuya. Nasa kuwarto ninyo.” “Isarado mo na ‘yan.” “Sige kuya.” Mabilis na isinira ni Dodong ang mataas nilang gate. “Yung b***l mo?” “Nasa kuwarto kuya, bakit ho.” Naguguluhang tanong ni Dodong. “Dapat lagi mo nang dala ‘yon ngayon. Mainit tayo.” “Sige kuya.” “Asintado ka nang bumaril kaya gusto kong protektahan mo ang sarili mo. Nasa alert Red tayo ngayon.” Tumango lang si Dodong. Alam na kasi niya ang ibig sabihin no’n. Nasa panganib ang buhay nilang lahat kaya kailangan niyang laging handa. Hindi itinago ni Errol ang trabaho niya kaya tinuturuan niya ang binatilyo kung paano nito mapoprotektahan ang sarili. Sila ni Cess ang gumagabay. Ngunit hanggang doon lang. Ayaw niyang madungisan ang kamay ng binatilyo. Gusto niyang magiging maayos ang buhay ne’to. Makatapos sa pag-aaral, makapagtrabaho ng matino at mamuhay ng tahimik. Pagpasok niya sa kwarto ay nakita niya si Cess na nasa beranda ng kanilang kwarto. Naninigarilyo ito at nakataas ang kanyang mga paa. Nasa maliit na mesa ang red wine nitong iniinom. Kinuha niya ang bote ng tequila sa tokador ng kwarto nila. Binitbit niya iyon palapit kay Cess. Hinalikan niya sa pisngi ang kasintahan. Hindi muna niya ito tatanungin tungkol sa madalas nitong paglabas-labas kasama ng ibang lalaki. May job muna silang kailangang isakatuparan. “Ohh dumating ka na pala. Kumain ka na?” Itinungga niya ang bote ng tequila. Malayo ang tanaw ng kanyang paningin. “Kumusta ang lakad?” tanong uli ni Cess na noon ay nagbuga ng usok. Tumingin si Errol sa kinakasama niya. Napangiti siya na sinundan ng pagtango-tango niya. May naisip na siyang paraan. “Anong job?” Alam na kaagad ni Cess ang takbo ng isip ni Errol. Kabisadong-kabisado na niya si Errol. Sabay silang nasabak sa trabahong ito. Sabay nagtraining, sabay pumatay at halos lahat ng technique nila ay iisa. Dahil madalas silang magpartner sa kani-kanialng subject kaya nahulog sila sa isa’t isa. Pasex-s*x lang noong una hanggang sa napagkasunduan nilang magsama na lang sa iisang bahay. “Si Senator Falcon.” “Kapatid nang itinumba mong baklang Congressman?” “Mismo.” “Anong plano?” humitit ng sigarilyo si Cess saka niya ibinuga agad ang usok. “Dating gawi.” “Mukhang interesting ‘to ah. Pesonality?” “Hmnnnn babaero, mahilig mag-bar at maglasing.” “Easy,” uminom ng red wine si Cess. Itinaktak niya ang abo ng sigarilyo niya sa ash tray. “Kailan daw ‘to?” “Spy ko muna.” “Good. Tagal na kasi akong walang job e.” “Bibilisan ko ‘to. Gagawin natin ang job na ‘to sa madaling panahon. Stand-by tayo sa tawag at further instruction. Are you in?” “Ilan daw ba tayo?” Humitit at bumuga sa hawak niyang sigarilyo. “Sabi ni Eagle, isama daw kita at si Rocky.” Si Cess ang binabanggit ni Eagle na Scarlet kanina.  “Tatlo lang tayo?” “Kaya na natin ‘yon.” “Ano in ka ba talaga? “In ako diyan.” “Deal na ha.” “Deal nga ako. Sandali, magkano daw ba partehan.” “1 Million plus bonus.” “Okey. Kinakalawang na din ako e.” pinatay ni Cess ang sindi ng kanyang yosi sa ashtray. “Hindi ka pa ba matutulog?” “Paplanuhin ko lang ang job. Susunod ako.” Bago umalis si Cess ay hinalikan muna niya sa labi si Errol. Isang smack lang dapat iyon tulad ng madalas nilang ginagawa bago matulog ngunit iba ang ginawa ni Errol. Hinawakan niya ang batok ni Cess. Siniil niya ito ng maalab na halik. Natigilan siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bigla na lang parang nakita niya ang mukha ni Clint nang dumantay ang labi ni Cess sa kanya kaya niya maalab ang itinugon niyang halik sa kasintahan. Umiikilkil sa isipan ni Errol ang kanina’y mainit nilang halikan ni Clint. “Ayos ka lang?” nakahalata si Cess. “Oo naman, bakit?” “Ang weird mo.” “Ano namang weird do’n?” “Akala mo hindi ko ramdam. Hayok na hayok. Hindi ka naman ganyan dati humalik sa akin.” “Huwag mo akong simulan. Baka hindi mo kakayanin kung sasabihin ko sa mukha moa ng pinaggagawa mo.” “Ako? Hangga’t wala kang proof, huwag kang magbintang. Ikaw, umayos ka! Masarap akong kasintahan pero malupit akong kaaway.” Mabusising tinitigan ni Cess ang kasintahan bago siya tumalikod papasok sa kanilang kwarto. “Kala ko siguro hindi ko alam ang milagrong ginagawa mo sa tuwing wala ako,” bulong ni Errol. “May sinasabi ka?” “Wala, madami ako iniisip at gustong gawin sa job natin. Matulog ka na.” May oras ding pag-uusapan nila ni Cess ang tungkol sa hinala niyang ginagawa nito. Kukuha siya ng ebidensiya. At kung mangyari iyon, sisiguraduhin niyang wala ng second chance. Tatapusin niya agad-agad ang sa kanila. Hindi siya naniniwala ng second chance. Kapag ginawa na ang panloloko, kaya pa niyang ulit-ulitin ito at hindi na siya makapapayag pa. Tumungga muli si Errol sa hawak niyag bote ng alak. Napangiti siya. One stone in two birds. Maipaghihiganti at makababawi na siya kay Clint, magkakaroon pa sila ni Cess ng malaking pera. Bukas, sisimulan niya ang pagmamanman. Masusubok muli ang galing nila ni Cess. May kung ano lang na damdaming sumisibol sa kanyang dibdib. Hindi pwede ‘to. Utang lang niya kay Clint ang kanyang buhay at naawa lang siya sa sinapit ng pamilya nito dahil pa din sa kanya. Kaya malayong makakaramdam siya ng pag-ibig sa pareho niya ng kasarian. Ngunit hindi na niya kayang kontrolin. Iba na, mahal na nga kaya niya si Clint? Pero lalaki siya, imposibleng makakaramdam siya ng pag-ibig sa kapwa niya lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD