MAPANG-AKIT

3133 Words
CHAPTER 5 “Hintayin mo na lang ako sa labas. Hindi pa kasi talaga ako tapos magshower,” pinunasan ni Errol ang basa niyang mukha gamit ang kanyang palad. “E, ba’t lumabas ka na?” nagtatakang tanong ni Clint. “Baka kasi pagkatapos kong magshower wala ka na. Lumabas lang talaga ako para sabihan kitang hintayin mo ‘ko.” Sinuklay-suklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri. Sinadya niyang ipakita ang maputi at makinis niyang katawan. Alam niyang napatitig ito sa maputi at mabuhok niyang kili-kili. Napalunok si Clint. “Sige magpapalit lang ako. Hintayin na lang kita Pare.” “Ayos.” Tumalikod siya na may ngiti sa labi.   Parang trabaho na din lang naman ito. Aakitin niya si Clint. Ngayon pa ba na alam na niya ang kahinaan nito? Madali na lang din niya itong mapaikot. Kung mabitag ito sa kanyang patibong, siya na ang masusunod sa lahat ng kanyang nanaisin. Niyaya niya si Clint sa inuman hindi dahil napatawad na niya ito kundi sa pagkakataong ito gusto niyang mapalapit ng husto dito dahil sa nakikita niyang connection ng huli sa mga matataas na tao sa kapulisan. Kung sakaling tagilid siya sa kanyang grupo, may iba pa siyang magiging proteksiyon. Mainam nang pinaghahandaan niya iyon. Nakikita niya kasi ang maling kalakaran sa sindikatong napasukan niya. Kung titiwalag siya, buhay niya ang maaring kapalit. Habang kailangan siya ng grupo wala siyang karapatang tumiwalag. Matuto siyang maghhintay ng tamanag panahong kung kailan grupo na nila mismo ang magsasabing magpahinga na at maghintay lang ng tawag kung kakailanganin pa nila ang kanyang serbisyo. Wala siyang karapatang magbitiw kung kailan niya lang gusto. Kung darating ang panahong hindi ka na makapag-ambag pa sa grupo dahil sa katandaan, bahagi pa rin siya ng sindikato habangbuhay, inactive nga lang. Kung mahuli man siya at maikulong, paniguradong hindi na aakyat pa sa husgado ang kaso. Sisintensyahan na lang ng kamatayan kung mahirap nang pabulaanan ang mga nailatag na ebidensiya. Yung ginawa sa kanya ni Clint na pagnakaw ng halik? Sisiw na kung tutuusin sa trabaho niya. Di lang niya nagustuhan ay labas ito sa trabaho at sa mismong labi pa niya. Hindi kasi siya pahahalik kailanman sa labi. Ang nakaw na halik na iyon ay parang naikintal na sa sistema niya. Isang karanasang hindi niya alam kung bakit hindi niya maibaon sa limot. Naging personal ang dating niyon sa kanya.   Binuksan niya ang shower. Napapikit siya sa sarap ng lamig ng tubig na bumagsak sa kanyang katawan. Dahan-dahang bumalik siya sa nakaraan.   Mula nang gabing inutusan siya nang pulis na iyon na patayin ang isang pulubi ay naging madalas na ang kanilang pagkikita. Nang lumaon, ang pulis na iyon pala ang nagiging middleman niya. Nagkikita sila kapag nag-aabot siya ng bayad o kaya ay kung may mahalagang bagay na pag-uusapan. Wala siyang direct contact sa mga nasa taas. Laging sa middleman lang siya nakakatanggap ng utos kung sino ang kanyang target. Nitong huli na lang niya nalaman at nakilala si Jaguar, ang kanilang pinuno.   Wala siyang karapatang tumanggi o mamili ng tatargetin. Kung sino ang iniuutos sa kanya iyon ang job na kailangan niyang iligpit. May proseso siyang sinusunod pagakatapos sabihin sa kanya ang target. Una, kailangan alam niya ang mga daily routine nito sa pamamagitan ng pag-i-spy. Kapag alam na niya ang daily schedule at activities ng target, ipapaalam na sa kanya kung saan, kailan at paano niya ito papatayin. Noong baguhan siya, wala siyang karapatang magdesisyon ngunit nang napatunayan niya ang kanyang kakayahan, ipinagkatiwala na sa kanya na gawin ang kahit anong gusto niyang pamamaraan. Kung sakali mang magkahulian, madali siyang makatatakas sa tulong ng kanyang mga backup. Kung sakali namang mahuli siya ng mga pulis, gagawan ng paraan para lumabas o kaya ay may ibang ididiin sa kaso. Kailangan lamang na iwasang mag-iwan sila ng kahit anong ebidensiya sa crime scene. Noong nakaraang buwan lamang siya nagligpit ng isang Congressman. Kahit sinabihan siya ni Eagle na bading ang isang dating sikat at gwapong action star noon na tumakbo at nanalong Congressman ay hindi siya naniniwala. Matikas, guwapo at barako kasi ito kaya sinong mag-aakalang may berdeng dugo ito?  Ang plano, sa isang dining restaurant ng isang mamahaling hotel and casino niya ito itutumba. Kung bakit ipinapatumba? Inuunahan lang ng grupo na magkalat ang naturang konggresista. Mukhang tatraydurin daw nito ang grupo at handang tumestigo laban kay Jaguar. Lahat ng lumalaban o hudas kay Jaguar, dapat maipaliligpit bago pa man makapaminsala sa pangalan nito. Dahil siya ang may experise at na-train na pumatay ng mga may personalidad na ganoon kaya siya ang naatasang tumapos sa maliligayang araw ng Congressman. Hindi naman kilala ng Congressman kung sinu-sino silang hitman ng grupo kaya madali niya lang itong maakit. Gagamitin niya ang kanyang kaguwapuhan para madaling patayin ang kanyang mga itutumba sa pribadong paraan at lugar. Dumaan siya sa table ni Congressman ngunit hindi siya nito napansin. Kailangan niyang mag-isip ng paraan. Sa kaguwapuhan niya nang gabing iyon, idagdag pa ang dignitary niyang kasuotan, malayong hindi niya maakit  ang Congressman. Hindi nito iisipin na pakana ito ng dati nitong grupo lalo pa’t ang pagkakaalam nito ay maayos at malinis namang pinakawalan siya ng grupo. Pagpasok palang niya ay bahagya na niyang binangga sa balikat ang Congressman. Mabilis siyang hinawi ng mga bodyguards nito palayo ngunit huli na. Napansin na siya ng Kongresista. Hudyat na iyon na hindi na niya bibitiwan pa ito. Aakitin niya hanggang si Congressman na mismo ang iiwas sa kanyang mga bodyguard. Nakipagtitigan ang congressman sa kanya habang tumitingin siya sa menu. Pinag-igihan niya lalo ang kanyang mapanuksong mga titig at nakakaakit na ngiti. Nang kumakain na siya ay alam na niyang nahulog nasa kanya ito. Batid niyang kung wala lang sigurong kasama ang congressman ay nilapitan na siya nito. Pinag-aralan niya muna ang anggulo kung saan nakapwesto ang mga bodyguard. Hindi talaga pwedeng doon niya mismo ito titirahin. Tama ang plano, sa isang pribadong lugar niya ito uutasin. Mapapatay niya ang target ngunit hindi na siya makakalabas pang buhay kung doon niya lantarang barilin ang subject. Tumayo siya. Bago niya tinungo ang CR ay nilingon niya muna ang congressman at kinindatan niya ito. Isang paanyaya ng mabilisang p********k sa kubling lugar. Nakita niyang may mga CCTV sa halos lahat ng sulok pati ang mismong pintuan ng CR. Hindi siya kinakabahan pa doon dahil alam niyang sa mga oras na ‘yon ay naroon na si Rocky na siyang umaayos para walang maiwang ebidensiya ng kanyang pagkakakilanlan. Ang trabaho lang niya ay ang iligpit si Congressman. Doon lang dapat siya nakapokus. Walang tao sa malinis at maluwang na CR. Walang CCTV. Madami ding maluluwang na cubicle doon. Ilang sandali pa ay pumasok na si Congressman. Napangiti siya. Kumagat na din ito sa pain. Pumasok na sa bitag. Nanghuhugas siya ng kamay nang tinabihan siya ng Congressman. Doon niya nakita nang malapitan ito. Nasa kwarentahin na ito ngunit bata ang histura sa kanyang edad. Mestiso. Gwapo. Nagkatitigan muna sila. Inakit niya ito sa pagpapungay ng mata at ang pagbasa-basa niya ng kanyang labi. Kinindatan siya ng Kongresista. Tipid na ngiti at kindat lang ang kanyang isinukli. Tinungo niya ang cubicle ngunit bago tuluyang pumasok ay nilingon na niya muna ito. Hinayaan niyang nakabukas ang cubicle. Mabilis niyang isinuot ang kanyang gwantes at binunot niya ang b***l saka itinago niya ito sa kanyang likod. Ilang sandali lang ay nakasunod na si Congressman sa kanya. Walang nagsasalita. Sapat na ang kanilang ikinikilos para magkaintindihan. Nilapitan siya ng Congressman. Hinimas nito ang kanyang dibdib. “Trip mo ba ako?” bulong ng Congressman. “Ikaw, trip mo ako?” “Oo naman. Ano ha, dito na lang natin gawin nang mabilisan?” “Sige simula mo na,” utos niya sabay padila sa kanyang labing pang-ibaba. “Malaki ba ‘to, ha?” hinaplos na agad ng Congressman ang kanyang alaga. “Parang tulog pa ah. Gisisingin ko ‘to.” Ngumiti siya. Hinawi niya nang bahagya ang kamay ng Congressman sa kanyang kargada. “Ang gwapo mo, ang ganda pa ng katawan mo.” Hinaplos nito ang dibdib niya. Hindi siya sumagot. Hindi na din siya tumanggi. Bumaba ang palad ng Congressman sa kanyang tiyan hanggang sa naramdaman na lang niya uling hinihimas na nito ang kanyang patay pang kargada. “Subo ko ha.” Bulong ng Congressman sa kanya. Kumindat lang siya. Nanginginig itong binuksan ang kanyang zipper. Hindi siya pumalag. Nang tuluyang nailabas ng Congressman ang kanyang manoy at dahan-dahang lumuhod para buum-buo niya itong maisubo ay nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon… ng init ng bibig nito... ng di niya maipaliwanag na sarap. Ngunit hindi ang pagpapasubo ang sadya niya kundi hudyat na iyon para gawin niya ang kanyang trabaho. Habang walang pang pumapasok na iba. Mabilis niyang itinutok ang silencer g*n niyang hawak sa sintido nito at kisapmatang kinalabit niya ang gatilyo. Kitang-kita niya ang gulat sa mata ng Congressman. Hanggang sa tuluyan itong natumba mula sa kanyang pagkakaluhod. Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang bilisan ang kilos. Ibinalik niya ang alaga niya sa kanyang brief. Mabilis niyang itinaas ang kanyang zipper. Kailangan niyang linisin ang crime scene. Palabasing nagpakamatay ito. Ipinahawak niya ang b***l sa wala nang buhay na Congressman. Walang dapat makitang kahit anong ebidensiya. Dahil may gloves siya, hindi magmamarka sa lahat ang kanyang finger prints. Kahit nang kumakain siya kanina, finger foods lang din ang kanang inorder at kinain. Kailangang walang maghihinala na may foul play na nangyari dahil ang wound lang ay isang tama ng b***l sa mismong sintido niya. Walang marks na nagpapakitang lumaban ito o kaya ay may pwersang nangyari. Nang masiguradong maayos at malinis na ang crime scene ay umalis siya sa lugar na parang walang nangyari.   Maayos niyang naisakatuparan ang pagpatay sa Congressman ngunit hindi niya magawang malinis pa ang maaring mga witness. Nasa mismong pintuan kasi ng CR ang gwapong bodyguard at hinihintay ang paglabas ng kanyang amo. Sandali silang nagkatitigan at alam niyang namukhaan siya nito. Wala na siyang panahon pang patumbahin pa ito dahil may ilang bodyguards din na nakapalibot. Mas inuna niya ang pagtakas. Bago makita ang bangkay ng Congressman, kailangan nakalabas na siya sa building. Nakahinga lang siya ng maluwag nang napaandar na niya ang kanyang motor. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakita niyang sumunod ang gwapong bodyguard ng Congressman sa kanya. Sumakay din ito ng motor. Ngunit planado na ang lahat. May kasama siya sa labas na tutulong sa kanya sa pagtakas. Nakarinig siya ng ilang putok ng b***l. Napangiti siya nang makita niyang hindi na siya nito nasundan pa. Sa dami ng mga matataas at kilalang personalidad sa lipunan na kanyang naitumba sa iba’t ibang paraan batid niyang dumadami din ang huma-hunting sa kanya. Alam niyang sindami ng napatay na niya ang gusto din siyang itumba. Kaya nga nakailang lipat na din sila ni Cess ng tinitirhan. Sa kagaya niyang may mga tinataguan, hindi dapat siya manatili sa iisang lugar lamang. Ngunit nang nagdesisyon sila ni Cess na sa Cavite na lang manatili ay hindi na siya binibigyan ng assignment sa mismong Imus Cavite, kailangan niyang isakatuparan ang plano sa labas ng Cavite. Kahit ang kanyang mga target ay pawang nasa National Capital Region lang. Para na din sa kanyang kaligtasan at ng kanyang bubuuing pamilya. Asset sila ng grupo kaya tinitignan din kung anong makabubuti sa kanila ng kanyang kinakasama.   Nang matapos siyang magshower ay mabilis na siyang nagpalit. Nagsando na lang siya at nagsuot ng jogging pants. Inilagay niya sa backbag niya ang basa sa pawis niyang damit. Naalala niyang hindi pala niya nadala ang kanyang b***l kanina. Wala naman kasi sa plano ang lakad nilang ito ni Clint.  Kailangan na lang niyang mag-ingat o pakiramdaman ang paligid mamaya. Nadatnan niya si Clint sa labas na halatang naiinip na. “ Ano tara?” yakag niya kay Clint. “Antagal mo ah.” “Sorry, nasarapan sa pagshower e,” kumindat siya. “Saan ba tayo? Sa dati?” “Oo sa dati. May sasakyan ka?” tanong niya kay Clint. “Motor lang. Iniwan ko sa bahay ang sasakyan ko. Ikaw?” “Naglakad ako kanina pagpunta dito. Angkas na lang ako sa’yo?” “Sure.” Nang umangkas siya kay Clint ay sinadya niyang ilapat ang katawan niya sa likod ni Clint. Gusto niyang simulan na ang pang-aakit. Alam niyang mapaglalaruan niya ang damdamin ng pamintang pulis na ito. Mahuhulog ang loob nito hanggang lahat nang nanaisin niya at hihilingan ay madali na lang siya nitong mapagbibigyan. Kilala din naman niya ang kanyang sarili, hinding-hindi siya mahuhulog kay Clint. Malabong magkakagusto siya sa isang bakla. Hindi siguro siya magmamahal sa kapwa niya lalaki. Hindi lang pala siguro, sinisigurado niya iyon. “Dito na tayo pumuwesto?” “Ayaw mo sa loob?” tanong sa kanya ni Clint. “Hindi ako makayoyosi sa loob eh. Gusto mo ba sa loob?” “Hindi, ayos lang. Dito na lang sa labas kung magyoyosi ka. “Mas okey kasi dito, presko ang hangin.” “Sabi mo e.” Umupo sila. Magkaharap. Pinili niyang umupo patalikod sa daan.  Inilibot ni Errol ang tingin niya sa mga naroon. Mukha namang walang kakaiba o kahina-hinala sa mga naroon sa paligid. Hilera kasi iyon ng mga inuman sa tabi ng daan. Kailangan niyang gawin iyon para masiguradong walang banta sa kanyang buhay. Sa kagaya niyang maraming atraso sa iba’t ibang tao, batid niyang nasa hukay na ang isa niyang paa at kung  maagap at maingat siya, hinding-hindi siya mapapatumba ng kahit sino. Nag-order si Clint ng bucket ng beer at pulutan. “Bakit parang may hinahanap ka?” Hindi maiwasang itanong ni Clint. “Gusto ko lang makasiguro.” “Makasiguro sa ano?” “Makasiguro na okey itong napili nating mauupuan” Pagpapalusot niya. Iniabot ni Clint ang beer sa kanya at sinadya niyang hawakan ang kamay nito. Nagkatitigan sila. “Ahm.” Mabilis na hinila ni Clint ang kamay niya. “Anong nangyari?” “Nangyari?” Balik tanong ni Errol. “Kanila lang kasi, galit na galit ka sa akin ah.” “Tinopak lang.”  “Halos magsuntukan nga tayo kanina e. Nagtataka lang ako na bakit parang biglang nagbago yata ang ihip ng hangin?” “Wala lang. Naisip ko lang na medyo naging OA yata ang reaksiyon ko sa nangyari nang nakaraang gabi.” “Ako ang mali pare. Nagpatianod ako sa naramdaman ko.” “Ano bang naramdaman mo?” nakangiti si errol. Namula si Clint. Napakamot. “Hindi ko naisip na nabastos na kita. Kaya ihihingi ko pa din ang tawad ang ginawa ko.” Halatang sinadya nitong hindi na lang siya sagutin doon sa kung ano ang naramdaman nito. Nagalabas siya ng yosi. Hindi niya iyon agad sinindihan. “Ayos lang ‘yon, pre. Nangyari na.” ngumiti siya. Sinipat niya ang kabuuan  ni Clint. Hindi din naman nakakadiri sigurong pagbigyan ang taong ito para makuha lang niya ang kanyang gusto. Malinis naman at mabango. Hindi nakakadiri. Gwapo at mukhang may pinag-aralan. Oo nga’t may karanasan na siyang maisubo at madilaan ang katawan ngunit hanggang trabaho lang iyon. Pinapatay din naman niya ang gumagawa ng ganoon sa kanya. Pero itong larong  sinisimulan niya sa pagitan nila ni Clint, iba. Hindi niya alam kung kakayanin niyang magpanggap na gusto niya ang kanyang ginagawa pero kailangan. Kung sakali kasing magkagipitan at ilalaglag siya ng kanyang grupo ngayon, may isang Clint na pwede niyang kapitan ng proteksiyon kahit pa sabihing malakas ang sindikato na kakalabanin. Mas mainam na itong may kakampi kaysa sa wala pagdating ng panahon. Wala naman siyang planong tumiwalag at alam naman niya ang protocol para hindi siya magiging kalaban ng sindikato kinaaaniban ngunit nagbabago ang panahon. Hindi niya buong hawak ang mangyayari sa mga susunod na araw. “May itatanong ‘ko sa’yo pare.” Sinenyasan niya si Clint na ilapit niya ang tainga niya sa kanya. “Ano ‘yon?” tanong ni Clint. “Gusto mo ba?” walang kagatol-gatol niyang tanong. “Gusto ang alin?” Nilingon niya ang lalaking dumaan. Parang may mali sa lagkit ng mga tingin nito sa kanlang dalawa ni Errol. “Ako?” Kumindat siya. “Sandali ah, medyo magulo. Pinagti-tripan mo ako?” “Bakit naman kita pagti-tripan?” “Anlabo kasi e.” “E, di kung ayaw mo, ayos lang naman.” Inbilagay niya sa labi niya ang sigarilyo at sinindihan niya iyon. “Hindi naman sa gano’n, anggulo mo lang kasi,”pagpapatuloy ni Clint. “Di ba nasuntok mo ako kasi akala mo binabastos kita sa bus? Ta’s nang hinatid mo ako, di ba nasuntok mo uli ako nang naano kita? Ba’t ngayon tinatanong mo pa ako ng ganyan?” “Ikaw ang malabong kausap p’re. Ngayong tinatanong kita nang diretsuhan di mo ako sinasagot. Di naman pwedeng nanakawan mo ako ng halik basta-basta. Kung gusto mo ako, kausapin mo ako. Ipaalam mo naman muna, aba.” Humitit siya at ibinuga niya ang usok. “Hindi ko alam. Hindi ko naman din kasi gusto yung nangyari noong nakaraan.” “Hindi mo gusto pero ginawa mo?” “Nangyari lang talaga ‘yon dahil siguro nakainom ako.” Tumungga siya ng beer. “Ngayon na hindi ka nakainom, ano bang nararamdaman mo sa akin?” Umiling si Clint. “Ano ba ‘tong usapan natin.” Hindi siya sanay na pinag-uusapan iyon ng lantaran. Hindi siya komportableng nauungkat ang kanyang tinatagong pagkatao. Tumungga si Errol ng beer. “Ano nga? “Nahihiya?” “Nahiya ka pa niyan? Tang ina pre, sinilipan mo na ako’t hinalikan, nahihiya ka pa din?” napangiti si Errol at muling tumungga. ‘Sinilipan?” “Oo nang unang nag-inuman tayo. Kala mo ba di ko nakitang halos lumuwa ang mga mata mo sa pagtitig sa kargada ko?” ‘Grabe ka.” Napainom si Clint ng beer. “Ako pang grabe, e tinutulungan na nga kitang ilabas lahat ‘yan.” Bumuntong-hininga si Clint. Tumingin siya kay Errol. “Kung alam mo lang. Hindi ko din naman talaga gusto ang nagawa ko sa’yo noon. At ayaw ko din naman...” natigilan si Clint. May kutob siyang kakaiba sa lalaking naka-leather jacket at face mask na dumaan sa kanila. Kahit nakasalamin ito alam niyang isa sa kanila ni Errol ang tinitigan o kinikilala. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa ikinikilos nito dahil nakadalawang balik na ito. Para kasing iba yung titig niya. Halatang may planong hindi maganda. “Ayaw mo? Ayaw mo din naman talaga sa akin, ganoon ba?” Inapuhap ni Clint ang b***l sa kanyang tagiliran. Lagi siyang may dala no’n. Huminga siya ng malalim. Pumunta ang lalaki sa mga naka-park na mga motor. May kinausap. Ibinalik niya ang tingin niya kay Errol ngunit mas tinalasan na niya ang kanyang pakiramdam at paningin. “Saan na uli tayo?” tanong niya. “Sabi mo ayaw mo din naman talaga sa akin.” “Sinabi ko ba ‘yon?” “Oo, hindi mo nga lang tinapos pero ‘yon yata yung gusto mong sabihin.” “Hindi ah. Gusto kita. Kaya lang alam kong hindi pwede,” diretsuhan niyang sagot. “Paano mo nasabing hindi pwede?” “Baliw ka ba, may kinakasama tayong dalawa..” “Okey,” nagkibit balikat siya. Tumungga ng beer. “Para namang ako pa ang magpaparamdam sa’yo ne’to ah.” “Hindi naman kasi magandang pinag-uusapan natin ‘yan. Napaka-awkward lang ka…“ natigilan si Clint. Naka-angkas na sa motor ang lalaking dumaan sa kanila kanina. Nakahelmet na sila  nang kasama nitong nagmamaneho ng motor. Mabilis binunot ni Clint ang kanyang b***l. Kitang-kita ni Clint ang pagbunot din ng lalaking nakaangkas sa b***l nito sa loob ng kanyang jacket. Hudyat na iyon. Bago pa man nakapaputok ang lalaki ay binaril na niya ang nagmamaneho. Sapol ang balikat nito. Sumadsad ang motor kasama ang magka-angkas. Hindi nagawang iputok ng lalaki ang hawak niyang b***l dahil mas nauna ang kanilang pagsemplang. Noon pa lamang naalimpungatan si Errol. Mabilis na tumayo ang lalaki at kay Errol niya itinutok ang b***l. Nanlaki ang mga mata ni Errol. Wala siyang kahit anong dala para lumaban. Nanginginig na siya. Ito pala ang pakiramdam ng natutukan ng b***l, ang pakiramdam ng nasa bingit na ng kamatayan. Ilang malalakas na putok ang pumailanlang. Nagimbal ang lahat nang naroon sa nangyayaring barilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD