Chapter 3
“Sabi ko na nga bakla ka, tang ina ka!” sa isang iglap isang malakas na suntok sa panga ang pinakawalan ni Errol.
Hindi alam ni Clint kung gaganti siya. Paano ba siya lalaban kung alam niyang may mali naman talaga siyang nagawa.
“Bumaba ka na sa sasakyan ko.” Singhal ni Errol. “Baka hindi kita matantya.” Kung magkainitan ay handa niyang itumba ang pulis na nagnakaw ng halik sa kanya.
“I’m sorry pre. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.” Paghingi ni Clint ng dispensa. Nakikiusap ito. Hindi na siya isang pulis sa pagkakataong iyon. Isa siyang abusadong nagnakaw ng halik.
“Tang-ina, di mo ba ako narinig? Bumaba ka na at baka makalimutan kong pulis ka.” Binuksan niya ang pintuan sa passenger;s seat. “Baba! Huwag mong ubusin ang naiiwang katiting kong pasensiya!”
Nilingon muna ni Clint si Errol bago siya tuluyang bumaba.
Pinaharurot ni Errol ang kanyang sasakyan sa inis. Kung di lang niya naisip na pulis si Clint paniguradong hindi lang isang suntok ang natikman nito sa kanya. Baka basag na ang bungo o naliligo na ito sa sarili nitong dugo.
Nanginginig pa din ang kanyang kamao nang makarating siya sa kanilang bahay. Gusto niyang ilabas ang kanyang galit. Ngunit bakit ba siya galit na galit? Nahahawakan siya, naisusubo ngunit ni minsan ay wala siyang pinayagang halikan siya sa labi? Lahat ng iyon ay saklaw ng trabaho niya. Kung bakit sobrang apektado at galit na galit siya sa ginawa ni Clint? Hindi niya alam. Ngunit hindi rin niya maitangging may nararamdaman siyang kakaiba sa halik na iyon. Iyon ba ang ikinagagalit niya? Ang katotohanang hindi niya matanggap?
“Kuya, kakain ka?” tanong ni Dodong na papungas-pungas na lumabas sa kwarto nang nadinig nito dumating na siya dahil sa ingay ng kanyang sasakyan.
“Busog ako. Matulog ka na lang uli,” sagot niya.
Tumuloy muna siya sa kusina at binuksan niya ang ref. Kumuha ng dalawang bote ng beer saka nagtungo sa beranda sa sala nila sa taas ng bahay. Nilabas niya ang kanyang sigarilyo at nagsindi. Itinungga niya ang bote ng beer saka siya humitit ng sigarilyo. Ibinuga niya ang usok.
Galing sila ng probinsiya ng kanyang nanay. Sa isang bukirin kung saan laging nalalantaan ng pananim nila dahil kulang sa patubig. Isa pa, nakikisaka lang naman ang kanyang ama. Ngunit kahit ganoon sla kahirap, hindi siya pinapayagang lumusong sa putikan. Gusto ng mga magulang niyang tutukan lang ang kanyag pag-aaral. Kaya kahit tiga-bukid siya, hindi siya kasing-itim at kasimpangit ng mga kaklase niya sa baryo. Nang mamatay ang kanyang ama ay nagdesisyon ang nanay niyang pumunta sa kapatid niyang nasa Maynila. Dala ang konti nilang ipon ay nakipagsapalaran sila. Nagsimulang lumabas ang totoo niyang kulay. Mas nagiging artistahin ito. Ngunit hindi naman naipapamalengke o naisasahog sa gulay ang kapogian. Kailangan niyang gamitin iyon para umangat.
Dahil hindi na makahanap ng trabaho ang sakitin din niyang ina at naubos ang kanilang ipon kaya sila napilitang nakitira sa walang puso at mapang-alipusta niyang tiyahin. Lahat ay kakayanin niyang gawin para lang sana sa kanyang nanay. Hindi niya maatim na malayo siya kahit ilang sagit lang sa nanay niya dahil paniguradong aalilahin lang ito ng kanyang mga kamag-anak. Awang-awa na siya sa nanay niyang pinagdadamutan ng pagkain. Inuutusang maglaba, maglinis at magluto kaht hindi na nito kaya pa. Isa pa, dahil siksikan na sila sa bahay ng kapatid ng nanay niya kaya kahit pa sa silong ng hapag-kainan sila natutulog ay pinipilit nilang pagtiisan. Para silang mga hayop kung ituring ng mga sarili nilang kadugo. Mabuti pa pa nga yung asong katabi nilang natutulog sa silong ng mesa, panay ang pakain ngunit sa ina niya, ni kahit buto hindi nila ito matapunan.
Ipinapangako niya sa nanay niyang iaahon niya ito sa hirap. Kaya kahit ayaw niya, kailagan niya munang tumigil noon sa pag-aaral para matutukan niya ang pag-aartista. Iyon na lang kasi ang alam niyang madalian at mabilisang paraan ng pagkita ng pera. Ngunit hindi din pala gano’n kadali ang lahat. Hindi ibig sabihin na kung guwapo ka, matangkad at maputi ay pwede ka na agad mag-artista. Sa dinami-dami din kasi ng guwapo sa indutsriyang iyon, mahirap na siyang mapansin. Kailangan niyang sumabay. Kailangan niyang ipakita kung anong bentahe ba ang kaya niyang gawin na hindi kaya ng iba pang gwapo?
Napansin niyang karamihan ay ginagamit ang katawan bago masubukan ang talent. Ilan ay pinalad dahil sa kapit at kakilala. Bihira lang yung basta na lang sumikat na di alam kung bakit. Nang una. dahil laki siyang probinsiya at busog sa pangaral ng kanyang ina na huwag gagamitin ang katawan para lang umangat ay hindi niya naisip gamitin ang kanyang karisma ngunit dahil sa nakita niyang kalakaran sa industriyang iyon, pumasok sa isip niyang bakit hindi siya magpakatotoo. Bakit hindi niya subukan kung para din lang sa pag-asenso ng buhay nilang mag-ina.
Ngunit kahit gano’n gusto pa din niyang mamili sa kung kanino niya dapat ibigay ang una niyang karanasan. Susuwayin na lang din naman niya ang pangaral ng kanyang ina, dapat yung tiba-tiba na. Bababuyin na din lang naman niya ang katawan niya dapat ay yung alam niyang magpapasikat na sa kanya. Pero dapat, sana yung hindi naman nakakasuka. Kung sino pa kasi ang mga pangit, sila pa ang mapera at handang magbayad at isa na ang director na iyon.
Hindi naman talaga niya binalak na patayin ang Director na iyon noon. Nadisgrasiya lang niya ito kaya niya nasaktan. Ngunit dahil bata at walang pera, kaya siya nakulong. Madaling nabaliktad ang kuwento na nagpadiin sa kanya.
Paano ba nagsimula kasi ang lahat? Paano ba siya napasok sa ganitong trabaho?
Kinausap siya ng isang pulis noon na ilalabas siya sa kulungan at abswelto na siya sa kaso niya basta gagawin niya ang lahat ng ipag-uutos sa kanya.
“Anong gagawin ko?”
“Payag k aba kahit ano?”
“Ano ho nga muna ‘yon.”
“Malalaman mo kung papayag ka na. Kasi kung ilalabas ka namin dito ngayon, hindi naka kailanman babalik pa sa loob.”
Naisip niya ang nanay niya. Hindi siya maaring magtagal sa kulungan at malayo sa kawawa niyag ina.
“Sige ho, kahit ano,”pagsang-ayon niya.
Doon na nagsimula ang lahat. Nang inilabas siya ng mga pulis sa kulungan ay dinala siya sa hindi na mataong tulay sa kahabaan ng Edsa. Halos madaling araw na iyon noon. Kaya wala nang halos tao pa sa paligid.
“Saksakin mo ‘yan ng limang beses. Yung siguradong mapuruhan at mamatay,” utos ng isang pulis na nag-escort sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang isang mahabang kutsilyo.
“Ho? Bakit ho?” nanginginig niyang pagtanggi. Hindi niya kakayaning pumatay ng tao lalo na ang isang inosenteng matandang babaeng pulubi.
“Gusto mong lumaya, gusto mo ng madaling pera at mabilis na pagyaman, hindi ba?”
“Oho pero hindi ho sana sa paraang ganito.”
“Bata, sa’yo nanggaling mismo na kahit ano, kaya mong gawin. Mamili ka, limanlibo at lalaya ka kapalit ng buhay ng matandang ‘yan o bangkay mo ang aanurin sa Ilog Pasig?”
“Pero sir, wala naman kasalanan sa atin ang matanda, bakit natin siya papatayin?”
“Putang ina ka ah! Patayin mo ‘yan o hindi? Andaming mong tanong!” naramdaman niya ang malamig na b***l na nakatutok na sa kanyang sintido.
Nanginginig siya sa takot. Sa edad niyang labingpitong taong gulang, takot siyang mamatay. Hindi din buo pa ang kanyang loob na gawin ang mga bagay na ipinapagawa sa kanya.
“Isa!” pagsisimula ng pulis na magbilang. “Pagbilang ko ng tatlo at di ka pa magdedesisyong gawin ang iniuutos ko, sabog ang utak mo, tang-ina ka!”
“Sige po sir, gagawin ko na po,” takot na takot niyang pagsunod.
Dahan-dahan niyang nilapitan ang matandang babae na namamalimos. Kitang-kita niya sa mga mata nito na parang natuwa na may lumapit sa kanya. Inaakala siguro ng matanda na aabutan siya ng limos.
“Baka pwedeng makahingi ng kahit magkano para sa apo kong maysakit.” Bulong ng matanda sa kanya. Nakita niya ang batang nasa apat hanggang anim na taong gulang. Nakahiga lang sa karton. Payat na payat at panay ang ubo.
Nilingon niya ang pulis na nakatingin sa kanya. Naluluha na siya. Pinagpawisan ng husto. Paano niya kakayaning patayin ang isang walang kalaban-laban at inosenteng katulad ng namamalimos na ito? Paano na ang inosenteng bata na mawawalan ng mag-aaruga at gagabay? Ngunit paano naman siya? Buhay din nila ng nanay niya ang nanganganib.
Inilabas niya ang hawak niyang kutsilyo.
“Huwag po… huwag po… maawa ka sa akin at sa apo ko,” pakiusap ng matandang umaatras. Nagmamakawa para sa kanyang buhay ngunit mabilis niyang inundayan ng saksak sa dibdib ang matandang babae.
Bago pa man makasigaw ang matanda ay natakpan na niya ang bibig nito. Lumuluha siya habang sunud-sunod niyang inundayan ng saksak. Gusto niyang mamatay na agad ang matanda para hindi na ito makaramdam pa ng sakit. Tumitig sa kanyang mga mata ang matanda. Waring nagtatanong kung anong kasalanan nito sa kanya. May mga luhang mabilis na bumagtas sa pisngi ng kanyang unang biktima at siya din. NIyakap niya ang matanda habang humahagulgol din siya dahil sa kanyang nagawa. Nagising ang bata. Hinanap niya ang kanyang lola.
“Lola… nagugutom na po ako… Lola…” papungas-pungas pang bumangon ang bata. Hindi nito alam na patay na ang lola niya. Pinatay niya ang taong bumubuhay sa isang inosenteng nilalang. Sobrang hirap sa kanyang pakiramdam na makita ang ganoong tagpo. Tumayo siya. Tumalikod at mabilis na humakbang palayo doon. Humihikbi siyang bumalik sa nag-utos sa kanyang pulis.
“Magaling bata,” tinapik siya sa balikat. “Dapat iyan ang unang matutunan mo. Ang mawalan ng puso at konsensiya. Handa ka dapat na pumatay sa kahit sino pang iutos sa’yong paslangin.” Inakbayan siya ng buwayang pulis saka nila tinungo ang nakaparadang itim na sasakyan.
“Sumakay ka muna. May iaabot ako sa’yo.”
Sumakay siya. Wala sa sariling nakatingin sa malayo. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. Napakasama niyang nilalang. Hanggang sa umiyak na siya. Hindi siya masamang tao ngunit ano itong napasok niya? Nang dahil sa pera, isa na siya ngayong kriminal.
“Nakawalang puso mo!” humahagulgol siya. “Pinagsisihan kong pumayag ako sa ganito.”
“Hetong limanlibo at bonus mong dalawang libo din.”
Hindi siya tumitinag.
“Ano, kukunin mo ba ang bayad mo o mag-iinarte ka?”
“Paano ninyo kinakaya yung ganito?” humihikbi siya.
“Tarantado! Kikita ka ng malaki dito gago kaya huwag kang mag-iiyak diyan. Yayaman ka ng husto kung gagawin mo ng mahusay ang trabaho mo.” Itinapon ng pulis ang malulutong na liliman-daanin sa kanya.
Kinuha niya ang pera. Pinulot niya ang iba na nahulog sa kanyang paanan. Pilit niyang nilalakasan ang loob. Kailangan nilang mag-ina iyon.
“Alam mo ba kung bakit ikaw ang gusto ni Jaguar i-recruit?”
“Jaguar? Sinong Jaguar?”
“Pinuno ng grupo.”
“Ano namang pakialam ko do’n?”
“Tarantado ka ah! Kung magigig mahusay kang hitman, makakaharap mo ‘yon. Maswerte ka nga at natipuhan ka niya.”
“Maswerte?” umiling-iling siya, “Bakit ako? Sana iba na lang yung sinuwerte.”
“Gago.” Napangiti ang pulis. “Bakit ikaw? Kasi guwapo ka, mukhang mayaman at artistahin.”
“Anong kinalaman ng pagiging artistahin ko diyan sa trabahong iniaalok ninyo sa akin?”
“Simple. Hindi ka pag-iisipang hired killer o assassin. Gwapo ka e, mukhang anghel kaya hindi nila iisiping isa kang mamamatay-tao.”
Hindi siya kumibo. Ang kaguwapuhan niya ay itinuturing niya noong isang malaking asset ngunit mula noon na nagagamit na ng mga sindikato sa maling paraan, isa na itong sumpa para sa kanya.
“Wala ng atrasan ‘to bata.”
“Paano kung aayaw na ako?”
“Kung aayaw ka, hindi ka na sisikatan ng araw bukas. Isama na din natin ang nanay mo.”
“Alam ninyo ang tungkol sa nanay ko?”
“Alam namin ang buong buhay mo, bata. Marami kami. Kaya huwag kang magkakamaling hudasin kami dahil nakasanla na ang buhay mo sa amin.”
“Tang-ina ninyo! Sinira ninyo ang buhay ko!” sigaw niya habang umiiyak.
“Gago! Binabago namin ang buhay mo! Pinayayaman ka namin tanga!”
“Para ano? Para maging masamang tao?”
“Wala ka nang magagawa. Nandito ka na. O ‘eto tatlong libo. Galing sa akin ‘yan. Bonus mo.”
Huminga si Errol ng malalim. Wala na talaga siyang iba pang pamimilian kundi ang panindigan ang pinasok niya.
“Anong susunod kong gagawin,” pinilit niyang patatagin ang kanyang kalooban.
“Yown! Dapat ganyan,” tinapik siya sa likod. “Kailangan mong magtraining para maging mahusay sa physical combat at pagbaril. Lahat ng training na pagdadaanan mo ay para magiging mahusay ka na hitman. Yang ilang libo lang na natanggap mo ngayon, maniwala kang magiging barya na lang ‘yan. Yung trabahong ito ang talagang easy money…”
“Sino ba ang mga papatayin ko, mga inosenteng mamalimos sa mga lansangan?
“Tang inang bata ‘to oh!” natawa ang pulis. “Parang initiation mo lang ‘yon gago.”
“Initiation? Ang pumatay sa inosente.”
“Initiation na masanay na ang iyong konsensiya. Dapat ‘yan ang unang mawala sa’yo kung gusto mong maging mahusay na hitman.”
“Hindi ko nga kaya ‘to.”
“Bata, nang pumayag ka, wala nang atrasan kung hindi, ako ang papatay sa’yo.”
“Napakasama ninyo.” Nanigas ang kanyang kamao ngunit alam niyang hanggang galit na lang siya. Wala na siyang magagawa pa.
“Makinig ka. Kadalasan na iuutos sa’yong patayin ay mga d**g user, d**g p****r, mga bwaya at kalaban ng magiging kliyente natin sa pulitika, mga businessman na may ginagawang anomalya, mga malalaking tao na lumalaban sa ating grupo. Minsan din, mga kasama na natin na nakakaalam sa mga ginagawa nating iregularidad sa droga. Mga nakasaksi sa pagdispalko sa malalaking pera ng gobyerno. Pataas ng pataas ang iuutos sa’yong papatayin bata.” Naglabas ang pulis ng sigarilyo. Sinindihan niya iyon. “Kung small time na mga d**g user at p****r lang ang ipapatumba sa’yo, mga lima hanggang sampung libo lang ang mga ‘yan. Barya-barya lang. Dapat kung gusto mong umasenso nang mabilisan, yung mga bigatin ang kailangan mong pag-interesan. Tang ina, sasabihin ko sa’yo aabot ng 500,000 hanggang milyon-milyon ang kikitain mo dito, gago!”
Sa narinig niyang iyon ay naalala niya kung paano sila tratuhin ang mga mahihirap din naman nilang mga kamag-anak. Mula nagkamalay siya, inalipusta at inalipin na silang mag-ina. Kailangan niya ng pera para mapahaba pa niya ang buhay ng kanyang ina at itong inaalok sa kanya ng kapulisan na trabaho, ito ang sa tingin niya ay mag-aahon sa kanila sa kahirapan.
Kahit pa parang nakikita pa niya ang mukha ng inosenteng matanda na unang niyang napatay ay mas nangibabaw na ang kagustuhan niyang kumita ng mabilisan. Pilit niyang iwinaglit sa sistema niya ang konsensiya.
“Training ka muna bata ah, bago ka nila isasabak sa field. Kailangang asintado ka sa pagbaril, magaling kang dumipensa sa manual combat at mahusay na mahusay sa pagtakas.” Bumuga siya ng usok. Pinagpag niya ang abo ng sigarilyo sa labas ng sasakayan. “Kailangan, wala kang takot pumatay.”
Tumango-tango lang siya.
“Etong contact number ko ha. Tawagin mo akong Eagle. Dito mo ako tatawagan kapag may kailangan ka. Mamba. Tama, mula ngayon, ikaw na si Black Mamba at opisyal nang kasapi ka ng grupo.”
Hindi siya sumagot ngunit kinuha niya ang calling card. Wala naman na pala siyang magagawa dahil papatayin din naman pala siya kung aatras na siya sa kasunduan.
“Nakarating ka na pala, hindi ka pa ba matutulog?” si Cess. Pinutol nito ang kanyang pagbabalik alaala. Nakasilip lang sa pintuan.
“Magpapaantok na muna ako. Saan ka galing?” tanong niya. Nakakunot ang kaniyang noo.
“Kailan ka ba naging interesado sa mga lakad ko?”
“Sige na, umalis ka na diyan.” ayaw na niyang pahabain ang usapan. Wala siya sa mood para makipag-away.
“Kakain ka ba? Ipaghahain ka ni Dodong.”
“Huwag na. Busog pa ako. Matulog ka na, sunod na ako.”
Hindi na sumagot si Cess. Muli niyang itinungga ang hawak niyang beer. Humitit ng sigarilyo hanggang sa dahan-dahan na namang bumagtas ang luha sa kanyang pisngi.
Hanggang ngayon, hindi madali sa kanyang kalimutan ang gabing nakapatay siya ng isang matandang inosente. Bago siya umuwi nang gabing iyon ay bumili muna siya ng pagkain sa isang malapit na fastfood. Idinaan niya ito sa batang nawalan ng lola. Nadatnan pa niya ang bata doon. Umiiyak sa duguan niyang lola. Bakit ganoon ang buhay? Kahit patay na ang isang namamalimos sa saksak wala pa ding mga pulis na lumapit para imbestigahan o ayusin man lang ang bangkay nito. Yung mga tao ay dumadaan-daan lang na parang walang nangyari. Hanggang sa naisip niyang itawag na lang ang krimen sa hotline. Umalis na lang siya nang makita niyang may parating nang mga pulis.
Hanggang ngayon, parang nakikita pa din niya ang mukha ng matanda sa kanyang mga panaginip. Ngunit totoo nga ang karma. Pag-uwi niya sa bahay nila nang gabing iyon, patay na din ang kanyang ina. Huli na ang dating ng pera na dapat ay pampagamot niya. Tulad ng inaasahan, wala pa ding suporta ang kanyang mga kamag-anak. Pinapalayas pa siya dahil ayaw nilang ibuburol daw nila ang ina niya sa kanilang bahay. Sobrang sakit na wala man lang silang konsiderasyon. Ang lahat ng mga p**********p sa kanya ang siyang nagpapatibay sa loob niyang gumawa na lang din ng masama para mabuhay. Lalo siyang nalubog sa utang na loob sa sindikatong sinalihan niya dahil sinagot nila ang maayos na burol at pagpapalibing sa kanyang ina.
Kinabukasan pagkatapos mailibing ang nanay niya ay nagbakasakali siyang dalawin ang apo ng lola na pinatay niya. Nagtataka siyang naroon pa din ang bata. Hindi man lang ba nasip ng mga pulis na ilapit ito sa DSWD? Napapaluha siya nang makita niya kung paano lantakan ng bata ang dala niyang burger at fries. Buo na ang loob niya, kukupkupin niya ang bata. Bubuhayin niya ito, aalagan at papag-aralin. Ito ang pambawi niya sa lahat ng kanyang ginawa at gagawin pang kasalanan.
Pagkatapos ng matindi niyang training ay nagsimula siyang pumatay ng mga d**g addict, d**g pushers, d**g dealers, pulitiko hanggang sa Mayor at Congressman. Isa na siya sa mga pinakamatitinding hitman sa buong Pilipinas. Bigatin ang kanyang mga pinapatay at walang kahit anong pagkakakilanlan na makapagtuturo sa kanya. Iyon na ang kanyang naging laro. Hinahanap na ng katawan niya ang pagpaslang. Masaya ang pakiramdam niya kung mga masasamang loob ang pinapatumba sa kanya at tinatablan pa din siya ng konsensiya kung nalalaman niyang inosenteng witness o mabuting tao ang kanyang papatayin. Ngunit sabi nga, trabaho lang walang personalan.
Ngunit sa kabila ng kasamaan na iyon, may mabuti pa din siyang puso sa mga bata at matatanda. Sa tuwing natataggap niya ag bayad, namumudmod siya ng pera at pagkain sa halos lahat ng nadadaanan niyang mga namamalimos.
Simple lang din naman ang trabaho niya. Una niyang ginagawa ay minamanmanan na muna niya ang subject o target niya. Doon niya malalaman ang tunay na pagkatao ng kanyang sisintensyahan. Ngunit ke mabuti o masama ang kanyang pupuntiryahin, mamamatay ito sa paraang napagkasunduan. Pulido ang lahat. Malayuan man o tutok na pagbaril, dapat lahat ay malinis. Walang kahit anong bakas na magtuturong siya ang kriminal. Anuman ang pagkakamali niya, babalik iyon sa kanya. Mula sa taas, kasunod ay ang top middleman, middleman hanggang sa kanya. Ngunit sa kagaya niyang pinakamahusay na assassin, minsan diretso na siya sa taas. Kasabay niyon ng mabilisan niyang pagyaman. Ang dati’y nang-aalipusta sa kanya noong kamag-anak niya ay biglang bumait. Kung ituring siya ngayon ay para siyang poon na dapat sambahin. At dahil siya ay diyos na ngayon sa mata ng hampaslupa din naman niyang mga kamag-anak. Diyos din siyang hindi basta basta makakausap o nakikita. Diyos na handang magbigay ng parusa kung kinakailangan.
Kaya ang patayin sana si Clint ay madali lang para sa kanya dapat kanina. Hindi niya alam kung anong nakain ng putang inang bakla na ‘yon na halikan siya sa labi. Napalunok siya. Hindi pa siya nakakaranas ng halik sa labi ng isang bakla at siya palang ang nakakagawa no’n sa kanya. Mabuti’t napigilan niya ang sariling bugbugin ito. Pilit niyang inubos ang kanyang beer saka siya pumasok sa CR para magsipilyo at matulog. Kahit nang mga panahong nakatitig siya sa salamin, mukha ni Clint ang kanyang nakikita at naninigas ang kanyang kamao sa inis. Ang di lang niya maintindihan ay kung bakit naikintal sa isip niya ang mga ngiti nito at kakaibang pagtitig sa kanya pati na rin ang malambot nitong labi na dumikit kanina sa kanyang labi.
Naisip niyang may oras din ang pulis na ‘yon sa kanya. Muling magkukrus ang kanilang mga landas. Sayang lang dahil gusto niya sana itong maging barkada bilang dagdag proteksiyon ngunit paano niya maatim na maging kaibigan ang isang silahis?
Nang sumunod na araw habang wala pang tawag kung sino ang susunod niyang assignment ay naisip niyang mag-gym. Mag-aalas syete na ng gabi ngunit iyon ang kinasanayan niyang oras para magbuhat. Alam na ni Cess iyon kaya hindi na ito nagtatanong pa kung saan siya pupunta.
Naka-jogging pants at gym sando siyang tumungo sa locker. Umatras siya nang nakita niya si Clint.
“Liit talaga ng mundo oh.” bulong niya sa kanyang sarili.
Walang pang-itaas na damit si Clint kaya tumambad ang maganda nitong pangangatawan. Mahihiya si Piolo Pascual sa hubog ng dibdib at tikas ng abs nito. Noon lang din siya nakakita ng maayos-ayos na hulma ng katawan. Parang nililok lang. Mukhang hindi totoo. Nagkunyarian na lang si Errol na walang nakita. Binuksan niya ang locker at inilagay ang kanyang bag. Nang aalis na sana siya para magsimulang magbuhat ay nabangga niya si Clint na nakatayo sa likod niya. Naramdaman niya ang init ng h***d nitong katawan at matigas nitong dibdib sa kanyang dibdib. Sandali silang nagkatitigan. Sandaling nagka-amuyan.
“Tang-ina, ano kasing ginagawa mo diyan!” singhal ni Errol.
“Hihingi lang ng dispensa. Hindi ka kasi nagtext kaya hindi ko na nakuha ang number mo.”
“Huwag mo na lang akong kausapin. Baka hindi mo magustuhan pare.”
“Nalasing lang ako no’n pre. Sorry hindi ko talaga sinasadya.”
“Tang-ina naman oh! Kalimutan mo na ‘yon pwede ba? Naaalibadbaran ako.”
“Hindi na mauulit basta pre, sorry.”
“Hindi na talaga mauulit kasi kahit pa pulis ka, kahit pa may posisyon ka pare hindi kita sasantuhin. Hindi mo kilala ang babanggain mo.”
“Medyo may kayabangan yata ang sinabi mong ‘yan. Bakit ano bang ipinagmamalaki mo? Sino ka ba sa tingin mo?”
“Bakit, kakasa ka ba?”
“Humihingi ako ng tawad, pare. Ikaw ang dalawang beses na nanuntok ta’s aangasan mo ako ng ganyan kahit nagpapakumbaba na ako?” tumaas na din ang boses ni Clint.
“Tang-ina! Tingin mo gagawin ko ‘yon kung wala ka sa aking atraso? Ano ngayon ang gusto mo?” palaban na si Errol.
“Ikaw ba? Anong gusto mo?” naglalapat ang kanilang katawan habang nagtutulakan. Galit silang dalawa. Kapwa na inihanda ang kani-kanilang mga kamao. Napipinto na ang pagbabasagan nila ng mukha.
“Sir, may naghahanap sa inyo sa labas. Daddy niyo daw. Si General daw ho.” Napalakas na sigaw ng ninenerbyos na attendant dahil sa nadatnan niyang kaguluhan.
“Anong gingawa ni Daddy dito? Bakit daw?” sagot ni Clint.
Nagulat si Errol. General? Hindi nga talaga madaling kalabanin ang kanyang binabangga. Nakaramdam siya ng panliliit sa sarili.
Nagkatitigan sila.
Lumambot ang mga kamao ni Errol. Umurong siya. Lumayo. Hindi tamang saktan niya ang anak ng isang Heneral.