CHAPTER 2
Hindi na ikinagulat ni Clint ang panununtok sa kanya ni Errol. Kung barumbado at mainitin lang siguro siyang pulis iba ang nagiging takbo ng kanilang paghaharap ng gabing iyon. Paniguradong hihimas ng rehas si Errol. Ngunit mas pinili niyang daanin sa diplomasya ang lahat. Kailangan niya gawin ito dahil iyon ang nararapat niyang gawin muna sa mga sandaling iyon.
Uminit man ang ulo niya kanina at halos hindi na siya makapagpigil ngunit sinabi niya sa kanyang sarili na hindi niya papatulan. Marahil, nabastusan lang talaga ito sa pasadyang paghawak-hawak niya sa tagiliran nito nang halos matumba na siya dahil wala siyang makapitan sa bus kanina at ang sinasadya din niyang paglagay ng b***l sa mismong harap ng kaselanan niya para makuha niya ang atensiyon nito. Hindi siya nabigo. Sumakto ang taktika niya. Doon siya kilala sa buo niyang departamento, ang galing at bilis niyang magplano ng bitag.
“Dito na tayo nang makapagyosi na din. Anong iniinom mo p’re?” tanong ni Errol kay Clint.
“Kahit ano basta beer ayos na sa akin.”
“Sige tatanungin ko sila kung may nagyeyelo silang kahit ano.”
Nakangiti si Clint na pinagmasdan si Errol. Nakakaramdan na siya ng tagumpay.
Lumaki si Clint sa pamilya ng mga sundalo at mga pulis na may mga ranggo sa serbisyo. Sa murang edad, sinanay siya ng kanyang angkan na isa sa mga magpapatuloy sa simulain ng kanilang pamilya. Tulad din iyan ng mga pulitiko, negosyante at artista, may napipisil sila sa bawat henerasyon na dapat magpapatuloy sa nasimulan na ng pamilya.
Kahit nang siya’y bata pa lamang, b***l-barilan na ang pilit ipinapalaro sa kanya. Bawal sa kanilang mga magpipinsang lalaki ang makipaglaro sa mga babae. Ikinintal sa mura niyang isip na lalaki siya at kailangan panlalaking laruan lang at mga lalaki lang din dapat ang kaniyang makakasalamuha.
Lumaki siyang may takot sa kanyang mga magulang lalo na sa daddy niyang ayaw sa mga lalamya-lamya at bakla. Elementary pa lamang siya nang may kakaiba na siyang nararamdaman sa isang lalaki na kalaro. Idinaan niya ito sa pagsusulat ng love letter. Nagsumbong ang kalaro niya sa daddy nito na isa ding sundalo at nakarating sa daddy niya ang kabaklaan niyang ginawa. Noon niya naramdaman ang mga matitinding parusa. Parusa na nagpatibay sa kanyang damdamin. Parusang naikintal sa kanyang isip na labanan ang kanyang pagnanasa. Masasakit na pagdantay ng belt sa h***d niyang katawan at mga suntok at sipa ang bumuo ng takot sa kanyang dibdib na hindi na siya uulit. Itinanim niya sa puso at isip na maling-mali at hindi katanggap-tanggap ang maging isang bakla. Isang malaking kasalanan at kahihiyan ang magkagusto sa katulad niya ng kasarian. Lumaki at nagbinata siyang pinigilan ang damdaming iyon. Para malabanan ang maling nararamdaman at pagkagusto sa kapwa niya lalaki, tinuruan niya ang puso at pinaniwala niya ang isip na kailangan niyang magmahal ng babae. Iyon ang dapat at tama para sa kagaya niya. Pinili niyang mahalin si Avi na anak ng kaibigan ng Daddy niya. Mabait si Avi. Tahimik at maasikaso. Wala siyang maaring maipintas sa kanyang magiging asawa. Natutunan niya itong mahalin at nagtagumpay siyang iwaksi sa isip niya ang pagkakagusto sa kapwa niya lalaki.
Sa dinami-dami ng gwapong lalaki sa serbisyo, nagpapasalamat siyang hindi pa niya nadudungisan ang pangalan ng kanyang ama. Walang kahit anog alingasngas sa lihim ng kanyang tunay na pagkatao. Maraming tukso ngunit pinipili niya ang tama at dapat, iyon ay ang mahalin lang si Avi.
Moreno siya, matangkad, brusko at hindi mapapantayan ng iba pa niyang kabaro ang nag-uumapaw niyang s*x appeal. Maraming babae ang nagkakandarapa na kahit matikman man lang siya. Maraming mga baklang tago o lantad ang nagpapansin sa kanya. Ngunit takot siya sa sasabihin ng iba. Hindi niya kailanman dudungisan ang pangalan ng kanyang ama. Bilang batang bading dumaan sa p**********p, hindi nya pipiliin pang pagdaanan ang lahat. Kung magpakita kasi ng pagkalamya noon ay may kaakibat kaagad na military training at punishments. Alam na niyang labanan ang tukso. Kaya na niyang kontrolin ang damdamin at turuan ang puso kung sino lang dapat niyang mahalin.
Dumating si Errol at ipinatong ang bucket ng beer sa kanilang mesa. Hindi siya nagsalita. Sinisimulan niyang pag-aralan ang bawat kilos ng estranghero niyang kaharap.
Seryoso siya sa kanyang sinumpaang tungkulin. Malakas ang kanyang koneksiyon sa taas at isama pa ang kanyang galing at tapang sa pagsagupa sa mga nangyayaring kriminalidad sa kanyang nasasakupan kaya nagiging napakabilis din ang kanyang pag-angat. At batid niyang marami ding tukso ang kaakibat ng pagtaas ng ranggo. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning ilaban ang malinis na prinsipyo niya pero hinding-hindi siya tutulad sa ibang gahaman. Ipagpapatuloy niya ang malinis na serbisyo ng kanyang ama. Tutuklasin niya ng paunti-unti kung bakit na-shoot to kill ito kamakailan lang at sino ang mga nasa likod ng karumal-dumal na pagpaslang.
“Tagay na,” si Errol.
“Ayos, lasingan ba ‘to?” Iniumpog niya ang hawak niyang beer sa bote ni Errol saka sabay silang tumungga.
Muli siyang nawala sa sarili. Ayaw na muna niyang umuwi dahil sa naging pagtatalo nila ni Avi kagabi pa. Buntis ang kanyang kasintahan. Kung hindi nga lang niya ito nabuntis ay naikasal na dapat sila. Gusto ni Avi na tanggapin niya ang alok ng hilaw niyang father in law at Ninong niyang General ngunit tumanggi muna siya. Kamakailan lang kasi nang napromote at nadestino siya sa Imus, Cavite. Nandito sa Cavite ang susi ng hinahanap niyang hustisya. Hindi iyon naiintindihan ng kanyang kasintahan. Pero masisisi ba niya ang kasintahan na lumaki sa magarbo at magaan na buhay? Ang gusto ni Avi ay manirahan sila sa isang maganda at ligtas na bahay sa Makati. Gusto niya ang promosyon, sino ba naman ang ayaw? Kaya lang masyadong mabilis ang mga promotions. Hindi na kasi tama ang nangyayari. Naguguluhan na siya kung saan ba talaga siya madedestino? Isa pa, may naaamoy lang kasi siyang hindi magandang kapalit. Hindi niya yata masikmura ang sistemang iyon. Kung masabi lang sana niya kay Avi ang kanyang dahilan nag hindi siya masasaktan. Ngunit alam niyang darating ang araw na na makakahawak din siya ng patunay. Kakampihan din siya ni Avi. Ngunit sa ngayon, kailangan niya ng ebidensiya at ito ang isa sa mga tinatrabaho niya ngayon.
“Ganyan ka ba talaga tol? Tahimik lang?” si Errol muli ang bumasag ng katahimikan.
“May mga iniisip lang sa trabaho.” Matipid niyang sagot at tumungga muli siya.
“Try me, pare. Sabi nga nila, mas madaling mag-open sa mga taong hindi mo pa gaano kakilala. No judgement.”
“Not all the time tama ‘yan pare. Ika nga nila, don’t trust strangers.”
“Ah okey, may punto ka din naman.”
Tumitig siya sa kaharap niyang sumapak sa kanya. Gwapo din naman pala talaga ito in person. Nababanaag na niya ang kapogian nito kanina sa salamin ng bus ngunit hindi niya gaanong pinansin. Wala naman sa isip niya kasi ang tumitig o kumilatis pa ng gwapo dahil ayaw niyang makaramdam na ng kakaiba. Kung hindi lang ito kailangan, wala siya dito ngayon.
Habang tumatagal, may ibang angas si Errol na nagustuhan na niya. May kapogiang hindi basta-basta lalagpasan lang. Ngunit wala siyang balak palalimin pa. Kalilipat lang nila ni Avi nang isang buwan. Bukod sa mga kabaro niyang kakilala, wala pa siyang masasabing kaibigan dito sa Imus.
“Ano nga ba kasi ang problema mo, pare?” pangungulit uli ni Errol.
Huminga muna siya ng malalim saka niya muling tinignan sa mga mata ang kaharap. Nagtitigan sila. Hindi. Hindi siya dapat nagpapahalata. Isang maling kilos o sambiti, pagmumulan iyon ng hinala at ang hinala ang siyang dahilan ng pagbagsak ng lahat ng plano. Sensitibong mga impormasyon ang kanyang iniimbestigahan ngayon. Lahat kaya niyang gawin para sa ikalulutas nito.
“Konting tampuhan lang namin ni Misis.” Palusot niya.
“Ah, may asawa ka na pala.”
“Kinakasama.”
“Bakit di mo pa pakasalan?”
“Soon, pare. Buntis pa eh,” tumungga siya sa hawak niyang beer.
“Aba, kita mo nga namang pareho tayo. Pagkakaiba lang e, hindi ko pa siya binubuntis,” tumungga siya ng beer at sumubo sa pulutan nilang mani, “Anong division ka pala sa PNP bro?”
“CIDG.”
“Matindi ah. Ayos. Matagal na sa serbisyo?”
“Magpipitong taon,” dumakot siya ng mani.
“At Senior Inspector na agad?”
“Sinuwerte,” isa-isa niyang isinubo ang maning hawak.
“May mataas na kapit o backer?”
Tumango lang siya. Hindi niya nagustuhan ang tanong pero iyon naman ang totoo. Hindi uusad ng mabilis ang ranggo kung walang backer sa taas.
Mabilis nilang naubos ang isang bucket.
Tumunog ang cellphone ni Errol.
“Bro, sagutin ko lang ‘to ah. Natawag si Cess, baka magalit kung di ko sasagutin.”
“Cess? Girlfriend mo?”
Tumango si Errol.
“Sige ayos lang,” sagot niya. Sinabayan niya ang pagtayo ni Errol para muling bumili ng isa pang bucket ng beer. Nabitin kasi siya.
Bumalik siya sa mesa nila dala ang beer ngunit kausap pa din ni Errol si Cess sa di kalayuan. Muli niyang pinagmasdan ito. Gwapo nga talaga ito. Gusto niya, hanggang doon lang siya. Wala pa nga siyang karanasan pa sa kapwa niya lalaki. Kahit halik o yakap, virgin pa siya sa edad niyang 28. At wala siyang balak na maranasan iyon. Kaya lang parang may mali. Natutupok ng prinsipyo niyang iyon ang katotohanang nagkakagusto na nga yata siya kay Errol. Habang pinagmamasdan niya kasi ito ay parang may kung anong nabubuhay sa kanyang dibdib. May kung anong pagnanasa siyang nararamdaman. Napakaraming katanungan sa isip niya na kinalimutan at nilabanan na niya noon ang ngayon ay bumabalik ng kusa. Kailangan niyang gawin lahat para mapalapit kay Errol ngunit hindi niya dapat itong mahalin. Hindi siya dapat mahulog dito, emotionally.
Kumuha siya ng isang beer. Itunungga niya iyon saka niya muling sinipat ng tingin si Errol. Ano kayang pakiramdam ng halik ng isang lalaki? Ano ang kakaibang sensasyong naibibigay ang yakap nito? Gaano kasarap ang p********k ng dalawang pareho ang kasarian? Paano iyon gagawin? Kagaya ba ito sa mga patagong napapanood niya sa mga p**n sites? Masyadong wild. Paano kung kagaya ni Errol ang kasama niya sa kama? May biglang tumindig sa kanya at ipinatong niya ang kanyang bag na dala para takpan iyon.
“Pinauuwi ka na?” tanong niya nang bumalik si Errol sa upuan nito.
“Ang aga pa bro. Hayaan mo siya. Isa pa gusto pa kitang makilala ng husto. Ayaw kong mabitin sa’yo?”
“Ano?” ikinagulat niya ang tinuran ni Errol.
“Ibig ko sabihin, ayaw ko mabitin na kainuman ka. Nasa kasarapan palang tayo ng usapan e.”
“Sabagay,” muli na naman silang nagkatitigan at lalo siyang natutupok sa tuwing gagawin ni Errol sa kanya iyon. “Ano palang trabaho mo bro?” patay malisya niyang tanong.
“Freelance model, minsan talent at madalas on call sa mga raket lang.”
“Ah kaya pala,” tumango siya.
“Kaya pala ano.”
“May dating,” napalunok siya.
Alam niyang iyon ang sasabihin ni Errol. Bakit ba niya sasabihin sa kanya ang totoo ng gano’n-gano’n lang? “Inom pa,” pinagbuksan niya ito ng beer at inabot ito sa kanya. “Okey ba ang kitaan diyan?”
“Ikaw din naman ah.” Sagot ni Errol.
“Ano?”
“Sabi ko, ikaw din malakas ang dating. Akala ko nga nag-aartista ka din.”
“Bro, di bagay sa atin ang magbolahan,” namula siya.
“Seryoso. Wala sa hitsura mo ang isang pulis.”
“Ano ba ang hitsura para sa’yo ang isang pulis.”
“Wala kang tiyan at wala kang ipinagyayabang na nakasukbit na b***l sa hita o baywang. Karamihan kasi sa mga pulis na mga kilala ko, parang status symbol sa kanila na dapat labas ang armas nila kahit saan sila magpunta. Pero ikaw, simple lang. Walang kahit anong yabang.”
“Nasa tao naman ‘yan. Nagkataong hindi ako gano’n,” sagot niya.
“Matagal ka na dito sa Imus?”
“Kalilipat lang namin ng girlfriend ko, last month.”
“Talaga? So, wala ka pa ditong kaibigan?”
“Mga kakilala lang sa trabaho. Hindi ko din sila masabing kaibigan. Iba kasi ang katrabaho sa kaibigan para sa akin.”
May mga dumaang grupo ng mga lalaki at nakita niyang kinindatan si Errol. Nahalata niyang maraming kakilala si Errol sa lugar na ‘yon kasi kahit nang kadarating palang nila ay marami siyang kinawayan.
“Ikaw mukhang marami ka ditong kaibigan, ano?”
“Ah, oo. Madaming tropa.”
“Tropa? Hindi mga kasama?”
“Tropa. Anong kasama? Kasama saan?”
“Wala. Kasama sa trabaho.”
“Tropa lang, kumbaga kakilala. Bihira akong makipagkaibigan. Pero kung sa’yo pwedeng-pwede ako.” Kumindat si Errol sa kanya at binasa nito ang kanyang labi. Pansin niyang medyo natamaan na din ito sa kanilang iniinom.
“Ayos. Sige, friends?” inilahad niya ang kanyang kamay. Para siyang nagbibinata sa nararamdaman niya.
“Friends,” tinanggap ni Errol ang kamay niya, pinisil at ramdam niya ang init ng palad nito.
Habang nag-iinuman sila ay napansin ni Errol ang malagkit na mga tingin sa kanya ni Clint. Mga tingin ng mga alam niyang nagkakagusto sa kanya. Sa lahat ng ayaw niya noong nagbibinata palang siya ay yung mga bakla. Ngunit dahil sa trabaho, natutunan niyang makipaglaro. Totoo naman na nagtatalent siya at nagmomodel noon. Pero matagal na iyon dahil sa tangkang pambababoy sa kanya ng isang director. Pinipilit kasi nitong tirahin siya kapalit lang ng trabahong hindi naman din sigurado. Nabugbog niya iyon ng husto sa mismong bahay nito at nasaksak niya na muntik nitong ikinamatay. Nakulong siya pansamantala dahil menor de edad pa lamang siya noon. Akala niya mapapalaya din siya dahil noong interrogation ay parang naniniwala naman ang mga pulis sa plea niya. Napalaya siya sa kulungan ngunit hindi sa totoong buhay. Hindi niya alam na may balak din ang mga pulis sa kanya kaya siya iniligtas sa piitan at kinumbinsi siyang ipinasok sa isang sindikato. Pinakitahan siya ng pera. Inengganyo sa kanilang mga kuwento. Dahil sa kahirapan at kagustuhan sa mabilisang pag-asenso ay pumayag siya. Ang pagiging gwapo niya, maputi at mukhang mayaman ang naging puhunan niya para maisama sa grupo. Mga ganoong hitsura kasi ang hinahanap nilang bagong marerecruit.
Naisip ni Errol, kung pinatulan niya kaya noon ang alok ng director na isang p********k kapalit ng nakaline-up na projects, sikat na kaya siya ngayon? Kung ngayon nangyari iyon, papatol kaya siya? Marahil nabago ang takbo ng kanyang buhay. Kaya lang, naiisip palang niya ang hitsura ng director na iyon, nasusuka na siya. Hindi, hindi siya papatira sa isang bakla kahit kailan ng walang siguradong kapalit. Mapera na siya ngayon ngunit nagsisisi na siya. Kung sana naiba lang ang pinili niyang landasin. Bumuntong-hininga siya. Hindi madaling pumasok sa trabaho niyang ito ngunit mas mahirap pa din pala ang kumalas.
“Beer pa?” Inaabot ni Clint sa kanya ang bukas at nag-uusok sa lamig na bote ng beer.
“Salamat,” tugon niya nang inabot niya ang beer.
Ilang beses na kasi niyang nahuli si Clint na tumititig sa kanya at ilang beses na siya ang unang nagbaba ng tingin. May mali. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi niya maramdaman ang kakaiba nitong mga titig. Ngunit tang-ina, nagkamali na siya kanina ng hinala. Nasuntok pa nga niya si Clint dahil sa palpak niyang inisip. Ngayon, pag-iisipan na naman niyang bakla nga ang pulis na kinakaibigan niya?
“Tang-ina Errol, umayos ka, dagdag proteksyon din ito balang araw,".bulong niya sa sarili habang nakikipagtitigan siya kay Clint. Ginagawa niya lang ito dahil alam niyang balang araw, magiging malaking buwaya si Clint na siya niyang magiging panangga sa kanyang trabaho. Baka nga kapag sobrang close na nila, maipasok na niya ito sa kanilang grupo. Iyon ang kanyang plano at sa tuwing nakikipagtitigan siya, alam niya at sigurado siyang mangyayari iyon. Ngunit kung sakali mang magkabulilyaso siya sa grupo, si Clint pa din ang alam niyang maaring takbuhan niya. Ngunit sa ngayon, kailangan niyang iwaglit sa isip niya na may gusto si Clint sa kanya. Baka nga binabasa din ni Clint ang kanyang pagkatao. Pulis ito e, kaya nag-iingat din sa kanyang mga makakasalamuha lalo pa’t extranghero padin siya sa kanya.
Hanggang sa napuno na nang biruan at tawanan ang dalawa. Lumalim ang gabi kasabay ng paglalim ng hindi maipaliwanag ni Clint na init sa katawan. Kapag nahahawakan ni Errol ang kamay niya kung inaabot nito ang bote ng beer ay may kung anong kuryente siyang nararamdaman. Hanggang sa nagpaalam si Errol para umihi. Dahil nakaramdam din siya ng pagkaihi ay sumunod siya. Tumabi siya sa umiihing si Errol na noon ay nakapikit pang nakatungo. Nilakasan niya ang loob niyang tumabi kay Errol. Patapos na si Errol at pinapagpag na niya ang ari niya nang nasulyapan niya ang may katabaan at kahabaan niyon. Napalunok siya. Noon lang siya nakakita ng ari ng iba na nagpainit sa kanya. Nakakita na siya noong nagte-training palang siya ngunit wala lang iyon sa kanya. Yung kay Errol, iba ang dating. Naikintal agad sa isip niya ang kaputian, kakinisan, katabaan at ang mamula-mulang ulo nito. Parang masarap… ah… tang-ina! Hindi na tama ang iniisip niyang ito. Mabilis niyang ibinaba ang zipper niya at nalintikan na dahil sa nakataas na ito at hirap na hirap siyang hawakan na ibaba para makaihi ng maayos. Siguradong sapol ang damit o katawan niya kung hindi niya piliting ikambyo pababa ang may kalakihan at katigasan din niyang kargada.
“Sige, bro, mauna na ako.” Tinapik siya ni Errol at kumindat uli ito sa kanya.
“Sige.” Napapalunok niyang sagot.
“Sana kasi nagsabay na lang tayo, iihi ka din pala e,” sambit ni Errol habang naghugas ng kamay.
“Oo nga e,” sagot niya habang nakikipagbuno pa siya sa pagkambyo pababa sa kargada niyang nagwawala.
“Una na ako. Sunod ka na lang.”
“f**k ka Clint! Hindi pwede ‘to! Umayos ka gago!” bulong niya sa sarili. Inis na inis siya sa mali niyang nararamdaman.
Paubos na din ang kanilang iniinom nag nag-aya na si Clint na umuwi. Hindi tatawag sa kanya si Avi dahil hindi nito ugali ang mag-imbestiga kung nasaan siya at anong oras uuwi. Inaalala lang niyang buntis ito at hindi pwedeng nai-stress.
Si Errol ang nagbayad kahit pa ipinipilit ni Clint ang kanyang pera. Nagpaubaya na lang si Clint dahil ipinaalala ni Errol na siya ang may atraso.
Sabay silang naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Panay pa din ang kanilang tawanan at biruan. Dahil malalim na ang gabi wala nang nag-aabang na tricycle kaya naghintay muna sila ng parating. Wala na ding mga pasahero pang naghihintay sa paradahan.
“Malayo ka ba dito?”
“Hindi naman gaano. Mga maximum 2 minutes lang kasi wala naman nang traffic.”
“Ihatid na lang kita kasi diyan lang naman ako.” Itinuro ni Errol ang isang malaki at magarang bahay.
“Bahay mo ‘yan?” pagkukunwariang tanong ni Clint.
Tumango si Errol.
“Talo mo pa ako, p’re.”
“Hindi nga.”
“Oo, nangungupahan pa lang kaya ako dito.”
“Paano, kunin ko lang sasakyan ko at ihatid na lang kita sa inyo?”
“Salamat bro.”
“Wala ‘yon. Kaibigan na nga tayo, di ba?”
Kumindat uli ito sa kanya saka mabilis na umalis. Naghintay siya ng ilang minuto bago dumating si Errol. Magara din ang sasakyan nitong SUV. Hindi na siya nagtataka pa doon. Dahan-dahanin niya ang lahat.
Sumakay siya. Ngayon lang kasi niya naramdaman ang kalasingan kaya pilit niyang hinila ang seatbelt. Sa kagaya nilang mga pulis mahalaga ang safety sa lahat ng oras. Nahirapan siyang ilagay iyon. Parang may mali.
“May sira na kasi ‘yan,” nakangiti si Errol na nagmamasid sa kanya.
“Oo nga. Pa’no ba ‘to?”
“Kaya mo ba?” tanong ni Errol.
“Kayang-kaya bro,” sagot niya kahit parang may mali nga sa seatbelt. Hanggang sa maayos din niya itong nailagay.
Itinuro niya ang daan papunta sa inuupahan nila ni Avi.
“Ligtas ba kayo dito?” tanong ni Errol nang mapansin niyang walang kahit anong nagbabantay na guard sa gate ng subdivision.
“Wala naman akong kaaway. Saka alam nilang lagi akong armado. Ikaw?”
“Anong ikaw?”
“Bakit napakataas ng bakod mo at mukhang napakatibay ng mga salamin ng bahay mo, may mga kaaway ka ba?” makahulugan ang tanong niyang iyon.
“Wala naman. Gusto ko lang ng privacy.”
“Privacy? Bakit may kailangan bang itago?”
“Bakit ganyan ka makapagtanong?”
“Napag-uusapan lang. Pero ang gara ng bahay mo, anlaki. Itong sasakyan mo din, astig. Mahal siguro bili mo sa mga ‘yan ano? Milyon-milyon?”
“Malakas lang ang kitaan naming ng girlfriend ko.”
“Bilang isang model at talent? Ganoon ba kalaki ang kita sa pagiging gano’n?”
“Nang-iinsulto ka ba?” uminit ang ulo ni Errol.
“Nang-iinsulto? Ako? Hindi pre, mas okey na sabihin nating nagtataka. Nagtataka lang ako.”
Hindi na lang sumagot pa si Errol. Away lang ang kalalabasan nito. Inisip niya ang magadang epekto sa kanyang ng pagkakaibigan ito.
Tinitimbang-timbang ni Clint ang bawat sagot ni Errol. Sana mapatunayan niyang mali siya dahil ngayon palang siya nakakaramdam ng pagkagusto sa lalaking kaharap niya.
Nang makarating sila sa bahay nina Clint ay patay na ang ilaw. Mabuti naman at nagpahinga na ang kanyang kinakasama.
“Pasensiya ka na sa akin ah?” paghingi ni Clint ng tawad.
Bumunot ng malalim ng hininga si Errol, “Okey na ‘yon. Gano’n kapag magkaibigan.”
“Paano? Dito na ako p’re. Salamat sa paghatid.” Pilit niyang tinanggal ang seatbelt.
“Magkalapit lang pala talaga tayo, ano?” tinignan ni Errol ang simple at di kalakihang inuupahan ni Clint.
“Oo.” Hindi pa din niya mahugot ang seatbelt.
“Sige, alam ko na kung saan kita susunduin.” Kumindat muli si Errol sa kanya. Muli silang nagkatitigan.
“Sige anytime bro,” nahihirapan na siyang tanggalin ang seatbelt. “Ano palang number mo? Pero nalowbat na nga pala ako.
“Ako na lang kukuha sa number mo,” binunot ni Errol ang cellphone niya sa kanyang bulsa.
Kinuha ni Clint ang cellphone ni Errol.“Akin na ako na ang magsave sa number ko.”
Siniyasat ni Errol ang paligid habang sine-save ni Clint ang number niya.
“O hayan. Clint ang nakalagay sa contacts mo ha?”
“Sige. Text na lang kita mamaya pag-uwi ko sa bahay para makuha mo number ko.”
“Ayaw…” bulong ni Clint.
“Akala ko gusto mo makuha number ko?” nagtatakang tanong ni Errol.
“Hindi, itong seatbelt ang ayaw matanggal.”
“Ah, sandali.” Tinanggal ni Errol ang seatbelt niya at idinikit niya ang katawan niya kay Clint.
Naramdaman ni Clint ang init ng katawan ni Errol. Amoy niya ang lalaking-lalaki nitong amoy. Nadadarang siya sa pagdampi-dampi ng mainit nitong katawan sa kanya. Tinutupok siya ng kanyang nararamdaman.
“Hirap nga tanggalin ah!” wika ni Errol habang magkalapit na ang kanilang mga mukha.
Sandali silang nagkatitigan. Hanggang sa hindi na nakokontrol ni Clint ang kanina pang sumasabog niyang nararamdaman. Hindi na niya kayang tiisin pa iyon lalo pa’t pinahihina na siya ng kanyang kalasingan. Nanginginig na siya. Hindi na talaga niya kaya.
“Ayun oh, natanggal…” kasabay ng pagkatanggal ng seatbelt ay ang mabilis na paghalik ni Clint kay Errol. Sapol ng labi ni Clint ang malalambot na labi ni Errol.
Nagulat si Errol sa ginawang iyon ni Clint sa kanya. Hindi siya nakakilos agad. Hindi din niya inilayo ang labi niya kaagad. Naramdaman na lamang niya ang bahagyang p*****a ni Clint sa pang-ibaba niyang labi at doon na umakyat ang galit sa kanyang sistema.
“Putang-ina!”Itinulak niya ang nagulat ding si Clint.
Mabilis na tumigas ang kamao ni Errol. Hindi siya pumapayag na binabastos o ninanakawan siya kahit halik. Bumalik ang lahat ng galit niya sa ginawa sa kanya ng director noon.
Nawala ang kalasingan ni Clint. Alam niyang may mali na siyang nagawa.
“Sabi ko na nga ba bakla ka, tang ina ka!” sa isang iglap isang malakas na suntok sa panga ang pinakawalan ni Errol.
Hindi alam ni Clint kung gaganti siya.
Anong epekto ng ihalik na iyon sa kanilang pagkakaibigan at ano ang gigisingin nito sa kanilang pagkatao?