CHAPTER THIRTY-ONE

2063 Words

Sa kalaginaan ng pag akayat namin ni Lora sa hagdan papuntang templo ay napansin kong nahuhuli na siya. Sa tuwing titignan ko siya ay umaakto siya na parang hindi siya nahihirapan. Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang pagyakap niya sa akin sa kubol. Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya. Kung tutuusin ay hindi ko na dapat iniisip pa iyon. Katulad ng sinabi ko, nakaraan na iyon na hindi na dapat pa makagulo sa kasalukuyan. Pero bumabagabag iyon sa akin, hindi dahil gusto kong malaman pa kung sino ako at kung totoo bang mag asawa kami noon. At kung totoo ngang iniwan ko siya noon. “Magpahinga ka na muna.” Ibinaba ko ang mga dalang gamit at umupo ako sa hagdan. “H-hindi na. K-kaya ko pa naman.” Alam kong nagsisinungaling lang siya. Halatang halata sa mukha niya ang pagod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD