CHAPTER THIRTY-THREE

2066 Words

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Garran. Hindi ko naisip na maaaring pumasok sa pagkatao ang kadiliman ni Ar'arus. Iyon nga maaari ang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na ang galit ko ay parang makakapatay ako. Nanghina ang katawan ko nang maisip ko ang punto sa sinabi ni Garran. Para na akong mababaliw sa mga nangyayari. "Pinuno, bakit mo ba tinanggap ang espadang iyan mula kay Goro?" "K-kailangan kong maging malakas. K-kailangan ko iyon para mailigtas ang mag-ina ko!" Sunubsob ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Unti unti ko na namang nararamdaman ang epekto ni Ar'arus. "Hindi mo kailangang maging malakas! Kailangan mo lang maging matatag. Maraming susubok sa katatagan mo. Maraming sisira sa `yo. Ikaw na ang pinuno ng pamilyang ito. Asah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD