CHAPTER SEVEN

1516 Words
NANGINGINIG PA rin ang kalamnan ko matapos ang isang bagay na hindi ko naisip na makakaya ko palang gawin. Nagmistula akong isang baliw na may maitim na balak kay Archer. I felt it. I know that my mind is tempting my body to do it. And that is not me. I was left inside a room at the Luna's Mansion. Archer insisted that we should head here. Dito raw namin malalaman ang sagot sa nangyari sa'kin. Ang pagbukas ng pinto ang pumutol sa pagmumuni ko. Ang butler ng pamilya Luna ang niluwa niyon.  He was holding a tray and on it was a cup of tea and a kettle of China. As he pours the tea on the cup, the smell of chamomile tea lingered into the air. "Inumin ninyo po muna ito nang mawala po ang inyong pangangatog." Minabuti na niyang iabot sa akin ang tasang naglalaman ng tsaa. Kahit pa medyo nanginginig ang mga kamay ko'y nagawa ko naman iyong makuha nang maayos at makainom na hindi natatapon ang laman. "May kailangan pa po ba kayo, Miss Aviana?" tanong niya pagkatapos dumistansya nang kaunti. "Nasaan si Archer?" Pinalibot ko ang mga palad sa tasa na mainit-init pa. Alam ko't damang-dama ko na ang katawan ko'y wala pa rin sa tamang timpla. "Nasa silid-tanggapan siya at kausap ang iyong mga magulang." Sandali siyang tumigil at yumuko sa akin. "Kung handa na raw po kayo, mangyaring samahan ninyo sila roon." Dugtong niya bago tuluyang lumabas sa kwarto.  But how will I face my parents? Hindi nila ako pinalaki na maging ganoon sa lalaki. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Mabuti pang dumito na muna ako hangga't nandito pa sila. "Nag-uumpisa na." The ring on my index glowed before finally letting Datu Ramir appear in front of me. "Ang alin? Sino, ang asawa mo?" I said pained. May galit sa puso ko na kusa na lang sumabog nang makita ko siya. "Oo, si Magnolia." He said weakly. "Sabi mo hindi siya agad makakalapit sa'kin, pero kanina naramdaman ko na parang nasa loob ko siya... I did something which I clearly believe... was not me." Nilapag ko ang tasa sa pag-aalalang baka mabasag ko ito dahil sa sobrang inis. “Nagpakita ng kahinaan si Archer at nagpadala ka sa kahinaan niyang iyon. Dahilan upang makalapit nang husto si Magnolia sa inyo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What?" Naiinis kong bulalas. "Wala na ba kaming karapatan na gawin ang gusto namin? Lahat na lang ba, pakikialaman ninyo!" I could feel my heart pump getting faster in anger. Umiling si Datu Ramir bago sumagot, “Hangga't hindi pa kayo kasal, madali lang kayong malalapitan ni Magnolia." "This is insane." Tumayo ako at naglakad-lakad sa loob ng kwarto. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko, I'm upset, close to ranging.  "Baka naman may iba pang paraan para matapos ang sumpa." My parents, they can help. "Maraming koneksyon ang mga magulang ko. Wala silang problemang hindi nasusolusyunan... they're happy people. Happy people think better solutions right?" I said trying to convince myself. "But are they really happy?" Halos hindi ko maintidihan ang tanong ni Datu Ramir. "What are you talking about? Of course! They're happy. Kahit itanong mo pa sa kanila." Umiling ito. "Bakit hindi mo sila puntahan sa silid-tanggapan?" I felt another spark of anger that I quickly left that room just to prove him, he's wrong. How can he say that? He doesn't even know us. He don't know my family or so I thought. Nang makalapit ako sa pintuan ng silid-tanggapan. I heard sobs from familiar voices. Nagdesisyon akong tumigil na muna roon at makinig. Sigurado ako na sina Mama at Papa ang naririnig ko. “I'm sorry po kung dahil sa kahinaan ko nakalapit si Magnolia kay Aviana." I heard Archer's voice. May lungkot sa boses niya. "M-masyadong mabilis ang pangyayari," I heard my mom said sniffing tears in between. "My baby... I'm worried about my Aviana." She continued, crying heavily than before. "Dear... alam na naman natin na mangyayari ito. We just have to believe in our daughter. She is a strong girl, you know that." My dad said comforting her. I could not imagine them so down and tearing. Never in my life I've seen or heard them like this. "Why won't she marry you? I... I could talk to her. Where is she?" Dugtong ni Daddy. "No, sir. I can handle this. Ayoko po siyang pilitin kung ayaw pa niya," Archer stopped as I hear a chair move. "For she said, she don't know about this curse." "We didn't let her know... natakot ako. She is so kind and pure, such a happy girl. Ayokong alisin sa kaniya 'yon." My mom's voice filled the room, which caught my full attention. "I will make her say yes and protect her at the same time." Archer said re-assuring my parents. "You have to, Archer. Save her." Mom begged. I leaned at the door to much and gripped the door knob, making it open which is not my intention. "Aviana..." mom called as she laid eyes on me. "Mom... Dad..." Tumayo si Mama, bakas ang mga luha sa mata at pisngi niya. She reached to me and hugged me dearly. I could still feel her sobbing as she gently rub my back. "I'm sorry, Avi. I'm so sorry." She said while crying. Lumapit si Dad kay Archer na nakatingin sa 'min. Dad is still sipping his hard liquor but in his eyes I can see sadness. "Mom, don't say sorry. Strong ako, 'di ba? I can sort this out." Sandali akong tumingin kay Archer bago hinawakan si Mama sa dalawang balikat ko. " At saka, 'di ba, mom I have Archer with me." Archer smiled. A little smile at first but grew big as the seconds go by. I can't help but do the same. "Pero bago ko pakasalan si Archer, kailangan kong malaman ang lahat. Lahat-lahat." Umupo kami sa lamesang nakahanda roon. Magkatabi sina mama at papa habang ako naman katabi si Archer. The butler prepared drinks and foods on our table that we barely even touched.  "May alam ba kayo tungkol kay Magnolia?" I broke the silence. "Asawa siya ng ninuno ni Archer. Sa pagkakaalam ko, sa kaniya nagmula ang sumpa," ani Mama. "Yes, ma. But I want to know why?" She sighed and looked at my Dad as if asking for strenght to tell me the truth. "Nasaktan siya. Nagkapatong-patong ang nangyari noon sa kaniya. Mula sa kaniyang asawa na hindi na niya makasundo dahil sa kani-kanilang paniniwala." Dad answered every question I have in mind. "Mabait si Magnolia, mahal na mahal siya ng taong bayan. Lahat ng desisyon ni Datu Ramir sinuportahan niya. Ngunit nang nagiging masamang pinuno na ang kaniyang asawa. Hindi naglaon, nakipaghiwalay si Magnolia sa kaniya. Kinasuklaman siya ng taong bayan, dahil imbes na magbago ang Datu, lalo pa itong naging masama, na pati mga inosente sinasaktan at pinapatay na niya." Little by little, the missing pieces of the puzzle are starting to come together. Completing and answering all questions I have in mind. "Do you want to know, what will happen if you won't marry?" tanong ni Mama, tumango ako. Ito ang tanong na matagal nang nasa isip ko. The answer will make or break my decision. Tinignan ako ni Mama. "He will die." Natigilan ako na para bang saglit akong hindi nakahinga. I cannot let that happen. Ayokong maging dahilan ng pagkamatay niya o nino man. "Hindi lang siya, magkakagulo sa Magnolia at dahil doon tiyak, mapapahamak ka. Iyon ang ayaw naming mangyari," nag-aalalang wika ni Mama. Sa buong oras na pag-uusap namin ng mga magulang ko, nanatiling tahimik si Archer. Paminsan-minsan ko siyang lilingunin at titingin naman siya sa'kin pero hindi rin naman nagtatagal. Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip niya. Pero sa tuwing susubukan kong tanungin siya, umiiwas siya ng tingin. Ngayon naiintindihan ko na, malinaw na ang lahat. Malinaw na kung bakit una palang iba na si Archer sa akin. Nakasalalay ang buhay niya sa magiging sagot ko. I maybe in doubt when this all started but after learning about the truth I now know what to do. My life was not mine at all since I was born. Nakatakda na akong maging asawa ni Archer wala pa man ako sa mundong ito. Now looking back, it was my fault kaya hindi ko nalaman ang tungkol sa nangyayari. I left the mansion when my parents were supposed to reveal everything to me. I do not blame them or me. I was happy with my decision. Wala na rin naman akong magagawa dahil hindi ko na maibabalik pa ang dati. But what I can do is to make the right decision in the present… for my future.   "Mag-ingat po kayo," magalang na wika ni Archer sa mga magulang ko habang inihahatid namin sila sa labas. Nagdesisyon silang umalis na upang makaapag-usap kami ni Archer. "Anak..." makahulugang wika ni Mama. Alam ko na kung anong ibig sabihin niya. "Opo, ma. Babalitaan po namin kayo. Ingat po kayo." Yumakap at humalik ako sa kanila sa huling pagkakataon bago sila tuluyang makaalis. Hindi kami kaagad pumasok ni Archer hanggang sa mawala sa paningin namin ang sasakyan nila mama at papa. "Halika na, pasok na tayo," ani Archer habang hawak-hawak ang bewang ko. "Archer, sandali..." Tumingin sa'kin ang pagod niyang mga mata. "Ano?" tanong niya "Pumapayag na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD