CHAPTER ELEVEN

1052 Words
TAHIMIK ANG paligid sa loob ng banyo at tangging ang echo lamang ng tumutulong tubig ang maririnig ko. Galing ang umaagos na tubig sa burol kung saan gumawa ang mga monghe ng tubong kahoy upang daluyan ng tubig. Malamig ang likido na nagmula sa pinakamataas na bundok. Yakap-yakap ko ang sarili habang nakababad sa malaking ceramic na palayok sa gitna ng banyong pinapalibutan ng nakaipong tubig. Iniwan ko muna sandali si Archer sa iba pang monghe para pagalingin ang mga natamo niyang sugat. Kailangan ko rin namang mapag-isa, kailangan kong pag-isipan ang nangyari kanina. Anong nangyari kanina? Talaga bang nagawa kong harangin ang lakas ni Magnolia? Paano nangyari 'yon? "Dahil kay Archer." Boses ni Datu Ramir ang nagsalita na kamuntikan ko na masigawan. Mabilis kong tinakpan ang hubad kong katawan dahil kitang-kita pa rin iyon sa ilalim ng malinaw na tubig. "A-anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba nakikita na naliligo ako!" Aligaga kong bulyaw sa kaniya. "Nagtatanong ka, 'di ba? Nagkataon na nandito ako kaya sumasagot lang ako," aniya. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa mga mata niyang lumalakad na kung saan-saan. "Sisigaw ako kapag hindi ka tumalikod!" Banta ko. "Okay. Tatalikod na," aniya na sinunod ang sinabi ko. "A-ano bang kinalaman ni Arch sa nangyari?" "No'ng humingi siya ng dispensa sa mga kamag-anak mo dahil sa hindi ninyo natuloy na kasal, inalam niya ang tungkol sa libro ni Magnolia." "H-hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Problema ko 'yon." "Oo nga. Pero ginawa pa rin niya, para sa'yo." Kaya naman pala pagod na pagod siya nang nakauwi na nang gabing iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na mahiya. Kung tutuusin wala naman siyang dapat gawin. Ako itong maraming tanong tungkol sa katauhan ni Magnolia kaya dapat ako ang naghahanap ng kasagutan. "Alam din ba niya kung bakit walang epekto sa'kin ang kapangyarihan ni Magnolia?" "Hindi ko alam. Wala siyang nabanggit sa'kin tungkol doon. Bakit hindi mo siya tanungin?" "Nagpapahinga pa siya. Bakit ba ikaw, wala kang alam tungkol doon? Kabiyak mo si Magnolia at kung totoong siya ang ninuno ko, bakit hindi mo sinabi sa'kin?" "Iyon ay dahil wala akong alam tungkol diyan. Masikretong tao si Magnolia. Noong ikasal kami, wala akong nalaman tungkol sa pamilya niya." "Iyan ang hirap sa'yo, palagi kang walang alam. Kung tutuusin dapat ikaw 'tong gumagawa ng paraan para mawala ang sumpa. Walang kinalaman si Archer sa nangyari sa inyo ni Magnolia noon. Pero bakit siya ang nagdurusa ngayon?" Hindi ko na napigilan pang makapagsalita ng hindi maganda kay Datu Ramir. Masyado na kasing nahihirapan si Archer kahit hindi naman dapat. "Inaamin ko, kasalanan ko ang lahat. Pero hindi ako naintindihan ni Magnolia. Makitid siya kung mag-isip. Lahat naman na ginawa ko noon para lang sa ikabubuti ng lugar namin at ikabubuti ng magiging pamilya namin." Hindi ako kumbinsido sa mga dahilan ni Datu Ramir. Tumayo mula sa pagkakababad at nagsuot ng tuwalya. "Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit ni Magnolia sa'yo na pati salin-lahi mo damay sa problemang ginawa mo?" Batid kong nawawalan ako ng respeto sa pakikipag-usap sa kaniya. Hindi ko na lang kasi maisip kung bakit ganoon na lang kagalit si Magnolia. "Gabi noon nang sumugod kami sa kabilang bayan upang manakop. Ayaw niyang gawin ko ang pagsalakay ngunit naging mapilit ako. Hindi ko alam na sumunod pala siya upang pigilan." Madalas matipid lang magkwento si Daru Ramir kaya naman sa pagkakataong ito pakikinggan ko siya, hindi lamang upang makakuha ng impormasyon kung 'di maging isang kaibigan para sa kaniya. "Kalagitnaan na ng laban nang makita ko siyang paparating lulan ang isang kabayo. Ngunit naunahan ako ng kalaban dahil mas malapit sila sa daang tinatahak ni Magnolia. Nabihag siya ng mga ito at ginawang pain upang sumuko ako. Ngunit hindi lang pagsuko ang nais nila. Gusto nilang ibigay ko ang mga bayang sinasakupan kapalit ang buhay ng asawa ko." Tila dinala ako sa mga panahong ikinukwento niya. Nararamdaman ko ang hirap nang disisyong kinakailangan niyang gawin. "Libo-libo ang pamilyang umaasa sa pamumuno ko. Napakahirap magdesisyon lalo pa't binibilangan nila ako. Bawat bilang ay may katumbas na hiwa o tusok sa katawan ni Magnolia. Mahal ko si Magnolia. Sobrang mahal, handa kong ibigay ang gusto ng mga kalaban. Ngunit huli na naman ako, isa sa mga kalaban ko ang nagpakawala ng palaso at tumama sa tiyan ni Magnolia." Humarap sa akin si Datu Ramir, pinupunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi. Bakas sa mukha niya ang hapdi ng nakaraan. Animo'y sariwa pa sa kaniya ang nangyari. "Hindi lang si Magnolia ang nawala sa'kin, maging ang batang nasa sinapupunan niya." "Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa'kin?" Hindi ko naiwasan na mapalakas ang boses dala ng pagka-inis. "Kumalma ka, Aviana. Hindi ka pa handa noon," aniya na pilit akong pinapakalma. "Sinasabi ko na nga ba, e! Marami ka pang itinatagong sikreto. Kung gusto ninyong matulungan ko kayo dapat naman malaman ko ang lahat-lahat!" Marami pa akong sasabihin pero naudlot iyon ng marahas na pagkatok ng pinto. "Avi! Anong nangyayari d'yan?" "Aviana, makinig ka muna sa'kin—" Ngunit hindi ko siya hinayaan magsalita. Umaapaw ang galit sa puso ko. Akala ba niya madali ito para sa'kin? Kinabukasan ko ang nakasalalay sa sumpang kagagawan niya! "Simula ngayon, ako na ang bahala sa buhay ko, tutal buhay ko naman ito... siguro nga tama si Magnolia. Kasinungaling lang ang lahat ng 'to!" Sinadya ko ang pintuan at binuksan iyon kung saan nakatayo si Archer na labis ang pag-aalala. Tila nakita niya sa mukha ko ang galit kaya nang tumingin siya sa likuran ko mukhang maging siya ay nainis na rin. "I'm breaking up the engagement. Kung hindi niyno kayang maging totoo sa'kin, huwag ninyo na lang akong isali sa mga kasinungalingan ninyo." Hinablot ko ang singsing sa daliri ko ngunit kahit anong paghila ang gawin ko ay ayaw nitong umalis. "Avi, huwag kang magdesisyon kung galit ka. Hindi ko pa alam kung anong dahilan pero please, pag-usapan natin 'to," ani Archer habang hawak-hawak ang dalawang balikat ko. "I want this ring off." I made myself clear as possible. Tumingin ako sa mga mata niyang pagod. Mukhang hindi pa siya nakapagpahinga ng maayos. Hindi agad nakasagot si Archer, alam kong hinihintay pa rin niyang huwag kong ituloy ang aking balak. But I made up my mind already. Inilahad ko ang kamay na may singsing sa harapan niya. I want him to remove the ring. "If... if you still want to be with me, you have to trust me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD