Chapter 2

1527 Words
NARRATOR'S POV "God damn it!" singhal ni Evan saka pa kinalampag ang lamesa dahilan para magulantang ang buong paligid. Naroon sila ngayon sa conference room at kasalukuyang tinatalakay ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang kumpanya, ang Trade & Home Structure Company. Where it's a capital-intensive type of business. A company where you can rent or buy heavy equipment, or purchase materials in bulk. And that company alone is actually his second branch located here at Tagaytay, ang pinaka-main ay nasa Makati kung saan mas maraming tao kaya iyon ang pinagtutuunan niya ng pansin. Doon siya madalas naglalagi pero kahapon nang malaman nitong ilang porsyento ang nawala sa branch niya rito ay dali-dali siyang lumuwas to see what the hell is happening. It's not a good news anyway, walang business man ang gugustuhin na malugi ang sariling company, na kung tutuusin ay pareho niyang pinaghirapan na itayo iyon. Dugo at pawis ang kaakibat nito noon para lang makapagpatayo ng sariling kumpanya, it was his way of escaping the reality. He don't wanna rely on his f*****g god damn parents, na literal na wala namang ginawang tama sa buhay niya. They are abusive, they want to control Evan's life, especially his mother wanna be. And the funny thing was, hindi naman ito ang totoong ina ni Evan— he doesn't have one. Step-mother niya lang iyon pero kung umakto ay dinaig pa ang tunay na ina. "How did these happen?" anas niya kay Denver, his chief operating officer. Ito ang kaniyang kanang kamay dito, kapag wala si Evan sa company ay si Denver ang nagiging substitute niya as CEO. "I'm sorry, Mr. Smith, but let me take it back. I will do everything to restore the company," sagot ni Denver habang nakatayo, pilit pinapantayan ang tapang sa mukha ni Evan. "You should, Denver. Redeem yourself if you don't wanna lose your job here," angil nito at galit na napabuntong hininga. Denver can act as the President, iyan ang habilin ni Evan as long as he is able to set the strategy, predict the future and control the budget of the whole company. And for f**k's sake, hindi naman ganoon karami ang foot traffic sa lugar na iyon kaya palaisipan pa rin kay Evan kung bakit nalugi ito. Marahas niyang inihilamos ang dalawang palad sa mukha at tuluyang naupo sa kaniyang swivel chair, kalaunan nang isa-isa niyang tapunan ng malamig na tingin ang mga kasamahan. Ang iba rito ay nakayuko, tila nahihiya sa kaniya, rather ay natatakot sa presensya ni Evan. But he doesn't care at all, pakialam ba niya sa nararamdaman ng mga 'to? Evan is absolutely insensitive, he don't give a s**t to anything unless that has something to do with his life. Natuto na si Evan sa ilang taon niyang pamumuhay as independent, kung saan kapag mabait ka ay aabusuhin ka ng mga taong nakapaligid sa 'yo. At iyon ang bagay na kinatatakutan niyang mangyari ulit, ayaw na nitong magmukhang tanga habang pilit na nagsusumamo sa isang tao. He changed. Galit na napatitig si Evan sa harapan ng kaniyang kotse, malakas ang ulan sa mga oras na iyon ngunit hindi ito naging dahilan para pigilan siya sa pag-uwi. It's already six o'clock in the evening, he's tired and all he wanna do is rest and to sleep peacefully. Sa tunog pa lang ng malakas na ulan ay tiyak nang mahimbing ang magiging tulog nito mamaya, ang ulan at kidlat kasi ang tila naging kaibigan niya sa ilang taong lumipas. Iyon ang humihele sa kaniya noong mga panahong wasak ang puso niya, ang ulan at kidlat ang pilit na nagtatago sa mga mahihina nitong pag-iyak noon. "f**k!" Out of the blue, he cussed loudly. Sa lakas ng ulan ay kamuntikan pa niyang mabangga ang isang babae na naroon sa gitna ng kalsada at hindi maiwasan ni Evan na isiping baliw ito. Malakas na hinampas niya ang busina, ngunit hindi natinag ang babae. Nananatili pa rin itong nakatayo habang tuluyang nilalamon ng ulan ang buong katawan. Evan breathes heavily, matapos mapatay ang engine ay padabog niyang binuksan ang pintuan sa driver's seat. Wala na itong naging pakialam kung mabasa man siya ng ulan. "f**k, Miss!" he said emphatically. Napahawak pa ito sa hamba ng pintuan at mariing tinitigan ang mukha ng babae, ngunit sa lakas ng pagbuhos ng ulan ay hindi na niya nagawang aninagan ang mukha nito. But anyway, he doesn't care though. He hardly laughs a bit and he derisively stare on her body volume. "If you wanna die, then die alone!" sigaw ni Evan, kasabay pa nito ay ang kidlat sa kalangitan. Pareho silang hindi natinag, parehong nakatitig sa isa't-isa not until the girl mock his laugh. So Evan quickly go back to his car. "Crazy b***h," he thought. Mayamaya pa ay napatunayan nga niyang baliw ito nang lumapit sa kotse nito ang babae, saka walang habas na sinuntok ang bintana roon sa passenger's seat. Tch. Napangisi si Evan, sirain o sunugin man ng babae ang kotse niyang iyon, marami pa siyang sasakyan. Soon, he'll drive his truck so he can slay this little b***h. Huminga siya nang malalim at bago pa nga masira ng baliw na iyon ang kotse niya ay mabilis na nito iyong pinaharurot paalis. Napatingin pa si Evan sa rear view mirror kung saan nakita niyang may isinisigaw pa ang babae sa kawalan, animo'y pinaglalaanan siya ng itim na dasal o nag-oorasyon. Tiim ang bagang na lamang itong nag-iwas ng tingin at deretso ang tungo sa bahay niyang hindi naman kalayuan doon. Hindi rin nagtagal nang mag-park ito sa labas ng puting gate. Mataas ang lugar kung saan ang kinaroroonan ng bahay ni Evan kaya sandali niya itong tiningala, all are made of glass. Ang apat na haligi ng malaking bahay niyang iyon ay naturang gawa sa matibay na uri ng salamin. Kaya mula rito sa kinatatayuan niya ay kitang-kita nito ang bawat sulok ng bahay, ang enggrande nitong staircase. Ang malawak niyang balkonahe na abot-kamay ang kalangitan. Perks of being alone, he guess. Sa pagiging matiyaga niya ay nasa kaniya na ang lahat, magmula sa collection ng mga kotse, sa bahay na pinapatayo niya sa bawat syudad na naisin nito. Isang pitik lang ng kamay nito sa hangin ay mabilis lang niyang makukuha ang lahat ngunit bakit hindi ang pagmamahal? Bakit hindi nito magawang mambabae katulad ng ginagawa ng ibang may kaparehong istorya ng buhay niya? Well, that's was a long story to tell. Ang alam lang niya ay galit siya sa mga babae, no more explanations. Pasalampak na naupo si Evan sa pahaba nitong couch saka pa inilahad ang mahabang kamay sa sandalan ng kinauupuan. As usual routine, kusa itong mapapatinig sa kawalan. Evan doesn't have friends, a best friend to call or even a close friend to talk to. He choose to be alone, to be silent and to be in vain. Malakas na napabuntong hininga si Evan, mayamaya pa nang mapangiwi ito nang maalala ang mukha ng babaeng minsan nang sumira ng kaniyang buhay. Ang rason din kung bakit mas nagpupursigi siya sa buhay. Sounds funny, right? Dahil kagustuhan ni Evan na patunayang wala man ito ay kaya niyang tumayo sa sariling paa, gusto nitong ipakmukhang hindi niya kailangan ang sino man. "f**k you all," giit ni Evan, kapagkuwan ay natawa na lamang sa sariling kabaliwan. Nailing ito bago tumayo para magtungo sa kusina, kumuha lamang ito ng isang bote ng alak at saka dinala sa counter table top at doon naupo sa mataas na stool. Matapos salinan ang isang baso ay deretso niya iyong nilagok. Walang pag-asim o pagngiwi man lang ang mababakas sa mukha ni Evan, marahil ay sanay na nga itong mag-inom ng alak. Nang hindi matugunan ang pangangailangan ng lalamunan ay deretso siyang lumagok mula sa bote. "Hey, buddy. It's me again," bulong niya sa bote ng alak saka pa ito hinalikan. Kasabay nang paghalik ni Evan ay ang pag-materialize ng mukha ng babaeng kanina lang ay kamuntikan na niyang mabangga. Hindi nito ganoon nakita o namemorya ang mukha ng babae, but he's sure as hell that she's a witch. Bakit pakiramdam niya ay kinulam siya ng babaeng iyon? Bakit ba nito naiisip iyon? And why the hell she's crying under the rain? Uh-huh, girls and their dramas. Natawa si Evan, kalaunan nang abutin niya mula sa bulsa ng pants ang kaniyang cellphone saka pa binuksan ang inaamag niyang f******k account. Baliw na nga marahil ito at kung bakit sini-search nito ang babae. "The girl in rain," bigkas niya sa tinitipa nito. Huminga siya nang malalim nang makitang marami ang lumabas, may ilang accounts, photos at kanta ngunit hindi iyon ang hinahanap niya kaya muli siyang naghanap. "Girl crying in the road— girl with black polo and crying under the rain— girl with long hair and crying over a guy— f**k!" malakas na napamura si Evan nang matantong nababaliw na siya. Wala pang pakundangan niyang initsa ang cellphone dahilan nang pagkakahulog nito, nagkapira-piraso iyon sa sahig at tamad lang na sinipat niya iyon ng tingin. "This isn't me, why the hell do I care? God damn it!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD