Chapter 3

1551 Words
THALIA'S POV "Deputa, friendship! Hindi ko talaga malaman kung bakit pinagpalit niya ako!" sigaw ko saka pa pinagsusuntok ang unan na naroon sa loob ng kwarto ko. Malakas na tumawa si Stacy dahil kanina pa ako nagwawala. Oo at para na akong baliw pero masisisi niyo ba ako? Nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang ako depungal, kaya papaanong nasasaktan ako ng ganito? Muli kong sinuntok ang unan at hinagis na iyon sa kung saan, kasabay nang panunumbat ko sa kawalan ay ang patuloy na pag-agos ng luha ko, tila ba walang katapusan iyon. Kalaunan nang mapagod ako sa pagwawala at sumubsob na lamang sa kama ko, nanginig ang balikat ko at mas lumakas ang pag-iyak ko. Bullshit, ang sakit-sakit. Iyong tipong hindi mo alam kung saan ka nagkulang, o tama bang sumobra ako? Hindi ko talaga alam! Hindi ako nakapasok kanina sa sobrang sakit. Isa pa ay nahihiya ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at talagang nakita pa nila kung paano ako gaguhin ni Jax, nakakahiya! Kaya ngayon ay narito si Stacy sa kwarto ko, matapos niyang mag-render ng duty whole day since ako lang naman ang kapalitan niya sa counter. Thanks to her, nakapag-emote pa ako. "Shh, Thalia... I know it's not okay but soon, you'll gonna realize he's not worth it. Mahal ang luha mo, friendship, tandaan mo 'yan," pag-aalo sa akin ni Stacy na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng kama. Naramdaman ko pa ang marahan na paghaplos niya sa likuran ko, na kahit papaano ay nakagagaan ng pakiramdam. But it doesn't change anything, I'm still hurt and devastated. How could he be so heartless? At talagang sinabi pa niyang mayroon na siyang iba na parang pinagmamalaki pa nitong nambabae siya? What the actual f**k, right? Suminghot ako at gamit ang bed sheet ay pinunasan ko ang basang pisngi, saka pa unti-unting tumayo mula sa pagkakasalampak. Hinarap ko si Stacy na hindi na rin maitago ang pagkaawa sa akin, mapait akong ngumiti rito. Maging ako ay awang-awa ako sa sarili, na para bang ang kalahati ng katauhan ko ay nawala. "Hayaan mo na siya, ang mga walang kwentang tao ay hindi na dapat pang ipinaglalaban. He doesn't deserve you anyway," aniya at walang pasabing pinunasan ang kumawalang luha sa akin. "Then sino ang deserving? Kung hindi siya ay sino?" garalgal ang boses kong pagtatanong. "You don't have to worry about that, saka mo na iyan isipin kapag naka-move on ka na. Isa pa, kusa iyang darating." "I don't think na magmamahal pa ako, this is one of hella s**t. I'm deeply hurt, Stacy." Pinapangako ko talagang huli na 'to, hindi na ako magmamahal. Ayoko na! Ayoko nang masaktan kasi deputa, ganito pala kasakit, ano? Kung alam ko lang noon, bakit ko pa gugustuhing masaktan 'di ba? Ngayon ko lang talaga napatunayang pare-pareho ang mga lalaki. Isa pa 'yong depungal na muntik nang bumangga sa akin kahapon. Argh! Magsama-sama sila! At iyang si Jaxon, siguraduhin lang niyang hindi ko sila makikita ng babae niya sa akto, kung 'di ay lintek lang talaga ang walang ganti. "C'mon frienship, tuturuan kita kung paano mag-move on. This is the first thing you need to do," anang Stacy at walang kagatol-gatol na hinila ako patayo. Naka-pajama pa ako at talagang wala pa akong ligo simula pagkauwi ko kahapon, kaya hinayaan niya muna akong makapaligo at makapagdamit nang maayos. Matapos magpulbo at liptint ay kinaladkad na ako nito palabas ng bahay, hindi ko na tuloy nagawang makapag-paalam kina Mom at Dad but who cares. Kalaunan nang huminto kami, hindi kalayuan sa village at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung saan niya ako dinala. "No way," bulalas ko ngunit hinila na ako ni Stacy papasok sa loob. "No way, Stacy!" "Yes way, friendship," masayang turan nito saka pa tinawag ang isang bakla para kausapin. "Gupit nang isang babaeng broken hearted na handa nang mag-move on." "No!" sigaw ko at hinawakan ang sariling buhok. Fuck! No f*****g way! Wala na akong nagawa nang hawakan ako ng bakla sa magkabilaang balikat bago ako tinabunan ng itim na tela. Hindi na ako gumalaw, kaysa naman ang mukha ko ang madali ng gunting. Sa haba ng buhok ko ay hindi ko namalayang nakaidlip ako, bumalik lang ako sa reyalidad nang mahulog ang ulo ko kaya halos matumba ako sa kinauupuan. "Holy s**t," mura ko, mayamaya pa nang marinig ko ang pagtawa ni Stacy. "Punasan mo muna laway mo, friend." Binigay niya sa akin ang kapirasong tissue kaya inabot ko iyon upang punasan ang bibig. Fuck, ilang oras ba ako ginupitan? Bakit pakiramdam ko ay nagbiyahe ako ng isang buong araw at ang sakit ng batok ko? Napahawak ako sa leeg at marahang minasahe iyon. Laking gulat ko pa nang wala akong makapang buhok sa batok ko, rason para manlaki ang dalawang mata ko at tila tinakasan ng lakas na napatingala kay Stacy at sa baklang nag-murder sa buhok ko. "So, how was it?" tanong ng bakla na siyang ngiting-ngiti akong pinagmamasdan. How was it? Aba, malay ko. Nasaan ba ang salamin? Sakto at inikot ng bakla ang upuan ko upang iharap sa malaking salamin dahilan upang makita ko ang sariling repleksyon at ganoon na lamang ang gulat ko sa nakita. "s**t, ako ba 'to?" mahinang turan ko, ilang segundo pa nang mapangiti ako sa kawalan. "Ayan, friendship. Animal ka, napakaganda mo pala kapag maikli ang buhok mo! Nagpapaloko ka kasi riyan kay Jaxon!" Sa sinabi ni Stacy ay sinamaan ko ito ng tingin mula sa salamin, ngumiti naman ito at saka pa nag-peace sign sa akin. Gagang 'to, ang ingay ng bunganga. Muli kong nilingon ang sarili at napangiti pa ako, iyon tipong nagpapa-cute sa isang boylet. Ngumuso ako, lumabi, ngumisi at kumindat kaya naman ay mabilis pa sa kidlat na binatukan ako ni Stacy dahilan para sabunutan ko ito. Mayamaya pa ay nakalabas na rin kami at dahil kagagawan ito ni Stacy ay siya na ang nagbayad. Kinuha ko na rin ang cellphone ko upang mag-selfie at mag-post sa f******k. Hindi ko pa naba-block si Jaxon sa kahit anong social media accounts ko at hahayaan ko muna itong namnamin kung ano ang pinakawalan niya. Tch, sa ganda kong ito? Gago siya. Thalia Dixon posted... “Mas nanghihinayang pa ako sa buhok ko, kaysa sayong depungal ka #J” #MoveOn #ShortHairDontCare :« Malakas akong natawa sa sariling kabaliwan dahilan para batukan ulit ako ni Stacy, nilingon ko ito sa gilid ko na ngayon ay nangingiti akong pinagmamasdan, marahil ay natutuwa rin sa akin. "Nakararami ka na, ah," kunwaring pagbabanta ko rito. "Mukha kang tanga, e. Halika, Mcdo tayo." Hinila ako nito patawid sa kabilang kalsada. "Ang sabi nila, iyon ang lugar kung saan para sa mga team sawi kagaya mo." Kung anu-ano na lang itong pinagsasabi ni Stacy pero bahala na. Nang makapasok sa Mcdo ay deretso kaming um-order ng BFF fries saka naupo na rin malapit sa glass window na palagi rin naming pwesto rito. "Friend, tingnan mo 'yon, ang gwapo 'no?" Dinig kong sabi ni Stacy, wala pa man kalahating oras kaming kumakain. "Tigilan mo na ako, Stacy, wala akong oras para sa ganiyan," sambit ko ngunit nilingon na rin ang tinutukoy niya. "Oo nga, ang gwapo." Sabay kaming natawa ni Stacy, mayamaya pa nang sikuhin ko ito nang sumenyas siyang pinapalapit ang lalaki sa gawi namin kung saan naroon ito sa kabilang dulo. Matangkad ang lalaki kaya tanaw na tanaw ko siya mula rito. "Gaga ka! Ano ako, one day broken hearted? Magtigil ka, Stacy," suway ko rito. "Ayaw mo no'n? Para naman maka-move on ka na kaagad, wala nang iyak-iyak." "It takes time, buang. May three months rule pa ngang tinatawag, e." "Jusko 'day, anong taon na't nagpapaniwala ka pa sa ganiyan?" Nilingon ako nito saka pa pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Bulgar akong napangiwi sa paninitig niya sa akin. "Basta, ayoko. Tama na muna ito at saka, bakit mo ba ako minamadaling mag-move on? May lakad ka ba, friend?" Tumawa ako, samantala ay mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin upang balingan ulit ang lalaki ngunit wala na siya roon. Sabay na bumagsak ang balikat naming dalawa. Hindi rin nagtagal nang mapagpasyahan naming umuwi na bago pa man magdilim ang kalangitan. Naghiwalay na kami ng landas ni Stacy dahil sasakay pa ito ng jeep pauwi. "Bye, friend! Ingat ka, tanga ka pa naman!" sigaw ko rito kahit naroon na siya sa loob ng jeep dahilan para pandilatan ako nito ng mga mata sa kahihiyan. Malakas akong tumawa, kapagkuwan ay umalis na rin ang jeep kaya kinawayan ko ito. May isang tao lang talaga ang nakakaintindi sa akin, siya iyon— si Stacy Roberts. Una pa lang nang makita ko siya sa Bluebells Café at makilala ay magaan na ang loob ko rito. She's jolly, kayang tapatan ang kabaliwan ko o baka nga mas baliw siya kaysa sa akin. Kaya heto ang ending, pareho kaming sabog. Hindi naman ako nagsisisi na naging kaibigan ko si Stacy bagkus ay laking pasasalamat ko pa at nagtagpo ang landas naming dalawa. She's all that I have now, iyong taong mapagkakatiwalaan ko talaga. Hindi katulad ng sarili kong pamilya. Well, ayoko na lang din mag-talk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD