bc

The Heartless | R18

book_age18+
14.3K
FOLLOW
64.9K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
age gap
dominant
submissive
independent
bxg
humorous
office/work place
like
intro-logo
Blurb

WARNING: Mature Content - R18

Rampage Bachelor Series, season 3

Meet Evan Trade Smith, 34 years old who owns the Trade & Home Structure Company.

A heartless man who show no mercy. He was like a living dead with no expression at all. With his strong personality, everyone are afraid of him and that's the reason he lives all by himself.

Evan is serious for every moment, he's cold as ice but a hot-tempered man. A dominant who can do whatever he wants, a powerful bachelor and yet no one dare to give a single damn to him.

And that man will meet this little girl named Via Thaline Dixon, a 23 years old and a full time cashier at Bluebells Café.

Everyone calls her "Thalia"— a not-so spoiled brat daugther, she's bubbly and can do crazy things at times. Straight and frank, have an angelic face that can allure your demonic side.

Can love be the answer to mend their deepest unseen wounds? Or it will turn upside down?

Will hatred prevail even more after they found out that destiny is just playing with them?

All Right Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

© Ady Lee

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Via Thaline Dixon's POV "Thalia, may sundo ka yata?" Dinig kong bulong ni Stacy sa kabilang counter. Nilingon ko naman ito at nakitang may nginunguso siya dahilan para dahan-dahan ko iyong lingunin and to my surprise— it's my boyfriend, Jaxon Lewis! Halos kumabog ang puso ko at nanginig pa ang kamay ko habang nagbibilang ng pera sa kaha, ite-turn over ko na kasi ito since na-consume ko na ang eight hours duty ko rito sa coffee shop, ang Bluebells Café. "Awit! May panginig ang ganap." Pagpuna ni Stacy saka pa humagikgik nang makita ang pagkabalisa ko. "Baliw!" sita ko, kalaunan ay natawa na rin. Paano kasi at once in a blue moon lang talaga ako sunduin ni Jax, ang four years boyfriend ko. Naging busy na rin ito simula nang maka-graduate kami ng college. He's now managing their business sa Makati kaya sobrang layo talaga namin sa isa't-isa. Ako naman ay heto at kumukuha muna ng experience sa ibang field bago ko suungin ang kapalaran ko. Which is ang pagiging fashion designer dahil iyon naman talaga ang natapos ko and since mayroon kaming Ramp Model Agency sa London at Brazil ay ako ang nakatoka para roon. I just don't like it na maghihiwalay kami ni Jax kaya mas pinili kong dito na muna ako sa Pilipinas, for the mean time lang naman at kapag kaya na siguro namin ang long distance relationship, why not right? Masyado kasing seloso si Jax, ultimo maliit na bagay ay kinagagalitan niya kahit hindi naman dapat, pero bulag nga lang din siguro ako dahil mas hinahangaan ko pa siya sa pagiging ganoon niya. That's what you so called— possessive. Yay! He was like an ideal husband to me, kaya ayaw ko rin siyang pakawalan. Wala sa sariling napangiti ako nang makapasok ako sa locker room. Pagkabukas ko ng locker ay doon ko nakita ang maliit na kalendaryo, kung saan nakabilog ang petsa bukas. Doon ko lang natanto na anniversary nga pala namin ni Jax bukas. Yes, bukas. Kaya bakit siya nandito? Dapat bukas pa, ah? Tch, hayaan na nga. Malakas kong tinampal ang pisngi para gisingin ang kaluluwa at dali-dali nang tinanggal ang apron, saka isinuksok lang iyon sa locker. Kinuha ko ang sling bag ko at binuksan, nagpaganda lang ako saglit para naman hindi ako mukhang haggard sa harapan ni Jax. Nag-mouth spray pa ako para rest assured ang kinabukasan. Sinuklay ko na rin ang mahaba kong buhok na umabot na sa baywang ko. Simula kasi nang sabihin ni Jax na ang ganda ko raw kapag mahaba ang buhok ay hindi na ako nagpagupit pa. Hinawi ko ang buhok ko nang lumabas ako dahilan para masilayan ako ni Stacy, umukit ang mapang-asar na titig nito sa akin na kinindatan ko na lamang. Nangingiti akong naglakad palapit sa pwesto ni Jax na naroon sa bandang dulo, kung saan nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi pa ako nito napapansin. "Hi, babe," malambing kong bati at hinalikan pa siya sa pisngi. Nag-angat naman ito ng tingin at nagulat pa ako nang hindi niya ako nginitian pabalik, pero dala ng kasiyahan ay hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Baka pagod lang din siguro siya, katulad ko ay kaka-out lang niya sa trabaho, isama pa ang sobrang traffic sa Edsa. Pasado alas sais na rin ng gabi kaya mula rito sa loob ay kitang-kita ang madilim na kalangitan, animo'y babagsak ang matinding pag-ulan. "So, what do you want? Ako na ang magbabayad ng order natin," sambit ko nang makaupo sa tapat niyang upuan. At ganoon na lamang ang pagkakatulala ko sa mukha nito. s**t! Bakit ba ang gwapo ng boyfriend ko? Nagningning ang dalawang mata ko at pigil ang sarili na huwag kiligin sa sariling pagpapantasya. Huminga ako nang malalim. Get a grip on yourself, Thalia! "No need. Actually, I'm here for only one reason," baritonong sambit nito na siyang ikinangiti ko. "Yeah, I know naman pero hindi ka ba nagugutom?" tanong ko pa. Nilingon ko ang counter kung saan pasulyap-sulyap si Stacy sa gawi namin, mas lalo tuloy akong nangiti. Si Stacy ang co-cashier ko na sobrang close ko rin, same vibes kasi kami na happy-go-lucky ang eksena sa buhay at madalas siya ang partner in crime ko sa pangbu-bully ng mga katrabaho. Tipid lamang na ngumiti si Jax saka pa siya may kinuha sa gilid niya at inilapag iyon sa harap ko at halos matutop ko ang sariling bibig sa nakita. It's a small red box, kumikinang pa iyon at gaya ng mga napapanood sa TV, kung saan magpo-propose ang kanilang boyfriend ay ganoon ang naisip ko. "Ja—Jax..." utal kong banggit sa pangalan niya. "Oh, my God! It's a yes!" Nagsimula nang bumilis ang pagtibok ng puso ko, para na iyong lalabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig no'n. Dahan-dahan ay inabot ko iyon at binuksan. Tumambad sa akin ang singsing na sobrang familiar— ito iyong louis vuitton silver ring na binigay ko sa kaniya na galing pang Italy, plain lang ang design pero sobrang mahal nito for pete's sake. "I'm returning that to you and all of these," aniya at saka pa inilabas ang may kalakihang box. "Huh?" untag ko at sinilip ang laman ng box. Naroon ang mga bagay na binigay ko sa kaniya simula noong second year college kami, magmula sa love letter, sa natuyong bulaklak, sa relo at mga pictures namin na mukhang napag-lumaan na ng panahon. Sa aming dalawa kasi ay mas ma-effort ako kumpara sa kaniya, parang ako pa ang naging lalaki sa relasyon namin when in fact ay wala naman siyang naibigay sa akin noon kahit isa. Kapag monthsary o anniversary nga namin ay madalas ako pa ang nagpupunta sa Makati para sunduin siya, para lang ayain itong makipag-date. Lumunok ako at mahinang tumikhim, nilingon ko si Jax kung saan walang mababakas na emosyon sa mukha niya. "What's the meaning of this, Jax?" tila nawalan ng lambing ang boses ko. Ayokong mag-assume at baka mali lang ako ng iniisip kaya mabuti nang tanungin siya. "I'm breaking up with you, Thalia," matigas nitong pahayag na siyang ikinapantig ng tainga ko. Kumunot ang noo ko, sandali akong natigilan habang mariin siyang pinagmamasdan. Hinihintay kung tama bang nagjo-joke ito, pero knowing Jax, he's serious as hell. "No, you're not. Tell me you're just kidding!" may kalakasang sambit ko dahilan para lingunin kami ng ilang customer. But I don't care! Para na nga akong nabingi sa sobrang lakas ng pagririgodon ng puso ko, isama pa ang panlalabo ng dalawang mata ko sa nagbabadyang luha. "Jax, please... don't do this," dugtong ko nang hindi siya magsalita. "I'm sorry but it's final, I don't love you anymore," malamig niyang sagot na mas lalong nagpasakit ng damdamin ko. Tuluyan nang umalpas ang luha sa mata ko na mabilis ko namang pinunasan. Fuck! Nakakahiya! Yumuko pa ako upang hindi ako makita nila Stacy, lalo na ng manager kong nakatingin na sa aming dalawa. "W—why? Why, Jax? Na—nagkulang ba ako?" umiiyak kong tanong ngunit blanko lang ang mukha niya. "Kung hindi, sumobra ba ako?" "Stop this, you're just hurting yourself, Thalia." "You are the one who's hurting me, Jaxon Miller Lewis!" muli kong sigaw. Bahala na, bahala na talaga! f**k! Bakit ganito kasakit? Kailan pa ako natutong umiyak, huh? "I have someone else, I hope you understand now," pinal niyang pahayag saka walang alinlangan na tumayo. What? Ganoon na lang iyon? Dere-deretso ang naging lakad nito palabas ng coffee shop dahilan para kalampagin ko ang lamesa. "Jax!" sigaw ko ngunit hindi na siya nag-abala pang lumingon. "Jaxon!" Padabog akong tumayo at wala nang naging pakialam pa sa iba, hinabol ko ito sa labas at nakitang pumasok na siya sa kaniyang kotse. "Jaxon! We're not yet done! Let's talk!" frustrated kong singhal dito. Nang makitang umusad na ang kotse niya ay hinabol ko iyon, kasabay nito ay ang pagbuhos ng malakas na ulan, animo'y sinasabayan ang pagtulo ng luha ko. "Jaxon!" umiiyak kong sambit at napahinto na rin nang unti-unti ay nawala na ang kotse sa paningin ko. Fuck! f**k! Pinagsisipa ko ang ilang bato na naroon sa paanan ko, hindi ko na namalayang nasa gitna na pala ako ng kalsada. Kaya naman ay ganoon na lamang ang gulat ko nang may malakas na bumusina sa likuran ko dahilan para mabilis ko iyong nalingunan. Halos manlaki ang parehong mata ko nang tila nag-slow motion ang paligid, kalaunan nang huminto ang kotse na ilang dangkal na lang ang layo sa katawan ko. "f**k, Miss!" singhal ng lalaking kabababa lang sa kaniyang kotse. Hindi ko na nagawa pang mamukhaan siya dahil sa nanlalabo kong paningin, isama pa ang malakas na pagragasa ng ulan. "If you wanna die, then die alone!" malakas niyang sigaw na nanuot sa kalamnan ko rason para tuluyan akong magalit. Wala sa sariling natawa ako habang umaatras ng lakad, doon ay mabilis din siyang pumasok sa loob ng kotse dahil nauulanan na ito. "Die alone?" Tumawa ako sa kawalan. Sa pinagsamang galit at kabaliwan ay sinipa ko ang gulong nito at hinampas ang bintana sa passenger's seat ng kotse niya. "You heartless jerk! Mauna kang mamatay, hayop kayong mga lalaki, argh!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.2K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
326.1K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook