Matapos iyong sabihin ni Evan ay sandaling natahimik ang paligid. Kaagad ko itong pinakiramdaman ngunit nananatili siyang walang imik habang naroon pa rin sa aking mga mata ang kaniyang kamay. Wala rin akong masabi, wala akong makapang sasabihin dahil purong pagkaawa ang nararamdaman ko ngayon. So all this time, dala-dala ni Evan ang mabigat nitong problema. Tingin ko nga ay ako pa lang ang unang napagsabihan nito, base na rin sa reaksyong namumutawi ngayon mula sa kaniya. Takot pa siyang ilabas ang totoong nararamdaman. Ang Evan na nakilala ko ay arogante, matapang at walang inuurungan. A heartless man with no emotion but deep inside of him is a soft-hearted man, a caring and loving Evan. Mayamaya pa nang mabalik ako sa reyalidad nang tanggalin nito ang pagkakatakip sa parehong mata k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books