Kabanata 13
“Don’t be nervous you look pretty, Georgina,” Ahmet whispered as we entered a room full of well-dressed people.
Ahmet is dashing too in his white suit and well fixed hair. Kanina ay gulat na gulat pa ako ng makita siya, dahil nag shave pa talaga siya ng mukha para sa event na ‘to. He really likes auction with a cause, pero hindi halata sa kanya dahil suplado talaga!
The room screams riches and powers, and I felt very little. Though I was wearing this luxury gold dress, I just couldn’t stop thinking about where I should belong or why I was here. Pero dahil kay Ahmet, parang napapanatag din ang loob ko. Alam niya siguro na kinakabahan ako kaya nandyan siya para alalayan ako.
“Hey, don’t shiver, I won’t leave you the whole night, Gigi.” aniya ulit.
Maraming tawag sa akin si Ahmet, kung minsan ay Gigi at Georgina. Kapag nasa kama naman ay Love at Baby. Medyo nasanay na rin ako at alam kong hindi naman iyon totoo kaya hinahayaan ko na lang siya.
“Ayos lang ako, medyo kinakabahan lang. First time ko kasi sa ganito…” mahinang wika ko.
“I know, I can tell. I’m here, don’t worry.” sabay ayos niya ng aking buhok.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Inayos ko na rin ang maskara na suot ko dahil halos lahat naman ng mga taong nandito ay nakamascara. Linga linga is Ahmet na parang may hinahanap hanggang sa may isang lalaking lumapit sa amin at kaagad na nakipagkamay sa kanya.
“Hey, Ahmet Percy Muller! Nice to meet you again, pal!” ani ng lalaki at halatang masayang masaya.
Hindi niya suot ang mask kaya kitang kita ang kabuuan ng mukha niya. May hawak din na baso na may laman ng alak. Masyado pang maaga para doon kaya nagtaka ako.
“Doc, are you fond of this now?” natatawang tanong ni Ahmet sa lalaki.
“I need a one piece then I’ll leave. I want to help.”
They talk more but my mind was occupied with the food. I want to taste everything but I know, I should not. Baka magbakat ang tyan ko sa suot kong damit kapag ginawa ko iyon o ‘di kaya ano ang isipin nila sa babaeng dala ni Ahmet kapag gano’n ang gagawin ko. I should act modest and fine woman.
“You brought a girl, I should tell Carter about this.”
Napatingin ako sa kanila dahil doon.
“You know that man is busy looking for his girl, naiwanan,” ani Ahmet at natawa.
The both laugh at hindi ko naman alam kung ano magiging reaksyon ko. May mga lalaki pang nakipag usap sa kanila hanggang sa nag excuse si Ahmet para sa aming dalawa.
“We need to go, my girl is already tired,” he said and moved to the right wing of the venue.
Hawak hawak niya ang beywang ko habang papunta kami roon. May naglahad sa aming upuan na pawang nag assist sa event. Medyo gilid kami at katabi ko na ay malaking kurtina, nasa pinakagilid at wala ng tao sa likuran namin. Medyo kinabahan ako nang maramdaman ang kamay ni Ahmet sa aking hita.
“Gutom ka na ba? Do you want something to eat?” muling bulong sa akin ni Ahmet.
Medyo nailang ako dahil maraming camera pala ang nakatutok sa amin simula noong nakapasok kami rito sa loob ng venue. Bigla akong kinabahan na baka ipopost nila iyon at makikila ako ng mga kaibigan ko lalo na ni Dane, ano ano na naman ang sasabihin no’n.
“Don’t worry about them, they won’t publish anything. I already told my friend, he will block everyone.”
I was amazed and relieved at his words. Amazing lang dahil kaya niya iyong gawin sa isang salita lamang, hindi na ako nagtataka kung bakit wala masyadong background tungkol sa kanya sa internet, dahil siguro iyon sa kaibigan niya.
“P’wede bang kumain habang may program? Gutom na gutom na kasi ako…”
Ngumuso ako. Habang inaayosan ako kanina ay kumakain din naman ako pero iwan ko, gutom na gutom talaga ako. Mas lalo pa akong natakam ng makita ang mga pagkaing naroroon sa catering nila. Others are already eating too, ani sa akin ni Ahmet sa program proper na kami makakadating. Iyong bidding na talaga dahil ayaw niya daw na may makakakilala sa kanya na ibang tao maliban sa mga kaibigan niyang naririto ngayon.
He calls waitress for me. Hinayaan ko na lang ang babae na kumuha para sa akin dahil ayaw din naman akong hayaan ni Ahmet na kumuha. May music na chill lang na nasa stage habang hinihintay ang iba pang guest nila.
Habang naghihintay ng pagkain ay may isang lalaking lumapit sa amin at tinawag ang pangalan ni Ahmet. Nang malingon iyon ni Ahmet ay ramdam ko ang paghipit ng hawak niya sa aking hita dahilan para hawakan ko iyon. Hindi iyon masakit, gusto ko siyang kalmahin dahil sa expresion ng kanyang mata, alam na alam ko iyon.
I rub it with my thumb trying to calm him down, pero mukhang walang epekto iyon lalo na’t lumapit ang lalaki sa amin.
“Hello brotha, you are here with you… hmmm… slu-t?” tumaas pa ang isang kilay nito ay may naglalarong ngisi sa kanyang labi.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Nagulat ako sa sinabi ng lalaki at hindi inaasahan ang kanyang sinabi. Talaga bang kapatid siya ni Ahmet. May suot din kasi siya kulay puting maskara kaya hindi ko tuluyan nakikita ang mukha. Kagaya ni Ahmet ay nakakulay puting suit din siya, parang kambal sila sa panlabas. Gayang gaya ng lalaki si Ahmet.
“Leave, Peter.” mariing bitaw ni Ahmet.
Natawa ang kapatid niya. “Kaya pala, kaya pala hindi mo na kinakausap si Jenny dahil may ibang babae ka na. Magkano naman ang bayad mo d’yan para samahan ka?” his eyes darted on me after, “How much are you to be his wh-ore?” tanong niya sa akin at halos mahulog ang puso ko.
Akmang tatayo na si Ahmet at aabang susuntukin ang kapatid nang pigilan ko siya. I called his name and good thing he stops. Natawa naman ang kapatid bago nagsalita ulit.
“Desperate to be a trillionaire, huh? Uhaw na uhaw makuha ang kompanya ni Daddy kaya gumagamit ng ibang babae?” the man continues.
“And what are you, huh? Trying to be me to pull investors to your rotted company? Aren’t you desperate to have that company too? Ang kulang lang sa ‘yo, hindi mo pinapaandar ang utak mo. You will be always number two, Peter, remember that.”
Words of Ahmet really affect Peter. Kuyom ang kamay at parang siya na iyon gustong gustong manuntok. Si Ahmet na ang natawa sa pagkakataong ito. Ahmet was about to speak again when I saw a familiar girl behind, Peter. She is also wearing a gold gown that matches mine, iba nga lang ang design at mas revealing iyong sa kanya.
“What the fvck?!” she reacted when she saw us. “You asks me Ahmet, sabi mo ako ang isasamo mo ngayon?”
I really hate this drama. Parang gusto ko na lang umalis dahil masyado nang nakakahiya. Hindi pa nagsisimula ang auction pero marami ng eksena. Nahilo ako pero kaagad din akong nakabawi, gutom na gutom na siguro ako.
Magsasalita pa sana si Jenny ng may mga lalaking naglakad papunta sa amin at pinaalis sila sa harapan namin. Ahmet’s eyes soften and held both of my hand.
“Sorry about that, marami lang talaga delusional sa mundo.”
Hindi naman na ako nakapag react pa dahil dumating na ang pagkain at natakam kaagad ako. I tried to act normal but I an really starving, sinamahan na rin ako ni Ahmet sa pagkain dahil ayaw kong ako lang ang mag isa ang kumakain sa pagkakataong iyon.
When the bidding started I was still eating. Medyo hindi ko naman nagustuhan ang mga nauna dahil hindi naman talaga iyon magagamit. Ilang beses na akong pilitin ni Ahmet sa mga jewelry na nandoon ngunit hindi ko naman talaga gusto ang mga iyon hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko.
Necklace iyon na ribbon ang pendant. Pero nagulat ako dahil halos diamond pala ang nakapalibot sa pendant hindi kagaya noong nakita ko sa mall dati.
“Start the bidding at two thousand dollars,” ani ng babae sa harapan.
Linga linga ako at nalaglag ang balikat nang may nagtaas ng kamay.
“Five thousand,” ani ng lalaki.
Please, h’wag niyong bilhin. Babalikan ko yan kapag may pera na ako, h’wag please. Gusto ko ‘yan, ako ang bibili niyang kapag nakapag ipon ako.
“You want that?” tanong ni Ahmet sa akin.
Agad akong napatingin sa kanya at umaayos ang pagkakaupo dahil obvious na obvious pala na gusto ko ang necklace na ‘yon. Umiling ako bilang tugon sa kanya ngunit nawala rin ang aking atensyon dahil muling may nag bid.
“You like it, Georgina, admit it.” pilit niya pa.
“Oo, maganda. Mahilig ako sa design na ‘yan. H’wag sanang bilhin, bibilhin ko pa ‘yon kapag naka ipon ako.”
Nanlaki na lamang ang mata ko sa gulat nang biglang itaas ni Ahmet ang kanyang kamay.
“Twenty thousand dollars,” he said cooly.
“Hoy! Ano ka ba, ako ang bibili.” binaba ko pa ang kamay niya.
“I will help young children, Georgina. Kaya ang magbebenefit ng bibilhin ko.”
“Pero diba sabi ko, ako ang bibili… kapag may pera…” bigla akong nahiya.
Kahit siguro magkakuba kuba ako hindi ko mabibili iyon dahil wala naman akong malaking pera.
“Twenty five thousand,” a familiar voice said, it was Jenny.
Muling nagtaas ng kamay si Ahmet. “Fifty.”
Napapikit ako. Agad siyang sinuway dahil sobrang laki ng dagdag niya. Alam kong mahal ang necklace pero sobrang na ata siya.
“Fifty five,” it was Peter.
“Seventy,” Ahmet said once again.
Biglang nanahimik ang lahat. Malaki kasi ang pinapatong ni Ahmet, akala mo naman talaga maagawan siya. In the end siya ang nakakuha ng necklace, hindi ko alam parang nalungkot ako at nasiyahan na rin sa pagkakataong iyon dahil may natulungan nga siya pero sobra sobra naman.
Pero ayos lang siguro iyon ay kompanya namans siyang gustong kunin…
Bumuga ako ng hangin at hinintay ang lahat na matapos ang bidding. Habang naghihintay ramdam ko na ang pagtaas ng kamay niya sa aking hita.
“Ahmet,” I called his name.
“What?” he said with a teasing smile on his lips.
“Itigil mo ‘yan baka magtrending tayo, sabihin pa fini-fi-nger mo ako dito.” walang preno kong sambit.
Mas lalong lumaki ang kanyang ngiti. “You know that words now, huh?”
“Sino ba nagturo?” sabay pilya kong ngiti.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking pisngi bago ang aking labi. The whole bidding my mouth was dropped. Pataas nang pataas kasi iyon at hindi siya in peso, in dollars siya kay mas lalo akong nagugulat kapag milyon na. Iyong iba kasi worth the money din naman at ramdam ko collector ang iba ng mga vintage dito kaya grabe na lang kung maka bid.
Nakaramdam ako ng pagkaihi matapos ang lahat. Hinawakan ko ang kamay ni Ahmet at nagpaalam sa kanya.
“Samahan na kita kung gano’n,” aniya at akmang tatayo ngunit pinigilan ko.
“H’wag na hintayin mo na lang ako, kaya ko naman.” pigil ko sa kanya.
Tumayo pa rin talaga siya kahit na sinabi kong kaya ko naman. Nagsitayuan na rin naman kasi ang iba dahil mukhang tapos na rin talaga ang program, alangan dito pa rin siya? Tama naman kaso, baka pasukin pa ako sa cr…
“I’ll wait at the parking area then?”
Ngumiti ako at tumango tango, mas maayos iyon keysa naman samahan niya pa talaga ako. Pumasok ako sa loob ng cr habang siya naman ay naglakad na papuntang parking area. Pagkapasok na pagkapasok, bumungad sa akin si Jenny. Umuwang ang labi ko at parang nawalan ako ng hininga.
“Nandito pala ang bayaran? Are you trying to copy my style? Really? With Ahmet’s money? Ang landi landi mo naman!” bungad niya kaagad sa akin.
Ayaw kong makipag away ay ihing ihi na talaga ako kaya nilagpasan ko siya. Akmang papasok na ako sa isang cubicle nang tinapakan niya ang suot kong dress at kamuntikan na akong matumba.
“Ops, sorry.”
Winala ko iyon at pumasok sa isang cubicle, siniraso ko iyon at umihi. Habang nasa loob dinig kong may mga nalalaglag na gamit doon, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon. Nang matapos ay nagulat ako nang hindi na mabuksan ang cubicle.
“Jenny! Jenny! Jenny!” I shouted her name.
“What?” tumatawa niyang tanong.
Alam ko siya ang may dahilan kung bakit hindi nabubuksan ang pintuan ngayon.
“Buksan mo ‘to, Jenny! Please! Buksan mo please!” I beg.
Takot ako sa ganito. Takot ako sa maliliit na lugar. Takot ako ma lock dahil bumabalik ang trauma ko noong may kumuha sa akin.
“Jenny please!” naiiyak kong sambit.
Napahawak ako sa puso ko dahil sobrang bilis na no’n. Napapikit ako dahil bumabalik ang alaala sa isipan ko. I shouted at her again but then, no trace from Jenny this time. Mukhang iniwan na akong mag isa dito.
“Please… Tulungan niyo po ako… Please po!!” para akong bata, iyong dati akong na nagmamakawang pakawalan ng mga armadong lalaking kumuha sa akin.
Ramdam ko ang pagsakit ng puso ko. Umupo ako sa sahig at todo pa rin sa pagtulak sa puntuan ngunit hindi talag siya mabubuksan. Hindi ako kasya sa itaas at sa ilalaim dahil maliit lang din ang butas doon. Sinubukan ko ulit itulak ngunit ayaw talaga.
Ang takot ko sa maliit na space ay hindi ko na nakontrol pa. Isama pa ang mabilis na hininga ko at pag-iyak hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay sa lugar na ‘yon…