Kabanata 14

2772 Words
Kabanata 14 Nagising ako na masakit ang aking ulo. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa palagid. Isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa akin ngunit base sa mga gamit na nandito ay nasa isang silid ako sa hospiyal. Nanibago lang ako dahil malapad iyon at maganda, hindi kagaya noon sa probinsya namin. Sinubukan kong maupo sana sa kama ngunit napadaing lang ako nang makaramdam ng sakit sa aking ulo at likuran. Hindi ko alam kung bakit iyon masakit pero masakita talaga kaya hindi na nagawa ang plinano ko. “Mom, I told you, I am fine! Walang masakit sa akin at walang nanggayuma sa akin!” I heard a familiar voice from the comfort room, it was Ahmet. Nakabukas ang pintuan at medyo mataas ang boses niya kaya dinig na dinig ko ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig. “I’m not into anyone right now, hindi ka ba naniniwala sa akin? You know me since I was a kind, I won’t lie to you!” Napalunok ako sa sinabi niya. He paused for while. “I’m not serious with this woman, okay? May kailangan ako sa kanya kaya siya ang sinama ko sa auction. I didn’t know either that Jenny was invited to the auction. Please, Mom, don’t make this difficult for me. I’m doing my best to be his inheritor. I’m trying to put Peter down, just put your trust in me.” Napahawak ako sa kumot at napakagat ng labi. Ano ba ang mga sinasabi niya? Totoo ba ang lahat ng ito? I know that he is not serious about me, that he needs something from me, pero bakit ang sakit naman pakinggan iyon mula sa kanya? Alam kong masyadong mabilis ang pangyayari, masyadong mabilis ang oras, at masyadong mabilis ang nangyari sa amin pero bakit ganito ang nararamdaman ko? He was so nice and gentle to me. Mali ba ang pagkakaintindi ko sa lahat? I thought he had some feelings for me… Gaga ka talaga, Gigi. Sa ilang araw na magkasama kayo, mamahalin ka ng lalaking iyon? Sympre, napaka impossible. May posibilidad pa na iwan ka niya keysa mahalin ka niya! But then, about Peter. Tama ba ang narinig ko? Alam kong magkagalit silang dalawa basi sa nakita at narinig ko sa event na ‘yon. Are they really competing to be their dad’s inheritor? “Mom, hindi ko nga mahal ang babaeng kasama ko ngayon at ginagamit ko lang siya. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo ‘yan. If there is a person that I would marry that would be Jenny and not her. She’s a provincial girl, easy to get, and ready to be manipulated. I have a plan, okay? I am using her to bring down Peter and easily get our father’s faith. Alam ko ang ginagawa ko, Ma, hindi mo na kailangan sabihin sa akin ang dapat kong gawin.” Mas lalong dumiin ang aking ngipin sa aking labi sa sunod sunod na narinig. Napalunok ako at nangilid ang luha sa aking mga mata. Ang mga salitang ginamit niya ay parang kutsilyong tumusok sa puso ko. Hindi ko inakala na kayang kaya niyang sabihin iyon sa akin. She’s a provincial girl, easy to get, and ready to be manipulated. Tangina. Kung hindi lang talaga ako gipit, hindi ko papatulan ang proposal niya sa akin. Hindi ko papatulan ang gusto niyang magkaanak. Akala ko mabait siya… akala ko nitong mga nakaraang araw ay totoo siya… pero hindi pala. He is cruel and very cruel… and merciless. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa mga oras na iyon pero nakahiga pa rin ako at parang hindi na makagalaw sa mga narinig. Yes, he is just using me. Using me to be his father’s inheritor. After this, I am nothing. I already expected this coming, pero nawala iyon nitong mga nakaraang at ngayon… totoo pala talaga siya. “No, just stay there and be with Dad. Kaya ko na ‘to Mom, I can handle Peter… Yes, I will talk to Jenny after this plan and dump the girl, don’t worry.” Dinig ko ang pagpakawala niya ng malalim na hininga at pagtunog ng gripo doon. Nagmadali ako sa pagpunas ng aking mukha at sinigurado iyon na walang natirang luha. Muli kong pinikit ang aking mata ang nagkunwaring tulog. Dinig ko ang yapak niya papalapit sa akin at ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko. Iiwasan ko sana iyong ngunit naalala kung tulog pala ako. Ramdam ko ang malambing na paghaplos niya sa kamay ko bago ko naramdaman ang malamig na pagdampi ng towel doon. I tried my best to play sleeping but my heart was pounding so fast, I felt betrayed from what I heard earlier, parang hindi ko na kaya pang mahawakan niya. Muling tumunog ang kanyang cellphone habang pinupunasan ang aking magkabilaang braso. “I’ll wait for her to wake up before flying to Germany, Matteo. Can you move the flight? Tell the airport owner na ako ang nagsabi. I can’t force her right now, she looks tired…” His voice is like concern. Pagtapos niyang sabihin ang mga salita na iyon sa akin ay hinding hindi na ako madadala sa mga sinasabi niya. Sa lambing ng pagkakasabi no’n ay mahuhulog ka talaga. I will give him his child and after that I will be gone. “Yeah, I will call you later again. I’ll ask her kung kaya na niya. Yes, Matteo. Thanks, Man.” He ended the call. Muli ko siyang naramdamang humawak sa kamay ko at sa pagkakataong iyon ay nagkunwari na akong gising. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at napatingin sa paligid na para bang hinahanap ang sarili kung nasaan ako ngayon. Bakas sa mukha niya ang pag-alala ngunit alam kong hindi totoo iyon. “Hey, hey, you are at the hospital. Nawalan ka ng malay kahapon sa auction, are you okay? May masakit ba sa ‘yo? I will call—” “Hindi na, ayos lang ako.” I cut his words, hindi ko matago ang galit sa boses ko ngunit parang hindi naman niya napansin ‘yon. “What happened to you? Ang sabi mo mag-c-cr ka lang and then someone told me that you are inside a cubicle unconscious, did something happen?” he held my cheeks and fixed my hair. Hinayaan kong gawin niya iyon dahil baka mahahalata niya ang pag iwas ko sa kanya. Sa haplos niya ay parang aantukin ka talaga dahil sa lambing no’n, kung tanga lang ako baka bumigay na ulit ako. “Wala naman, may phobia lang ako sa maliliit na lugar. Sinumpong lang ako at hindi nakalabas kaagad, kaya gano’n… pasensya na… naabala pa kita.” Umiwas ako ng tingin dahil masyado akong nalunod sa abo niyang mata. Baka mabulag pa ako doon at muling bumigay sa kanya. I lied because I knew he wouldn’t scold Jenny about what she did. Magkakampi kaya sila dito kaya alam kong hindi niya rin naman ako maniniwalaan kapag sinabi ko ang totoo sa kanya na si Jenny ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. “Then, I should not let you be in small places? Bakit sa elevator dati, hindi ka naman nagkakagano’n.” Kasi alam kung bubukas iyon. Sigurado akong safe ako, dahil bubukas iyon. Doon ay sinirado ni Jenny, sinadya niya akong ikulong doon kaya parang naramdaman ko ulit ang nangyari sa akin noong kinukulong ako… “Hindi ko rin alam, sa palagay ko ay hindi lang talaga ko komportable sa event,” alibi ko na lang. Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo baka malaman niya ang kaninaan ko. Mas mabuti ng dumistansya ako sa kanya. Tumango naman siya at hindi na nagtanong pa tungkol doon, nakahinga naman ako ng maayos. “We are still going to Germany, Do you still want to go with me?” No. “Yes, nasa kasunduan ‘yon diba?” Nag iba ang kanyang mukha dahil sa sagot ko, gulat iyon at umuwang ang labi. “May nangyari ba na hindi ko alam, Georgina?” mariin niyang tanong. Binasa ko ang aking pang ibabang labi. “Wala naman, nasabi ko lang kung ano ang totoo, Sir.” “Okay then, we are just going to wait for the doctor’s order and live in Germany.” Tango ang tinugon ko doon. Ilang oras pa ay p’wede na kaming lumabas. Buong oras na iyon ay hindi ko pinapasin si Ahmet at maraming alibi ang lumalabas sa labi ko dahil ayaw ko talaga siyang makausap. I don’t want to be destructed. I want leave now… ibabalik ko na lang ang pera niya… Hawak niya ang beywang ko habang papalabas kami ng hospital. Mas minabuti kong maglakad na lang keysa sa wheelchair na gusto niya dahil kaya ko naman at maayos naman ang puting dress na suot ko. Pumasok kami sa isang mamahaling sasakyan at may driver na doon. Hawak hawak niya ako sa beywang at naglalambing pa buong byahe, hindi ko lang pinapansin hanggang sa nakarating kami sa airport. Isang pamilyar na eroplano ang sinakyan namin at pamilyar din ang piloto. We rest on the same bed again. Nagtulog tulugan ako buong byahe hanggang sa nakaramdam ng gutom. Naparami ang kain ko dahil halos masarap ang lahat ng iyon. “Pwedeng pahingi ulit ng Pizza?” tanong ko, naka apat na slice na ata ako. “Of course,” tinawag niya ang lalaking flight attendant at binigyan ng pizza at panibagong pagkain. “Please, slowly eating, Gigi. Alam kong gutom na gutom ka pero hinay hinay lang.” paalala pa niya sa akin. The food was delicious. May mga german foods din doon at steak na takam na takam talaga ako. Tinapos ko iyon sa ice cream, naka sandal sa inuupuan. May table kasi ang eroplano niya, parang personalize talaga iyon dahil kakaiba sa eroplanong nakikita ko sa pelikula. After a couple of hours, muli akong bumalik sa hinihigaan namin kanina habang siya naman ay pumunta sa pit kung saan naroroon ang pilito. Medyo matagal pa ang byahe namin kaya bumalik ako sa paghiga hanggang sa tuluyan ulit akong hinila ng antok. Nagising ako na may humahalik halik sa aking mukha, pagkadilat ay bumungad sa akin si Ahmet na nakangiti. Agad akong umiwas at nagkunwaring umupo sa hinihigaan. His hand wrapped around my waist and his chin on my shoulder. “Is there anything wrong, hmm, Georgina?” he asked which made me look at him. Nahahalata niya ba ang galaw ko? Masyado ba akong halata? Napalunok ako at umiling. “Wala naman, bakit?” He glances at me softly. Para akong matutunaw sa kamay niya dahil sa kanyang mga mata. I really like his eyes, it was grey with a black ring outside. Parang nakakalunod ang kulay ng mata niya kapag tinitigan. “I can sense something that I don’t really like. What happened to you inside the comfort room huh?” “Diba sabi ko sa ‘yo, matatakutin ako sa maliliit na lugar? Hindi pa ba ayos sa ‘yo ang paliwanag ko? Ano pa ba ang gusto mong marinig sa akin?” Umiling din siya kinalaunan at hiniga niya ako sa kanyang bising. This time hinayaan ko na lang dahil marami na talaga siyang tanong at baka masabi ko na ang dahilan ko. It took more hours when we finally landed in Germany. Pagkalabas ng airport ay hindi ko insahan ang lamig, gabi na kasi ngayon dito. Pumasok kami sa panibagong sasakyan at kaagad din namang humarurot hanggang sa binaba kami sa isang panibagong hotel. Nakasunod lang ako kay Ahmet at nang makapasok sa loob ng suite ay hinubad niya ang kanyang damit bago ako nilapitan. Hinalik halikan niya ang pisngi ko hanggang sa aking leeg. “Pwede bang magpahinga muna ako? Gusto ko pa sanang matulog…” sabay iwas ko ng aking mukha sa kanya. We just sleep the whole airplane ride. Ni hindi nga ako napagod dahil nakahiga kami buong byahe. Alibi ko lang iyon dahil ayaw ko na talaga sa kanya. “Okay, I’ll wash.” Pagpasok niya sa CR ay humiga na ako at nagkunwaring tulog. It took him almost an hour before he finished. Tamang tama na pagkalabas niya ay tumunog ang kanyang cellphone. “Mom,” mahina at parang bulong niyang ani ngunit dinig na dinig ko iyon. “I’m in Germany, I’m with her… Hindi ko siya p’wedeng iwan sa pilipinas, Mommy. I need something from her, kapag tapos na ibabalik ko na lang siya sa pilipinas. Pupunta ako d’yan mamaya, tell dad.” Kagad ang labi ko. Why is he like that? Acting like a caring man in front of me and a cruel man behind my back. I should left, hindi na lang sana ako pumunta rito… Hindi ako gumalaw sa mga oras na ‘yon hanggang sa naramdaman ko ang halik niya sa labi ko bago ko narinig ang pagbukas at sira ng pintuan. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at hinanap siya sa buong silid ngunit wala na siya roon. Pumunta ako sa mga damitan namin at kinuha ang cellphone ko doon… I tried to call Dane but it was unavailable since nasa ibang bansa ako. Agad na nahagip ng mata ko ang plastic folder na may lamang limang milyon. Nilabas ko iyon at nilapag sa kama. Naghintay ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas sa silid. Bumaba ako gamit ang elevator, habang nasa loob ay aligaga ako at baka hindi mabuksan. Nang tuluyan nabuksan iyon ay lumabas ako ng hotel. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko talagang makaalis doon. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang pamilyar na mukha, agad na nanliit ang kanyang mata nang makita ako. I was wearing a mask that time though, I think, he can remember me. “Why are you here? Are you with him?” Peter asks. He is wearing a button-down white shirt and denim pants. Mukhang papasok din siya ng hotel. Hindi ko siya sinagot at nilagpasan siya ngunit hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. “That street is pretty dangerous, baka hindi ka na makauwi ng pilipinas sa ginawa mo. Why are you here outside? Where is your fvcking gentleman?” sabay ikot ng kanyang mga mata. Tumaas ang kilay ko at pinagkrus ang aking kamay sa aking dibdib. “Bakit ba andami mong tanong? Pumasok ka na sa loob kung gusto mo!” kukunin ko na sana ang aking braso ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. Ngumisi siya. “Kaya pala…” he said meaningfully. “Where are you going then? Alam mo ba ang pasikot sikot dito sa Germany?” Matapang ako kanina ngunit kahit anong gawin kong pagmatapang sa kanya ay wala din naman akong mapapala dahil hindi ko nga alam ang lugar at hindi ko alam kung paano makakauwi sa pilipinas. “Ano ba ang kailangan mo sa akin ha? Bakit ayaw mo akong paalisin?” His hand is pretty strong holding mine, parang walang balak akong pakawalan. “Bakit may mapapala ba ako sa ‘yo? Mukhang wala naman–” “Gago!” Tumawa lang siya sa mura ko at hinila ako papalayo sa hotel at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngunit nakahinga naman ako ng maluwag dahil dinala niya ako sa parang convenient store pinaupo niya ako doon at sa harap ko siya umupo. “I might take down all the CCTVs here. Now, why are you running away from the hotel? Are you with Ahmet?” Ayaw kong sagutin ang kanyang tanong. “May private plane ka ba?” He looks at me suspiciously. Muli kong inulit ang aking tanong na naiinis na ngayon. “Bakit mo kailangan ng eroplano?” “Kung kaya kong lumipad baka nilipad ko na pabalik ng pilipinas. Matutulungan mo ba ako o hindi?” umikot ang mata ko dahil sa inis. “Kapag tumulong ako may kapalit iyon, hindi ako basta basta tumutulong ng wala.” “Eh ano?” agaran kong tanong, di man lang inabala magtanong kung s*x-ual needs ba iyon o hindi. He smiles like he likes the game between us. Wala akong tiwala sa lalaking nasa harapan ko ngayon ngunit mas wala akong tinawa sa lalaking makakasama ko mamaya sa silid na ‘yon. “Layuan mo si Ahmet, I might even pay you if you want.” I don’t need the p*****t just bring me back to the Philippines. “‘Yan nga ang gagawin ko ngayon, iuwi mo ako gagawin ko ang gusto mo.” despirada kong sambit at sumama kay Peter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD