Kabanata 15
Nakabalik ako sa pilipinas sa tulong ni Peter. Medyo nakakailang lamang siya habang nasa loob kami ng eroplano dahil sa kanyang pagtiningin sa akin. Hindi ko inasahan na tahimik kaming dalawa roon, ang inakala ko kasi ay magsisigawan kamo o 'di kaya ay mag aaway dahil sa away nila ni Ahmet, ngunit hindi. Parang ibang tao siya sa harapan ko ngayon, ibang iba sa huli naming pagkikita.
Nang makalapag kami ay agad kong tinawagan si Dane ngunit hindi sumasagot dahil siguro ay ma trabaho pa siya. Dumeritso kaagad kami ng mga araw na ‘yon sa hospital. Hindi talaga ako tinantanan ni Peter hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya kung bakit kami dumiretso sa hospital. Ayaw niyang mag pa iwat at mag pa iwan kaya dahilan kung bakit niya nalaman ang tungkol kay Gianet. Hindi naman siya nagsalita pa dahil alam niya na naman siguro na mabigat ang pakiramdam ko dahil may sakit sa puso ang kapatid ko.
I was scared for a moment because an hour ago, tumawag sa akin si Gino ngunit hindi ko nasagot dahil patay ang cellphone ko at nasa himpapawid kami.
Mabilis ang galaw ko ng mga araw na ‘yon at naabutan silang nasa labas ng operating room. Gino and Tita were crying and silently praying. Takot na takot ako hindi ko alam kung ano ang maabutan ko, paglakalapit ko ay kaagad akong niyakap ni Gino.
“Ate…” umiiyak na aniya. “May foundation g-group na kumuha sa case ni Gianet kaya agad siyang inuperahan. Kanina pa kita tinatawag Ate para sabihin sa ‘yo ang magandang balita,” aniya yakap yakap ako.
Napahinto ako ng mga oras na ‘yon. Foundation group? Ito ba ang foundation group na sinasabi ni Ahmet? O iba ito? Mas lalo akong natakot at napatingin kay Peter. Kita ko ang gulat sa mukha niya ng mga araw na ‘yon at parang hindi pa makapaniwala sa lahat. I bet he heard what my brother said.
“A-Anong foundation g-group daw?” usisa ko.
“Hindi ko alam, si Tita ang tinawagan at nag process.”
Matapos kong makausap si Gino ay sinunod ko si Tita. Nakahinga naman ako ng maluwag na hindi iyon sa auction na inattendan namin at private business man daw ang nagdodonote at sa labas din daw iyon ng bansa kaya nakakasigurado akong hindi iyon.
Halos buong oras ng operasyon ay hindi umalis si Peter. Ilang beses ko na siyang sinabihan na p’wede na siyang umuwi ngunit ayaw talaga niya. Nang matapos ang operasyon ni Gigi ay maayos daw nilang na operahan si Gigi ngunit kailangan pa ring maging maingat dahil mahina pa rin ang kanyang puso.
Halos hindi ko kinaya ang mga sumunod na buwan dahil pinasabay ko ang pagtatrabaho at pag aalalaga kay Gianet. Sa escambor lang din naman ako nagtrabaho para hindi na rin ako matuntun pa ni Ahmet dahil ayon kay Peter ay pinaghahanap daw ako sa buong syudad ng Agua Viste. Niligaw niya rin daw si Ahmet dahil kami daw ang huling magkasama bago ako nawala sa Germany. Maliit lang ang brgy namin at nasa pinakadulo kaya nakakaasa ako na hindi kami mahahanap dito.
Kayod karabao ako ng mga sumunod na buwan kahit na may pinansyal na tulong kay Tita dahil nagtatrabaho siya at may pera talaga siya dahil sa kanyang mga negosyo. Maging si Peter ay tinutulungan din ako sa maintenance ni Gianet kahit na hindi ako humihingi sa kanya. Ngunit kinalaunan ay hindi ko na rin tinatanggap pa dahil para sa akin ay masyado ng malaki ang kanyang tulong sa akin. Hindi naman kami ganoon ka magkakilala pa at hiyang hiya na ako sa kanya.
After 4 months leaving Germany and Gianet’s operation I found out that I was pregnant…
Oo tama, buntis na pala ako noong sa Germany pa lang kaya pala grabe ang mood swing nanararamdaman ko. Medyo late ko na rin nalaman dahil wala talaga akong early signs of symptoms except sa ilang buwang hindi akon dinatnan na winala ko lang din sa hindi ko malamang dahilan. Kung hindi pa ako nawalan ng malay habang sa trabaho ay hindi ko malalaman na buntis talaga ako.
I was fre*king four months pregnant without even knowing. Una kong sinabi iyon kay Dane na kakauwi lang galing Agua Viste. Gulat na gulat siya at mas lalo siyang nagulat nang marinig kung sino ang ama.
Kuwento pa sa akin ni Dane na pagkabalik daw ni Ahmet sa trabaho ay parang nag iba ang ihip ng hangin at masyado raw mainitin ang ulo niya. May mga araw din daw na pinapagalitan niya ang cleaner sa maliit na bagay. Palagi rin daw sa bar at doon umiinom kasama ang mga kaibigan at may kasamang babae na sa palagay ko si Jenny. And worst, hinanap daw ako ni Ahmet sa kanya. Good thing hindi sinabi ni Dane dahil binalaan ko na siya una pa lang na h’wag niyang sabihin.
Ayon kay Dane, may usap usapan din daw na magpapakasal na si Ahmet kaya mas lalong nagalit ang kaibigan ko sa boss niya.
Nanibago raw si Dane sa kinikilos ni Ahmet dahilan para umalis na lang ito sa trabaho at bumalik sa Escambor. Takot ako dahil baka pinapasundan siya, pero mabuti naman at nandiyan si Peter para bigyan kami ng proteksyon.
Nang sinabi ko rin kay Tita ay gulat siya, hindi siya nagsalita ngunit bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Akala ko ay sisigawan niya ako ng mga araw na ‘yon dahil masyado pang maaga para magbuntis at may dalawa pa akong kapatid na aalagaan ngunit halos malaglag ang puso ko ng bigla niya akong niyakap.
For that moment, I felt like my mother was hugging me. Parang may nanay ako ng mga oras na iyon dahil sa pagyakap niya.
“Nandito lang, nandito lang ako kasama ng mga kapatid mo para tulungan ka.” that was the exact term she whispered in my ears.
After that day, my breaths became easy dahil wala na akong tinatago pa sa pamilya ko. Huli kong sinabi kay Peter. I don’t want to lie about it because for that months, he never failed to help me.
Matapos kong sabihin sa kanya iyon ay nagtungo siya sa Escambor at madami ang dalang grocery at kung ano anong gamit para sa bata. Gusto ko siyang suntukin ng mga araw na ‘yon dahil baka may assume ang mga kapit bahay na siya ang ama ng dinadala ko.
Alam nila Tita, Dane, at ng mga kapatid ko ang tunay na ama dahil si Dane mismo ang nagpakita ng istura kaya nang makita ni Tita si Peter ay umangat kaagad ang kilay niya at kinuwestyon ang lalaki. Hindi naman gano’n ka maldita si Tita at hinayaan din naman ang lalaki na pumunta sa bahay.
“Hindi ka ba talaga nag iisip?” tanong ko sa kanya ngayon, bumalik na naman siya, maglilimang buwan na ang tyan ko.
Natawa lamang siya at nilapag ang mga pinamili sa kahoy na sofa namin.
“Bakit pangit bang bisitahin ko ang pamangkin ko? Isa pa maglilimang buwan na ang dinadala mo, masyado namang mabilis ang panahon baka maiyak na lang si Ahmet kapag nalaman niya ‘to!” natatawang aniya.
“Huwag na huwag mong sasabihin sa kanya!” babala ko.
Ako na ang bahala. Ako ang gagawa ng paraan, isa pa hindi ko tinggap ang pera niya kaya hindi ko ibibigay sa kanya ang anak ko kapag nagkataon man. I can afford, I have jobs now, multiple jobs to be exact. Hindi naman ako binibigyan ng pera ni Peter dahil kaya ko naman, all he did was giving us groceries. Ang maintenance ay kaya na namin ni Tita.
“Kuya Peter!” si Gianet, lumapit siya sa amin at niyakap si Peter.
Medyo close na rin ang pamilya ko kay Peter dahil sa palagi niyang pagbisita at minsan ay dito na rin natutulog sa bahay. They really like Peter for me but I can tell that Peter was in love with another woman, and I am not in him too. It’s more like friends.
“Ang sigla naman, uminom ka na ba ng gamot mo, Gia?” tanong niya sa kapatid ko.
Humiwalay sila ng pagkakayakap.
Ngumiti ng sobrang lapad ang kapatid ko. “Opo, Kuya baka magalit na naman po si Ate kapag nakakalimutan ko.”
Ginulo ni Peter ang buhok niya at pinisil pa ang pisngi. “Good, don’t stress your sister, okay? She is very pregnant.” sabay turo pa niya sa tyan ko.
Magsasalita na sana ako ngunit may kung sinong maligayang pumasok sa bahay ngunit kaagad ding nawala ang ngiti sa labi nang makita ang lalaking kasama namin. Agad na umikot ang mata ni Dane pero pumasok pa rin sa loob.
“‘Di niyo naman sinabi na may bwisita pala kayo,” aniya at lumapit sa amin.
“Ate Dane naman h’wag kang magbiro ng ganyan?” malumanay na ani ng kapatid.
“Mukha ba akong nagbibiro, baby girl?” sabay turo pa nito sa mukha niya bago tumawa na parang baliw. “Charot charot lang, sige na manood ka na doon may pag-uusapan lang kami.”
Sinunod naman siya ng kapatid ko at naiwan kaming tatlo. Tinalikuran niya ang lalaki at hinarap ako. Medyo may nahahalata akong kakaiba dahil ang mga mata ni Peter ay nasa likuran ng kaibigan ko.
Kahit kailan ay hindi talaga sila bati. Parang magkakilala na rin sila noong nagkita sila rito sa bahay dahil sa pag iwas ni Dane sa kanya. Habang si Peter naman ay gustong gusto siyang kausapin.
“Kailan na nating umalis dito, mukhang alam na ni Ahmet ang lugar natin. P’wede tayong bumaba at sumama kay Tita mo malapit sa Pilar.” umiba ang boses niya at napuno ng pangangamba.
“How can you say that? Hindi na niya pinapahanap si Gigi simula dahil binalaan na siya ng ina niya. He already gave up, Dane.” the man behind her speak.
Kita ko ang pag ikot ng mata ni Dane. “Paano mo nasasabi iyan? Ikaw ba ang nakarinig? Ikaw ba ang sinabihan?”
Nanlaki ang mata ko. Galing Agua Viste si Dane, may pinuntahan daw siyang kaibigan para sa panibagong trabaho doon.
“Anong nangyari, Dane?” tanong ko.
“Bumalik ako sa dati nating tinatrabahuhan. Nakita niya ako at sabihin ko raw sayong pinapahanap ka niya. At kapag nahanap ka raw niya babayaran mo lahat ng kasalanan mo.” diretsahan niyang ani.
After that talk, I decided to move with Tita. Kasama ang dalawa kong kapatid at si Dane ay doon kami namalagi. Kahit si Dane ay sumama dahil sa banta ni Ahmet sa kanya. Hindi ka rin bumalik pa si Peter sa Pilar dahil mas lalong gumulo ang nasa pagitan nilang dalawa ni Ahmet.
Ayaw kong magpakastress dahil buntis ako kaya hindi ko na inalam kung ano ang namamagitan sa kanila. Kahit buntis ay nagtrabaho pa rin ako sa isang convenience store. Pilar is one of the fastes growing city because of its tourist destination. Maraming bumibili sa amin at pasikot sikot ako sa buong conveniece store hanggang sa may naramdaman akong sakit sa aking tiyan.
Napasigaw ako ng tulong at mabuti na lang ay tinulungan ako ng mga kasamahan ko. Noong una ay nakakaya pa ng paghinga ang sakit ngunit kinalaunan ay hindi ko na kinaya at napaiyak na ako sa sakit. Dali dali nila akong dinala sa malapit na hospital. Pagkadating ay mas lalo talagang sumakit ang tyan ko at napapasigaw na ako.
“D-Doc… masakit… Hindi pa dapat ako mangangak… doc!” I shouted out loud because of the pain.
At that moment my lids became heavy. My breathing is not normal. My heart beat was fast. Nawalan ako ng malay at hindi na talaga kinaya ang sakit.
Nagising ako sa isang silid. Agad kong kinaapa ang tyan ko at nanibagong hindi iyon kasing laki ng nakasanayan ko. Nahagip ng mata ko si Dane na nakaupo sa sofa, nang makita niyang gising ako ay kaagad niya akong nilapitan.
“N-Nasaan ang a-anak ko, Dane?! Nasaan ang anak ko!” umiiyak na sigaw ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinatahan bago nagsalita.
“H-Huwag mong sabihin na w-wala na ang a-anak ko, Dane. H-Huwag mong sabihin!”
Hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak ko. Nataranta ang mata ni Dane at hindi na alam kung ano ang gagawin niya sa akin at kung ano ang sasabihin niya.
“P-Premature ang mga anak mo, G-Gigi.” panimula niya, ngunit parang mali ang narinig ko.
“M-Mga?”
Hindi ako nakabisita sa kahit anong doctor. Nagpaserum test lang ako para makomperma na buntis ako. Seven months ko na sanang ipapa ultrasound dahil wala talaga akong panahon ngayon at balak ko rin sana sa bahay na lang mag anak para walang record kahit saan at baka matunton pa ako ni Ahmet.
“T-Tatlo sila, G-Gigi. Tatlong m-maliliit na bata, a-almost six m-months lang sila… M-Muntik…” napapikit si Dane at tumulo ang luha niya. “Muntik m-mawala ng isa… dahil s-sobrang… hina niya. Mabuti na lang at n-naagapan ng d-doctor. N-Nasa NICU sila n-ngayon… sobrang hina…at maliliit… Sabi ng doctor… maliit lang ang c-chance na m-mabubuhay… sila…”
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa narinig. Mas grabe ang naging iyak ko. Iyon lamang ang nagpapaingay ng buong silid, habang si Dane ay yakap yakap ako at dinig ko ang maliliit niyang hibi.
Sinubukan kong tumayo para sana mapuntahan ang mga anak ko ngunit hindi ko rin naman iyon magawa dahil hindi ko naramdaman ang aking paa, ang aking hita, hindi ko iyon maigalaw.
Napansin iyon ni Dane. Hinawakan niya ang paa ko ngunit hindi ko naramdaman iyon. “Nagkaroon ng e-emergency ceasarean na n-nangyari, Gigi. Nagkaroon ka raw ng internal bleeding kaya i-iyon ang naging desisyon nila…”
Hindi ko alam kung paano nakayanan iyong ng katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakarecover dahil sa mga nangyari sa akin. If one of them die, I cannot forgive myself. I was told not to do anything because I was pregnant pero naging matigas ang ulo ko…
Kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa mga anak ko… kasalanan ko lahat…
The scar that is imprinted on my skin will always be there to remind me how bad a mother I am…
A slap for me that I don’t deserve to be forgiven. That they don’t deserve a mother like me…