“Iyon lang ba ang mga nalaman mo tungkol kay Ahmet?” kuryoso kong tanong kay Dane habang nag aayos kami para sa panibagong raket.
Babalik kasi ulit kami sa building na nilisan namin kahapon, na kinalaunan nalaman kong kay Ahmet pala ang buong building. Gusto kong malaman kung anong uri siyang tao at kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin para alam ko kung ano ang iaasta ko sa tuwing magkikita kami.
The hurtful words that came from his mouth was darted in my heart, masakit iyon lalo na’t alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa kanya. Pwede naman akong umiwas, kaya ko iyon pero gusto ko talagang malaman kung ano pa ang mga nalalaman ni Dane tungkol sa lalaking iyon.
“Akala ko ba tapos na nating pagusapan iyan kagabi? Buong gabi iyon ang pinagtsitsismisan natin, Gigi. Tumigil ka na nga baka isipin kong type mo ang lalaking ‘yon,” aniya sa akin na may halong biro at inis.
Umirap ako, wala na akong magagawa pa dahil sinasabihan na niya akong gusto ko ang taong ‘yon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo dahil baka hindi naman palang totoo ang mga nasa isip ko… pakiramdam ko lang na hindi niya ako gusto dahil sa pananalita niya… mukhang ayaw niya talaga sa akin eh!
Tama na Gigi, bahala na mamaya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at kinuha ang bag, sumunod kay Dane papalabas ng inuupuan naming silid.
“Kung gusto mong malaman talaga kung ano ang pagkatao niya, pwede kang magsearch sa internet! Malamang sa malamang marami pang impormasyon doon keysa sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya,” suhesyon pa niya habang naghihintay kami ng jeep.
“Paano ko magagawa iyon, wala nga akong cellphone na gano’n.”
Kita ko kung paano umikot ang mata niya. “Sabi ko sa ‘yo eh, dapat binili mo na iyong cellphone dati. E ‘di sana hindi ka nagtatyaga d’yan sa oldie mo na phone! Kapag nakaluwag luwag ka, bumili ka naman ng bago please, lahat na lang sa kapatid mo na pupunta. Mag-iwan ka naman sa sarili mo.”
Mukhang hindi ko kaya iyon. Kaya nga ako lumuwas dito sa syudad para sa kanila. Mas kailangan nila ang pera ngayon lalo na’t nag aaral sila. Kaya ko naman tustusan ang lahat kung ganito palagi na sunod sunod ang trabaho ko. Isa pa hindi ko naman kailangan ng gano’ng cellphone dahil maayos pa naman ang cellphone ko.
Sumakay kaming dalawa ni Dane sa jeep. Medyo punuan at siksikan pero maayos naman kaming nakaupo. Halos kalahating oras ang byahe namin dahil sa traffic, naririnig ko pa ang mahihinang mura ni Dane pagkababa namin.
“Tangina talaga, sa susunod agahan natin. Ganitong oras, napaka-traffic baka pagalitan tayo ni Madam!” sabi pa niya.
Pumasok kami sa loob ng building ngunit sa gilid na pintuan iyon dahil bawal kami sa main door. Mabilis ang galaw namin ni Dane dahil takot na mahuli kaming dalawa. Nang nakarating ay nag-aayos na ang lahat at mukhang may floor ng nakatuka para sa kanila.
“Naku, Madam pasensya na po! Nahuli kami ng kasama ko, traffic po kasi. Sa susunod aagahan po namin, Madam!” nabulabog ang lahat sa boses ng aking kaibigan, napatingin ang lahat sa kanya.
“Ayos lang, gan’yan talaga kapag baguhan at isa pa kaninang madaling araw lamang kayong kinontak ng building. Baka mamaya pwede kayong magpaiwan ng kasama mo, magpipirma lamang ng kontrata dahil kailangan talaga ng building ng taga linis araw araw.”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dane sa sinabi ng Madam niya. Todo naman pasalamat si Dane at kinamayan pa talaga ang matanda na sobrang taas ng kilay, kasing taas ng building na ‘to.
Nagpalinit na kami ni Dane ng damit. Kahapon kasi hindi na nagawa namin iyon dahil biglaan ngayon ay parang para sa amin talaga iyon. Maintenance kaming dalawa pero napakaganda ng uniporme nila rito. May malaking logo na parang fork ni poseidon sa bandang dibdib at sa kabila naman ay maliit na bulsa.
Kulay abo iyon, blouse at skirt type pa siya! May roon ding parang apron na pwede naming lagyan ng mga gagamitin naming panglinis sa mga unit na lilinisan namin. Maganda iyon at pormal talaga.
Tinali ko ang buhok ko at nilagay kulay abong tela na para sa buhok namin. Tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko bago tuluyang bumaba. Sinalubong ako ni Madam at nilahad sa akin ang isang papel.
“Iyan ang floor mo, nauna na si Dane,” munting wika niya.
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya bago kunin iyon sa kanyang kamay. Kinuha ko ang cart na para sa akin. Habang naghihintay para sa elevator ay binuksan ko ang papel.
“s**t, patay,” iyon na lang ang lumabas sa labi ko nang makita ang room floors na naroroon.
May dalawa sa 27th floor. Dalawa sa 28th floor. Pang huli, isa sa 30th floor.
Iyon ata ang pinakamataas, ang 30th floor! Nakakalula naman habang iniisip ko pa lamang ang bagay na iyon.
Sumakaya ko sa loob ng elevator. Masaya ako dahil wala akong kasabay hanggang sa nakatungtonga ko ng 27th floor. Hinanap ko ang agad ang condo unit, sunod ay kumatok ako. Unang araw ko rito ay kapag kumatok daw ako at walang tao p’wede kong gamitin ang card na dala namin, kaya iyon na lamang ang ginawa ko.
Ginugol ko ang oras sa paglilinis. May mga instruction din sa papel na binigay ni Madam kung saan ako mismo maglilinis. Pagkatapos ay sumunod ako sa isa pang unit, doon ay may tao na sumalubong sa akin ngunit mukhang nagmamadali ring umalis.
“Gosh, good thing you’re already here. Pakilinis ng unit please, especially my room. Don’t touch anything that is my personal things, okay?” bilin pa ng babaeng mukhang pamilyar sa akin.
Huli ko na siyang nakilala nang umalis na. Isang sikat iyon na artista! Hindi ko alam na rito din pala ang unit niya. Ginawa ko nga ang utos niya sa akin. Malikabok at mukhang matagal bago natauhan ang unit kaya medyo marami akong ginawa.
Natapos ko na roon at sumunod sa next floor. Sa 28th floor, halos kitchen lang iyon at mga silid rin kaya mabilis lamang para sa akin. Matapos ko ang dalawang unit sa 28th floor ay nakaramdam ako ng gutom.
Hindi kami nakapag-umagahan ni Dane dahil sa pagmamadali namin kanina. Late na rin kami nagising dahil sa paggabihang raket naming dalawa.
Humihilab ang sikmura ko habang hinahanap ang unit na ‘yon. Medyo kakaiba ang aura sa last floor dahil pagtapos nito ay iyong parang sa helecopter na. Malaki rin ang hallway kumpara sa ibang floors.
Nang tuluyang mahanap ang unit ay kumatok ako. Nakatatlong katok ako dahil iyon ang limang katok at bell ako dahil iyon ang protocol para masabing p’wede nang pumasok. Nang wala pa ring sumagot ay ginamit ko na ang card at tinapat sa sensor.
Bumukas ang ulit at dahan dahan kung pinasok ang cart na dala bago ako tuluyang pumasok. Sinirado ko ang pintuan at napatingin sa buong unit. Kakaiba iyon, dahil may second floor, mukhang ito rin ang pinakamalaki sa lahat ng floor.
Magkano kaya rito?
Gusto ko rin ng ganito kapag marami na ang pera ko!
Makalat lamang dahil mukhang binagyo ang unang palapag. Pumunta pa ako sa ikalawang palapag para malaman kung ano pa ang kailangan kong linisin. It has three doors for rooms…siguro.
Binuksan ko ang una at mukhang opisina iyon, malinis naman siya at mukhang ang mga binatana na gawa sa crystal lang ang aalahanin ko. Sumunod ang isa, silid lamang iyon at walang tao. At huli, silid din, wala ring tao.
Muli akong bumalik sa unang palabag. Kinuha ang mga panglinis ko at dinala sa second floor. Doon muna ang pag-uumpisa para pababa na lamang ako. Inuna ko ang pinadulo na silid. Binuksan ko iyon at lumapit sa kama halos nalaglag ang mga dala kong gamit dahil sa nakita.
Impit pa akong napasigaw dahil bigla akong hinigit ni Ahmet hanggang sa bumagsak ako sa kanyang kama. Amoy na amoy ko pa ang alak na mukhang kagabi pa iyon.
“Ahmet!” mariin kong sambit sabay tulak sa kanya.
Mabigat siya at amoy alak! Wala na siyang damit pero nanunuot pa rin sa katawan niya. Parang lasing na lasing talaga kagabi at natulog na lang!
Nakawala naman ako sa kanya ngunit laking gulat ko nang may babaeng lumabas mula sa isang pintuan na parang galing sa cr. Gulat na gulat ako at napayuko.
“P-Pasensya na p-po, maiwan ko m-muna kayo,” utal utal kong ani dahil sa takot at inis sa ginawa ko.
Napakagat ako ng labi at tuluyang kinuha ang lahat ng gamit bago bumaba sa unang palapag. Napahawak ako sa aking puso. Gulat na gulat ako at takot na takot baka mapaalis pa ako dahil sa ginawa ko ngayon.
Shit talaga, isa na ang napatunayan ko. Babaero talaga si Ahmet.
“Anong ginagawa mo rito, Lora?! Bakit ka nandito?” dinig ko pang sigaw ni Ahmet.
Lalabas pa ba ako? Naririnig ko pa kasi sila…
“Gago ka!” sigaw ng babae sa kanya.
Kita ko silang dumababa na ngayon. May suot na rin si Ahmet at mukhang buhay na buhay na sa kanyang umaga.
“Gago ka talaga, Ahmet! I saved your as-s last night, pagkatapos mo akong traidorin!” muli nitong sigaw.
Napapikit na lamang ako at unti unti ang galaw papunta sana sa pintuan ngunit napatingin sa akin ang babae gamit ang matalim niyang mata dahilan para hindi ako makagalaw.
“H’wag kang lumabas,” aniya pa sa akin.
Napahawak na lamang ako sa cart na dala ko. Should I cover my ears?
Ayaw kong marinig ang away nilang dalawa. Mag-asawa ba sila? Magkasintahan? Ayaw kong marinig, pribado dapat iyon.
“I made that decision to save your as-s too, Lora.”
“I didn’t ask you!”
“Gagawin ko ulit iyon, Lora kaya h’wag kang mangarap na tatantanan ko ang mga desisyon mo sa buhay.”
Parang nanonood ako ng telebisyon dahil sigawan nilang dalawa. Gusto ko na talagang umalis, baka marinig ko pa silang mag-i-love-you-han sa harapan ko.
“Pakialamero ka talaga, sana hindi na lang talaga kita naging pinsan!” sigaw no’ng Lora dahilan para umangat ulit ang tingin ko.
Ay magpinsan?
Nag iba ang pinta ng mukha ko, kahit papaano ay hindi nakakahiya na narito ako dahil hindi naman pala sila. Mas nakakahiya kasi kapag gano’n at baka kung ano ang isipin ng babae.
Akala ko pa naman magkasintahan o mag-asawa na sila dahil sa away nilang dalawa.
“Wala na ka na magagawa doon, Lora.” kita ko ang pag-angat ng labi ni Ahmet na para bang iniinis pa lalo ang pinsan niya.
“Alam mo ba ginawa mo kagabi ha? Naglasing ka! At kailangan ka pa naglasing na hindi kasama mga kaibigan mo? Talagang ikaw lang mag isa roon at tinawagan ako ng manager dahil magsisira na sila, tapos gago ka sumuka ka pa talaaga at ginulo ang buong condo unit mo. Kaya nagpatawag ako ng clearner para sa buong unit mo!”
Dahil doon ay nagtama ang paningin naming dalawa ni Ahmet. Agad naman akong umiwas.
“Okay, umalis ka na kung gano’n, babayaran kita.” sabi niya sa babae.
“Malamang, isang million lahat,” she named her price.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya na kaagad ko ring binawi dahil sa pagtingin ng babaeng nagngangalan Lora sa akin. Nalaglag pa ang cleaning soap na hawak ko na kaagad kong pinulat at nataranta pa talaga ako!
Sa sobrang laki kasi no’n parang kahit anong gawin ko sa buhay na pagtatrabaho ay hindi ko iyon makukuha sa isang araw lamang tapos siya parang nag request lang sa Genie in the battle!
“Okay, labas na.” simpling sagot ni Ahmet, kita ko pa ang pagtulak sa kaniya ni Ahmet papalabas ng unit.
Nang tuluyang nakalabas ay parang umiba ang hangin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko. Nakatingin lamang ako sa lalaki nang bigla siyang nagsalita…
“Ano, titingin ka lang? Hindi ka maglilinis?” mariin niyang sinabi dahilan para magulat ako.
Agad akong naalerto sa sinabi niya. Dala dala ang mga panglinis ay inuna ko na lamang ang nasa unang palapag habang siya naman ay pumunta pabalik sa second floor. Binilisan ko ang aking galaw ngunit nilisan ko talaga para wala na siyang masabi pa sa akin.
Tamang tama naman na pagkababa niya ay maayos ang sa unang palapag. Ngayon ay bagong ligo na siya, naka suot ng sweat pants na kulay grey at isang itim t-shirt na nakadikit talaga sa kanyang maskuladong katawan.
Agad akong umiwas ng tingin dahil sa pagtaas ng kanyang kilay sa akin.
“Tapos ko na p-po ang unang palapag, kailangan k-ko pa bang l-linisan ang nasa itaas?” halos kumawala ang kaluluwa ko dahil sa takot sa kanya, nakayuko rin ako ngayon.
“Did I tell you to let your hair down?”
Umangat ang tingin ko sa kanyang tanong, napahawak pa ako sa aking ulo.
“K-Kailangan daw po na i-itali ang buhok para m-malinis tignan…”
“You look clean even when you let your hair down.” Komento niya bago lumapit sa akin.
Ramdam ko ang titig niya sa akin batok bago ko narinig ang kanyang sinabi.
“Let it down or I will fire you?” banta pa niya.
Agad kong kinuha ang tela sa aking ulo at kasunod kong kinuha ang pagkakatali. Ramdam ko ang butil sa aking noo dahil sa takot sa banta niya. Malaki ang sahod dito at hindi naman gano’n karami ang gawain, gusto ko rin dito dahil mukhang makakaipon ako ng mabilis dahil sa trabahong ito.
I let my hair down and face him. Pinakita ko na sinunod ko ang kanyang utos.
“Don’t clean the second floor, it's very messy. Leave my unit and come back tomorrow.”
“P-Po? Kailangan ko po kasing linisin—”
“I said don’t,” mariin niyang ani.
Palagi na lang talagang galit kapag ako ang kaharap.
“Just comeback and clean it tomorrow.”
Hindi na ako nagpumilit pa at lumabas dala dala ang cart ko. Bumaba na ako at nandoon na ang iba naming kasamahan. Pumerma kami ng kontrata ni Dane, hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil sa wakas ay nakakuha kaagad ako ng regular na trabaho.
“Ikaw ba si Georgina?” ani Madam.
“Opo.”
“Balik ka bukas sa unit 30th floor, kinuha ka ng may ari. Ikaw na ang maglilinis ng unit niya tuwing kailangan niya ng tagalinis.” anunsyo niya.
Ramdam ko ang pagsiko sa akin ni Dane dahilan para mapatingin ako sa kanya. Sabay kaming lumabas sa opisina ni Madam para magbihis.
“I smell something fishy, anong pinag-usapan niyo ni Ahmet bakit kinuha ka niya?” agaran niyang tanong, nanliliit ang mga mata.
“Hindi ko alam sinasabi mo.”
“H’wag ka na magmaang maaangan pa. Ramdam ko may something sa inyong dalawa.” pilit pa talaga niya.
“Hindi niya ako gusto, Dane. Palagi niya akong pinapagalitan, at palagi niya akong pinagsasabihan.” sa wakas nasabi ko na ang totoo.
Nagulat ako dahil natawa siya.
“Gaga, parang tinatali ka na nga eh. Anong hindi gusto ka diyan! Layuan mo ‘yon, mayaman ‘yon, Gigi!”