Maging sa pangatlong trabaho ko sa araw na iyon ay hindi ako makapag focus dahil kay Ahmet! Paano ba naman kasi parang gusto na niya akong patayin sa talim ng titig niya. Palagi ko ngang iniiwasan iyon sa tuwing dadaan o pupunta ako sa table nila dahil nakakatindig balahibo talaga ang tingin niya sa akin, na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ni hindi ko nga siya kilala eh. At kung makautos ang mga taong sa table nila ay parang ginagawa akong utusan. I mean, alam kong binayaran ako rito para magtrabaho pero sa ginagawa nila ay parang inaabuso na ako.
May mga table pa na hindi nabibigay ang order nila at ilan lang talaga kami ang waitress doon tapos ako ito pabalik balik sa table nila dahil hindi na inisa ang order parang pinapahirapan talaga ako.
Gusto kong mapamura sa sunod sunod na balikan ko sa kanilang table papunta sa counter table. Bakit hindi nalang kasi nila isahin ang order! E ’di sana hindi ako napapagod ng ganito!
“Ito lang po ba, Sir? Wala ng dagdag pa?” medyo pasigaw kong tanong para marinig nila at ginawa ko rin iyon para malaman nila na naiinis na ako sa kanilang ginagawa sa akin.
They all smoke here… I guess. Hindi ko alam na p’wede palang manigarilyo rito. Maging si Ahmet ay naninigarilyo rin, siya iyong ngayong may hawak na isang stick sa pagitan ng kanyang daliri. Hinithit pa talaga iyon bago niya binuga habang nakatingin sa akin.
Hindi ko mapigilang paikotin ang mata ko dahil sa inis sa kanya. Tumaas lamang ang kilay niya dahil sa ginawa ko.
“Oh! Another box of cigar menthol,” ani ng isang lalaki na hindi matapos tapos ang kanilang order.
“Sino pa po ‘yong may order?” sabay taas ko ng kamay, hawak hawak ko ang maliit na notebook.
“That’s all, thanks!” sabi ng kung sino.
Tumalikod ako at bumalik sa counter para ibigay ang kanilang order. Habang naghihintay ay binigay ko na rin ang order ng iba. Maayos naman iyon iba at mabilis lamang ang galaw pero pagdating sa kanila, ang tagal!
Pasimple kong tinawag ang babaeng kausap ko kanina na kasamahan kong waitress. Lumapit din naman siya sa akin.
“Pwede bang ikaw na muna magbigay niyan doon sa order nila? Masyado pang marami pa akong bibigyan,” pasimpleng bulong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin at tumango, mukhang masunurin din naman siya. Kinuha niya iyong order at binigay iyon sa table nila Ahmet, habang ako naman ay nasa ibang direksyon para hindi na sila makita pa. Masyado na silang masakit sa mata ko.
Busy ako sa ginagawa ko nang may kung sinong humawak sa aking siko ko. Pagkalingon ay iyong babaeng inutusan ko ang humawak sa akin.
“Ayaw nilang tanggapin ang order, sabi ng isang lalaki ikaw lang daw ang pwedeng magbigay sa kanila. Ayaw nila sa iban waitress,” aniya na dahilan ng pagkalaglag ng aking labi.
Bumakat ang galit sa aking mukha at napalingon sa table kung nasaan sila Ahmet ngayon. Kita kong nagdugtong ang kanyang kilay nang magtama ang aming mata. Isang buntong hininga nag pinakawalan ko.
“Ako nga pala si Jelly, ayaw kong mawalan ng trabaho. Ikaw na po ang mag bigay sa kanila,” halos pagmamakaawa niya sa akin, kanina lang ay nakangiti pa iyon hindi ko alam kung ano ang sinabi ng mga lalaking iyon sa kanya.
Wala akong magawa kung di ay sundin ang sinabi niya. Baka kung ano ang isipin niya sa akin. Unang araw ko dito tapos magbibigay ako ng malas sa kanya at baka matanggal pa talaga sa trabaho dahil sa banta nila sa kanya.
Kinuha ko ang tray at bumalik sa table nila Ahmet. Wala naman silang sinabi sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ko silang bigyan ay nilibot ko pa ang buong club para mabigyan ang iba ng order nila.
Pagkatapos ng ilang oras na pagtatrabaho ay nakaupo na rin ako. Nasa staff room kaming dalawa ni Dane. Pinapakita niya ang mga tip na nakuha niya. Mas malaki iyon keysa sa akin, hindi naman big deal dahil gano’n talaga ang buhay.
After naming magpahinga, muli kaming bumalik sa aming ginagawa. Muling nag order sila Ahmet, iyong iba niyang kaibigan ay namumula na at mukhang lasing na lasing na. Habang siya ay mukhang ayos pa naman at talagang naninigarilyo pa.
Nang tuluyang makuha ulit ang order nila ay binalik ko iyon sa counter. May lalaking lumapit sa akin at nagtanong ng pangalan ko, kaagad ko naman iyong iniwasan dahil nasa trabaho pa ako at mukhang lasing na rin siya.
“Kahit pangalan lang Miss, kanina pa kita tinitignan. Iaahon kita sa kahirapan kung iyan ang gusto mo,” offer pa niya sa akin.
Agad na umasim ang mukha ko roon. Palagi akong nakakuha ng ganitong offer sa mga random na tao. Hindi ko alam kung insensitive lang ba sila o bastos talaga sila. Hindi ba nila nakikita na nagtatrabaho iyong tao? Bakit ba palagi na lang nila inaabala ang trabaho ko.
Iyong iba sa kanila ay sinusugod pa talaga ako ng mga asawa o girlfriend dahil inaakal nila na pinapatulan ko ang mga lalaki nila kahit na ang ginagawa ko lang naman ay ang trabaho ko, at marangal iyon.
“Hindi po pwede, Sir. Please po, sir. Balik na po kayo sa table niyo, may trabaho pa po ako.” sinubukan kong h’wag pairalin ang galit na nasa kaloob looban ko, palagi ko namang ginagawa iyon kaya sanay na sanay na ako.
“Just your name, after that I will leave you alone, please.”
Sinubukan pa niyang hawakan ang kamay ko ngunit kaagad ko iyong nilayo. Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang gagawin ko para maiwasan ang mga taong ganito. Pakiramdam ko ay dugyot na dugyot na ako, pero todo pa rin talaga sila kakalapit sa akin. I don’t have foreign face too, typical na probinsyana talaga ang dating ko, iyan siguro ang iniisip nila. Na mabilis akong makuha dahil mukha akong probinsyana.
“Bawal po talaga, Sir. Hindi—”
Bago pa man ako makapagsalita ay may sumulpot ng babae sa likuran niya.
“Siya ba ang babae mo?! At talagang sa club mo pa dinadala!” sigaw ng babae at sinubukan akong lapitan ngunit may malaking tao nang humarang sa kanya para hindi ako magawang saktan.
Sa damit pa lang kilalang kilala ko na iyon. Hindi ko mapigilang magpakawala ng malalim na hininga dahil sa kanya. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nakaharang si Ahmet sa akin at hindi ko na nakikita ang eksena. Ang sunod kong nakita ay papalabas na iyong babae kasama ang lalaki, hinahawakan na sila ng bouncer papalabas.
Sinubukan ko sanang kausapin si Ahmet ngunit tuluyan na siyang umalis sa harapan ko at bumalik sa kanilang inuupuan. Kita ko naman ang pagtakbo ni Dane sa akin kasama si Ma’am Red.
“Ayos ka lang? Awit! Gan’yan talaga ang ganda ni Gigi, Ma’am. Napapalapit talaga ang mga lalaki pero minsan hindi na talaga nakakatawa.” komento ni Dane.
“Sa susunod tell me if some customer is bothering you, okay?” sabay hawak ni Ma’am Red sa braso ko.
Isang tango lang ang tugon ko sa kanya at muli na kaming bumalik sa trabaho. Kinuha ko ang tray na para sa table nila Ahmet, hindi ko alam kung pang ilang whiskey na ‘to. Ang iba niyang kaibigan ay tuluyan na talagang nahiga sa kanilang inuupuan.
Pagkalapag ko ay nakita ko siyang nagsindi ng sigarilyo. Gusto ko sana siyang makausap at makapagpasalamat man lang ngunit ni isang dapo ng tingin ay walang nangyari doon.
Umalis ako sa table nila, huli na iyon dahil kita kong tumayo na iyong mga kasamahan nila. Pag check ko sa cellphone ko malapit na rin pala mag ala una.
Lumabas na rin si Lorenzo kasama ang isa niyang kaibigan, isang buntong hininga ang pinakawalan ko dahil doon. Pagkabalik ni Dane ay hinila na niya ako papuntang staff room, magbibihis na raw at pwede na kaming umuwi.
Pagod na pagod ang buong katawan ko at naramdaman ko lang iyon dahil sa sinabi ni Dane. Pagkatapos naming magbihis ay tinungo namin ang opisina ni Ma’am Red. Wala naman siyang sinabi pa at gusto niya raw ulit na magtrabaho kami roon bukas. Masayang masaya naman kami ni Dane dahil sa feedback ni Ma’am.
Pagkalabas namin ni Dane sa opisina ay lumabas na rin kami. Kita kong nakaupo pa rin si Ahmet sa inuupuan table nila, ang inakala ko ay nakaalis na ang lalaking iyon.
“Wait lang, pwede mo ba akong hintayin muna sa labas. Mabilis lang ako, may pupuntahan lang,” paalam ko kay Dane.
Wala naman siyang ganoong sinabi at tinungo na ang labasan. Marami pa rin ang tao roon at tinungo ko ang table nila kanila. Kita ko ang pag angat ng tingin niya nang makita ako.
“Umuwi ka na! Lasing ka na!” sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo ako.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa iyon ito ngayon sa kanya. He hated me the first time we met. Ayaw ko rin sa kanya dahil masyado siyang paki alamero ngunit gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanya, kaya siguro ginagawa ko ito ngayon.
Galit niya pa akong tinignan bago kinuha ang baso at nilagok iyon. Ang mood ko ay napalitan dahil sa inasta niya. Ayaw niya talaga akong makita.
“Salamat nga pala kanina,” iyon na lang ang sinabi ko at tumalikod na bago tinungo papalabas ng bar.
Pagkatabas ko ay naghihintay sa akin si Dane. Mabuti na lang at nakaabot pa kami ng bus, makakatipid pa kami rito. Pagkasakay ay kita kong lumabas si Ahmet sa club, tinapon niya ang sigarilyo at nagtungo sa parking area.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago hinarap si Dane.
“Dane, ano ang mga nalalaman mo tungkol kay Ahmet?” wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Napagtingin siya sa akin, na parang jinujudge na naman niya ako.
“Mamaya, baka may makarinig sa mga tsimis ko rito at bigla pa akong kunin na reporter, pangarap ko pa naman ‘yon.” aarkasmong aniya sa akin.
Hindi na ako kumulit pa at hinintay na makarating kami sa bahay na inuupuhan. Pagkarating namin sa bahay ay nagluto si Dane para sa aming dalawa, habang kumakain ay si Ahmet ang topic naming dalawa. Medyo nakakailang lang dahil marami talagang alam si Dane tungkol sa lalaking iyon ngunit ako, ni isa ay walang alam, hindi pa kilala ang lalaking iyon.
“Dinig ko nga rin kanina sa mga waitress na naroon at ibang nagtatrabaho na mahilig daw talaga sa club ang lalaking ‘yon. Iba iba rin daw ang mga naging babae niya kaya tinaguriang babaero sa kanilang magkakaibigan. Iyong circle of friends niya ay nasa Isla Agua iyong iba, hindi mo ba alam ‘yon?” tanong niya.
Umiling ako sa kanya. Taga Isla Agua kami pero hindi ko alam iyon. Malaki kaya ang lugar na ‘yon at isa pa mukhang nasa mga rancho iyong o ‘di kaya nasa Agua Viste, ang malaking city doon.
“Malayo naman kasi tayo, taga Ercambron lang tayo, sila nasa rancho sa Pilar at LlaFranc.”
Sabi na eh. Doon lahat ng mayayaman dahil maganda roon at payapa. Maganda rin naman sa Ercambron pero mas maganda doon dahil nandoon ang parte na may dagat. Halos kulay berde lang ang nakikita sa Ercambron at halos magsasaka ang naroon.
“Piloto si Ahmet ngunit ngayon nasa negosyo na, kilala rin siyang engineer.” dugtong pa ni Dane.
Umuwang ang labi ko dahil sa mga pinunyag niya tungkol sa lalaking iyon. Masyado talaga siyang mataas.
Pumalakpak si Dane habang kumakain na parang may pumasok sa isip niya na nakalimutan iyon. “Suki rin siya ng mga auction, sabi sabi nga dati na bumibili din daw ‘yan ng babae para sa sarili niyang plesure.”
Nanlaki ang mata ko. Ang akala ko ay maayos na lalaki siya dahil sa kilos niya, iyon pala may baho ring tinatago kapag nasa sexu-al department na.
“Hoy! Baka hindi naman totoo ‘yan baka makasuhan ka pa niyan sa mga negative informations na pinagkakalat mo!” pangaral ko kay Dane.
“Heh! Hindi ba halata sa kanya? May nakakandong na babae sa kanya kanina ah, hindi mo ba nakita iyon? Lumabas din kayo, magkasunod diba? Hindi mo ba nakita na gumawa ng milargo sila doon?” kuryosong tanong niya pa.
Sarap turusin ni Dane. Talagang hindi kapani paniwala mga sinasabi niya dahil doon palang sa sunod naming pagpasok ni Ahmet ay ibang impormasyon na ang nakalap niya. Kung may milargo man silang gagawin doon, hindi ko sila iistorbihin no!
Si Ahmet pa nga ang nang iistorbo ng trabaho ko!
“Ahmet Percy Muller, iyan ang kompleto niyang pangalan. Sa kanya rin iyong building na nilinisan natin kanina. Siya ata ang may ari no’n at doon din ang bahay niya.”
Hindi na ako nagtaka kung bakit kami nagkita ni Ahmet kanina. Ramdam ko na na siya iyong may ari ng building na ‘yon. Sa suot niyang suit kanina, sumisigaw iyon ng kayamanan at kapangyarihan.
“Hindi ito imposible dahil maganda ka, Gigi. Pero kapag lumapit sa ‘yo ang lalaking ‘yon, umiwas ka sana. Masyadong maraming pera iyon at makapangyarihan din. Isang pikit lang ata niya kaya niya tayong saktan, layuan mo lang.” tunog concern talaga si Dane, palagi niya akong pinasasabihan ng gano’n kahit saan kami magpunta.
Alam ko naman ang gagawin ko at nagtatrabaho ako ng maayos.
“Imposible talaga akong lapitan ni Ahmet, Dane. Baka basura pa nga ang tingin niya sa atin,” mahinang wika ko.
Alam na alam ko kung saan ako pupuwesto. Hindi ako mayaman kagaya niya. Kaya imposible talagang lalapit siya sa akin.