Kabanata 4

2422 Words
Kinabukasan maaga akong nagising. Wala kaming trabaho ng gabi dahil kaunti lang daw ang tao sa club at hindi na rin gano’n karami ang kailangan nilang trabahador. Pagkatapos namin sa restaurant ay umuwi na kami at nagpahinga, parang gumaan ang pakiramdam ko matapos kung matulog ng matagal. Simula noong pagtungtong kasi namin ay nagtrabaho kami kaagad at walang pahinga hinga, ngayon lang talaga. Pumasok na kami ni Dane sa tower. Masyado kaming maaga ngayon dahil ayaw na talaga naming mahuli. Iilan pa lang kami ang nandito kaya bumili muna kami ng pagkain ni Dane at nagkape na rin. “Ikaw si Gigi?” tanong ng isang kasamahan namin pagkabalik namin ni Dane matapos mag umagahan. “Opo,” sagot ko naman. Nilahad niya ang papel, iyon ang nakatuka sa amin ngayong araw. “Kailangan ka na raw para maglinis.” Naalarma naman ako at nagmadali. Kinuha ko ang papel at kinuha na rin ang cart na para sa akin, tinungo ko ang 30th floor. Kabang kaba ako dahil pakiramdam ko mararamdaman ko na naman ang bagsik ng salita ni Ahmet habang papunta ako sa floor niya. Inayos ko ang aking buhok, hindi ko na tinali sa pagkakataong ito dahil ayaw na ayaw niya talaga iyon. Kailangan kong sundin ang utos niya dahil sa kanya ako nagtatrabaho at siya ang may ari ng tower na ‘to. Napalunok ako at kumatok sa kanyang pintuan. Kaagad namang bumukas iyon at bumungad ang galit niyang mukha sa akin. “You’re late,” bungad niya. Yumuko ako. “Pasensya na po… nag agahan k-kasi ako…” sabay pakawala ko ng hangin. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. “Anong kinain mo?” usisa pa niya. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o hindi dahil nahihiya akong sabihin sa kinain naming dalawa ni Dane. Pakiramdam ko napakaliit kong tao dahil sa kanya. “K-Kape, saka tinapay lang,” mataman kong sagot. Pumasok ako sa loob at sinirado niya iyong pintuan. Hindi na siya nagsalita pa at nagtungo sa kusina niya habang ako naman ay pumuntang ikalawang palapag para linisan ang nagkalat doon noong isang araw. Kaunti na lang ang lilinisan pero sinigurado ko na pati ang glass walls niya ay malinisan ko dahil parang may mga bahid pa iyon ng mga kamay.,. Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa mga scenario’ng pumasok sa utak ko. Sunod kong inayos ang kanyang table sa isang silid doon na parang office niya, medyo nagtagal ako doon dahil maalikabok na ang iba niyang mga gamit dahil parang hindi na siya pumapasok pa rito. Pagkatapos ko doon ay sumunod ako huli, comfort room niya ata iyon. Inayos ko ang lahat ng kalat sa kanyang lababo. ‘Yong mga shave, musk, at iba bang bottle na nalalanghap ko sa kanya at nilagay iyon sa cabinet na malapit lang sa kanyang salamin. Nilisan ko ang buong cr niya bago tuluyang lumabas. Pagkalabas ay nakita ko siyang naroroon na rin sa ikalawag palapag, bakas na naman ang galit sa kanyang mukha. “Why aren’t you answering me? Nagbibingi-bingihan ka ba?” pagalit na tanong niya. Kumunot ang noo ko. Wala akong narinig na pagtawag mula sa kanya…o kaya sound proof itong cr niya kaya hindi ko narinigg ang kanyang pagtawag. “P-Pasensya na po, b-busy kasi ako… a-at hindi ko talaga narinig ang pagtawag mo…” mahinang sambit ko at yumuko na lang. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya dahil boss ko na talaga siya at kayang kaya niya akong tanggalan ng trabaho sa isang sabat at isang reklamo ko lamang. Dinig ko ang pagpakawala niya ng hininga bago nagsalita. “Bumaba ka na, tapos ka na dito?” utos niya. Tumango na lamang ako at kinuha ang mga panglinis bago bumaba. Nauna ako sa kanya at pumunta sa may cart na dala ko, nagmadali ako sa paglagay ng mga ginamit ko pabalik doon bago siya muling hinarap. “May kailangan pa po ba, Sir? May kailangan pa po bang linisan?” tanong ko. “Sir?” tanong niya, tunog na-offend pa. Tumango na lamang ako. “Kasi b-boss kita,” hiyang hiya kong sagot sa kanya. Dinig ko ang sarkasmo niyang tawa ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa nang pansin. Ang akala ko ay p’wede na akong umalis kaya hinawakan ko na ang aking cart at akmang bubuksan na ang pintuan ng magsalita siya. “Saan ka pupunta?” mariiin aniya. “Sinabi ko ba na p’wede ka nang umalis?” Bakit ba kasi palagi siyang galit kapag kaharap ako? May ginawa ba akong masama sa kanya? Ni hindi nga namin kilala ang isa’t isa kung maka asta siyang ganito! Gustong gusto ko na sanang magsalita tungkol doon ngunit hindi ko magawa dahil sa reyalidad. Tikom ang labi kong muli siyang hinarap. “Aalis na ako baka may iba pa akong trabaho,” sagot ko. “Wala ka ng ibang trabaho, hali ka dito.” Nagulat ako roon kaya hindi ko alam kung totoo ba ang narinig ko o guni-guni ko lang ang lahat. Ako? Pinapapunta niya malapit sa kanya? Sasaktan niya ba ako? May gagawin ba siya sa akin? “I told you to come here. Pupunta ka rito o sisisantehin kita?” banta pa niya talaga. Tangina talaga alam niya kung paano ako hawakan sa leeg. Kung hindi lang ako gipit na gipit ngayon malamang ay umalis na ako rito at hindi na magpapakita pa sa kanya! Napalunok ako at mahina lamang ang galaw at pumunta malapit sa kanya. Nasa kusina na niya kami ngayon. Iyong unit niya ay simple lang, halos kulay puti, black, at grey ang pinasama. Kahit iyong mga appliances niya ay nasa gano’n set of colors lang din. His unit was so manly, so him. “Umupo ka sa stool,” aniya na mas lalo kong ikinagulat. May pagkain sa center island at may usok pa iyon na para bang bagong luto lang ang lahat. Nag-aalangan pa ako at nagdalawang isip kung gagawin ko ba iyon o hindi ngunit nang marinig ulit ang banta niya sa akin ay wala na akong ginawa kung ‘di sundin ang utos niya. Umupo ako sa high chair at siya naman ay pumwesto sa harapan ko. H’wag mong sabaihin na sabay kaming kakain? Kumain na ako kanina pero alam ko sa sarili ko na hindi sapat iyong tinapay at kapeng kinain namin ni Dane. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagkain. Iyong iba ay parang nakikita ko lang siya sa mga tv o ‘di kaya sa cellphone ni Dane sa tuwing nagsoso-cial media siya pero hindi ko inakala na nasa harapan ko na pala iyon. Naging ‘o’ ang aking bibig nang makita nagsteak doon, hindi pa ako nakatikim ng gano’n sa buong buhay ko. Isa pa umagahan pa lang ngayon ganito na ka garbo ang kinakain ni Ahmet, ano pa kaya kapag mamayang tanghalin at sa gabi! Baka nga sa mga sikat at mamahalin pa siya kumakain sa mga oras na iyon. Ano ba ang dahilan kung bakit niya ako pinapaupo? Gusto niya bang tignan ko siya habang kumakain? Subuan? Ano ba? “Eat.” Umangat ang tingin ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya nang magtama ang paningin namin. Napalunok ako. Bago pa man siya magbanta ulit ay kinuha ko na ang isang hiwa ng steak at nilagay sa bibig ko. Alam na alam ko na kung ano ang lalabas doon at naririndi na ako doon. Hindi na ako nakapagreklamo sa sunod niyang ginawa sa akin. Panay ang lagay niya ng pagkain kahit na pinipigilan ko na siya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at kinain ko na iyon ngunit nakalipas ang ilang minuto ay hindi ko na talaga kaya, parang sasabog na ang t’yan ko dahil sa busog. “Ayaw mo na?” dinig kong tanong niya. Dahan dahan akong umangat ng tingin. May steak pa rin sa bunganga ko na nginunguya kaya ang ginawa ko ay tumango na lamang ako. Umiwas siya ng tingin sa ginawa ko. Baka inisip niya na sobrang baboy ko kung kumain kaya gano’n. Mabilis kong nginuya iyon at mabuti naman malambot ang karne. “Hindi ko na kaya…” ani ko sa isang mababang tono. Nahihiya rin ako sa kanya dahil hindi ko naubos ang pagkain binigay niya sa akin. I am greatful in everything he puts on my plate. Pero hindi na talaga kaya ng t’yan ko, kung hindi lang siguro ako uminom ng kape kanina ay sigurado akong marami pa rito ang kinain ko. Gusto kong mag sorry sa kanya dahil hindi ko naubos ang hinanda niya… “Hayaan mo na lang d’yan, itatapon ko na lang. Agad akong naalarma sa sinabi niya. “P-Po?” Sayang iyon… “Ipapatapon ko na lang, pwede ka nang umalis,” sabi niya sa akin. Hindi ko kayang itapon niya nalang ang pagkain. “Pwede niyo naman po makain mamayang tanghalian o kaya gabi, pwede–” Pinutol niya ang sasabihin ko. “I won’t eat here later,” Tama nga ako, kakain nga siya sa mamahaling restaurant na palagi niyang pinupuntahan na pinagtatrabahuhan ko rin tuwing hapon. “I-Ibigay niyo na lang po sakin… sayang po kasi…” sabay yuko ko. “You eat left overs?” tanong niya na parang kinukwestion pa ang buong pagkatao ko. Tumango ako. “Opo, masarap naman kasi at pwede pa po mamaya. Keysa naman itatapon lang.” malumanay na sagot ko. Hindi ko alam kung paano ko siya napapayag pero ngayon dala dala ko na ang isang steak na wala pang hiwa at iyong kinain ko kanina, may kasama pang mga sunny side up egg at mga hotdog doon. Ewan ko, pakiramdam ko nakalibre ako sa mga kakain ko ngayon araw. Okay na dinala ko keysa naman itapon lang niya. “Give me your phone.” “P-Po?” taranta ko. “Kailangan ko bang ulit ulitin ang sasabihin ko?” pagalit na aniya. Takot akong ilabas ang cellphone ko. Napakaluma na no’n at baka hindi pa siya marunong magpanipula dahil matagal na model na iyon ng de-keypad na cellphone. “Nakalimutan ko po sa locker namin, bakit po?” alibi ko. Nanlaki ang mata ko nang siya na ngayon ang naglabas ng cellphone niya. Hindi na ako nagulat nang makita na bagong model iyon ng isang sikat na brand. Sabi ni Dane sa akin iyon daw ang pinakamaganda ngunit pinakamahal naman. “Put your number here. I will call you later, marami akong gagawin mamaya at kailan kita.” aniya sa mababang boses. Kumunot ang noo ko. Halos hindi ko pa tanggapin iyon ngunit wala na talaga akong nagawa pa. “I will double or triple your salary if you're gonna work with me, are you willing to do that?” I was tempted too. Pero paano ko masisigurado na dodoblehin o titriplihin niya ang sahod ko? Basi sa pinirmahan ko, fifteen thousand ang sahod ko sa isang buwan, malaki na iyon keysa naman wala akong trabaho. Papaano ako makakasigurado na dodoblehin niya iyon? O titriplihin? “Kaya mo bang gawin ‘yon?” tanong ko parang nanghahamon pa talaga. Ako pa ngayon ang naghamon sa taong may ari ang building na ‘to at sigurado akong isa rin sa mayaman sa buong syudad. “Are you willing to work with me then?” hindi niya sinagot ang tanong, gustong gusto niya talaga na siya iyong masusunod na sagutin ko. “Ano ba ang gagawin ko kung gano’n? Paano ko masisigurado na dodblehin mo ang sahod ko?” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Gusto ko namang murahin ang sarili ko dahil sa pagiging madaldal ko. I mean, ayos lang naman sa akin kung marangal ang ipapagawa niya sa akin, wala akong reklamo doon. “Personal assistant.” Ay utusan lang naman pala. Ayos lang sa akin kung gano’n kaya ko iyon. “Okay lang sa akin, kaso… may trabaho pa ako mamaya. Sa restaurant.” Umiling siya. “H’wag ka na pumasok doon at tatawagan kita, Gigi.” Umuwang ang labi ko nang marinig ang pangalan ko sa kanyang labi. Hindi ko pa siya narinig na tinawag ang pangalan ko kaya medyo nagulat lang ako. Ayos lang sa akin ang lahat kaya nilagay ko na lang ang number ko sa kanyang cellphone bago ulit nilahad pabalik sa kanya. Nagpaalam na ako at tumalikod. Dala ang plastic na may lamang pagkain at dala ang aking cart. Pagkababa ay nakita ko kaagad si Dane na mukhang tapos na sa kanyang gawain. “Gigi, gigi,” tawag niya sa akin. Kita ko ang hindi maipinta niyang mukha na para bang may nangyaring masama. Agad akong kinabahan sa kanya. Kumalabog na ang puso ko at hindi ko na mahawakan ng maayos ang cart ko. “Bakit? Anong nangyari?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “Si Gianet, dinala ulit sa hospital…” halos naiiyak na sumbong ni Dane sa akin. Agad akong kinabahan doon. May sakit si Gianet sa puso, isa sa dahilan kung bakit ayaw ko talagang lumuwas sa syudad dahil sa kanya. Malakas naman siya noong umalis ako baka talagang nagpagod na naman siya sa pag-aaral kaya siya dinala sa hospital. Nagmadali ako sa pagbihis at kaagad na nagpaalam. May pera pa naman ako at sapat na iyon para bumalik muna ng probinsya. “Dito ka muna, ikaw muna dito. Kaya kong umuwi, alam na alam ko ang daan, Dane. Please, dito ka na lang.” pagmamakaawa ko. Ayaw kong maging sagabal sa kanya at nahihiya na ako sa lahat ng mga ginawa ko sa kanya, ayaw ko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Ramdam ko na ayaw na ayaw niya akong hayaan ngunit wala siyang nagawa. Lumabas ako at iniwanan siya sa loob dahil may isa pa siyang floor na lilinisin. Kinabahan ako habang nasa labas at naghihintay ng masasakyan papuntang terminal pabalik ng escambor. Medyo matagal na ako kaya natatakot na talaga ako doon at ni isang tawag wala akong natanggap kay Gino! Kinagat ko ang aking labi dahil sa takot, ni wala ring taxi na dumadaan sa harapan. Ngunit nagulat na lang ako na may humintong mamahaling sasakyan sa harapan. Pagkababa ay nakita ko kaagad si Ahmet, nakashades at nakaayos na mukhang pupunta na sa trabaho. “Why are you here? You still have work, right?” “Nagka-emergency lang po,” sinubukan kong ayusin ang tono ng boses ko. “Hop in,” aniya na ikinagulat ko. Hindi na ako naging chossy sa pagkakataong iyon at pumasok sa kanyang sasakyan. Wala hiya kong sinabi na sa terminal na niya akong ibaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD