Kabanata 1

2617 Words
Kabanata 1 Habang naglilinis ay ramdam ko ang mata nang lalaki na nakatingin sa akin. Ilang beses ko rin siyang nahagilap na tumitingin habang busy ako sa pagliligpit. Medyo na iilang nga ako at hindi makagawa ng maayos dahil sa kanya. Nakailang mali ako sa ginagawa ko ngunit nakakaya din naman, nagpapasalamat talaga ako na wala ng tao kapag naglilinis ako dahil kung meron ay baka natapunan ko na ang mga mamahalin nilang damit dahil sa kaba na nararamdaman ko. Halos forty minutes din silang naroroon kasama ang iba niyang kasamahan nang tuluyang silang tumayo. Hindi muna ako lumapit doon at hinintay sila na makaalis. Ramdam ko pa ang titig ni Mr. Ahmet Muller bago siya tuluyang umalis ng restaurant kasama ang iban kababaihan at kalalakihan. Lumapit ako sa kanilang hapag. Niligpit ko iyon isa isa at nilisan, ngunit sa kalagitnan ng paglilinis ko ay may naiwang tissue roon na pinagkainan ni Ahmet na nakalagay sa ilalim ng baso. Kinuha ko iyon at may nakasulat roon. Let your hair down. I will tell your bosses to fire you if you tie that hair. Napalunok ako bago ko lusog lusugin iyon at tinapon kasama ang ibang tissues. Hindi ko alam kung ano ang hinanakit niya kung bakit ayaw niyang itali ang buhok ko! Sa totoo lang wala siyang karapatan na mag demand sa akin dahil hindi ko naman siya boss at hindi ko naman siya kilala. Pero sa pananamit niya, mukha siyang mas mayaman sa mga boss ko, mukhang kaya niyang pang bilhin ang mga boss ko. Mas mainam ba na ipikit ko na lang itong labi ko? Buong maghapon ay wala akong ginawa kung ‘di ang maglinis. Halos tatlong oras din iyon sunod sunod at nakaramdam ako ng gutom. Simula kanina umaga ay hindi pa talaga ako kumain kaya gutom na gutom talaga ako. Mabuti lang talaga ay mabait itong si Madame kahit na palaging nakataas ang kilay niya ay may tinatago ring kabaitan. Pinapili niya kami ni Dane ng gusto naming ulan. Nagfefeeling sosyal si Dane at pinaka ang isang beef steak habang pinili ko naman ang isang natural Filipino dish, adobo na mamahalin. I’m not trying to be a pick me girl pero habang nakatingin ako sa ulam na iyon ay sa tingin ko hindi ko deserve iyon. Parang hindi bagay sa akin kumain ng gano’ng kasarap na pagkain… Habang kumakain kami sa staff room ay naroon din si Rebecca at tinitignan ang bawat pagsubo namin. “Marasap, Becca. Napakagaling mo talaga, pwede ba kami magbaon para sa hapunan?” hindi maawat awat ang kaibigan ko. “Hoy, Dayanna!” saway ko kaagad sa kanya. Matapos niya kasing puriin ang ulan ay hihingi kaagad siya. Nakakahiya naman iyon kahit kaibigan niya pa ang nagluto. “Nako! Bibigyan ko kayo pagkatapos niyong kumain, tapos na shift niyo, right?” “Oo, tapos naman kasi ang rush hour didto sa restaurant niyo. May isa pa kasi kaming raket nitong ni Gigi,” Sabi pa niya na may laman ang bibig kaya medyo hindi maintidihan. “Ganon ba, magsabi kayo kung aalis na kayo para mahandaan ko kayo ng pagkain. Punta muna ako sa kusina baka may ipapagawa si Madame.” paalam ni Rebecca. Sabay kaming nagpasalamat ni Dane sa kanya bago siya umalis. Sarap na sarap si Dane habang kumakain kaming dalawa, inaalok pa ako ng steak na kinakain niya ngunit ayaw ko. Hindi naman ako kumakain ng gano’n at hindi rin kaya ng sikmura ko. Mukhang mamahalin… hindi bagay sa akin. Mukhang hindi rin matanggap ng t’yan ko. Kung kanina ay gutom na gutom ako ngayon naman ay sobrang busog ko na kahit na kaunti pa lang ang nakakain ko. Ito ang problema ko dahil palagi akong nagpapalipas ng gutom, lalo na sa tuwing may trabaho ako, hindi talaga ako kumakain. Mapili rin ako sa pagkain. Iyong nakasanayan lang ang palaging kong kinakain, iyong bago sa aking mata ay hindi hindi ko makain sa hindi ko alam na dahilan. Kagaya na lang ngayon ng steak na sarap na sarap ang kaibigan ko. Nang araw na iyon din binigay ang sahod naming dalawa ni Dane. Two thousand ulit iyon, kahit papaano ay may pera ako. Kung palagi akong may raket na ganito ay mayroon akong four thousand araw-araw, pakakasyahin ko iyon sa aming tatlo. Muli kaming umuwi ni Dane. Hindi ko na naipagpatuloy pa ang pag-aayos ng damit namon dahil antok na antok na talaga ako. Humiga ako sa double deck na kama at sa ilalim ang pwesto ko. Wala pang ilang minuto ay tuluyan na akong nakatulog. *** Nagising ako dahil kay Dane. Napatingin ako sa orasan ay alas otso na pala ng gabi. “Bumangon ka dyan, panibagong raket ito!” energitic na saad ni Dane na parang hindi napagod sa sunod sunod naming trabaho. Naligo na ako pagkatapos ni Dane. Matapos ay umupo ako sa kama at nag ayos sa sarili. Habang nag aayos ay muli akong na curious sa panibaging raket na nakuha niya. “Ano na naman itong nakuha mong trabaho ha?” “Bakit nagrereklamo ka na?” pabalang niyang sagot sa akin. Agad akong umirap sa ere dahil sa winika niya. “Para alam ko kung ano ang isusuot ko ngayon. Masyado lang naghahanda, mukhang pampubliko ang pupuntahan natin dahil naglalagay ka na ng make up,” puna ko dahil ayos na ayos talaga siya. “Sa bar tayo,” aniya at ngumiti sa akini. Nanliit ang mga mata ko. “Huwag mong sabihin…” “Gag-a! Huwag kang mag alala hindi kita ibibinta. Magiging waitress lang tayo roon. Hindi tayo entertainers o ano man. Taga bigay lamang tayo ng order. Masyado kasing malaki ang sahod dahil high end ang bar. Hanggang ala-una lang tayo dahil baka may magpapalinis pa bukas ng condo.” paliwanag niya, na hindi ko na maintidihan dahil sa dami ng trabaho namin. “Magkano ang sahod dito?” kuryoso kong tanong. “Apat na libo, may tip pa daw sa customer kapag nagalingan.” Parang lumabas ang pera sign sa aking mata dahil sa sinabi niya. Agad akong nagmadali sa pag-aayos kahit papaano ay maayos na iyong apat na libo para sa akin at baka iyon na lang din ang ipapadala ko sa bahay ngayong linggo. Ayos na ayos, unang araw ko pa lang sa manina maraming raket na kaagad, salamat talaga kay Dane. At dahil may uniporme ulit ang bar na pupuntahan namin. Simpleng damit lang ang sinuot ko. Wala rin naman akong mamahalin o may mas ebobongga pa sa suot ko ngayon. Panibagong blouse na kulay baby blue at isang kulay puting long shirt, wala na kasi akong maisip pwera roon. Habang kaibigan ko naman ay sobrang ganda sa suot niya. Halter top iyon na kulay pula at isang denim pencil na skirt. “Ang hot naman!” puri ko sa kanya. Nag-fly kiss pa siya sa akin at nilagay ang buhok sa likuran ng kanyang tainga. “Ako lang ‘to beh, h’wag ka munang magpa-authograph marami ang nakapila.” mahangin nitong ani sa akin dahilan para matawa ako. Hinayaan kong lagyan ako ni Dane ng kolorete sa mukha. Simula ata noong high school kami palagi na niya iyong ginagawa sa akin kaya sanay na sanay na talaga ako sa kanya. Nine-thirty nang tuluyan kaming nakaalis ng apartment medyo nahuli raw kami pero maayos lang din dahil bilaan ang tawag sa amin ng may-ari ng bar. High end din daw kaya hindi makapagtanggi itong si Dane. Dahil nakaluwag-luwag kaming dalawa, sa taxi kami sumakay at siya pa talaga ang nanlibre sa akin. Pagkarating namin sa bar ay sa mismong pintuan kami pumasok. May kung anong pinakita si Dane sa kanyang cellphone at kaagad kaming pinapasok. Bumalot ang maingay na music sa aking tainga. Napakapit naman ako kay Dane. Hindi naman ito ang unang beses kong nakapunta ng bar, pero ito ata ang unang beses sa mamahalin kami napadpad. Mahilig din si Dane sa ganito kahit minsan gipit na nakuha pa maglakwatsa! Paminsan minsan ay hindi rin ako makahindi sa kanya dahil libre niya ako at ginagawa niya akong alalay dahil palagi talaga siyang lasing. “Excuse me, nasaan po si Ma’am Red?” tanong ni Dane sa isang bouncer. Lumapit ang lalaki at binulong na lamang iyon dahil sa sobrang ingay ng paligid. Nang makuha ang impormasyon ay hinila na ako ni Dane papunta sa isang pang pintuan. Pagkapasok doon ay medyo nawala ang maingay na tunog at bumulaga sa aming ang mga babaeng mga sexy. Hindi mahirap pakisamahan si Dane, binati niya ang mga kababaehan ay hinanap ulit si Ma’am Red. Nang tuluyan na kaming nasa opisina niya ay pinauna kong pinasok si Dane. Bumungad sa amin ang babaeng nakaupo sa isang office chair, kulay pula ang labi at maging ang pisngi. Hindi halata sa tawag sa kanya. Medyo nasa forties na iyon at mukhang nagjajapan noong kabataan niya. Maganda siya at makinis sa kanyang edad. “Mabuti naman at pumatol ka sa offer ko, Dane. Maupo ka, isama mo ang kaibigan mo.” mukhang mabait naman basi sa tono ng kanyang boses. “Nandoon na iyong dalawang black na tshirt at dalawang black na pants. Ginawa kong pants dahil iyon ang hiling mo ngunit standard talaga namin ay skirt.” dugtong pa niya. “Maraming salamat po, ito po kasi ang unang pagkakataon namin dito baka po kung ano ang mangyari sa amin,” ang kaibigan ko. “Naiintidihan ko naman, alam ko kung ano ang laman ng bar na ‘to at kung ano ang mga taong nakapalibot dito.” sabay ngiti ni Ma’am Red. May kaunting bilin sa amin ni Ma’am Red na ikinatango lang namin ni Dane. Mga rules and regulations iyon na dapat naming sundin. “Kapag may nambabastos, sumbong niyo kaagad sa bouncer alam na nila ang gagawin,” ani pa nito. Sunod sunod kaming tumango ni Dane. “Maraming salamat po ulit, Ma’am Red. Maraming salamat sa panibagong trabaho.” si Dane. “Nako, nako, kung kaya niyo pang makapunta rito tuwing gabi ay maayos sa akin lalo na tuwing byernes at sabad, maraming tao sa ganyang araw.” Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat din. Tinungo namin ni Dane ang staff area at muling nagpalit ng damit. Sabay kaming lumabas sa maingay na area ng bar. May binigay kaagad sa akin ang bartender at kinuha ko iyon. Tinignan ko ang number at dinala iyon sa lugar. Pagkatapos kong maihatid, sunod ko namang kinuha ang isa. “Baguhan ka?” tanong ng isang kagaya kong waitress. “Opo, bakit?” “Sa VIP ang kunin mo, nandoon sa medyong parting gilid. Kapag nakita mong naka sofa, VIP iyan. Mamahalin ang mga alak kaya todo ingat ka at baka malaglag, bawas pa iyan sa sahod mo.” payo niya na ikinangiti ko. Ngayon, alam ko na. Hindi dapat ako makakalaglag ng alak dahil mababawasan ang sahod ko. Sayang pa naman, four thousand pa iyon. Kinuha ng isang babae ang VIP number, hindi ko namalayan ay VIP rin bala ang nakuha ko. Base sa alak halos lahat ng iyon ay kulay gold kaya grabe na lang ang ingat ko habang naglalakad papunta sa mga naka VIP. Medyo marami ang tao at nababangga ako pero hindi ako nagpatinag sa daloy ang tao at tuloy tuloy kong hinanap ang number at ang VIP table. Nang tuluyan kong nahanap iyon ay parang nangatog din ako sa kinatatayuan ko. Madalim ang lugar ngunit mas madalim ang tingin ng lalaki sa akin mula sa hindi kalayuan. Parang naghihintay na lang iyon na makasalalubong ko ang kanyang mata dahil hindi siya gulat ng muli kaming nagkita. Ang lalaking iyon ay ang may ari rin ng dala kong mga alak. Hindi lang siya ang naroon at marami sila. Napakagat ako ng alabi at nagdalawang isip tuloy kung itutuloy ko bang ibigay ito sa kanila o ibigay ko na lang ito sa ibang waitress para hindi na makapunta sa table nila… Ngunit baka isumbong naman ako kay Ma’am Red, maayos niya akong tinggap kaya dapat maayos rin ang trabaho ko. Hanggang dito ba naman Mr. Ahmet Muller? Parang kanina pa tayo nagkikita! Jusko naman, gusto ko nang makalayo sa kanya! Wala akong magawa kung ‘di ang lumapit sa table nila. Isa isa kong nilapag ng dahan dahan at mabuti ang kanilang alak para hindi ko mabasag. Ngumiti ako at nagpasalamat bago ako tumalingod ngunit akmang aalis na ako narinig kong may nagsalita kahit sobrang ingay na. “Hey!” Hindi ko alam kung lilingon ba ako o ano. Sa sobrang kaba ko ay tuloy tuloy ako sa paglakad hanggang sa may kung sinong humawak sa kamay ko dahilan para mapalingon ako. Nanlaki ang mga mata ko at umuwang ang aking labi ng makita si Ahmet Muller iyon. “Bitawan niyo po ako,” sinubukan kong makawala sa kanya ngunit hindi niya ako hinayaan. “What are you doing here?” matigas na ingles niya. Hindi ba halata sa suot ko? Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit kaagad kong pinigilan ang sarili ko. “Nagtatrabaho po, pwede pong bitawan niyo po ako? Kailangan kong bumalik sa pagtatrabaho.” pagmamakaawa ko. Nagpumiglas ako at akmang magsusumbong na sana sa bouncer nang bigla niya akong binuhat ng walang sabi sabi gamit ang isa niyang kamay. Ni hindi ko nga kilala ang taong ito kung makabuhat naman para akong isang sakong bigas sa ginawa niya! Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngunit unting unti nawawala ang ingay na mula sa loob ng bar at doon niya ako nilapag. Nakapatingin siya sa akin ng seryoso, walang bahid ng emosyon. “I told you, ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!” galit nitong sabi ko. At bakit mo pa ako dinala rito? E ‘di sana iniwasan mo na lang ako! Hay, natatrabaho ang tao eh! “Sabi ko sa ‘yo, nagtatrabaho ako! Hindi kasalanan kung bakit mo ako nakikita palagi, pwede ka namang umiwas sa akin hindi ba? Tapos ngayon sisigawan mo ‘ko na para bang kilala mo ang buong pagkatao ko?” hindi ko mapigilan ang sarili ko, nakakaistorbo na siya ng hanap buhay ko. Kakarating ko pa nga lang sa syudad ito na kaagad. Gusto ko trabaho hindi problema. “H’wag ka ng bumalik sa loob,” banta pa niya sa akin. “Bakit sino ka ba para pagsabihan ako ng gan’yan?” Kita kong pumikit lamang siya na animo’y problemadong problemado. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali ako sa pagbalik sa loob ng bar. Nakawala naman ako sa kanya dahil tuluyan akong nakabalik sa trabaho ko. “Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap, akala ko kung saan ka na napadpad!” alalang alala na tanong ni Dane sa aking pagkabalik na pagkabalik ko sa loob ng bar. At tamang tama rin na pumasok si Ahmet. Kita ko kung paano nanlaki ang mata ng kaibigan ko at yumuko ng kaunti bago niya batiin ang lalaki. “Good evening po, Mr. Ahmet Muller. Nice to finally meet you,” sabay ng pabebe nitong ngiti. Nanliit ang mga mata ko. Alam na alam ko kung ano ang ngiti na iyan sa kanyang labi at hindi ako natutuwa d’yan. Inisnob lang siya ni Ahmet at tuluyang umalis sa gawi namin at tuluyang pumunta sa table nila. “Hoy! Magkasunod kayong pumasok! Hindi mo namalayan ‘yon?” kinikilig pa niyang sambit at niyugyog ang kamay ko. Kumunot ang noo ko. “Bakit naman? Sino ba ‘yan?” Kita ko ang gulat sa mukha niya. “Ha?! Hindi mo kilala si Mr. Ahmet?! Sige sasabihin ko mamaya, after ng trabaho. Sige na bilis na magtrabaho na tayo, sayang ang pera,” aniya at sabay hampas pa sa pwetan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD