Simula
Sunod sunod akong napadaing pagkatapos long malinisan ang buong condo unit ng isang sikat na artista. Kakaluwas ko lang kanina sa probinsya at nakakuha agad ako ng raket kaya medyo masakit pa ang katawan ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kong kinuha ang offer mula kay Dane, ang aking kaibigan na kasama sa pagluwas at maraming kakilala rito sa syudad.
Bata pa lamang ay gustong gusto ko na makatungtong dito ngunit sa hirap ng buhay ay hanggang pangarap ko na lang iyon. Kung siguro narito si Gia, ang nakababatang kong kapatid ay malamang grabe na lang ang tuwa no’n dahil sa naglalakihang building na narito. Isa na rito ang building na kinatatayuan ko ngayon.
Gusto ko rin ang ganitong buhay. Iyong marami kang pera, hindi mo na kailangan magtrabaho ng sobrang dami para lang may makain. Iyong isang trabaho lang ay sapat na para sa iyong pamilya.
Pero sa akin, impossible iyon lalo na’t ako ang nagtatayong ina at ama ng dalawa kong kapatid na nag-aaral pa. Kung nakatapos lang din ako, siguro ay malayo na ang naabot ko. Pero hindi eh, hanggang second year college lang ako at pahirapan pa rin kung makuha ng trabaho.
Kung meron man ay sobrang kaunti lang din ng sahod at hindi iyon makakakain sa dalawa kong kapatid. Kaya mas mainam ito dahil medyo may kalakihan ang sahod kahit hindi ko naman parangap maging cleaner ng kung sinong tao.
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tunog mula sa aking de-keypad na cellphone. Kaagad kong sinagot iyon nang makita si Dane ang tumatawag.
“Asan ka na Gaga? Kanina pa kita hinihintay sa baba, baka kung ano pa ang mangyari kapag naabutan ka ng may-ari dyan!”
Agad akong nagpanic dahil sa sinabi ni Dane sa kanilang linya. Hindi na ako nakapagpaalam pa at pinatay na ang tawag niya.
Mabilis ang galaw ko sa pag assemble ng buong gamit panlinis. Kabisado ko na ang lahat ng iyon dahil nagagawa ko rin ito sa probinsya dati. Nang tuluyang makuha ang lahat ay nilisan ko ang unit.
Sunod kong inisip kung mag eelevator ba ako or maghahagdan na lang. Natatakot kasi ako na baka may mayamang tao akong makasalubong sa elevator at maamoy ako. Nakakahiya iyon at baka isumbong pa ako sa amo ko at sisantihin ako. Ngunit, baka maiwan naman ako nila Dane. Nasa 27th floor ako ngayon baka maiwan talaga ako kung isa isahin ko ang bawat floor.
Bahala na nga, kung may makakasalubong man ay magtatago nalang ako para hindi ako maaboy.
Labag sa loob kong pumasok sa loob ng elevator. Hindi naman ako inosente rito dahil napapanuod ko ito sa mga telebisyon kung paano gamitin. Pinindot ko ang ground floor at sisirado na sana nang may pumigil doon at may kung sinong pumasok.
Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking naka suit. Iyong para bang galing sa isang meeting or papunta pa lang siguro dahil mukha pang bagong gawa ang kanyang buhok. Hindi ko masyado nakita ang kanyang mukha dahil nagtago na ako sa gilid. Naamoy ko kaagad ang kanyang pabango. Muli akong sumilip sa lalaking nasa gilid ko at tamang tama naman iyon na nakatingin pala siya sa akin dahilan para magtama ang aming paningin
Agad akong yumuko. “Pasensya na po kung nag elevator ako, nagmamadali kasi ako. Pasensya na po sa amoy ko.” sunod sunod kong hingi ng tawad at siniksik ang sarili sa gilid para lumayo sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang expresyon ng kanyang mukha dahil nga ay nakayuko ako. Ngunit dinig ko ang pagsinghot niya dahilan para mas lalo akong nahiya.
“Face me,” demanding na wika niya.
Napakagat ako ng labi, nagdadalawang isip kong gagawin ko ba iyon o hindi. Wala rin akong nagawa nang naramdaman ko ang kanyang daliri na dumapo sa aking baba at siya na mismo ang tumulak doon para maiharap ako sa kanya.
Napalunok ako nang makita ang kabuoan ng kanyang mukha. Parang nasa late 20s na siya… siguro… mukhang mayamang talaga, at parang… pamilyar din ang mukha niya. Parang nakita ko na siya sa tv o sa social media.
Mas lalo akong napalunok dahil ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa panga ko. Nakaramdam ako ng sakit ngunit dahil sa matinding takot at hiya ay hindi ko na nagawang umangal pa.
“Are you a cleaner here?” matigas niyang ingles sa akin
“O-Opo,” utal kong sagot dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Are you new?” muli niyang tanong na ikinatango ko na lamang sa pagkakataong iyon.
Pinakawalan niya ang pisngi ko at dumikit ako sa elevator para maglayo kaming dalawa.
“I don't want to see your face on this floor again, you understand?” command niya sa akin.
Umuwang ang labi ko at nagsulat sa kanyang wika. Alam kong mukha akong kawawa ngayon, alam ko rin na mabaho ako ngayon pero kailangan ko ng trabaho. Kung hindi lang ang floor na ito ay susunggaban ko kaagad. Pero paano kung dito ulit? Sayang ang magiging pera ko sana.
“You understand?” matigas na sinabi niya dahilan para mataranta ako.
“O-opo, opo, hindi na po.” sabay kagat ng labi ko para wala na akong masabi pa.
Maraming beses na ako nakakuha ng masasakit na salita. Lalo na sa mga ganitong tao. Iyong mayayaman na para bang sa kanila ang mundo at wala ng karapatang ang mga mahihirap na katulad ko ang makatungtong sa kanilang palasyo.
Gusto kong mag protesta ngunit alam kong ako lang din naman ang kawawa sa huli dahil wala akong pera kagaya nila…
Nang nasa ground floor na kami ay pinauna ko siyang lumabas ng elevator pero alam kung mauuna din naman siya dahil sa palagay ko ay may-ari siya ng isang unit na naririto sa matayog na building na ‘to.
Pagkalabas ko ng elevator ay kaagad Kong hinanap si Dane. Nang namataan niya ako ay kaagad niya akong minadali. Mabilis ang galaw ko at kaagad akong nakarating sa kanila.
“Bakit ang tagal mo?!? Magbibigyan na ng sahod ngayon! At kapag natagalan ka pa ay aalis na si Madam, hindi ka na mabibigyan pa. Iyan ang rules ng cleaning dito.” paliwanag pa nito.
Hindi ko alam na may ganong patakaran. E ‘di sana ay mas dinalian ko ang paglilinis kanina. Hindi na sana ako nag imagine pa na may ari ako ng unit na iyon!
Nang makuha ko ang unang sahod ko sa syudad ay parang nawala ang lahat ng sinabi ng lalaki sa akin kanina. Kahit papaano ay may two thousand ako sa unang trabaho ko. Pero hindi pa rin sapat iyon para sa buong linggo naming magkakapatid, kailangan po pa ng trabaho ulit.
Nilisan naming dalawa ni Dane ang building. Sumakay kami sa pampasaherong jeep na may ngiti sa mga labi dahil may pera kaming dalawa.
Pumunta kami sa isang grocery store at bumili ng pagkain para sa isang linguhan lamang. Halos instant lahat ng napili namin dahil alam namin na wala na kaming panahon pa para nakapagluto.
Tatlong de lata na iba iba ang binili ko. Dalawang instant noodles at tatlong pancit canton. Bumili rin kami ng itlog at hahatiin naming dalawa. Habang ang kanin naman ay sa tyange lang para mas mura sa amin.
Pagkatapos bumili ay umuwi kaming dalawa. May nakuha kaming maliit na apartment ni Dane, may ibang boarders din ang naroroon ngunit halos ay babae. May nakita rin akong lalaki ngunit iilan lang at mga babanta pa. Malapit din kasi ito sa school kaya convenient talaga.
Pumasok kami sa loob ng aming silid. Nilapag ang lahat ng aming binili at inayos iyon. Nag-ayos na rin kami ng damit. At habang nag-aayos ay may tanggap na namangkot tawag si Dane.
“Talaga ba? Kailangan ang start kung ganon?... Ha? Ngayong araw?!... Sige sasabihan ko ang kasama ko para makapag-ayos na kami… sige sige salamat, Rebecca.” sabay putol niya ng tawag.
Kita ko ang malapad na ngiti niya sa akin. Kitang kita ko ang papuputi niyang ngipin dahil sa tindi non. Alam ko na kaagad kung ano ang kasunod kaya hinanda ko ang sarili.
“May panibaging raket, sa isang restaurant. Short daw sila sa mga tauhan, kaya kailangan nila tayo!” masaya niyang balita.
“Ano ba naman ang gagawin natin don? Kailangan ko ng background para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin. Hindi kagaya kanina na may rules pala na dapat sundin.”
Agad niya akong inirapan.
“Cleaning lang din ulit. Bawal satin maging waitress dahil hindi tayo trained. Pagkatapos nilang kumain tayo ang magliligpit at tuwing rush hour lang naman tayo kailangan sabi ni Beca kaya may oras pa tayo sa pang gabihan na trabaho.”
Ramdam ko na ang pagod sa isip ko pa lang dahil sa sinabi niya. Ngunit hindi ko talaga kailangan magpahinga. Kailangan ko ng pera, kailangan kong may maipadala tuwing linggo para sa dalawang kapatid kong umaasa sa akin.
Pagkatapos ng usapan ay nag ayos kaming dalawa ni Beca. May uniform daw doon kaya hindi na namin kailangan mag problema pa sa susuotin namin. Isang blouse at mahabang palda ang suot ko. Kasama ng doll shoes na nabili ko noong nag aaral pa.
Tinungo namin ni Dane ang lugar. Nagkanda-ligaw-ligaw pa kami dahil nakalimutan na ni Dane ang lugar. Ngunit nakaabot naman, kitang kita namin na busy talaga ang mga tao roon dahil maraming kumakain at mukhang… mayayaman.
Lahat sila ay nakasuot ng expensive na damit. Lahat sila ay magaganda at gwapo dahil sa kanilang pananamit.
Hinila na ako ni Dane papunta sa kabilang pintuan. Pagkapasok namon ay parang naroroon ang supervisor ng restaurant.
“Rebecca! Rebecca! Rebecca!” sunod sunod niyang sigaw sa kaibigan ni Dane.
“Madam, yes po?” nagulat pa siya nang makita niya kaming dalawa ni Dane.
Hinuhugasan pa nito ang kamay. Base sa kanyang damit ay cook siya rito. Malinis siyang tignan at mukhang desinte rin naman. Paano niya nakilala si Dane?
“Sila ba iyong sinasabi mong mga kaibigan mo? Are they skilled enough to enter my restaurant?” striktang tanong niya.
Kita ko ang sunod sunod na tango ng kaibigan ni Dane.
“Opo madam, magagaling iyan at subok na rin dahil magagaling iyan sa probinsya namin.” sagot niya na ikinagulat ko, hindi ko pa siya nakita sa probinsya namin kahit kailan.
“Kung ganoon ay pwede na kayong magtrabaho.”
Wala ng patumpik tumpik ay nagbihis kaming dalawa ni Dane. Lumabas kami sa kitchen area at nagtungo sa dining area. Hindi lamang kami ang naroroon at may dalawa pa kaming kasamahan na nasa second floor daw ng restaurant.
Nakadalawang table pa lamang ako sa pagliligpit ay pinatawag ako ng madam. Agad naman akong lumapit sa kanya.
“You can move on the second floor. You two both have skills hindi pareho nang nasa itaas na usad pagong!” mautoridad niyang sambit.
Nagmadali ako sa pagpunta sa ikalawang floor. Nilinis ko kaagad ang nakita kong table na nakita. Nang matapos ay may umupo kaagad na pamilya roon.
Sunod sunod ang ginawa kong paglinis sa second floor dahil maraming taong mas pinili rito keysa sa ibaba.
Habang naglilinis ay ramdam ko ang pawis sa aking noo kahit na puno ng aircon ang paligid. Patapos na ako at isang punas na lang ang gagawin sa lamesa nang may kung sino akong nabangga.
“What the f-ck! Hindi ka ba tumitingin sa paligid mo?” matinis na boses iyon galing sa likuran ko.
Napapikit ako ng mata. Ito ang una kong tinatatak sa utak ko na huwag silang banggain ko kahit hawakan man lang. They are saint, santo sila sa kanilang paniniwala. Habang ako naman ay normal lamang.
Lumingon ako. Pagkalingon na pagkalingon ko ay hindi ang babae ang nakuha ng atensyon ko. Kung ‘di ang lalaking nasa likuran niya. Nanlaki ang mata ko at bumalik sa isipan ko ang mga sinabi at binilin niya sa akin bago lumalis sa elevator na ‘yon.
Aniya ay hinding hindi ako magpapakita sa kanya.
Ngunit hindi pa man nakakaisang araw ay muling kaming nagkita. Pat-ay, mukhang mawawalan pa ako ng trabaho nito!
Bakit ba kung nasaan ako ay nandoon siya?
Malamang Gigi, mayamang ‘yan kahit saan mapupuntahan niyan. Ikaw nalang ang mag-adjust!
“Pasenysa na po, sorry po.” mahinang boses kong sinabi.
Hindi na hinintay ang sasabihin ng babae niyang kasama ay nilisan ko ang kanilang lugar at muling nilinisan ang isang table sa hindi kalayuan nila.
“Hey beautiful, hindi sa’yo bagay ang maglinis lamang. Bagay sa’yo ay ginagawa kang prinsesa,” wika ng isang matanda na parang nasa 50s na.
Ramdam ko ang kamay niyang dumapo sa kamay ko. Hahablutin ko sana ang iyon ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Gustong gusto ko na siyang hambalusin ng ginagamit kong pamunas ngunit hindi ko magawa dahil malamang sa malamang ay kahit masabi ako ng totoo ay hindi ako paniniwalaan ng mga taong narito.
They will all believe that I seduced this old man. Kagaya na lang sa nangyari sa akin dati… nawalan ako ng malaking income dahil doon.
“Bitiwan niyo po ako, ” sinubukan kong maging huminahon para hindi na lumaki ang gulo.
“Bakit kita bibitawan? Napakaganda mo, hindi sa'yo bagay rito. Bagay sa'yo sa bahay ko.” banat pa niya na ikinakaba ng dibdib ko.
“Bitawan niyo po ako, please po.”
“Ano bang gusto mong ibigay ko sa’yo para–”
Naputol ang sasabihin niya dahil may kung sinong nagsalita mula sa likuran ko.
“Hindi ba sinabi na niya nabitawan mo siya?” malamig na boses na nasa likuran ko.
Kumalabog ang puso ko. Ayaw ko ng gulo, mas lalaki ito kapag may nakikisama pa na hindi naman damay.
Pero epektibo iyon dahil lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng matanda. Nakawala ako sa kanya at pagkalingon ko ay ang lalaki sa elevator iyong nakita ko.
Nakatingin siya sa akin gamit ang madilim niyang mata bago dinapuan ang matanda.
“Ahmet Muller, pasensya na. Nagandahan lang ako sa kanya, gust—”
“Shut the f-ck up,” mahina ngunit madiin niyang wika sa matanda.
Lumapit agad ako sa lalaking nag ngangalan Ahemt Muller, iyong lalaki sa elevator.
“Please, ayaw ko ng gulo. Masisisante ako, please po huminahon po kayo.” pagmamakaawa ko sa kanya.
Iniwas ko pa ang kamay ko na akmang hahawakan sana siya ngunit naalala ko na mayaman pala ang taong ‘to. At baka ano rin ang isipin ng mga taong narito.
“Don’t tie your hair if you want to remain in this job. Just wear a hairnet.” bilin pa niya sa akin.
Sunod sunod akong tumango sa takot na baka masisante pa ako sa ginagawa niya. Pagkarating ko sa staff room ay nilugay ko ang aking buhok. Napatingin ako sa salamin dahil sa nangyari.
Gano’n ba ako kapangit kapag nakatali ang buhok ko?
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inayos muli ang aking buhok. Sinakop ko lamang iyon ng hairnet at iniwang nakalugay.
****
This book will only have 40-50 chapters but expect a high word count. The word count is the amount you are paying, I'm trying my best to minimize the words but I am also satisfying myself and give justice to plot. If you really want to read this please expect a HIGH WORD COUNT!!!