Kabanata III: Wife
|MARIA|
"HMMMN.."
Napaungol ako dahil sa lambot ng hinihigaan ako. Teka, nasaan ba ako? Naaamoy ko ang bango ng kamang kinahihigaan ko. Dinig na dinig ko ang lagaslas ng mga puno mula sa bintana.
Gusto kong imulat ang mga mata ko, pero napakabigat n'on kaya hindi ko magawa. Gusto ko pang matulog sa kinahihigaan ko. Napaka-komportable. May naririnig rin akong parang bumubulong. Napakunot ang noo ko ng madinig ang pamilyar na boses ni manang Helen.
"Kailangan niya lang magpahinga. Mukhang napagod siya kakatakbo kagabi."
Teka, nasaan ba ako?
"Sige. Salamat." dinig kong tugon ng isang baritonong boses kay manang Helen.
"Hmmmm." muli akong napaungol. Gumalaw ako sa kinahihigaan ko, pero napangiwi ako ng maramdaman ko ang pangangalay ng braso't binti ko. Doon ko na napagdesisyonang imulat ang aking mga mata.
Ang unang tumambad sa akin ay ang dirty white na kulay ng mataas na kisame. Sa bawat sulok nito ay may magarang disensyo ng mga cornices. Sa gitna naman ay may nakasabit na magarang chandelier. Teka, nasaan ba ako? Hindi ito ang kuwarto ko! Bubong lang ang kisame sa bahay!
Napabangon ako dahil doon, kasabay n'on ay muli kong pagngiwi dahil sa pangangalay ng likod ko at bahagyang pagkakahapdi ng kung anong galos sa aking mga braso. Napatingin ako kaagad doon. At isa-isa nagdagsaan ang nangyari kagabi. Ang pagkakatuklas ko sa kasunduan. Ang paghahabol sa akin ng mga lobo. Ang pagiging tao ng isang.. lobo. Napalunok ako. T-Totoo ba 'yong nangyari kahapon?
"Ayos ka na ba, iha?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni manang Helen. Pero lumagpas ang tingin ko sa kanya ng may mapansin akong nakatayo mula sa likuran niya.
Nakapamulsa ito at nakasandal sa dingding malapit sa pintuan. Bahagya itong nakayuko, pero umangat rin ang tingin ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Tumambad sa akin ang pamilyar niyang mukha, maliban na lang sa kulay ng mga mata nito. Hindi pula, hindi kagaya ng kagabing nakita ko. Pulang-pula.
Napaatras ako patungong sulok ng kinahihigaan ko, nagsusumikap na lumayo sa lalaking nakatingin sa akin ngayon. Siya.. siya ang lalaking nagpalit anyo kagabi mula sa pagiging lobo. Hindi ako maaaring magkamali.
Umiwas ako ng tingin at napayuko. Mahigpit kong hinawakan at niyakap ang comforter na nakakumot pa rin sa akin. Biglang may kung anong umahong kaba sa dibdib ko. Anong gagawin niya? Sasaktan niya ba ako?
"Maiwan mo muna kami, Nay Helen. Mag-uusap lang kami." dinig kong utos nito kay manang Helen. Kaagad akong napaangat ng tingin at napatingin kay manang Helen. Pinigilan ko siya ng tumayo ito, nakikiusap sa mga mata ko na huwag niya akong iwan sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Pero imbes na gawin niya iyon, bahagya itong ngumiti at lumapit sa akin. Kaagaran niya akong niyakap, sabay hagod sa likuran ko.
"Mabait si Lucas." bulong nito pagkatapos ay kumawala sa pagkakayakap sa akin. Napatingin lang ako sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto.
Napatingin naman ako sa lalaking si Lucas na nasa harapan ko ngayon, mariing nakatingin sa akin ang kulay pilak nitong mga mata. Pinanindigan ako ng balahibo sa paraan ng titig nito. Muli akong napasiksik sa sulok kong nasaan ako. Inaamin ko, natatakot na ako sa kanya.
Napayuko ako at muling niyakap ng mahigpit ang comforter.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito, kasabay n'on ay ang paggalaw ng kama. Mas lalo akong napasiksik sa sulok ng maramdaman kong malapit siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang nakakatakot niyang awra.
"How are you?"
Parang kusang naglaho na parang bula ang kabang nararamdaman ko sa katanungang iyon. Napaangat ako ng tingin, nagkasalubong ang mga mata namin. Pero ako ang unang umiwas, muli akong napayuko.
"Tinatanong kita, kumusta ang pakiramdam mo?"
Dinig na dinig ko ang pagtitimpi nito sa boses niya. Napalunok ako at napahalukipkip.
"A-ayos lang." sinubukan kong huwag mautal, pero sanhi na rin siguro ng kabang muling umahon sa aking dibdib.
Muling natahimik ang buong kuwarto. Naramdaman ko ang muling paggalaw ng kama. Kitang kita ko sa gilid ng paningin ko na naglakad ito papalapit sa kung saan, at ng humarap ito sa akin ay may dala na itong tray. Kusang napaangat ang tingin ko para malaman kung ano 'yon, at tumambad sa akin ang isang.. agahan.
"Mag-agahan ka muna."
Napatingin ako sa kanya, dahilan para mapatitig ako sa mga mata niya. Umiwas ito ng tingin pagkatapos ay inabot sa akin ang tray.
"Kumain ka muna, mag-uusap tayo mamaya."
Iyon lang ang sinabi niya at naglakad na ito patalikod sa akin. Tumungo ito sa pintuan. Bago lumabas ay nilingon niya ako, muling nagtama ang tingin namin, pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Napakagat-labi ako, ang lamig niyang tumingin.
Napatingin ako sa laman ng tray, isang platong may lamang kanin, itlog at bacon, pagkatapos ay may tubig doon at isang mangkok ng sopas. May saging pa sa kaliwang bahagi ng plano. Kusang tumunog ang tiyan ko sa nakikita ko, siguro nga'y kailangan ko munang mag-agahan.
NAPADIGHAY ako ng matapos akong kumain. Kaso nga lang, napapangiwi pa rin ako sa nangangalay kong braso. Parang gusto-gusto kong magpahilot, buong katawan.
Napatingin ako sa mga galos na nasa braso ko. Parang ako na lang ang naaawa sa sarili ko dahil sa dami ng galos na tinamo ko. Dahil narin siguro ito kahapon. Napabuntong hininga ako. Nagmumukha akong nakipagwrestling sa leon sa braso ko.
Napaupo ako ng matuwid ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Iniluwa mula roon si manang Helen. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Akala ko siya na.
Ngumiti ito papalapit sa akin ng maisarado niya ang pinto.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.
"Medyo po. Pero, nangangalay ang buo kong katawan." tugon ko.
"Posibleng dahilan ay dahil sa pagod mo kakatakbo kahapon. Nakarating ka sa boundary ng baryo natin."
Nagulat ako sa sinabi ni manang Helen. Nakarating ako sa boundary? Ganoon kalayo ang tinakbo ko? Kaya pala ang sakit-sakit ng katawan ko.
"Oh siya, pinapunta lang ako ni Lucas dito dahil mag-uusap daw kayo. Nasa silid aklatan siya."
Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaki. Lucas.
"Kaya mo ba?"
Napatingin ako kay manang Helen na handa akong alalayan. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya.
"Huwag na po, manang.. Kaya ko po."
Tumango ito matapos kong sabihin iyon. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa aking binti at nag-umpisang kumilos paalis ng kama. Hindi pa ako nakakababa ng maramdaman ko na naman ang kirot ng pangangalay sa binti, braso at likuran ko. Napadaing ako ng wala sa oras.
"Ayos ka lang iha?" nag-aalalang tanong ni manang Helen.
"A-ayos lang po." Tugon ko kaagad. Sinuot ko ang tsinelas na nasa sahig at sinubukang tumayo, muli akong napadaing ng maramdaman ko ang pangangalay ang binti ko. Argh.
"Huwag ka nang tumayo iha. Maupo ka na lang diyan at ipagpahinha ang katawan mo. Sasabihan ko na lang si Lucas na siya ang pumunta dito---"
"Hu-huwag na po manang! K-Kaya ko naman po. Nakakahiya!"
Sinubukan kung tumayo uli pero napadaing ako sa muling pagkirot ng binti ko. Na naman.
"Sinasabing huwag nang kumilos, ang tigas ng ulo. Diyan ka na. Maupo ka diyan. Kapag nakita kitang gumalaw malilintikan ka sa akin."
Napangiwi ako sa sinabi ni manang Helen. Bigla ko namang naalala si nanay dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako.
"Sige, diyan ka muna."
Iyon lang ang sinabi ni manang Helen pagkatapos ay naglakad palabas ng kuwarto. Nang sumarado ang pintuan ay bumalik ako sa gitna ng kama. Kinumutan ko ang paanan ko. Ngayon ko lang napansin ang suot kong puting pares ng pajama. Baka si manang Helen ang nagbihis sa akin?
Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Hindi ko pa rin maiwasnag hindi mamangha sa karangyaan ng buong kuwarto. Hindi mo inaakalang sa makalumang itsura ng mansyon ay napakaganda ng loob. Don't judge the book by it's cover ika nga.
Napabuntong hininga ako. Kapalit ng magiging buhay ko ngayon ay ang magandang buhay ng pamilya ko. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa nila iyon sa akin. Pero pilit kung iniintindi, para sa pamilya. Pero paano naman ang karapatan ko? Ang kalayaan ko? Parang hindi ko na ata makakamit iyon.
Napaangat ako ng tingin ng mapansin ko ang pagpihit ng doorknob, kasabay n'on ay ang pagbukas ng pinto. Sa pag-aakalang si manang Helen iyon ay ngumiti ako. Pero kaagad ring naglaho iyon ng magtama ang tingin namin ng lalaki—si Lucas.
Isinarado nito ang pintuan at narinig ko ang pagclick ng lock. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
"Bakit mo nilock?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at naglakad papalapit sa kama. Hinila nito ang upuan mula sa harapan ng dresser at pinaharap sa akin iyon. Naupo siya roon at pinagkrus ang ang braso't paa nito. Sumandal ito ng bahagya sa upuan at tinitigan ako. Napayuko ako dahil bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig niya.
"Why? Anong masama 'pag nilock ko ang kuwarto?" tanong nito. Napakagat labi ako dahil doon. Gusto ko siyang saguting, baka may gawin siyang masama sa akin! Nakita ko ang ang nangyari kagabi.
Wala sa sarili akong napasiksik muli sa sulok ng kama. Inangat ko ang tingin para tignan siya, sumalubong sa akin ang seryoso niyang tingin.
"Ganoon ka ba ka takot sa akin?" walang emosyong tanong nito. Napayuko ako. Hindi ako kaagad nakasagot. Tumayo siya mula sa kinauupuan at naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Muli akong ginapangan ng kaba sa katawan. Mariin kong hinawakan ang comforter at napatingin sa kanya. Gumapang ito papalapit sa akin.
Doon ko napansin sa malapitan ang makapal nitong kilay, ang mahaba nitong pilik-mata, ang abong kulay ng mata nito, ang matangos nitong ilong at mapupulang labi nitong, bumagay sa hugis ng mukha niya. May kaunting bigote ito na siyang nagpadagdag sa kagwapuhan nito. Hindi ko ikakaila 'yon, bulag na ako kapag sinabi kong hindi siya gwapo.
Napatikhim ako ng mapansin kong sobrang lapit na pala niya sa akin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.
"Why? Anong kinakatakot mo?" Halos pabulong na tanong nito. Napalunok ako ng mapansin kong kakaiba sa pandinig ko ang boses niya. Para bang, binubuhay nito ang ibang katauhan ko. "You must learn not to be afraid of me. Dahil simula ngayon, palagi na tayong magkasama." pagpapatuloy nito.
Mas lumapit pa ito sa akin. Parang naging bihag ako nito gamit ang katawan niya. Naipikit ko ang aking mga mata dahil doon. I felt him leans forward dahilan para tumama ang ilong nito sa bandang leeg ko. I groaned silently. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa aking leeg. Napakagat labi ako, parang bigla akong hindi makahinga.
Pero napasinghap ako ng maramdam ko ang pagdampi ng mga labi nito sa akin leeg. Doon na kumilos ang mga kamay ko. Nilapat ko iyon sa malapad niyang balikat para sana itulak ito, pero hindi ko nagawa dahil parang ang lakas ko ay nawawala. Hindi ko mahanap.
Gumalaw ito, pero mas lumapit pa ito sa akin. Sinimulan niyang halik-halikan ang leeg ko. Napapikit ako ng mariin. I should stop him, dapat ko itong itulak at sampalin sa ginagawa niya. Pero bakit hindi ko magawa?
Gumapang pataas ang labi nito. Ngayon ay nasa lalamunan ko na, patungo sa aking baba. Napaawang ang mga labi ko. Gosh.. hindi ko lubos maisip na nararamdaman ko 'to.
Pero napaungol ako ng wala sa oras ng maglapat ang mga labi nito sa akin.
This isn't my first kiss, pero nang siya ang humalik ay tila bang una ko ulit iyon.
Teka nga, paano ba napunta dito ang usapan? Bago ko pa masagot iyon ay mas lumalim pa ang halik nito. Mas lalo akong napaungol ng maramdam ko kung paano niya ginagalugad ang aking bibig. Kasabay n'on ay naramdaman ko na lang ang kamay nito na gumagapang sa aking likuran. Taas baba mula sa aking batok hanggang sa aking balakang. Napakapit ako ng mahigpit sa damit niya.
Ano bang.. ginagawa niya sa akin?
Ilang saglit lang ay pareho kaming kumalas sa halik. Sabay kaming naghahabol ng hininga. Napasandig ang noo ko sa dibdib nito. Goodness, nangyari talaga ito?
Iminulat ko ang aking mga mata at inangat ang tingin sa kanya. Tumambad sa akin ang mga mata niyang nakatingin sa nakaawang kong labi. Lumipat rin ang tingin niya sa mga mata ko, kasabay n'on ay ang pagngisi nito. Pakiramdam ko ay biglang namula ang pisngi ko dahil doon. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya. At doon ko tuluyang napansin ang posisyon naming dalawa.
Ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid ko. Ang kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa kanyang damit. Parang napapasong binitawan ko iyon. Kasabay n'on ay ang plano kong paglayo sa kanya. Pero huli na nang mapagtanto kong wala na akong aatrasan pa. The headboard of the bed is against my bac. Kagat-labi ako napatingin sa mga mata niya.
"Uh—"
"You're beautiful.." pabulong na sambit nito. Natigilan ako doon kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi. Napaiwas ako tingin sa kanya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, at pakiramdam ko ay naririnig niya iyon.
"Lucas.." pabulong kong sambit sa pangalan nito para sana iparating sa kanya na hindi ako komportable sa ginagawa niya. Pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito sa kanyang mga labi.
"T-Teka lang L-Lucas.. a-ahm.." s**t!. Gusto kong sabihin sa kanya na kung pupwede ba ay dumistansiya siya sa akin.
"Akala ko hindi na tayo magkikita ulit." I heard him say. Mabilis na kumunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya. Magkikita ulit? Anong ibig niyang sabihin?
"Pasensya na sa ginawa ko." nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Ginawa ko ang pinakamadaling paraan para makuha ka." Pagpapatuloy nito.
Hindi ko na kailangan magtanong kong ano ang ibig sabihin niya. Ofcourse, ang pagpapautang niya ng malaki sa aking mga magulang na dumating sa punto na hindi na nila ito mabayaran. Pero ang ipinagtataka ko, bakit sinabi niya na iyon lang ang madaling paraan para makuha ako? What?
Tumahimik na lang ako at hindi kumilos. Makikinig ako sa mga sasabihin niya. Baka sakaling malaman ko ang dahilan kong bakit niya ito ginagawa.
"Akala ko hindi mo na ako tuluyang mapapansin. Akala ko hindi na kita makakapiling.. That's why I have to do it out of desperation..."
Napakagat labi ako. Mas kumabog ng mabilis ang dibdib ko sa mga sinasabi miya. Ano bang ibig sabihin nito? Makapiling? Mapansin? Bakit?
"Maraming namamatay sa maling akala." nasambit ko na lang. Minsan ko na ring nagawang mag-akala. Tignan mo kong saan ako napunta. Ngayon ay gahibla na lang ang distansiyang namamagitan sa amin.
Tumitig siya ng mariin sa aking mga mata. I wanted to look away pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Bakit? Minsan ka na bang nag-akala?" tanong niya sa akin. Pinamulahan ako sa sinabi nito. Bakit ko ba nasabi 'yon?
Napansin ko ang paglapit ng mukha nito sa akin. Hindi katulad kanina nagpaubaya na lang ako, ngayon ay umiwas na ako. Atleast I could say na gumagana pa ng maayos ang utak ko. Dumapo ang mga labi nito sa pisngi ko. Lihim akong napamura.
Hindi siya gumalaw. Tumahimik ang paligid. Tanging ang paghinga naming dalawa ang naririnig ko.
Parang ngayon lang isa-isang rumehistro ng tuluyan ang mga nangyari bago lang. Napapikita ko at lihim na napamura. Ang landi mo Maria!
Nagpakawala ito ng malalim na hininga bago tuluyang dumistansiya sa akin. Naupo ito ng maayos sa aking harapan. Kahit paano ay nakahinga ako doon ng maluwag. Pero napitlag ako ng wala sa oras ng maramdaman ko ang pag-abot niya sa kamay kong nakatiklop. Napatitig ako sa kanya at nakita kong sinusuri niya ang braso kong may mga galos. Ganoon rin ang ginawa niya sa kabilang braso ko. Bakas sa pagmumukha nito ang pag-aalala. Pero alam kong guni-guni ko lang 'yon. Siya ang dahilan kong bakit tuluyang hindi ko na makakasama ang aking pamilya.
Mapait akong napatawa ng palihim. Oo nga pala, dapat alam ko ang kakalagyan ko sa bahay na ito.
Sinubukan kong bawiin ang pagkakahawak niya sa braso ko, pero hindi niya ako hinayaan. Muli akong napatingin sa kanya.
"Masakit ba?" tanong niya at napatingin sa akin. Nagsalubong ang mga tingn naming dalawa, at nabighani na naman ako sa ganda ng mga mata niya. Wala sa sarili akong napatango. Nabalik lang ako sa wisyo ng mapansin kong muli siyang lumapit sa akin. Pero ngayon, unti-unti niyang inaangat ang kaliwang braso ko. At halos ikagulat ko ang sumunod niyang ginawa.
He licked my wounds. Nakaramdam ako ng hapdi, pero matapos ng ginawa niya ay muli akong nagulat sa nakita ko. W-Wala na ang sugat! Parang nabato ako sa kinauupuan ko. Paano nangyari iyon?!
Hindi na ako nakagalaw dahil sa ginagawa niya. Pinagmamasdan ko na lang siya. Mabuti nga at hindi ako nawalan ng malay. At nang matapos iyon ay umangat ang tingin niya sa akin at bahagyang ngumiti. Alam kong nakaawang pa rin ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Mukhang napansin niya iyon kaya linapit niya ang mukha niya sa akin.
Dapat akong umiwas at tanungin kung paano niya napagaling ang mga galos ko. Dapat ko siyang komprantahin kung parte ba ito ng...pagkatao niya. Na tama ba talaga ang nakita ko kagabi, na hindi lang ako basta namamalik-mata.
Ngayon ay nasa pag-iisip na ako habang nilalapit niya ang pagmumukha sa akin. Pero hindi ko ba alam kong bakit napapikit nalang ako ng magtama ang mga labi naming dalawa. Wala na. Sumuko na naman ako ulit. Lumapat sa malapad niyang dibdib ang aking mga palad. Ilang sandali lang ang tinagal n'on pagkatapos ay humiwalay din siya. Iminulat ko ang mga mata ko at nang magtagpo ang tingin namin, para akong sinindihan ng apoy ng marealize ko ang nangyari. Kagat-labi akong umiwas ng tingin. Narinig ko ang mahina niya pagtawa dahilan para mas dumagdag ang nararamdaman kong hiya.
Kinuha niya ang pagkakahawak ng mga kamay ko sa kanyang dibdib. Pagkatapos ay hinawakan niya itong pareho. Hinawakan niya ang aking mga kamay at inumpisahang paglaruan. Tumaas ang kilay ko dahil sa ginagawa niya.
Ilang sandali pa ay binitawan niya rin iyon. May dinukot ito na kung ano sa kanyang bulsa. Ilang sandali pa ay nakita ko na lang na hawak-hawak niya ang isang maliit na kahon na kulay itim. Binuksan niya ito at may kinuha roon. Pero halos napasinghap ako sa gulat ng malaman kong ano iyon. Isang... isang singsing!
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at napatakip sa labi ng wala sa oras dahil sa sobrang gulat. Nakatuon pa rin ang tingin ko sa hinahawakan niya na sa simula't sapol hindi ko alam kong bakit ba siya mayroon n'on.
"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong niya. Nanlalaking mga mata akong napatingin sa kanya. Nagkasalubong ang tingin namin. Mas lumawak ang ngiti ng mapansin niya ang reaksyon ko.
He then immediately took the ring on the box. Nilagay niya iyon sa kanyang tabi. Sinundan ko ang bawat kilos niya, hanggang sa pagsuor nito ng singsing sa aking kamay. Mabilis kong naramdaman ang malamig na metal sa palasingsingan ko.
Napatitig ako ng diretso doon. I don't know what the band is made, ngunit ang puting kulay nito ay bumabagay sa isang maliit na bilog sa gitna. It's like a small moon I'm seeing and it is surrounded by small studs of diamonds.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko iyong tinitigan habang nasa daliri ko. Ilang beses na napakurap.
"Your happy?" Basag niya sa pagkabigla ko. Mabilis akong napatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang kagalakan sa mga mata nito.
Agad akong nahimasmasan ako sa nangyayari.
"Ba-baki.. anong... anong ibg mong s-sabihin? Bakit ko magugustuhan? Bakit ako magiging masaya? Bakit?! Para sa akin 'yan? Teka. W-what?!" literal akong nauutal dahil sa pinagsasabi ko. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Ang daming katanungan ang nagsisismulang mamuo sa isipan ko. Ibinalik kong muli ang timgin sa singsing na nasa daliri ko. I can't help myself to admire its beauty....
Aanhin ko naman ang singsing na 'yan? Nagpopropose siya? Teka.. ito ba ang kapalit ng utang ng pamilya namin sa kanya? Ang ikasal sa kanya?
"Of course it's yours. Kanino ko pa ba ibibigay 'to? You're my wife afterall."
Doon na ako napalingon sa kanya. Nahuli ng pandinig ko ang huli nitong sinabi.
My Wife?!
Teka? Asawa niya ako?!
To be continued...