Kabanata IV: Unexpected Guest
|Maria|
NAPATITIG ako sa isang papel na hawak-hawak ko ngayon. Isa-isa kong binasa ang laman n'on. Napalunok ako habang napapahugot ako ng malalim na hininga. Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko na ngayon at hawak-hawak ang proweba na kasal ako sa kanya.
Kasal ako sa isang Lucas Lancaster.
Totoo nga, hindi ito nagsisinungaling nang hingian ko siya ng proweba. Muli akong napalunok. Nangingnig ang kamay ko habang ibinababa ang papel na hawak-hawak ko. Ang aming marriage contract. Tumatak sa isipan ko ang pirma ko sa ibabang bahagi n'on.
Nilagay ko sa lamesang nasa harapan ko ang marrigae contract. Napapikit ako ng at napahilot ng sentido. Kasabay n'on ay napasandal ako sa sofang kinauupuan ko.
Paano ko ba napirmahan ang kontratang iyon? Wala akong maalala na may pinirmahan akong isang marriage contract! Unless..
Iminulat ko ang mga mata ko at kaagad na napatayo. Sinundan niya ako ng tingin.
"You forged my signature!" pagbanta ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Forged? Tingin mo may panahon pa ako para gawin 'yon?" may panunuya nitong sabi.
"Bakit?! Hindi naman imposible iyon! Dahil wala akong maalala na may pinirmahang kontrata! The last time I signed a contract is..."
Napahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko ang huling pagpirma ko ng isang kontrata. It was my last day here at pabalik na ako sa siyudad. I was in hurry, at ang nanay ay naghahabol na pirmahan ko raw ang isang importateng kontrata. Wala na akong oras para pa basahin iyon kaya kaagad ko na lang pinirmahan. Dahil malaki naman ang tiwala ko kay Mama. Buong akala ko...
Akala.. Nag-akala na naman ako.
Ibinalik ko ang tingin kay Lucas, I saw him smirked habang mariing nakatingin siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako.
"So you remember now?" anito na parang nababasa ang isipan ko. Muli akong napalunok. Napaupo ako sa sofa, pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng lakas. Napasinghap ako at napapikit. Muli akong napahilot sa sentido, dahil parang bigla itong sumakit.
Naalala ko uli ang ginawa ni Mama. How could she do this to me? Tanggap ko na ipinagpalit niya ako sa pera, pero ang pagsamantalahan niya ako, hindi ko inaasahan iyon. Pakiramdam ko, pinagtaksilan ako ng buo kong pamilya. Parang ipinapakita sa akin na hindi ako nababagay doon. Ano bang nagawa ko?
Napasinghot ako at napahawak sa aking pisngi. I just saw myself crying. Umiiyak dahil sa nalaman ko. Ano pa bang pagtataksil ang malalaman ko? Wala na bang katapusan 'to?
Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may tumabi at yumakap sa akin. Inangat ko ang tingin ko, at nagtagpo ang tingin namin ni Lucas.
"Shh.. stop crying."
He pulled me close to him dahilan para bumaon sa dibdib nya ang pagmumukha ko. I put my both hands to his chest, ready to push him away. Pero natigilan ako when I felt him kiss my head. Imbes na itulak siya, napakapit na lang ako sa damit niya at doon napahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na rin ako sa kanya. I find it comforting, kaya hindi ko alam kung ilang minuto ba ang inabot para tuluyan akong huminto sa pag-iyak.
"Feeling better?" tanong nito ng ako na ang unang kumalas sa pagkakayakap namin. Pero hindi niya ako hinayaang makalayo sa kanya. Nanatili ang braso niya sa bewang ko.
Napaangat ako ng tingin at nagtagpo ang tingin naming dalawa. Napakagat labi ako ng makita ko kung gaano siya ka-concern. Napaiwas ako ng tingin, pakiramdam ko pinamumulahan ako ngayon.
Napansin ko na basa na ang suot nitong t-shirt. Napakagat labi ako at muling inangat ang tingin sa kanya. I saw a small smile crept into his lips, siguro ay naaliw sa ginawa ko.
"Your shirt.."
"Nah.. It's okay. But.." sumeryoso ito ng tingin sa akin. "This is the last time you'll cry. I hate seeing you cry." anito. Napatitig ako sa abo niyang mga mata. Bumilis ang t***k ng puso ko. Tama ba ang nadinig ko sa kanya?
Ilang sandali ang tinagal ng pagtitigan namin nang may maalala ako. Napaiwas ako ng tingin. If kasal nga ako sa kanya, sa isang tulad niya.. Ibig sabihin, kasal ako sa isang... lobo. Pero paano ko masisisguro na tama ang nakita ko kagabi, na hindi lang ako namamalik-mata?
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Sumalubong sa akin ang titig niya. Lihim akong napa-ungol, bakit ba ang ganda ng mga mata nito? Napalunok ako, kaya ko ba siyang tanungin?
"Lucas? Iho.. nariyan ka ba sa loob?"
Sabay kaming napatingin sa pintuan. Kumatok si manang Helen sa labas.
"Lucas?" muling pagtawag nito.
"Nandito po ako manang Helen. Bakit po?" tugon nito pero hinid niya pa rin ako binibitawan.
"Tumawag si Elie, may pinapasabi."
Nagkatinginan kami ni Lucas. Napansin ko ang pagtaas baba ng adam's apple nito. Ilang saglit lang ay inalis nito ang pagkakayakap sa akin at tumayo, hindi niya inaalis ang pakakatingin sa akin.
"Stay here.."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Napabuga ito ng hangin at mariin akong tinignan.
"Pupwede ring ipahatid na lang kita kay manang Helen pabalik sa kuwarto mo."
Hindi ako umimik sa sinabi niya. He looked at me directly, muling naputol iyon ng kumatok muli si manang Helen. Napabuntong hininga si Lucas at nagsimulang maglakad patungong pintuan. Binuksan niya iyon at iniluwa si manang Helen.
Unang nagtagpo ang tingin namin bago ito napatingin kay Lucas. May ibinulong ito na kung ano kay Lucas dahilan para tumango ito. Sabay silang napatingin sa akin.
"Manang.. puwedeng ihatid mo muna siya sa kuwarto niya while I'm away."
Tumaas ang kilay ko sinabi niya. Aalis siya?
Tumango si manang Helen at ngumiti sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik. I looked at Lucas na ngayon ay naglalakad papalapit sa akin. Nang makarating ito sa harapan ko ay umupo ito pabalik sa tabi ko at niyakap ako. Bahagya akong naninagas doon.
"I'm going somewhere.." anito. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya at hindi ko maiwasang maamoy ang bango niya.
"Dito ka muna while I'm away. I'll be back before dinner."
Binigyan niya ng distansiya ang pagitan naming dalawa. Muli niya akong tinignan. He tucked my hair na tumabon sa kabilang mata ko pagkatapos ay ngumiti. I just looked at him directly. Hindi niya iyon pinansin at hinalikan na lang ako sa sentido. Napapikit ako at lihim na napangiti. I find his gesture sweet.
Naalala ko ang nangyari kagabi noong naririto ako. He's crashing every things. Sa isip ko, maaaring maikli ang pasensiya nito. But the gesture he just made? Napabuntong hininga ako.
I must guard myself to him. Wala akong ideya kong bakit niya ginagawa ito.
Nagpaalam na siya sa akin. Tumango lang ako doon. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas ito sa library. Dito niya kasi ako dinala ng hiningi ko sa kanya ang proweba na kasal kami. Napabuntong hininga ako, nakalimutan ko siyang tanungin. Pero, sasagutin naman kaya niya ako?
"Diba sabi ko sa'yo, mabait siya."
Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang nagsalita si manang Helen sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya dahil nakatayo ito. Sumalubong sa akin ang masaya niyang mukha.
"Mabuti naman kahit paano ay nagkakamabutihan na kayo ng asawa mo."
Nakuha ng atensyon ko ang huli nitong sinabi. Alam niya? Nagsimula itong maglakad palayo sa akin, kaya naman kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko. Sinundan ko siya at nang makalabas kami sa library ay siya na nag naglock nito. Nagsimula kaming maglakad sa pasilyo. Maraming mga paintings ang nakasabit, pero wala akong oras para titigan at hangaan iyon.
Kung hindi niya kayang tanungin si Lucas, kay manang Helen siya magtatanong.
"Manang... ahm.. may itatanong po sana ako." paninimula ko. Napalingon siya sa akin habang patuloy kaming naglalakad.
"Ano 'yon, iha?"
"Ahm".. napalunok ako. Tatanungin ko ba? Pero paano kong nagkakamali lang ako? Paano kung... Napabuntong hininga ako at kaagad na inalis sa isipan ang ibang mga katanungan. Kung hindi ko susubukan, wala akong malalaman.
"Ilang taon na po kayong nagtatrabaho kay.." napalunok ako "..Lucas" pagpapatuloy ko.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Napansin ko ang pag-iisip nito.
"Hmm. Hindi pa isinisilang si Lucas, nagtatrabaho na ako sa mga Lancaster. Bakit mo natanong iha?"
"Ahmm.." s**t! Itatanong ko ba? Bahala na. "Ah-ahh. Kung ganoon po, kilalang-kilala niyo na siya?" tanong ko. Tumango ito. Huminto kami sa isang pintuan, at ng bumukas iyon, tumambad sa akin ang pamilyar na silid. Mukhang bumalik kami sa silid kong saan ako nanatili.
Dumiretso si manang Helen sa kama, at mukhang may inayos doon. Tumayo naman ako hindi kalayuan sa kanya.
"Manang.." ito na."May gusto sana po akong kumpirmahin. Hindi kasi ako mapakali. Ahmm." Napakagat-labi ako.
"L-Lobo po ba s-si Lucas?" napahinto si manang Helen sa ginagawa niya at napalingon sa akin. Tinitigan niya ako na para bang may tinatansiya. Ilang saglit lang ay napabuntong hininga ito.
"Wala ako sa lugar para sagutin 'yan anak. Tanungin mo nalang si Lucas. Tiyak mas maibibigay niya ang sagot na gusto mo."
Pagkatapos sabihin iyong sabihin ni manang Helen ay naglakad na ito patungong pintuan. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nang makarating ito sa harap ng pinto ay kaagad niyang binuksan iyon, pero bago siya tuluyang lumabas ay napalingon ito sa akin. Bahagya itong nakangiti na para bang humihingi ng pasensya. Nginitian ko na lang siya pabalik.
"Anong gusto mong pananghalian?" tanong nito. Napakurap ako.
"Kahit ano pong makakain.." wala sa sarili kong tugon. Tumango ito at tuluyan ng lumabas ng kuwarto.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang pagkakatayo sa harap ng kama bago ko napagdesisyonang mahiga dito. Napatitig ako sa kisame.
Si Lucas ang tatanungin ko dahil siya ang makapagbibigay ng sagot na gusto ko? Ang tanong, sasagutin niya kaya ako, sasabihin ba niya sa akin?
Napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa kisame. Nang mabagot ako ay humiga ako ng maayos. May napansin ako dahil doon.
Napabangon ako at napatingin sa mga braso ko. Wala na ang mga galos doon. Hindi na rin masakit ang katawan ko. Naalala ko ang nangyari kanina, kung ano ang ginawa nito bago mawala ng mga galos ko sa braso. Napakagat-labi ako, at kaagad na inalis sa isipan ang mga nakakahiyang pangyayari kanina. Sinubukan kong huwag isipin ang nangyaring halik. Pero palaging sumasagi sa ispan ko ang mga nangyari. I groaned in frustration. Bakit ko ba naiisip iyon?
"Argh.. baliw ka na Maria." Sabi ko sa sarili ko at sinimulang sabunutan ang sarili. Pero seryoso, paano niya nagawa iyon? Paano niya nagamot ang mga galos ko.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Sigurado ako, sigurado akong isa siyang lobo. Pero.. pero may ganitong uri ng nilalang sa baryo? Akala ko, mga kathang-isip lang ang mga nababasa ko. Akala ko..
Akala.
Napabuntong hininga. Niyakap ko ang unan na katabi ko lang. Kapag nakauwi na siya, tatanungin ko siya ng diretso. Tama, gagawin ko iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko na namalayan na hinila na pala ako ng antok.
NAGISING na lang ako ng parang may yumuyogyog sa balikat ko. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang mukha ni manang Helen.
"Hay nakung bata ka, ang hirap mong gisingin. Pareho lang kayo ni Lucas, tulog mantika." Tumayo ito ng maayos nang makabangon ako. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong makaramdam ng hilo.
"Ayan, ang aga-aga mo pa kasing natutulog." sermon nito. "Oh siya, tumayo ka na riyan at tumungo sa kusina. Nakahanda na ang tanghalian. Mukhang hindi na naman masakit ang katawan mo.." pagkatapos sabihin iyon ni manang Helen ay naglakad na ito palabas ng kuwarto. Naiwan akong nakatingin sa nilabasan niya.
Napagpasyahan ko nang sumunod kay manang Helen sa kusina. Nang makalabas ako sa kuwarto ay hindi naman ako nahirapang hanapin ang hagdan. Sumalubong sa akin ang magarang hagdan. Nang makababa ako ay napadako ang tingin ko ako sa living area.
Kung sana.. hindi ko sinunod ang sinabi ni nanay, siguro ay wala ako rito ngayon. Pero alam ko, kapag hindi ko iyon sinunod, kami rin sa huli ang mahihirapan.
Napabuntong hininga ako at kaagad na dumiretso sa kusina. Nang makarating ako roon, nakita ko ang nakahandang pagkain. Teka, ba't ang dami?
"Manang.. ba't ang dami naman po ng niluto niyo?" tanong ko. Napalingon ito sa akin at sa hinanda niya sa kusina. Napangiwi ito at mukhang napansin ang nagawa niya.
"Oo nga no?" sang-ayon nito sa akin. Ngumiti ito ng bahagya. "Pasensiya na. Medyo naexcite ako kasi hindi na lang si Lucas ang paglulutuan ko, nariyan ka na."
Napalabi na lang ako sa sinabi ni manang Helen. Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya.
Nang makaupo ako ay inaya ko siyang kumain. Mabuti naman kahit paano ay sinamahan niya ako. Masaya kong natapos ang pagkain ko. Kahit paano ay hindi ako nabagot dahil sa pagkuwento ni manang Helen tungkol sa pamilya nito.
Walang sariling pamilya si manang Helen, nakakalungkot nga pero may pamilya naman siyang sinusuportahan. May mga pamangkin itong pinag-aaral. Isang college at dalawang high school. Nalaman ko ring mag-isang katulong si mananang Helen ng Mansion. Kaya pala siya lang ang nakikita kong sikot-sikot dito. Hindi ko rin alam kung paano niya namimaintain ang mansyon ng mag-isa, pero hindi ko maiwasang humanga. Kinwento rin nito sa akin kung paano siya naging katulong ng mga Lancaster. Pero pakiradam ko, hindi buo ang kwento niya. Parang may kulang.
Nagprisenta akong tumulong sa paghuhugas ng pinagkainan namin kay manang Helen pero hindi niya ako hinayaan. Pinababalik niya ako sa kuwarto ko kesyo daw kailangan ko pang bawiin ang lakas ko. Wala naman akong magawa.
Nang paakyat ako ng ikalawang palapag at patungo sa kuwarto ko, humihinto ako sa mga nakasabit na paintings. Naaaliw ako sa mga iyon. Merong senaryo na parang digmaan, meron naman hayop lang. Pero natigil ako sa isang painting.
Isang painting ng isang.. katawang aso. Nakatayo ito sa isang nakaincline na bato, na nagmimistulang bangin. Sa likuran nito ay ang malaking bilog na buwan. Base sa painting ay parang umuungol ito. Hindi detailed ang pagkakapinta, parang isang silhoutte lang ito ng aso na umuungol. Pero pakiramdam ko hindi aso 'yon. Isang Lobo..
"Maria?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita kong nakatayo sa bandang gilid ko si manang Helen. Paano ito napunta sa tabi ko? Ni hindi ko man lang naramdaman ang prisensiya nito. Napansin ko na napatingin rin ito sa painting na nasa harapan namin. Bahagya itong ngumiti at napatingin sa akin.
"Isa ito sa paborito ni Lucas. Ang sabi niya kasi sa akin, dito raw ang una niyong pagkikita."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni manang Helen. Pagkikita? Anong ibig sabihin nito?
"Ano pong ibig niyong sabihin manang?" Napansin ko na parang nabalisa siya ng wala sa oras. Doon ako may nakumpirma. Something's wrong.
"Ahmm. Wala. Sige, maglilinis pa ako sa hardin. Magpahinga ka muna sa kuwarto." iyon lang ang narinig ko kay manang Helen pagkatapos ay naglakad na ito palayo sa akin. Lakad-takbo ang ginawa nito. Napabuntong hininga na lang ako.
Wala ako sa posisyon para magtanong. Pero ang ipinagtataka ko, paanong naging unang pagkikita namin ni Lucas ang senaryo sa painting iyon?
Napabuntong hininga ako at bumalik sa aking kuwarto. Okay, I'm claiming it like if it's my own room. Dumiretso ako sa kama at nahiga. Doon ko lang naramdaman na parang napagod rin ang katawan ko. Bagong gising lang ako pero pakiramdam ko inaantok pa rin ako. Kaya wala na akong nagawa. Humiga ako ng maayos ay muling natulog.
NAGISING muli ako ng parang may yumuyogyog sa balikat ko. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay sumalubong muli sa akin ang mukha ni manang Helen. Napangiti ako ng mapansin kong ang gusot nitong mukha.
"Ano bang ginagawa niyo at ang hirap niyong gisingin?" natawa ako sa tanong nito.
Hindi naman talaga ako tulog mantika. N'ong nasa siyudad ako ay ang aga ko ngang magising. Pero ng makauwi ako dito sa probinsiya ay palagi na akong late magising. Iniisip ko na lang na masyadong relaks ang katawan ko dito.
"Maghahapunan na. Dumiretso ka na lang sa kusina, okay?"
Tumango ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa orasan, halos anim na oras rin ang tulog ko. Sinundan ko ng tingin si manang patungo sa pintuan. Palabas na sana siya ng tinawag ko siya.
"Manag Helen!" napalingon ito sa akin.
"Hmm?"
"Ahm.." napaiwas ako ng tingin at napakagat-labi. Teka, itatanong ko ba? Bahala na. "Naka-Nakauwi na po b-ba si L-Lucas?" nahihiyang tanong ko.
Napansin ko ang pagsilay ng ngiti nito sa kanyang mukha.
"Hindi pa iha. Pero siguro pauwi na rin iyon." tugon nito at tuluyan ng lumabas ng kuwarto.
Napabuga ako ng hangin. Parang bigla akong kinapusan ng hininga dahil sa tanong ko.
Saan naman kay ito nagpunta at ginabi talaga? Sabi niya babalik siya bago maghapunan, pero.. hay. Ano ba 'tong iniisip ko?
Umalis na ako sa kama at inayos ang sarili. Nang makalabas ako ng kuwarto ay tumungo rin ako kaagad sa kusina. Nang makarating ako roon ay mukhang may inaasikaso na naman si manang Helen. Katulad ng kanina, maraming handa sa lamesa. Pero ang iba doon, ay natira namin kanina at mukhang ininit lang ni manang Helen.
"Oh iha, sige umupo ka na.." anito sabay lapag ng isang plato na may lamang ulam sa mesa.
"Uhm.. si Lucas po?" hindi ko maiwasang tanong kay manang.. Huminto ito sa harap ko at bahagyang ngumiti.
"Paparating na siguro. Hindi ko kasi alam, hindi siya nakapagtext sa akin' tugon nito. Hindi naman kasi mahilig sa cellphone iyon." Tumango na lang ako at tinignan ang mga pagkaing nasa harapanan ko.
Ilang beses ko bang tatanungin kong nasaan siya? Teka nga.
Kung hintayin ko na lang kaya siya? Pero.. baka iba ang isipin nito? Nagtatalo ang isipan ko kung hihintayin ko ba si Lucas para sabay kaming maghapunan o hindi na lang at mauuna na lang ako. Pero sa huli, napagpasyahan kong hintayin na lang siya. Siguro nga ay pauwi na ito.
Ilang sandali lang ang lumipas ng makarinig ako ng doorbell mula sa labas. Napatingin ako kay manang na mukhang abala sa ginagawa. Napatayo ako sa kinauupuan.
"Manang.. ahm.." napakagat-labi ako. "A-Ako na po ang magbubukas." Tumango si manang habang nakatalikod sa akin kaya naman kaagad akong umalis sa kusina at tumungo sa pintuan ng mansion.
Inayos ko ang buhok ko at ang sarili ko. Hindi ko alam kong bakit ko ba ginagawa 'yon. Muling tumunog ang doorbell kaya naman kaagad ko itong nilapitan.
May munting ngiti sa labi ang nakapaskil sa mukha ko habang binubuksan ko ang double door. Pero ng mabuksan ko ito, hindi si Lucas ang nakatayo sa labas.
"M-Maria?" usal nito sa pangalan ko.
Hindi ako nakaimik. Teka, anong ginagawa nito dito?!
To be continued...