Chapter Two

3201 Words
Kabanata II: Wolf |MARIA| "A-anong g-ginagawa mo dito?!" Gulat na gulat na tanong ni nanay ng makita akong sumulpot sa kusina. Napatiim ako ng bagang. Wow. So, hindi niya gustong nandito ako? Nagliligpit na ito ng hapagkainan. Sinundan ko ang bawat kilos niya. Hindi man lang ako hinintay o kung may plano ba silang hinatayin ako. "T-totoo ba?" nauutal na tanong ko. Nakatayo ako ngayon sa daan na naghihiwalay sa salas at kusina. Tanging siya lang ang natitira roon. Wala sa salas ang mga kapatid ko at ang tatay. Mukhang nasa kuwarto na ang mga ito. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong nito pabalik sa akin. Ibinaling nito ang atensyon sa nililigpit niyang plato, pagkatapos ay tinalikuran ako at inilagay ang mga plato sa lababo. Tinalikuran niya lang ako ng parang wala lang. "Totoo ba ang narinig ko kay manang H-Helen?" Parang may bikig ang lalamunan ko habang lumulunok. Nakita kong parang nanigas si nanay ng sabihin ko iyon. Lihim akong napamura. Totoo nga? Gusto kong itanggi ni nanay ang mga nadinig ko kay manang Helen. Gusto kong sabihin niya na nahihibang lang ako, nanaginip 'di kaya'y hindi lang naintindihan ang mga sinabi ni manang Helen sa akin. Gusto kong sabihin niya sa akin iyon. "Nay.." halos nagsusumamo na ang boses ko habang binabanggit ko iyon. Gusto kong kumpirmahin niya ang mga nadinig ko. Pero bakit hindi siya nagsasalita? Nagpakawala ito ng malalim na hininga. Nagsimula itong maghugas ng pinggan na para bang hindi ako narinig. Doon na ako nagdesisyong lumapit sa kanya upang siya ay kausapin. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ng humarap ito sa akin. "Bakit ba nandito ka pa, ha?! Sana nanatili ka na doon sa mansyon?! Bakit ka umalis doon? Hindi mo ba alam na maaaring bawiin niya sa akin--" "So, totoo nga? Totoo nga na ako ang pinambayad niyo ng utang?!" nasasaktang sigaw ko. Hindi ko na kinaya ang mabigat na nararamdaman ko kanina. Ilang beses ko pang ikinakaila sa sarili ko iyon, dahil hindi ko maintindihan kong bakit magagawa iyon ni nanay sa akin? Ano bang nagawa ko? Hindi niya ba ako mahal? Hindi niya ba ako kapamilya? Bakit kaya niyang gawin iyon sa akin? Ang daming katanungan sa isipan ko, at wala akong maisip na sagot sa mga iyon. "OO! Totoong ikaw ang pinambayad ko ng utang sa mga Lancaster na 'yon! Ngayon?! Ano na ang gagawin mo?! Pagsasalitaan mo ako?! Sige, gawin mo dahil hinding hindi na magbabago ang isip ko sa mga ginawa ko?!" Natahimik ako sa sinabi ni nanay. Parang bawat salita niya ay pinapana ang puso ko. Sapol. Napahagulgol na lang ako, hindi ko mapigilang hindi umiyak. Nadinig ko ang mga hakbang na papalapit sa likuran ko. At doon ko nakumpirma na nandooon ang mga kapatid ko at si tatay ng magsalita ito. "Anong nangyayari dito?!" Gulat na gulat na tanong ni tatay. Hindi ako lumingon. Ayaw kong makita ako ni tatay na ganito, umiiyak. Baka pati siya, kumpirmahin ang mga sinabi ni nanay. Mas lalo akong masasaktan dahil doon. "Ate! Nandito ka na pala!Nakapaghapunan ka na ba? Ang sarap ng ulam na'tin. Nay, may tinira ka ba para kay ate?" masayang sambit ni Karlo, ang bunso naming kapatid, habang tumatakbo papalapit kay nanay. Nagtaka ito siguro ng hindi siya pinansin ni nanay kaya sa akin ito napatingin. "Ate, ba't ka umiiyak?" natatakang tanong nito. Pinahiran ko kaagad ang luha ko. Kasabay n'on ay ang paglapat ng isang kamay sa balikat ko. Kaagad akong napalingon ako, tumambad sa akin ang malungkot na mukha ni tatay. Na parang gusto nitong humingi mg tawad. Muli akong napaiyak. Hindi. Alam niya? "A-Alam mo, t-tay..?" Hindi ko kailangang marinig ang sagot niya. Dahil pagkatapos kong sabihin iyon ay inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at kaagad na umiwas ng tingin sa akin. Nakapagat-labi ko. Totoo nga. Napapikit ako ng mariin. Sana. Sana hindi ito totoo. Sana, binabangungot lang ako. Pero ilang sandali ang lumipas na tila walang nangyayari. Patuloy sa pag-agos ang luha ko sa aking mga mata. Hindi ako nananaginip. "A-Anak.. patawarin m-mo kami." Dinig kong sabi ni tatay. Iminulat ko ang mga mata ko at hinarap si tatay. Napansin ko na nagtataka ang mga kapatid ko sa mga nangyayari. Pinahiran ko ang aking basang pisngi. "B-bakit?" ang tanging lumabas sa bibig ko. Gusto ko silang tanungin ng napakaraming tanong. Pero iyon lang ang nagawa kong sambitin. Hindi kaagad nakasagot ang tatay. Nakita kong nag-uumpisa nang mamasa ang mga mata nito. "Bakit, tay? Bakit?" muli kong tanong sa kanya. Napikit ito pagkatapos ay hinarap na rin ako ng tuluyan. Narinig ko pagpigil ni nanay pero hindi ko siya pinansin. Nanatili ang mga titig ko kay tatay. "Nakasangala ang bukid natin sa kanila anak." pag-amin ni tatay. "Isinugod si Karlo sa ospital n'ong nasa siyudad ka at nag-aaral. Hindi sapat ang inani naming palay para sa pambayad sa ospital. Napilitan kaming isangla iyon kay Mr. Lancaster sa malaking halaga. Akala namin mababayaran namin kaagad pero hindi, hindi namin nagawa anak dahil pabalik-balik si Karlo sa ospital. Ang mga inaani namin sa bukid na sanang pambayad kay Mr. Lancaster ay pinambayad na muna namin sa ospital. Pero sa muli, hindi iyon sapat at muli kaming umutang sa kanya. Wala na kaming matakbuhan, tanging si Mr. Lancaster lang ang nag-alok ng tulong. Ayos lang sa matandang Lancaster na kahit kailan daw tayo magbayad. Pero n'ong umalis ng bansa ang matandang Lancaster at ang anak nito ang natira sa kanilang mansyon, napag-alaman niya ang utang natin sa kanila. Kaagad nitong hiningi ang pambayad. Pero wala kaming maiibibigay. Wala." Naiiyak si tatay habang kinukwento niya iyon. Nagtataas baba ang balikat nito dahil sa pag-iyak. Isa-isang prinoseso ng isipan ko ang mga sinabi ni tatay. Noong nag-aaral ako sa siyudad, hindi ko alam na naisugod sa ospital si Karlo. Oo, alam kong mahina ang katawan niya, pero hindi ko alam na ilang beses na itong pabalik-balik sa ospital. Lumipad ang tingin ko sa aking kapatid, kaya pala napansin ko kaagad ang pangangayat nito ng makauwi n'ong nakaraang buwan. Hindi na ito masigla gaya ng nakagawian ko. Iyon pala, naghihirap ito sa loob ng ospital. Kung sana, alam ko lang. "Ayaw naming ipaalam sa'yo anak. Dahil alam kong mababahala ka kapag nalaman mong pabalik-balik si Karlo sa ospital. Ayaw naming maapektuhan ang pag-aaral mo. Kaya... Kaya namin.. nagawa iyon." patuloy na pagpapaliwanag ni Tatay. "Pero.. pero bakit ako ang pinambayad niyo ng utang 'tay? Bakit ako? Kasi hindi ko maiwasang hindi maisip na parang wala lang ako sa inyo? Paano niyo nagawa 'yon? Parang isa lang ako bagay na handang ipagpalit sa pera?! Tao ako 'tay?! Ganoon na ba ang halaga ko?!" "Huli na nang malaman ko anak! Huli na ng malaman kong sumang-ayon ang iyong ina sa kasunduan nila ng batang Lancaster. Na kapalit ng halos sampong milyon nating utang ay ikaw. Ikaw ang hinihingi niya bilang pambayad! Hindi na kita napigilan kanina. Nalaman ko na lang na pumunta ka na pala sa mansyon ng mga Lancaster habang dala-dala ang kasunduan. Hindi ko alam anak, patawarin mo ako." pagsusumamo ng tatay. Napalingon ako sa kinaroroonan ni nanay. Nakaupo ito sa upuan, magkasaklop ang kamay habang nangangalumbaba. Napansin ko ang basa nitong pisngi. Umiyak siya bakit? Dahil sa ginawa niya sa akin? Sa konsensya? Napansin siguro nito ang titig ko sa kanya kaya naman napalingon ito sa akin. Tinitigan niya lang uli ako pagkatapos ay ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin. "Bakit Nay?" tanong ko. Mukhang nagulat naman siya dahil doon. "Bakit mo nagawa iyon sa akin?" pagpapatuloy ko. "Naipaliwanag na sa'yo ng tatay mo Maria—" "Hindi ho iyon ang ibig kong sabihin! Bakit napakadali ata ang pagdedesisyon niyong pagsang-ayon sa kasunduan niyo sa lalaking 'yon?!" "Wala akong mapagpipilian, Maria! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang siya na tuluyang ubusin ang pagkuha ng natitira nating lupa? Iyon na lang ang napagkukunan natin ng pagkain? Saan tayo titira? Paano ang pag-aaral ng mga kapatid mo? Kung may pagpipilian lang ako Maria, hinding-hindi ako papayag sa kasunduan namin ng batang Lancaster! Mas gugustuhin ko na mag-isang kahig isang tuka tayo! Pero hindi, dahil ayokong lubusan ng mahirapan pa ang mga kapatid mo, ayaw kong alisin ang kasiyahan nila ng malaman nilang may bago na tayong bahay, na maipagpapatuloy na nila ng maayos ang kanilang pag-aaral! Ayokong.. ayokong mangyari iyon. Maski ang kapakanan mo, inisip ko. Kung hindi ako sasang-ayon sa kasunduan, hindi mo maipagpapatuloy ang pag-aaral mo. Hindi. Hindi ka makakapagtapos sa gusto mong kurso. At iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari." umiiyak na paliwanag ni nanay. Doon na ako lumapit sa kanya at kaagad na niyakap. Humagulgol siya sa balikat ko at ginantihan ang yakap ko. Muli akong napaiyak, dahil sa mga narinig ko. Hindi ko man mapagsang-ayunan ang mga desisyon ng magulang ko, inintindi ko lang. Nasa binggit sila ng mahirap na desisyon, at nagawa nilang kumapit sa madaling paraan upang maibsan ang problema. Naiintindihan ko. Mas gugustuhin ko ring makita ang kaginhawaan sa mukha ng mga anak ko kapag ako ang nasa nga paa ni nanay. Magsasakripisyo ako. "Naiintindihan ko, Nay. Naiintindihan ko." mas lalong napahagulgol si nanay dahil doon. Ilang beses siyang humihingi ng tawad sa akin. Hindi na lang ako tumutugon. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ng iyakan namin. Nakikita na lang namin ang sarili na sabay tumatayo mula sa sahig. Pinupunasan ni nanay ang basa niyang pisngi. Napaangat siya ng tingin sa akin. "Pasensya na talaga anak." paghihingi nito ulit ng patawad. Bahagya ko na lang siyang nginitian. "Iintindihin ko na lang Nay. Wala na tayong magagawa. Tapos na." ang tangi ko na lang nasabi. Ngumiti siya ng mapakla. Namumula ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Hindi ko rin alam kong sa akin ay ganoon rin ba. Naglakad kami patungo sa salas, kung saan nakaupo si tatay sa kawayang sofa at hinihilot ang ulo. Napamulat siya ng mapansin niyang nasa harapan na niya kami ni Nanay. Humingi rin ito ng tawad sa akin. Siyempre, sino ba naman ako para magtanim ng galit sa mga magulang ko? "Kung may pagpipilian lang talaga ako anak.." nasambit ni nanay bago pa ako makalabas ng bahay. Ngumiti ako ng bahagya. Gusto kong sabihin sa kanya na may pagpipilian siya. Makikipag-sapalaran ako sa Maynila. Tutal nakapagtapos na naman ako ng pag-aaral. Makakaya ko na silang bigyan ng pangangailangan. Pero alam kong kinukumbinsi ko lang ang sarili ko. Sa tinapos ko, mahirap makahanap ng trabaho na malaki ang sweldo kung wala kang koneksyon. At wala talaga kaming koneksyon. Gusto ko lang talaga ang psychology dahil nagagawa kong mapag-aralan ang mga kilos at iniisip ng mga tao. "Kung gusto mo, ihahatid ka namin. Lumalalim na ang gabi." paalala ni tatay. "Ayos lang ako. Kaya kong bumalik ng mag-isa d'on Tay." kumbinsi ko sa kanya. Napansin ko ang pag-aalinlangan nito, pero sa huli ay tumango na ein. Ngumiti ako sa kanila para siguruhing ayos lang ako. Bago ako umalis ay niyakap ko sila ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit dahil hindi ko alam kung kailan ang susunod naming pagkikita. Dinig na dinig ko ang hiyaw ng iyak ni Karlo. Napapaiyak na lang ako habang naglalakad papalayo sa aming bahay. Pinilit ko ang sarili na huwag lumingon, dahil baka hindi ko kayanin at bumalik ako sa piling ng mga magulang ko at hahayaan na lang ang kasunduan. Pero hindi, kailangan kong gampanan iyon, mahal ko ang pamilya at mga kapatid ko. Iintindihin ko na lang ang ginawa nila sa akin. Kahit masakit, kahit pakiramdam ko, trinaydor nila ako. Lubos ko na lang na tatanggapin ang mga mangyayari. Lubos kong tatanggapin ang mga naging desisyon ng mga magulang ko. Dahil sa huli, kapakanan parin naman ng mga anak nila ang una nitong iniisip. Kapakanan parin namin ang iniisip ng nanay at tatay. Habang naglalakad sa gitna ng daan, hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Bakit ako ang gusto ng batang Lancaster bilang pambayad ng utang namin? Bakit? Pinunasan ko ang luha ko at napatingin sa langit bilog na bilog ang buwan. Napahinto ako sa paglalakad at dinama ang katahimikan ng paligid. Hindi ko rin alam kong kailan ko uli ito mararanasan. Gustong gusto kong nasisilayan ang buwan. Maliban sa araw, para sa akin, sapat na buwan dahil kaya nitong bigyan ng sapat liwanag ang madilim na paligid. Nagpatuloy ako sa paglalakad. At halos mapuno ng katanungan ang akong isipan. Ano ang susunod na mangyayari? Pagsisilibihan ko ba siya? Napakayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng paligid. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maganda sa probinsiya, maliban sa sariwa ang hangin, malamig oa ang paligid dulot ng mga punong kahoy. Muli akong napahinto sa paglalakad ng may madinig ako. Pinakinggan ko iyon. Napalingon ako sa pinanggalingan n'on ng muli kong madinig ang kung anong yabag sa kakahuyan sa bandang kanan ko. Wala akong makita maliban ang ilang silip ng liwanag ng buwan na tumatama sa lupa. Pero bigla akong kinabahan ng marinig ko na naman ang mga yabag. At sa bawat yabag na nangyayari ay nadidinig ko ang paglagaslas ng mga dahon, ang pagkakabali ng mga maliliit na sanga ng kahoy. "S-sino 'yan?" natatakot na tanong ko sa gitna ng napakatahimik. Walang sumagot kaya naman napagpasyahan kong muling maglakad. Parang gusto kong pagsisihan na hindi ako nagpahatid sa mga magulang ko. Buong akala ko kasi ay walang mangyayaring masama. Pero ngayon, malakas ang kutob ko na parang may sumusunod sa akin. Hindi nga lang sa likuran ko pero sa magkabilang bahagi ng daanan kung saan tumatayo ang mga nagsisitaasang puno. Huli na nang mapansin kong halos tumatakbo na ako. Mula sa kinaroroonan ko, papalapit na ako sa mansyon ng mga Lancaster. Kahit papano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil doon. Pero kaagad din iyong nawala ng may kung anong hayop ang sumulpot sa dinaraan ko. Nagmula ang mga ito sa kakahuyan. Napahinto ako sa pagtakbo. Tinitigan ko ng maigi kong ano ang mga hayop na iyon. Noong una akala ko mga aso lang, pero habang lumalapit ako... napansin ko ang halos umiilaw na mga mata nito. Nagliliyab iyon sa dilaw. Hindi ko masabi kung ano ang kulay ng mgaito. Itim ba o brown. Napalunok ako kaagad dahil sa takot. Ngayon ko lang nakita ang ganoong klaseng hayop. Lalo pa't ramdam na ramdam ko ang galit ng mga ito sa akin. Dahan-dahan ang mga ito sa paglapit sa akin. Dahan-dahan rin akong naglalakad paatras. Kinalma ko ang sarili ko at dahan-dahang pumihit pabalik sa dinaanan ko kanina. Pero laking gulat ko ng makita ko mula sa kalayuan na may ganoon rin nilalang na nakasunod sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng pangamba dahil doon. Hindi maganda ito. Palipat-lipat ang tingin ko sa unahan ko at sa aking likuran. Naghahanap ako ng maaring madaanan para makatakas. Pero ang tanging pagpipilian ko lang ay ang madilim na kakahuyan. Napalunok ako. Muli kong ibinalik ang tingin sa mga hayop na ilang metro na kang ang layo sa akin. Napalunok ako dahil sa kaba. Bahala na. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Kaagad akong tumakbo papasok ng kakahuyan. Dahil na rin siguro sa adrenaline rush ay hindi ko na namalalayan ang pagkakasabit ng damit ko sa mga maliliit na sanga ng kahoy. Napansin ko rin na napakabilis ng takbo ko. Sa tulong ng sinag ng buwan, kahit paano ay nakikita ko ang tinatakbuhan ko. Dinig na dinig ko ang ungol ng mga hayop na 'yon. Parang ungol ng isang aso. Pero mas mabangis. Parang natauhan ako ng makuha ko ang pangyayari. Minsan nang may bali-balita na may nakita na lobo dito sa baryo namin. Pero.. Pero imposibleng.. Napahinto siya sa pagtakbo ng makarating siya sa maliwanag na parte ng gubat. Isa iyong espasyo na walang puno. Ngunit sa harapan ko ay mataas na mga tipak na bato, isang mataas na bangin. Nalingon ako sa magkabilang bahagi ko, pero wala akong makitang pupwedeng takbuhan. At wala na rin akong magawa dahil napansin ko ang pagsulpot ng mga hayop na humahabol sa akin. Doon ko nakumpirma kong ano nga ang mga ito. Mukhang totoo ang mga balita. Hindi ako nagkakamali. Lobo ang mga nilalang na nasa harapan ko ngayon. Pero paano nagkaroon ng lobo ang Red Brooke? Sa pagkakaalam ko, naninirahan ang mga ito sa malalamig na lugar. Paano naman napadpad ang mga ito sa lugar namin? Naghanap kaagad ako ng pupuwedeng gawing pangdepensa sa mga 'to. May nakita akong mahabang sanga ng kahoy kaya kaagad kong pinulot iyon. Kinakabahan ako, natatakot. Pero pilit kong pinapakalma ang sarili dahil malaki ang tsansa na maaring maramdaman nila ang takot at kaba ko. "H-Huwag kayong lumapit.." banta ko sa mga ito habang mariing hawak-hawak ang isang mahabang kahoy. Pero mas lumapit pa sila sa akin. Nasa apat ang bilang nila, at lahat sila pinapalibutan ako. Naapatras ako habang humahakbang sila papalapit. Doon ko napansin ang kulay nila. Kulay darkbrown. At tama ako na nagliliyab ang mga mata nito sa kulay dilaw. Bahagyang nakaawang mga bunganga ng mga ito dahilan parang makita ko ang matutulis na mga pangil nito. Kagaya sa isang article na minsang nabasa ko. Napalunok ako. Ito na ba ang katapusan ko? May makakakita kaya sa bangkay ko? O ang tanong, may matitira pa ba sa akin kapag naging hapunan ako ng mga lobong nasa harapan ko ngayon? Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Wala na akong panahon para tignan iyon. Naging alisto ako ng mapansin may unang sumugod sa aking lobo. Buong lakas ko itong hinampas ng kahoy dahilan para tumilapon ito ng di kalayuan sa akin. Muling nagsi-ungol ang mga lobong nakapalibot sa akin. Marahil ay nagalit sa aking ginawa. Isa-isa na itong sumugod sa akin. Hindi ko alam kong paano ko maipagtatanggol ang sarili ko. Kaya naman nabitawan ko ang kahoy na hawak ko at napaupo. "Aaaahhhhhh!!!" Sigaw ko dahil sa sobrang takot. Ito na, ito na ang katapusan ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa magulang ko. Panginoon, ikaw na po ang bahala sa akin. Hinintay ko ang pagdamba ng mga lobo sa akin. Pero ilang sandali na ang lumipas ng wala akong naramdaman. Tanging ungol lang ng mga lobo na para bang nasasaktan. Kasabay n'on ay ang pagkarinig ko ng mas mabangis pa na ungol ng lobo sa harapan ko. Napamulat ako, napatingin sa aking harapan. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang nangyari. May isang lobong.. lobong itim na ngayon ay nasa hindi kalayuan sa akin. Nahuli ng tingin ko ang pag-alis ng apat na lobo na para bang takot. Hindi ko nasaksihan ang pangyayari pero napansin ko na paika-ika ang ibang lobo habang tumatakas. Napaawang ang bibig ko dahil doon. Teka, niligtas ba ako ng isa pang lobo? Napatayo ako sa kinauupuan ko. Pagkatapos ay napatingi sa lobong nasa harapan ko. Nag-aalinlangan pa ako kung lalapit ba ako dito o hindi dahil baka kagatin ako nito. Pero sa huli ay napagpasyahan kong lapitan na lang ito. Pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng biglang.. Biglang tumayo ang lobo gamit ang dalawang paa. At halos ikagulat ko ang sumunod na nangyari. Naging.. naging tao ito!! Napasigaw ako sa takot, dahilan para mapalingon ito sa akin. Nang magtama ang tingin namin, doon na ako tuluyang nawalan ng malay sa gulat. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD