Chapter One

2923 Words
Kabanata I: Deal |MARIA| "ANAK, bayaran mo nga 'yong utang natin kay Manang Helen." utos sa akin ni mama isang gabi. Inabot niya sa akin ang puting envelope at isang panyo. Pinagmasdan ko iyon, may nakaukit na kung ano sa pinakadulo nito, napatingin ako kay Mama na nagtataka. "Ma, para s'an po ang panyo?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon, hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang kamay. Napataas ang kilay ko dahil doon. "D-Dalhin mo 'yan kay manang Helen anak.. Sila na ang bahala.." Halos pabulong na ang huli nitong sinabi. Napabuntong hininga ako. Kilalang-kilala ko na ang mama, mahilig siyang umutang sa mga kakilala niya, hindi ko nga alam kong saan siya nakakakuha ng bayad, pero hinayaan ko na lang. Pinalampas ko ang panginginig ng kamay niya, siguro'y napapasmo lang. Lumabas ako ng aming munting barong-barong na gawa sa kawayan, medyo nasa kalumaan na iyon, at halatang ilang ihip na lang ng hangin at tutumba na, pero ngayon, ay magpapagawa kami uli ng bagong bahay, pero gawa na sa bato. Hindi ko alam kung saan kinuha ni mama ang pera para doon, ang importante ay mapapalitan na ang aming bahay. Kahit madilim ay naglalakad ako sa gilid ng kalsada, may mumunting street lights naman, na kahit paano ay naiilawan ang aking dinaraanan. Nagpapasalamat na rin ako sa tulong ng sinag ng buwan, bilog na bilog ito ngayon, at napakagandang pagmasdan. Nagpatuloy ako sa paglalakad, mahigit isang kilometro ang layo ng pinagtatrabahuan ni Manang Helen. Nagtatrabaho kasi ito sa isang mansion, at hindi ko kilala kong sino ang nagmamay-ari. Kararating ko lang kasi n'ong nakaraang buwan, galing sa siyudad. Doon ako nag-aral, hindi ko rin alam kung saan kumuha si mama ng pangtustos sa pag-aaral ko, basta pinag-aral niya lang ako sa isang eksklusibong paaralan sa siyudad. Hindi niya ako pinapauwi, nagboboarding house ako dahil mahigit tatlong oras ang layo ng aming barangay sa siyudad. Tuwing sembreak at summer lang ako nakakauwi dito, dahil sayang sa oras at masyadong maraming tinatapos sa school. Pero lahat ng sakripisyo ay nagbunga ng maganda. Atleast ngayon, isa na akong graduate ng psychology. Trabaho na lang ang kulang at masusuklian ko na ang mga ginawa ni mama para sa akin. Tanaw na tanaw ko na sa paningin ko ang gate ng mansion. Sa loob ng isang buwan, kabisado ko na ang daan patungo dito, dahil palagi akong sinasama ni mama. Hindi ko mga alam na may nakatira pala dito, dati kasi tuwing napapadpad ako dito sa lugar na 'to mismo, at napapatingin sa napakalaking bahay ay wala naman akong napapansin na may nakatira. Sarado ang lahat ng pwedeng pasukan, maski ang bintana. Akala ko nga dati isang haunted house dahil napabayaan na. Nakarating ako sa harapan ng gate ng mansion, may nakaukit na Lancaster sa itaas nito. Pero kusang napadako ang tingin ko ng bigla itong bumukas. Dinig na dinig ko ang tunog na ginagawa ng bawat bakal na kumikiskis sa isa't-isa. Nanatili ako sa kinaroroonan ko dahil sa kabang biglang umahon sa akin. Mula sa kinaroroonan ko ay nakatayo ang isang matayog na mansion. Sa likuran nito ay nagsisitaasang mga puno na tila gubat. Napalunok ako habang nakatitig lang sa mansion. May napansin akong nakatayo sa ikalawang palapag, sa open balcony na humaharap mismo kung saan ako naroroon, pero ng kumurap ako ay bigla iyong nawala. Napalunok ako, tama ba ang iinisip ko na isang haunted house ang mansion? Napailing ako, dulot lang siguro iyon ng dilim. Takot na takot man ay nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa mansion, kitang-kita ko mula sa entrance nito ay may nakatayong matanda, magkasaklop ang dalawang kamay at nakangiti ito ng malapad na para bang may hinihintay. Hindi rin nagtagal nang makarating ako sa harapan ng mansion. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Lalo na dahil nasisikatan ito ng liwannag ng buwan na siyang nag mas patingkad dito. "Maligayang pagdating, iha." nakangiting bati sa akin ni Manang Helen. "Manang Helen.. magbabayad lang ho sana ako ng—" Hindi natapos ang sasabihin ko ng bigla itong tumalikod at tumungo sa pintuan ng mansion, nawala ito sa anino ng dilim pagkatapos ay bumukas ang isang pintuan. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kaagad ang karangyaan sa loob ng mansion. "Anak, pasok ka muna." anyaya nito. Umiling kaagad ako habang naglalakad palapit sa kanya. Inilahad ko sa kanya ang puting sobre at ang panyo na ipinapabigay sa kanya ni mama. Napatingin naman si Manag Helen doon. Nawala ang ngiti niya. "Pinapabigay mo ni Mama. Ang sabi niya babayaran na raw niya ang utang niya. At ito pong panyo, mukhang ibinabalik na rin ito ni Mama." ani ko habang inaabot sa dalawang kamay niya ang sobre at panyo. Ilang saglit niya itong tinitigan at napaangat ng tingin sa akin. "Sigurado ba siya?" tanong nito. May nahihimigan ako na kung ano sa boses ni Manang Helen pero hindi ko maipangalanan kung ano. Tumango ako sa katanungan niya, pagkatapos ay napabuntong hininga si Manang Helen, na para bang may bagong problema na dumating sa kanya. "Sana tama itong ginagawa ni Marlene." dinig kong bulong ni Manang Helen pagkatapos ay tumalikod at naglakad papasok sa loob ng mansion. Nagkibit balikat na lang ako. Uuwi na ako, mukhang lumalalim na rin ang gabi. "Manang Helen, mauna na po ako--" "Anak, pumasok ka muna." anito habang magkaharap kami, iyon nga lang nasa loob siya ng mansion habang ako ay nasa labas. "Hindi na ho Manang, uuwi na ako.. Lumalalim na rin po kasi ang gabi—" "Maghapunan ka muna dito iha, pupwede ba, samahan mo ako kahit saglit?" dinig na dinig ko na para bang nagmamakaawa si Manang Helen sa akin. Napalingon ako sa likuran ko, tumambad sa akin ang daan papalabas ng gate ng mansion at ang daan pauwi, ibinalik ko ang tingin kay Manang Helen. Pagkauwi na pagkauwi ko ay maghahapunan na rin naman, napabuntong hininga ako. Siguro ay gusto lang ni Manang Helen na may kasama habang kumakain. Alam ko ang pakiramdam na mag-isang kumakain. Tinignan ko si Manang Helen na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako at tumango, pagkatapos ay naglakad papasok sa mansion. Lumawak naman ang ngiti niya. Nang makatapak ang tsinelas ko sa kumikintab na marmol na sahig nang mansion ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Nang inangat ko ang tingin ko ay tumambad sa akin ang marangyang disenyo ng hagdaan, nasa gitna ito mismo ng mansion, at ang bawat hawakan nito ay parang bang gawa sa ginto ang kulay. Napakaganda ng disenyo nito, napatingin ako sa bawat sulok ng mansion, at bawat bagay na makikita mo roon ay isinisigaw ang ganda at karangyaaan. "Maupo ka muna sa sala iha, maghahanda lang ako nang hapunan." masayang anito pagkatapos ay naglakad sa kung saan at kinain na ng dilim. Ako naman ay naglakad sa kabilang bahagi ng mansion at hinanap ang sala. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko kaagad ang isang mesa na napapalibutan ng magarang sofa. May mattress din sa sahig at mukhang napakalinis. Nahihiya akong apakan ito gamit ang tsinelas kaya naman hinubad ko ito at naglakad patungo sa sofa at doon naupo. Parang gusto kong makatulog sa lambot nito nang makaupo ako. Habang nakaupo ay nagmamasid ako sa paligid, hindi ko lubos maisip na walang nakatira sa ganito kagandang bahay? Naalala ko ang nakita ko kanina sa ikalawang palapag ng bahay, sa mismong open balcony. May nakatayo roon, pero kaagad ring nawala? Baka naman kasama iyon ni Manang Helen? O ito ang nagmamay-ari ng mansion? Siguro'y itatanong ko na lang kay manang Helen mamaya. Habang hinihintay na tawagin ako ni Manang Helen ay napapatingin na lang ako sa mga nakadisplay. May mga muwebles doon na kakaiba, nagagandahan ako kaya hindi ko maiwasang hindi hawakan. Hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang picture frame. Mariin ko iyong tinitigan. May dalawang lalaki na nakatayo at isang babae na nakaupo. Kaagad akong nag-assume na mag-asawa ang dalawa at anak ang isa. Napatitig ako sa lalaking pinakabata. Mukhang nasa elementary pa lang ito base sa picture. Hindi ito nakangiti, nakatitig lang ang pilak nitong mga mata sa kamera. Parang na concious ako bigla dahil parang totoong nakatitig sa akin 'yong lalaki. "Maria, handa na ang hapunan." Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Manang Helen. "Manang Helen!" sigaw ko sa gulat nang sumulpot siya sa likuran ko. Natawa ito sa naging reaksyon ko. Sapo-sapo ko na lang ang dibdib ko dahil sa lakas mg t***k ng puso ko dahil sa gulat. "Nerbyosa kang bata ka." Anito sabay tawa. "Oh siya, maghapunan ka muna. Nakahanda na ang pagkain sa kusina.." Hindi nito tinapos ang sasabihin ng bigla itong tumalikod at may kinuha sa coffee table sa bandang gilid niya lang. Napakunot ang noo ko dahil ngayon ko lang napansin iyon. "..susunod ako pagkatapos ko lang itong ihatid sa taas." pagpapatuloy niya. "May... may nakatira po dito maliban sa inyo?" gulat na gulat kong tanong. Tumango ito bilang tugon. So hindi ako namamalikmata kanina nang may makita ako sa open balcony ng mansion? "Sige iha.. mauna ka na lang. O di kaya'y hintayin mo na lang ako dito para sabay tayong tumungo sa dining room." anito. Tumango ako ng wala sa sarili. "Hihintayin ko na lang po kayo." halos pabulong ko na sabi. Tumango muli sa manang Helen at tinalikuran na ako. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya habang naglalakad patungong hagdanan. Tanging ang tunog ng mga yabag niya ang umiingay sa loob ng mansion. Nang tuluyan na itong nakaakyat at hindi ko na makita, mapaupo na lang uli ako sa sofa at napatitig sa dingding na nasa harapan ko ngayon. Nakatunganga lang ako sa isang painting na nakasabit doon. Ang buong akala ko talaga si manang Helen lang ang nakatira dito, meron pa pala. Hindi ko alam kong ilang minuto ang lumipas ng makabalik si manang Helen. Ngayon ay nakasunod na ako sa likuran niya patungong silid kainan. Halos mapanganga ako ng tumambad sa akin ang isang mahabang hapagkainan. Lampas sampo ang pupwedeng makaupo doon. Dahan-dahan akong lumapit at pagmasdan ito. Nakita ko na nakahanda na ang pagkain sa mesa, pinaupo niya ako sa isang silyang kaharap ng pagkain, at ganoon rin siya. Binigyan niya ako ng plato at kutsara pagkatapos ay siya rin ang naglagay ng pagkain ko. Nagtaka kaagad ako ng hindi niya ako sinaluhan. "Manang Helen, hindi po na kayo kakain?" tanong ko. Ngumiti lang ito pagkatapos ay naupo na rin sa harapan ko. Nagsimula na akong maghapunan. Nakakahiya nga eh, pero mukhang masaya si manang Helen na may kasama siya ngayon. Pero, diba may kasama naman siya dito? Ipinilig ko na lang ang aking ulo. Siguro nga ay may-ari ng bahay ang kasama niya dito. At base sa pagkaing hinarid nito kanina ay pang-isahan iyon. "Akala ko po manang Helen mag-isa lang kayo dito. May kasama po pala kayo." Sambit ko. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin lang sa akin at nakangiti. Napahinto ako sa pagsubo. "Hindi po kayo kakain?" Tanong ko. Wala kasing laman ang plato nitong nasa kanyang harapan. Umiling naman siya. "Ha? Eh akala ko po sasabayan ko po kayong maghapunan?" pero hindi niya ako sinagot. "Kumain ka pa iha." tanging sinabi niya na lang. Nagtataka na talaga ako dahil doon, bigla akong nakaramdam ng pangamba. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Hindi ko na kasama ngayong nakaupo si manang Helen. Nasa harapan ito ng lababo at mukhang may ginagawa. Pasimple akong napatingin sa paligid, hindi ako magsisinungaling, dahil ang kahit ano karangyang tignan ang bawat sulok ay may parang...kakaiba. Siguro ay kailangan ko nang umalis. "Manang Helen—" Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla akong may narinig na nabasag at kumalampog. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa kisame, dahil pakiramdam ko sa ikalawang palapag ng bahay galing 'yon. Pero muling may nabasag sa itaas, at mukhang mas lumakas iyon hindi gaya ng kanina. Kaya naman napatayo na ako sa kinauupuan ko dahil bigla akong nakaramdam ng pagkabahala. Mukhang may nangyayaring kakaiba sa itaas. Napatingin ako kay manang Helen, nag-aalalang nakatingin sa akin. Nang sa ikatlong pagkakataon ay muli na namang may nabasag. Sabay kaming napatingin sa kisame, pero ibinalik ko rin manang Helen ang tingin. Napalunok ako. "Manang Helen, mukhang .. mauuna na po ako—" "Huwag!" biglaan nitong pigil. Nagtaka naman ako dahil doon. "A-ano po?" tanong ko. Bakit naman niya ako pipigilan? "A-ahh." Bigla siyang nabahala. Mas lalo akong nagtaka dahil doon. "Mamaya na. I-ihahatid kita palabas, teka lang. Pupuntahan ko muna ang amo ko sa itaas. Ipagpapaalam kita, alam niya kasing nandito ka." Napatango na lang ako sa kanya habang sinaabi niya iyon. "S-sige, sa salas mo na lang ako hintayin." Gumaya kami palabas ng kusina at tumungo sa salas. Ako lang pinadiretso ni manang Helen sa salas habang siya ay patakbo patungong ikalawang palapag ng bahay. Nanatili akong nakatayo sa pagitan ng hagdan at ng daan palabas ng bahay. Napatingin ako sa pintuan. Pupwedeng umalis na lang ako ng walang paalam. Pero nakakahiya naman kong aalis ako kaagad. Pinakain ako ni manang Helen, at tinaggap ako bilang panauhin ng nagmamay-ari ng mansyong 'to. Pagpapakita ng walang galang iyon kung aalis ako. Napatingin ako sa ikalawang palapag ng bahay, wala akong makita dahil medyo may kadiliman doon. Ngunit napasunod ako ng tingin ng muling may nabasag. Teka nga, ano bang nangyayari sa taas? "Anak.. huminahon ka." dinig kong pag-aalo ni manang Helen sa kung sino. Nakaramdam naman ako ng parang gusto kong tulungan si manang Helen. May muling nabasag. Napapikit ako ng mariin. "Anak, hindi siya aalis. Huminahon ka." dinig ko muling pag-aalo ni manang Helen. Tanging ungol lang ang naririnig ko bulang tugon kay manang. May nabasag ulit, kaya naman doon ko na napagpasyahan na umakyat para sundan si Manang Helen, mukhang kailangan nila ng tulong, baka may maitulong ako. Nang makalapat ang tsinelas ko sa ikalawang palapag ng bahay ay bigla akong nakaramdam ng anong.. aura. Parang, kakaiba. Pinanindigan ako ng balahibo ako napayakap ako sa sarili ko. Pero mabilis kong inalis iyon sa aking isipan. Naglakad ako patungo sa kung saan nanggaling ang ingay kanina. "Manang Helen—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang lumabas si manang Helen sa kung saan. At halos manlaki ang mga mata nito ng makita ako. "Dios mio! Maria, anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na tanong ni manang Helen. "Baka ho kailangan niyo ng tulong-—" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko ng inalalayan niya akong bumaba. "Manang Helen—" "Hindi ka dapat umakyat!" takot na takot nitong sabi. Nang pareho kaming nakababa ay napatingin ako sa ikalawang palapag bago ibinalik kay manang Helen ang tingin. Tinitigan ko siya, nababalisa, panay ang pagsaklop niya ng kamay niya. May ibig sabihin iyon, isang sikreto. Kahit gusto ko mang magtanong, wala ako sa lugar para gawin iyon. Wala ako sa lugar manghimasok. Napabuntong hininga ako. Siguro'y kaya na naman ni Manang Helen ang mga nangyayari dito. Baka nga araw-araw rin itong nangyayari. Hindi ko maiwasang hindi maawa kay manang. Sa huli ay napagpasyahan kong umuwi nalang. Mukhang gumagabi na rin kasi. "Manang Helen, uuwi na lang po ako." paalam ko kay manang. Naguta ito sa sinabi ko. "Ha? P-Pero h-hindi puwede!" nagpapanic na sambit nito. Kumunot ang noo ko doon. "Bakit naman po?" medyo kinakabahan kong tanong. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Napahugot hininga ako. "Manang, uuwi na ho—" "WALANG UUWI!!" Napatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang dagundong ng boses sa buong bahay. Nanlalaking mga mata akong napatingin uli sa ikalawang palapag ng bahay, doon nagmula iyon. Napatingin ako kay manang Helen, bakas ng takot ang kanyang pagmumukha. Maski ako, natatakot na rin dahil sa nadinig ko. "Manang Helen, si-sino ho iyon? Ano hong i-ibig niyang.. sabihin?" Lihim akong napapamura dahil sa pagkakautal ko. Nakakaramdam ako ng takot dahil sa sigaw na iyon, napapatras pero pinipigilan ako sariling matakot. Mabilis na inabot ni manang ang kamay ko. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay nito. "Anak.. Pagpasensyahan mo na si—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Agad akong umiling. "Ano hong ibig sabihin niya manang Helen? Bakit hindi ako pupwedeng makauwi?!" halos pasigaw ko nang tanong. Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko, kumakabog ng mabilis ang puso ko dahil sa.. takot. Tama, kinakain na ako ng tako ngayon dahil nangyayari. May nabasag uli sa itaas. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Sino ba ang nasa itaas? Bakit bigla na lang itong magsisisigaw na walang pupwedeng umuwi? Hindi naman maaring hindi ako ang tukuyin niya dahil ako lang naman siguro ang panauhin ngayon. "Maria.." muling usal ni manang Helen sa pangalan ko. Parang nagsisisi ang mukha niya. Parang hindi niya kayang magsalita. Mabilis kong hinablot ang kamay ko kay manang. Umatras ako at tinalikuran siya. Tumungo ako sa pintuan. Pero laking gulat ko ng pihitin ko ang doorknob ay nakalock ito. Marahas akong napatingin kay manang Helen. "Manang Helen.. uuwi na po ako. Baka po—" "Anak, hindi ka pupwedeng umuwi." diretsahang sabi niya. Bahagya akong nagulat doon. She just confirmed it. Pero bakit? "Manang.. " Nagpakawala ito ng malalim na hininga bago ako tinitigan ng maiigi. "Tapos na ang kasunduan anak. Hindi na pupwdeng bawiin." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Kasunduan? Anong ibig sabihin nito? "A-ano pong kasunduan?" gulat na gulat kong tanong. "Ikaw ang pinambayad ng iyong ina sa utang niya anak. Kaya hindi ka pupwedeng umalis. Iyon ang kasunduan." Halos mahulog ang panga ko sa nadinig ko. Hindi. Hindi maari ito. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD