Kabanata XIII: Visitor |Maria| "ANG galing mong magbiro, Baron. Tatawa na ba ako?" Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Mariin niya akong tinitigan pagkatapos ay napabuntong-hininga. "Tingin mo may panahon ako para diyan, Maria?" seryosong sambit nito. Napalunok ako at pinakatitigan siya. Alam ko kung kailan nagbibiro o nagsasabi ng katotohanan si Baron. Sa loob ng ilang taong pagsasama namin, matutukoy ko na ang kaibahan ng dalawa. At ngayong nagsasabi siya ng katotohanan, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Ako?! Hindi ordinaryong tao? Nagpapatawa ba siya?! Ibinalik ko ang tingin ko sa balikat ko, wala na roon ang bakas ng sugat. Hindi naman pwedeng namamalik-mata ako kanina. Ramdam ko pa ang hapdi nito habang ginagamot ako ni manang. Napakagat-labi ako, hindi ako