Kabanata XII: Not Ordinary |Maria| NAGISING ako ng makaramdam ng hapdi sa aking balikat. Ngunit pagkamulat na pagkamulat ko ay sumalubong kaagad sa paningin ko ang mga mata ni Lucas. "Thanks God, you're awake." anito at mabilis na dumalo palapit sa akin. Napakurap ako at napatitig sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? 'Yong sugat mo sa balikat, maayos na ba? Masakit pa ba?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. Hindi kaagad ako nakatugon at napatitig lang sa kanya. Paano ba ako napunta dito—hindi ko natapos ang sariling tanong ng isa-isang dumagsa ang mga nangyari sa isipan ko. Ang pagkakita ko sa mga lobong humabol sa akin noong patungo ako dito sa mansion, ang pag-atake nito, ang huling sulyap ko kay Lucas bago ako mawalan ng malay. Napalunok ako dahil do