Kabanata VII: Married to the Alpha
|Maria|
"NASAAN na si Lucas?"
Tinapunan ko ng masamang tingin si Baron. Pansin ko ang naglalarong ngiti nito sa labi. Hindi ko maiwasang hindi mapairap.
"Huwag mo nang uulitin iyon, Baron." banta ko dahil sa ginawa nito kanina n'ong nasa hapagkainan kami. Pero imbes na matakot, tuluyan na itong tumawa. Napanguso ako dahil sa inasal nito. Bakit ba tawang-tawa ito?
"What? Ano bang ginawa ko?" painosente nitong tanong sa akin. Pinanliitan ko siya ng tingin. Minsan talaga nakakainis 'tong lalaking 'to.
Naalala ko naman ang sinabi nito kanina. s**t. Hindi ko naman alam na plano pala talaga ni Baron na pagselosin si Lucas! At hindi ko rin naman alam na nagseselos din ang lalaking 'yon!
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Tama ba ang nadinig ko sa kanya? Tama bang.. nagseselos nga ito kay Baron?
"...natatakot ako na baka bumalik ka sa piling niya.."
Napakagat-labi ako. Parang sirang plaka na itong sumasagi sa isipan ko. I still can't believe it! Para bang bigla akong pumasok sa isang panaginip ng madinig ko iyon.
Hindi kasi ganito ang inaasahan ko sa mansion. Ang buong akala ko, magiging alipin ako dito, pahihirapan bilang kabayaran ng utang ng pamilya ko. You know, the usual. Pero ang pagiging kasal kay Lucas? Parang napakalayong dahilan kong bakit kailangan kong bayaran ang utang ng pamilya. Ano bang gusto nitong mangyari?
"But Maria..."
Natauhan ako ng bigla kong nadinig ang seryosong boses ni Baron. Napalingon ako sa kanya, seryoso na ang timpla ng mukha nito. Mariin itong nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako.
"Paano kong.. may malaman ka kay Lucas na hindi mo inaasahan?" pagpapatuloy nito.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Bigla kong naalala ang gabing iyon. Ang gabing nakita ko si Lucas na magpalit anyo mula sa lobo pabalik sa tao. Napalunok ako. Gustong-gusto kong malaman kung totoo ba ang nakita ko ng mga gabing 'yon, that I'm not hallucinating. Pinagsabihan na ako ni manang Helen na kumpirmahin iyon kay Lucas pero dahil sa mga nangyari, nawala iyon sa aking isipan.
Pero ngayong naalala ko ulit dahil kay Baron. Posible kayang.. alam niya? Napatuon ang tingin ko sa kanya. Nakasandal ito sa sarili nitong kinauupuan habang naka-krus ang kamay. Napalunok ako.
"A-Anong ibig mong sabihin?" painosente kong tanong kahit na may alam ako sa ibig niyang sabihin.
Inalis nito ang pagkakakrus ng mga braso nito. Pinatong nito ang braso sa mesang namamagitan sa amin. After that, he leaned forward.
"Paano kong.. hindi siya ang taong inaasahan mo?" muli nitong dagdag.
Napaisip ako sa sinabi niya. Siguro kung wala akong alam tungkol sa tunay na katauhan ni Lucas, na gusto ko talagang malaman kong totoo ba talaga, paniguradong magugulat ako.
Sinong hindi magugulat kong malaman mong.. may nag-eexist pala na mga lobo? Nasa modernong panahon na tayo. Werewolves and ofher supernatural creatures are out of the picture. Pero ang isiping isang lobo ang asawa ko?
"Diretsuhin mo nga ako, Baron. Stop giving me clues.." medyo naiinis na ani ko. Hindi siya kumibo. Nanatili ang tingin nito sa akin. Ilang saglit lang ang lumipas ng bigla itong ngumiti. Inangat nito ang kamay at inabot ang pisngi ko. Napahiyaw ako sa sakit ng bigla nitong kinurot ang aking pisngi.
"Ano ba?!" nanggagalaiting sambit ko sa kanya. Imbes na mag-alala sa ginawa niya ay muli pa akong tinawanan.
"Ang seryoso mo kasi masyado.. Hindi ko alam na naniniwala ka sa mga pinagsasabi ko." natatawa pa nitong dagdag.
Hindi na lang ako umangal pa. Alam ko naman na nilalayo niya lang ako sa pinag-uusapan namin. Well, siguro hindi lang ito ang oras para malaman ko ang katotohanan.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Mukhang nagtaka naman si Baron dahil sa ginawa ko.
"Saan ka pupunta?" tanong nito. Iningusan ko siya.
"Nakakabadtrip kang kausap." tugon ko na lang. Humalakhak na naman siya dahil doon. Hindi ko na lang siya pinansin at umalis sa sala.
Tumungo kaagad ako sa ikalawang palapag ng mansion at nagalakad papunta sa aking kuwarto. Napahinto pa ako sa harap ng pintuan ng makarating ako doon. Lumipad ang tingin ko sa dulo ng pasilyo. Napatingin ako sa nakasaradong pintuan sa na naroroon sa dulo nito. Ilang segundo ko iyong tinitigan. Napabuntong hininga at tuluyan na lang na pumasok sa kuwarto.
Naglakad kaagad ako papuntang open balcony ng kuwarto. Sumalubong sa akin ang sariwang hangin ng makarating ako doon. Naglakad ako papalapit railings, pinatong ko ang akong braso sa handrail at napatitig sa lawak ng bakuran. Nakaharap ang kuwarto sa bakuran ng mansion, kung saan kitang-kita ko ang nagsisitaasang puno. Napahalukipkip ako at napatitig sa kakahuyan.
Dapit-hapon na, at mukhang isang oras na lang ang bibilangin bago tuluyang lumubog ang araw. Hindi ko inalis ang tingin sa kakahuyan. Ilang minuto akong nakakatitig doon ng may mapansin ako. Pinakatitigan ko ang ang bagay na nakuha ng pansin ko. May nakikita akong.. isang hayop. Nakaupo ito sa mataas na bahagi ng bato na masisilayan mo talaga mula sa kinaroronan ko. Napakurap ako dahilan para mabilis itong naglaho sa paningin ko. Napalunok ako, sigurado ako kung ano iyon.
Bigla kong naalala ang gabing patungo ako dito. Napatayo ako ng matuwid. Kumabog ng mabilis ang puso ko.
Isang lobo. Tama ba ang nakita ko? Isang lobo?
Nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba iyon o hindi. Pero sa huli ay nagmamadali akong lumabas sa aking kuwarto. Nakasalubong ko pa si Baron na paakyat ng hagdan. Nagtaka ito ng makita akong humahangos pababa.
"Saan ka pupunta?" tanong nito. Hindi ko siya pinansin dahilan para marinig ko ang yabag niya na papalapit sa akin. Mukhang susundan niya ako.
Ngapatuloy na lang ako sa pagtakbo. Dumaan ako sa harap ng mansion dahil hindi ko pa kabisado ang buong bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko ay tinawag ako ni Baron.
"Maria?! Saan ka pupunta?" dinig kong pagtawag nito. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Tinakbo ko ang daan patungo sa bakuran ng mansion. Medyo may kadiliman na ang paligid, pero makikita mo pa rin naman ang daan dahil sa mga street lamp na naroroon.
Nang makarating ako sa bakuran ay pinagpatuloy ko ang pagtakbo patungo sa kakahuyan. Hindi pa ako nakakalapit doon ng marinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Baron.
"Maria! Delikadong pumunta ngayon sa kakahuyan?!"
Hindi ko siya muling pinansin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Ilang hakbang ng tuluyan akong makapasok sa kakahuyan. I stoooed when I felt something weird. Habol-hininga ang ginawa ko habang pinagmamasdan ang kakahuyan. Ilang saglit lang ng makarating sa tabi ko si Baron.
"Maria? Ano bang pumasok sa isipan mo at naisipan mong pumunta dito?" pabulong niyang pangaral sa akin.
Hindi ko uli siya nasagot. Hinanap ng mga mata ko ang tipak ng bato kung saan ko nakita ang lobo kanina. Nang makita ko iyon sa 'di kalayuan, kaagad kong tinakbo ang distanya ng pagitan namin. Tinawag uli ako ni Baron pero hindi ko siya muling sinagot. Nang makalapit ako sa tipak ng bato ay napatitig ako sa taas nito. Hindi ko inaasahan iyon.
"Maria.. hindi mo na nalinisan iyang tenga mo at hindi mo naririnig ang pinagsasabi ko?" medyo iritadong pangaral sa akin ni Baron. Doon ko na siya nilingon.
Napansin ko an pagtaas-baba ng balikat nito. Pareho kaming hinihingal sa pagod. Naglakad ito papalapit sa akin at lumampas ang tingin niya. Ibinalik niya rin kaagad ang tingin sa akin. Biglang umigting ang panga nito.
"Bumalik na tayo sa mansion. Delikado dito." matigas na aniya. Hinuli niya ang braso ko pero kaagad ko ring binawi iyon. Nagulat siya sa ginawa ko. Pinakatitigan ko siya.
Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung.. kung lobo ba talaga si Lucas?
"Tell me the truth Baron. Alam kong may alam ka sa sasabihin ko." paninimula ko. Malalim na pagsinghap ang ginawa ko. Napatitig siya sa akin ng diretso.
"Ano bang pinagsasabi mo?" taas kilay na tanong nito sa akin. Hindi ako kaagarang kumibo. Napatitig lang ako sa kanya.
"Lobo ba si Lucas?" dagdag na tanong ko. Nakita ko na natigilan siya sa sinabi ko pero kaagaran siyang nakabawi. Pinatigas niya ang ekspresyon. Ilang saglit lang ay nagsimula itong tumawa, na para bang nakarinig ng hindi kapani-paniwalang tanong.
"Ang galing mo palang mag-joke Maria. Sige na, ipapasa ko na sa'yo ang korona ko." natatawa pa nitong sabi. Nang mapansin nitong seryoso ako ay tumigil ito at napatikhim. Muli niyang hinuli ang braso ko.
"Halika ka na, bumalik na tayo sa mansion. Baka hinahanap ka na ng asawa mo doon." Biglaang sambit nito.
Nagsimula siyang maglakad. Muli kong hinaklit ang braso ko sa pagkakahawak niya. Nakita ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko kaya ginamit ko iyon para makatakas.
Tumakbo ako paakyat sa tipak ng bato. Nahirapan pa akong makaakyat n'ong una pero sa huli ay nagawa ko rin.
"Maria! Bumaba ka diyan?!"
Napatingin ako kay Baron na nasa baba. Nginisihan ko siya.
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Lobo ba si Lucas?"
Hindi ito nakakibo sa sinabi ko. Hinintay ko na makatugon siya pero hindi nangyari. Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi talaga niya sasabihin sa akin. Nagsimula akong maglakad patungo sa dulo ng tipak ng bato. Tinawag uli ako ni Baron pero hindi ko siya pinansin. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin sa akin. I just wanted to know.
Sumagi sa isipan ko si Lucas. Napakagat-labi ako. Why not ask him anyway. Siguro naman sasabihin niya sa akin hindi ba? But what if... Hindi?
Huminto ako ng makarating ako sa dulo ng tipak ng bato. Napatingin ako sa ilalim. Medyo nalula ako sa taas nito. Hindi naman kataasan pero sapat na siguro para mabalian ka ng buto kapag nahulog ka. Nakita ko ang pagsulpot ni Baron sa ilalim. Matiim itong nakatingin sa akin.
"Bumaba ka na diyan. dumidilm na." utos niya. Hindi ko siya pinansin at napatingin sa langit. Mukhang papalubog na nga ang araw. Nagiging kulay kahel na ang langit, at lampas na sa akin ang silip ng sikat nito kahit pa nakatayo ako sa mataas na bahagi ng tipak ng bato.
Sumagi sa isipan ko ang lobong nakita ko kanina. Napatingin ako sa kinatatayuan ko.
Dito mismo.. dito ko mismo nakita ang lobo kanina. Napaupo ako at napamasid, na para bang may hinahanap. Wala akong makita maliban sa mga tumutubong mga d**o dito.
"Maria! Bumaba ka na diyan!"
Napairap ako sa muling pagtawag sa akin ng Baron. Kung sinabi na lang kasi niya ng tuluyan. Gusto ko lang naman malaman ang katotohanan. Kapag si Lucas kasi ang tatanungin ko, maliit ang tsansa na sasagutin niya ako.
Napabuntong hininga ako. Siguro nga ay kailangan ko na ring bumaba. Dumidilim na.
"OO NA! Bababa na!" pasigaw kong tugon sa kanya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa mansion. Pero hindi ko inaasahan na sasalubong sa tingin ko ang mariing tingin ni Lucas. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil doon. Nakatayo ito sa open balcony ng mismong kuwarto nito. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Hoy Babae! Kumilos ka na diyan! Sino ba yang—"
Hindi natuloy ni Baron ang sasabihin. Siguro ay napansin niya na nakatingin sa amin si Lucas. Hindi ko ba alam kong ilang segundo ang tinagal ng pagtitigan namin dalawa ng bigla kaming makarinig ng kung anong ungol.
Natigilan ako doon. Kaagad akong lumingon sa aking likuran. Noong una akala ko aso lang. Pero ng madinig kong papalapit ito sa kinaroroonan namin, at napakalayong ungol ng aso iyon, napagtanto ko kung anong hayop ang umuungol. Napalunok ako.
Napalinga ako at hinanap kong saan nanggagaling ang ungol. Lalong lumakas iyon na mukhang papalapit sa kinaroroonan namin.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagmura ni Baron.
"Maria! Bumaba ka na diyan! s**t!"
Hindi ako makagalaw sa kinaroonan ko. Lalo pa nang unti-unti akong may masilayan sa 'di kalayuan. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Napalunok ako. Pakiramdam ko, mawawalan ako ng lakas sa nakikita ko ngayon.
Sinundan ng tingin ko kung gaano sila karami. Dahan-dahan ang bawat paglapit ng mga ito. Nakakalat ang mga ito sa kakahuyan. Hindi ko sila mabilang. Muli akong napalunok dahil doon.
"Oh God.." pabulong na anas ko.
Muling may umungol sa isa sa kanila. Sinundan pa ng isa hanggang sa unti-unting dumami. Halos mapatalon na lang ako sa kinatatayuan ko ng makaramdam ako na parang may lumundag at lumanding sa tabi ko.
"Sinabi ko namang bumalik na tayo sa mansion diba." dinig kong pabulong na sisi ni Baron sa akin. Napalingon ako sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi magulat.
Paano ito nakarating sa tabi ko?
Tatanungin ko na sana siya ng makaramdam ako ng lundag sa aking harapan. Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Baron. Mabilis itong kumilos patungo sa aking harapan at itinago sa kanyang likuran. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nilalang na ngayon ay nasa harapan na namin.
Napalunok ako. Napatitig ako sa kalakihan ng lobong nasa harapan namin ni Baron ngayon. Napakapit ako ng mahigpit sa damit nito lalo na ng magpalit anyo ang lobo bilang tao. Napasinghap ako dahilan para mapatingin ito sa akin.
Napaawang ang bibig ko. Goodness, hindi ko inaasahan na mangyayari ito! Gusto ko lang namang malaman kung lobo ba si Lucas! Si Lucas lang naman! Hindi ang napakaraming.. lobo na ngayon ay nakapaligid na sa amin. Idagdag mo pa ang lalaking ngayon ay nasa harapan namin, walang damit pang-itaas at batak ang katawan. Napalunok ako.
Ito ba ang sinasabi nilang 'be careful to what you asked for?'
Napalunok ako ng maramdaman kung gaano kabilis at kalakas ang tubik ng puso ko.
"Nasaan ang Alpha.." biglaang tanong nito. Doon ko napansin na tahimik na ang paligid. Huminto na sa kakaungol ang mga lobo. Inilibot ko ang tingin sa paligid namin, hindi ko maiwasang hindi magulat habang isa-isang nagpapalit anyo ang mga lobo pabalik sa tao. Napalunok ako. This is too much...
"Anong kailangan mo Sandro."
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses ni Lucas sa aking tabi. Kaagad akong napalingon sa kanya. Napasulyap ito sa akin. Matalim ang paraan ng pagtingin nito. Napalunok ako at napayuko. Ano bang ginawa ko?
Naglakad si Lucas upang harapin ang lalaki na tinawag niyang Sandro. Pumagilid si Baron sa tabi ko. Napatitig ako sa likuran ni Lucas na ngayon ay nakatitig kay Sandro. Napatingin sa akin ang lalaki o si Sandro, dahilan para umiwas ako ng tingin.
"Ibinalita sa amin ni Franco na kasama mo na ang Luna." dinig kong sabi ni Sandro. Napasulyap ako sa kanya, pero hindi ko inaasahan na nakatingin pala ito sa akin. Napalingon sa amin si Lucas. Sumulyap ito sa akin bago napatingin kay Baron. Tumango ito dahilan para tumango pabalik si Baron. Tumaas ang kilay ko dahil doon.
Napahawak sa braso ko si Baron. Nilingon ko siya, gusto ko siyang tanungin kong ano ba ang ibig sabihin ni Lucas sa pagtango nito, pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Masyado ata akong nagulat ngayon.
"Bumalik na tayo sa mansion." bulong sa akin ni Baron. Nagtaka ako doon at napalingon kay Lucas. Nakatingin pala ito sa amin. Bahagya itong ngumiti pagkatapos ay tumango na para bang sinasabi na sundin ko ang sinabi ni Baron sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang kumilos.
Nagsimula akong maglakad palampas kina Lucas. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ng mga taong-lobo habang naglalakad ako. Nakayuko ako buong magdamag hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng kakahuyan. Parang nakahinga ako ng maluwag doon. Napasulyap pa ako muli sa kakahuyan. Nakita ko ang pag-uusap nina Lucas at ni Sandro. Sayang nga lang at hindi ko malalaman kong ano bang pinag-uusapan nila.
Naalala ko bigla ang ang sinabi ng lalaki. Kasama na daw ni Lucas ang Luna?
Luna? Ano 'yon?
"Maria.. Hali na. Pumasok na tayo sa mansion." ani Baron.
Napatango na lang ako at sumunod sa paglalakad sa kanya. Nang makapasok kami ay nakita namin si Manag Helen na nakaabang sa sala.
"Anong nangyari?! Maria? May masama bang nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni manang habang papalapit ito sa akin. Sinuri-suri niya pa ako ng tuluyan itong makarating sa harapan ko. Bahagya ko itong nginitian.
"Ayos lang ako manang." paniniguro ko sa kanya. Huminto ito at napatitig sa akin. Pagkatapos ay Napabuntong hininga.
"Mabuti naman kung ganoon." may ginahawang sambit nito. Hindi na lang ako umimik.
"O siya, ihahanda ko lang ang hapunan. Sumunod na lang kayo sa hapagkainan." Sambit ni manang matapos ang mahabang katahimikan. Napatingin at tumango ito kay Baron pagkatapos ay naglakad na paalis ng sala. Sinundan ko siya ng tingin. Dire-diretso lang itong maglakad.
Napalingon ako kay Baron na ngayon ay mukhang malalim na iniisip. Naalala ko ang pagsensyahan nila ni Lucas kanina.
"Baron.. " Pagkuha ko sa atensyon niya. Napalingon naman ito sa akin. Napalunok ako. Siguro naman, sasagutin na niya ang katanungan ko. Matapos sa nangyari kanina.
"Lobo ba si Lucas?" diretsahang tanong ko.
Napatitig lang siya sa akin. Gumalaw ang panga nito na para bang may pinipigilan. Ilang sandali ay Napabuntong hininga ito at napahilot sa sentido.
"Dahil sa katanungan mong iyan ay muntikan ka ng mapahamak." aniya at nagsimulang maglakad patungo sa sofa. Itinapon nito ang sarili doon at kaagad na isinandal ang likuran sa sofa. Ipinikit nito ang mga mata at napabuga ng hangin. Sumunod na lang ako at tumabi sa kanya. Hinarap ko siya.
"Gusto ko lang naman kasing malaman.." Halos pabulong na sambit ko.
Napamulat ito at napalingon sa akin.
"Bakit ba naisipan mong pumunta sa kakahuyan?" nagtataka nitong tanong sa akin. Napakagat-labi ako at napaiwas ng tingin. Sasabihin ko ba? Well, mukhang may alam naman ito sa existence ng mga lobo. Mukhang alam rin nito ang katauhan ni Lucas.
"Nakakita kasi ako kanina ng lobo doon.. doon mismo sa kinatatayuan ko kanina." tugon ko sa kanya.
Napaiwas ito ng tingin sa akin at muling napapikit.
"So that's why.." dinig kong sambit nito. Hindi na lang ako nag-abalang tanungin kung ano ba ang ibig sabihin nito sa sinabi. Imbes ay muli ko siyang tinanong.
"Hindi mo pa ako sinasagot. Tell me, lobo ba talaga si Lucas?"
Napabuga ito ng malalim na hininga at napaharap sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata.
"Wala ako sana sa posisyon para sabihin ito sa'yo. Pero dahil sa nangyari, mukhang mapapipilitan ako." aniya. Huminga ito ng malalim. Pumikit pa talaga ito pagkatapos ay minulat rin. Nakita ko ang pagbago ng kulay ng mata niya. Nanlaki ang nga mata ko doon.
"Oo. Isang lobo si Lucas." anito. Muli nitong ginawa ang pagbabago ng kulay ng mata. From dark brown to pale yellow. Napalunok ako. Oh God.. Is Baron also....
"As well as me. Isa rin akong lobo. But not the same as Lucas." dagdag pa nito.
Hindi ako nakaimik agad. Oo, I was jusy expecting Lucas to be werewolf. Pero ang katotohanang pati ang ex s***h kaibigan ko ay isa rin lobo? Oh goodness! The thought of it na halos magkakilala kami for almost five years, nakakabaliw?! Hindi ko manlang nahalata?!
Pero napataas ang kilay ko sa huli nitong sinabi. Ano ba ang ibig sabihin nito na hindi sila magkapareho ni Lucas? Bakit, may iba't ibang breed ba ang lobo?
"Ano bang breed mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Baron sa tanong ko. Ilang sandali lang ang lumipas ng bigla itong humalakhak sa tawa. Halos mapahawak ito sa sariling tiyan habang patuloy na tumatawa. Napanguso ako.
"Goodness! Really, breed talaga ang itatanong mo sa akin Maria?!" Natatawa pa nitong sabi.
"Bakit? Anong masama sa tanong ko? Sinabi mo kasing magkaiba kayo ni Lucas? So I'm expecting na iba ang breed mo sa kanya." Inosenteng paliwanag ko. Hindi naman siya huminto sa kakatawa.
Goodness. Napakaseryoso kanina. Hindi ko inaasahan na darating kami sa puntong ganito, tatawanan niya lang ako. Nakakainis.
Ilang sandali lang ay huminto na rin ito sa kakatawa. Mabuti nga. Kung hindi ay si Lucas na lang ang tatanungin niya.
"Anong tingin mo sa amin Maria, aso? Na may breed?" natatawa pa nitong sabi. Ang sarap niyang kutusan. Tatawa pa eh.
"Ano ba kasi? Ipaliwanag mo." medyo naiirita kong sabi.
Tuluyan na itong huminto sa pagtawa. Humugot ito ng malalim na hininga habang nakatitig sa akin.
"You see. Ang pinagkaiba kasi namin ni Lucas, 'yong posisyon namin." paninimula niya. "Isa nga akong lobo, but I'm a beta. While your husband, Lucas, is the Alpha. Siguro naman alam mo ang Alpha? Sila 'yong tumatayong leader ng isang pack. Lucas is the Alpha of Lancaster Pack. Na sa ngayon, ang pinakamalaking pack sa buong existence ng mga lobo."
Natigilan ako sa sinabi nito. Alpha? Lucas is an Alpha? Which happens to be my husband?!
Napalunok ako when realization hits me. Omayghad.
I'm married to the Alpha!
To be continued...