Kabanata VIII: Into the Woods
|Maria|
"IYAN ang dahilan kong bakit tutol ako sa relasyon niyo, Maria."
Napatitig ako kay Baron, kitang-kita ko ang sensiredad sa mga mata nito habang sinasabi iyon. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon na nakumpirma ko nang totoo ngang lobo si Lucas, at hindi lang basta lobo, kundi isang Alpha, parang mas gugustuhin ko na lang malaman na isang pangkaraniwan lang siyang lobo.
Lucas is an Alpha. Alpha of the Lancaster Pack. Napalunok ako. Goodness, hindi ko inaasahan ito. Napasandal ako sa sofa at napapikit. Napahilot ako sa aking sentido.
Isa pang ikinagulat ko ay ang pagiging lobo ni Baron. Napaupo ako ng maayos at masama siyang tinitigan. Tumaas naman ang kilay niya dahil doon.
"Ikaw. Tingin mo makakabuti ka sa akin? Isa ka ring lobo diba?" paismid kong sabi sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa inasal ko. Ilang beses siyang napakurap bago napabuntong hininga.
"Kaya nga. Pero mas hamak na ligtas ka naman sa piling ko kesa kay Lucas—ARAY!"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinuntok sa braso nito. Napatingin siya ng masama sa akin, tinaasan ko na lang siya ng kilay.
"Ang brutal mo. Bagay na bagay talaga kayo ni Lucas." anito na lang at inirapan ako. Inirapan ko na lang siya pabalik.
Ilang sandali lang ang lumipas ng biglang bumukas ang entrance door. Sabay kaming napatingin ni Baron doon, at mula doon ay may pumasok na apat na lalaki. Napalunok ako ng mapansing nakatitig sila sa akin. Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil doon. Lalo pa ng magtagpo ang tingin namin ng lalaking nagngangalang Sandro. Bahagya itong yumuko pagkatapos ay seryoso akong tinitigan. Napaiwas ako ng tingin.
Huling pumasok si Lucas. Nagkatitigan kami. Bahagya lang itong ngumiti sa akin pagkatapos ay lumipad ang tingin nito sa likuran ko, kay Baron.
Nilingon ko si Baron na nakatingin sa harapan namin. Tumango ito pagkatapos ay napatingin sa akin. Nginitian niya na lang ako. Ibinalik ko ang tingin sa aking harapan, ngayon ay nag-uusap usap na silang lima. Hindi ko nga lang maintindihan dahil halos bulungan na ito.
"Tara na sa kuwarto mo, Maria."
Napaangat ako ng tingin kay Baron na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Teka, hindi ba kami maghahapunan?
"Hahatiran ka na lang daw ni manang Helen ng pagkain sa itaas." anito na para bang naririnig niya ang hinanaing ko sa isipan pagkatapos ay hinila ako patayo. Sinimulan niya akong hilahin patungo sa hagdan. Napatingin ako kay Lucas, napansin ko ang pag-igting ng panga nito.
"Ang sinabi ko ihatid mo lang siya Baron, hindi kaladkarin paitaas." mariing sambit nito. Napatingin sa amin ang apat, lalo na 'yong Sandro. Kitang-kita ko kung paano niya ako suriin. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya. Naibaling ko ang tingin ko kay Lucas, na ngayon ay masamang tinitignan 'yong Sandro. Napahugot ito ng hininga, na para bang may hindi ito nagustuhan.
"Stop looking at her.." nagsimula itong maglakad papalapit sa amin ni Baron. "Baron, ikaw na muna ang bahala kina Sandro, ako na ang maghahatid kay Maria sa kuwarto ko." dagdag nito at huminto sa paglalakad ng makarating ito sa harapan namin.
Mabilis niyang kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak ni Baron at hinila payakap sa katawan nito. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib nito.
Dahil doon ay nakarinig naman ako ng tawanan, sa likuran ni Lucas at sa likuran ko.
"Hay naku. Binabakuran na ni Lucas ang asawa." dinig kong asar sa likuran ni Lucas. Hindi ko alam kong sino ang nagmamay-ari ng boses n'on.
Parang umakyat ang lahat ng dugo sa aking mukha ng marinig ko iyon.
"Oo nga. Basta pagdating sa Luna nito, binabakuran na talaga." dagdag pa ng isa.
"Magsitahimik kayo. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi ko na kayo inimbitahan pa dito." dinig kong naiinis na sambit ni Lucas. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa braso ko. Nagsimula itong maglakad paakyat, wala akong nagawa kundi sundan ito.
Nilampasan namin si Baron na nakangisi, napairap na lang ako sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa pag-akyat.
Mabilis kaming nakarating sa harapan ng kuwarto nito. Nang makapasok kami doon ay ito ang naglock ng kuwarto, pero hindi nito binibitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, humarap ito sa akin.
Nagkatitigan kami, mariin lang siyang nakatitig sa akin. Bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya napaiwas ako sa kanya ng tingin. Naramdaman ko ang pabuga nito ng malalim na hininga.
Muli itong naglakad patungo sa kama, pero hila-hila pa rin ako. Nang makaupo ito sa kama ay hinila niya ako paupo sa kandungan nito. Hindi kaagad ako nakareact ng bigla nitong ibinaon ang mukha sa aking leeg. Napakagat-labi ako nang nakikiliti ako sa paghinga nito.
"For sure dahil sa nangyari kanina, alam mo na ang katauhan ko." dinig kong pabulong na aniya. Niyakap nito ang mga braso sa aking bewang, wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. Napapikit ako, ang init ng katawan niya.
"Did Baron told you the truth?" tanong nito. Tumango ako bilang tugon. Hindi kami umimik. Naramdaman ko na lang ang muling paghugot nito ng malalim na hininga.
"A-Are you.. afraid of me?"
Napamulat ako ng marinig ko sa kanya iyon. Bahagya kung kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. I looked at him, napansin ko ang pag-aalala at takot sa mga mata nito. Naiintindihan ko na nag-aalala ito, pero ang takot? Bakit ito matatakot?
Hindi ko maiwasang haplusin ang pisngi niya. I looke directly into his eyes. Mabilis na nawala ang emosyon na naroroon kanina.
Tipid ko na lang siyang mginitian. Takot ba ako sa kanya? Siguro n'ong una, oo. Siguro bago ko malaman na lobo siya. Oo, takot pa ako n'ong mga raw na 'yon sa kanya. Pero ngayon, hindi na. Tanggap ko na. Ano bang magagawa ko? Nakakulong naman ako sa kanya, mananatili ako sa tabi niya, hindi dahil sa asawa niya ako, pero dahil.. sa kasunduan.
"Hindi.. hindi ako takot sa'yo." tugon sa kanya. Napangiti naman siya sa tinugon ko. Napatitig ako sa maabo niyang mga mata.
"I thought.. you're afraid.. again" halos pabulong na anito sa akin. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi nito.
Again? Ano ang ibig nitong sabihin? Nagkita na ba kami da—. Napabuntong hininga ako. Naalala ko ang una naming pagkikita, ang gabing niligtas niya ako. Takot na takot talaga ako n'on. Of course, iyon naman siguro ang ibig nitong sabihin hindi ba?
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa may kumatok mula sa pintuan.
"Lucas, hinahanap ka nina Baron at Sandro.." sambit ni manang Helen mula sa labas ng kuwarto. Nagkatinginan kami ni Lucas. Hindi ko maiwasang matawa nang napanguso ito sa sinabi ni manang.
Kumilos ako paalis sa kandungan niya, para sana pabalikin na siya sa mga kasama nito kanina. Pero hindi pa ako tuluyang nakakaalis sa kandungan nito nang hinigit niya ako payakap sa kanya.
"Pakisabi manang na si Baron na lang ang mag-asikaso sa kanila. Dito lang ako sa asawa ko."
Diretso lang ang tingin nito sa akin habang sinasabi iyon. Nag-init naman ang pisngi ko dahil doon. Napaiwas ako ng tingin at napakagat-labi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Sige anak, sasabihin ko." tugon ni manang sa labas ng kuwarto. Narinig ko ang yabag nito paalis. Naibalik ko ang tingin ko kay Lucas, na ngayon ay ang lawak ng ngiti nito. Pinanlakihan ko siyang mata.
"Anong ginagawa mo? Hindi mo ba sila babalikan?" ani ko. Pero tinawanan niya lang ako.
"Nah. Kaya na ni Baron ang mga 'yon. I'd rather stay with you than with those idiots.." pagpapaliwanag nito.
Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Napatitig ako sa mga mata niya. He smiled again at muling ibinaon ang mukha sa aking leeg.
Niyakap ko siya pabalik. I rested my chin on his head. I smiled inwardly. Sana.. sana ganito na lang palagi. Naipikit ko ang mga mata ko. I wanted to enjoy this moment. Hindi ko naman alam kung hanggang kailan ito tatagal.
"I STILL can't believe that you agreed to marry my cousin, Mars.."
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi ni Baron. Lumipad ang tingin ko sa ikalawang palapag ng mansion, sa open balcony na mismong nakaharap sa kinaroonan namin. Kitang-kita ko na nakatuon lang sa amin ang tingin ni Lucas. Nakangalumbaba ito sa railing habang nakatingin sa amin. Napaiwas ako ng tingin at napatingin kay Baron, na ngayon ay nakangisi sa akin. Napairap ako sa kanya ng wala sa oras.
"Tumigil ka Baron, huwag mo akong asarin." pairap kong sabi sa kanya. Tumawa naman ito dahil doon.
"Bakit? Ang sarap kasing inisin ni Lucas." natatawa nitong sabi. Kusang lumipad muli ang tingin ko sa ikalawang palapag ng bahay, kung kanina ay nangangalumbaba lang si Lucas doon sa open balcony, ngayon mismo ay nakaupo na ito sa railings!Napatayo ako ng wala sa oras.
"Lucas?!" biglang pagtawag ko sa pangalan niya. Naglakad ako palabas ng gazebo at tinignan si Lucas mula sa kinaroroon nito. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa posisyon nito ngayon.
"Bumaba ka diyan at baka mahulog ka!" muli kong sigaw. Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Nakarinig naman ako ng pagtawa sa aking likuran kaya napalingon ako kay Baron. Tinignan ko siya ng masama. Bakit ito tumatawa?
"Bakit ka tumatawa diyan? Hindi ka ba natatakot para sa pinsan mo? Paano kong mahulog siya doon?!" pagalit ko na ani kay Baron. Hindi naman ako nito pinansin at tumawa na lang.
"Baka nakakalimutan mo kung anong klaseng nilalang ang asawa mo, Maria?!"
Napipilan ako sa sinabi nito. Napairap na lang ako sa sinabi niya at ibinalik ang tingin kay Lucas, at halos mapasinghap ako sa takot sa sunod nitong ginawa!
"LUCAS!!"
Hindi ko ba alam kong tama ba ang nakita ko. Nahulog ba ito o kusang tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay?! Mabuti sana kung mababa lang iyon!
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Napalunok ako at kaagad na tumakbo papalapit sa mansyon.
Habol-hininga ang ginawa ko ng makarating sa harapan ng mansion. Tinungo ko ang daan patungo sa tinalunan nito o pinagkahulugan niya. Pero bago ako makarating doon, nakita ko na siyang lumabas sa daan at prenteng naglakad papalapit sa akin. Natigilan ako sa paglalakad at napatitig lang sa kanya.
Hindi ako kumibo sa kinaroroonan ko. Pansin ko ang salubong nitong kilay habang naglalakad. Mariin itong nakatingin sa akin. Napalunok ako ng huminto ito sa harapan ko. Napatitig lang ako sa mga mata nito.
"I hate it.." biglang sambit nito. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Ano namang ikinakagalit nito?
Napapikit ito pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi na ako nagulat ng bigla niya na lang hinuli ang braso ko at hinila papasok sa mansion.
"Lucas! Ibalik mo dito si Maria?! May kailangan pa kaming pag-usapan!!" dinig kong sigaw ni Baron mula sa likuran namin.
Imbes na lingunin ang pinsan ay narinig ko ang pag-ungol nito sa inis. Napalingon ako kay Baron habang hinihila pa rin ako ni Lucas. Nakita ko ang pagngisi nito. Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil doon. Pinagtitripan na naman nito si Lucas. Napailing na lang ako dahil doon.
Nakapasok kami ng tuluyan sa mansion, hinila niya ako patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Naging pamilyar ang dinaanan namin. Hindi na rin ako nagulat ng makarating kami sa kuwarto nito. Nang maisarado at ma-lock nito ang pinto, tuluyan na niya akong hinarap.
Napatitig lang ako sa kanya. I stared at his grey eyes.
I still can't believe. I still can't believe that this man in front of me, which happens to be my husband, is really a wolf. Not just an ordinary wolf, but an Alpha.
Napatitig ako sa mga mata niya. Yesternight was perfect, well para sa akin. Hindi man kami nag-uusap, pero pakiramdam ko nagkakaintindihan kami. Kumain lang kami ng hapunan ng paalis na ang mga kaibigan ni Lucas. Ang buong akala ko ay kung sino na ang mga ito, only to find out na kasapi ito ng pack niya. They're just visiting to see me.
Hindi ko nga alam kong bakit nag-abala pa ang mga 'yon na bisitahin ako. Wala namang espesyal sa akin? And I keep hearing from them calling me Luna.
Luna? As in Moon? And why is that?
Pero naligaw rin siya sa usapan nang nagsimula na naman ang mga ito na asarin si Lucas. I can't help myself to smile na makita ang mga itong nag-aasaran, ang ku-kyut nilang tignan.
We slept together, again. At nang magising ako kaninang umaga, ibang-iba sa pakiramdam kung nagigising kang mag-isa sa kama. I felt complete at that time. Hindi ko lubos maisip na, darating ang araw na gigising ako at ang una kong masisilayan sa paggising ko ay ang aking asawa. I just felt complete
"Maria.."
Natauhan ako ng mapansin ko na sobrang lapit na pala sa akin ni Lucas. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Nakatitig siya ng diretso sa aking mga mata. Napalunok ako ng umangat ang kamay nito at nilagay sa likod ng tenga ko ang takas kong buhok.
"Pwede bang huwag kang dumikit kay Baron?"
Napakurap naman ako sa sinabi nito. Wait, ano raw?
"Bakit?"
Napanguso ito sa tanong ko. Iniwas nito ang mga mata sa akin at umatras ng isang hakbang palayo sa akin. Tumaas ang kilay ko dahil doon, lalo pa nang tuluyan na itong tumalikod sa akin at naglakad papalapit sa kama nito.
"Lucas? Bakit? Magkaibigan lang naman kami ni Baron eh. Tsaka—"
"Basta ayoko." putol nito sa sasabihin ko. Muling tumaas ang kilay ko dahil doon. Bakit ba ayaw nitong dumidikit ako kay Baron?
Well, in the first place, hindi naman ako ang dumidikit sa lalaking 'yon. Ito mismo ang humihila sa akin kapag sumusulpot ito sa kung saan-saan tapos ibabalandara ako sa harapan ni Lucas na magkasama kami.
Napahinto ako sa pag-iisip ng may marealize ako. Napakagat-labi ako at napatitig sa nakadapang Lucas. Posible kayang... nagseselos ito?
Naglakad ako papalapit kay Lucas, at naupo sa tabi nito. Hindi ito kumibo sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.
"Lucas.." pagtawag ko sa pangalan niya. Napatingin ako sa mukha nito, nakapikit ang mga mata nito na animo'y tulog. Pero alam kong nagtutulog-tulugan lang ito sa akin.
"Lucas.." muling pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi ito umimik. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago napagdesisyonang tumabi sa pagkakahiga dito.
Humiga ako paharap sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Is this really my husband? He's so handsome and beyond my reach. Hindi ako umaasang magkakaasawa ako na ganito kagwapo. But here I am.
Pero napakurap ako ng bigla nitong iminulat ang mga mata. Seryoso ang tingin nito sa akin. Napakagat-labi ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Tumihaya ako para hindi ko siya matitigan.
"Hindi ko magagawa ang sinasabi mo. Baron is my friend.." paninimula ko. Hindi siya umimik. Pero naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Napatitig na lang ako sa kisame.
Lihim akong napasinghap ng bigla itong umisod papalapit sa akin. Pinulupot nito ang isang kamay sa aking bewang habang ibinabaon nito ang mukha sa aking leeg. Bakit ba mahilig itong yumakap?
"Okay. Naiintindihan ko.. It's just that.. Baron is so annoying." pagpapaliwanag nito sa akin. Natawa naman ako sa komento niya sa pinsan nito. Well, I agree. Baron is annoying in his own way.
"Wala ka nang magagawa. Pinsan mo 'yan." tanging nasabi ko na lang. I heard him groaned because of that pagkatapos ay nauwi rin kami sa katahimikan. Ramdam ko ang pantay nito na paghinga kaya napalingon ako sa kanya sa pag-aakalang nakatulog ito.
Nanlalaki ang mga mata ko ng maramdamang sobrang lapit na ng mukha namin. Napalunok ako ng wala sa oras. Napatitig siya sa mga mata ko pagkatapos ay ngumiti.
"Gusto mo bang mamasyal?" bigla nitong sambit. Napakurap ako dahil doon. Mamasyal?
"S-Saan naman tayo pupunta?" wala sa sarili kong tanong. Lalabas kami pero halos dalawang oras ang layo ng bayan sa lugar namin.
"Gusto mo ba?" imbes na tanong nito. Napatitig ako sa kanya. Pansin ko na hinihintay niya ang sagot ko. Papayag ba ako? Anong oras na? Baka gabihin kami. Pero.. gusto ko siyang makasama.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Napanginti naman siya dahil doon. Kaagad itong bumangon sa pagkakahiga, hinila niya rin ako pabangon sa kama. Natawa naman ako dahil napansin ko na parang excited ito. Well, ako rin.
"Ipapahanda ko na kay manang ang dadalhin natin."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Nagsimula kaming maglakad patungo sa pintuan ng kuwarto nito.
"Bakit, nakahanda ka na ba?"
Napahinto siya sa pagbukas ng pintuan at napalingon sa akin. Hindi natanggal ang ngiti nito sa mukha.
"Yeah. I'm just hoping you would say yes." anito pagkatapos ay tuluyan na kaming lumabas ng kuwarto nito.
Mabilis naming tinungo ang daan patungo sa kusina. Nakasalubong pa namin si Baron na papasok ng mansion. Napahinto ako para sana kausapin ito pero bigla na lang akong hinila ni Lucas patungo sa kusina. Nagtataka akong napatingin sa kanya ng makarating kami roon.
"Kakausapin ko lang sana si Baron. Baka kasi—"
"No. Hindi siya sasama. Tayong dalawa lang. I want to spend time with you." diretso nitong sabi pagkatapos ay nilapitan si manang Helen na may inaayos. Nakipag-usap ito tungkol sa mga dadalhin. Napakurap ako at napatitig kay Lucas.
I want to spend time with you. Napakagat-labi ako. well, inaasahan ko namang kaming dalawa lang ang lalabas. Hindi ko naman aayain si Baron na sumama sa amin dahil for sure baka masira lang 'yong pasyal namin kapag sumama iyon. I just wanted to asked Baron something. Pero nawala iyon sa isipan ko dahil kay Lucas. Lihim akong napangiti.
Nanatili na lang ako sa kinaroroonan ko. Napansin ko na lumapit na ito sakin, at may hawak-hawak na basket. Napakurap ako at napatingin sa kanya.
"Picnic?"
Ngumisi ito at hinuli ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng kusina. Naabutan namin si Baron na nasa sala. Napatingin ito sa aming dalawa.
"Oh?" napatingin ito sa hawak-hawak ni Lucas. "Magdi-date kayo?" nakangisi nitong tanong. "Pwedeng sumama?" dagdag pa nito.
Napahinto kami sa paglalakad ni Lucas. Hinarap nito si Baron, napailing ako ng mapansin ang salubong nitong kilay. Napatingin ako kay Baron at pinanlakihan ko lang ito ng mata. Mas lalong lumawak ang ngisi niyo.
"Tumahimik ka Baron. Just do you're thing here while I'm away with my wife." iyon lang ang sinabi ni Lucas at muli niya akong hinila patungo sa pintuan sa ilalim ng hagdan. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Baron. Umalingawngaw naman sa buong mansion ang halakhak nito.
Ilang pagliko ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa bakuran ng mansion. Ohh.
Napatingin ako sa mga matataas na puno. Napalingon ako kay Lucas. Nagtagpo ang tingin naming dalawa. Pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nasa likuran kami ng mansion.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. Bigla akong nagkaroon ng ideya na maaaring.. sa kakahuyan kami magpicnic.
"I wanted to show you my world.."
Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi na ako nakareact pa ng muli niya akong hinigit palakad. Dumaan kami sa lawak nitong lawn. Pagkatoos ay nakarating rin kami sa bukana ng kakahuyan. Muli akong napalingon sa kanya. Bigla nitong inabot sa akin ang basket kaya inabot ko iyon kaagad.
Sinundan ko ng tingin ang bawat kilos niya, nanlaki ang mga mata ko ng bigla nitong hinubad suot-suot nitong pang-itaas pagkatapos ay lumuhod patalikod sa akin. Teka...
"Anong g-ginagawa mo?" nauutal kong tanong. Napahigpit ang hawak ko sa basket. Nilingon niya ako at tumingala sa akin. Bahagya itong ngumiti.
"Ride me after I shape-shift." anito.
Natigilan ako sa sinabi niya. Shape-shift? Omayghad. Don't tell me?!
At hindi nga ako nagkakamali. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang... maging lobo si Lucas. Dumapo ang kamay ko sa aking bibig dahil sa aking pagkagulat.
Napatitig ako sa itim na lobo na nasa harapan ko ngayon, I looked directly into it's red eyes. Napakalaki nito, hindi ito katulad ng lobo na humabol sa akin n'ong gabing 'yon? He's much bigger than those.
'Ride now, Maria. Para hindi tayo gabihin.'
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko siya sa isipan ko. Napakurap ako.
'Maria.'
Doon na ako natauhan. Parang robot akong lumapit dito. Bahagya itong sumampa sa lupa para makasakay ako. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko ng tuluyan akong makaupo sa likuran ng lobong Lucas. Napakapit ako ng mahigpit dito, his fur is so soft..
'Ready?' tanong nito ng tuluyan na itong nakatayo ng maayos.
Napalunok ako ng wala sa oras. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Napatingin ako sa kakahuyan, at ilang sandali ay tinugon siya.
"Yes.." halos pabulong kong sabi. At hindi pa nag-iisang segundo ng bigla itong tumakbo. Napasigaw at nakapit ako sa kanya ng wala sa oras.
Sana naman, buhay pa ako kapag nakarating kami sa patutunguhan namin!!
To be continued....