Chapter Six

3186 Words
Kabanata VI: Jealousy |Maria| "ANO?!" "Baron! Umupo ka nga!" Imbes na sundin nito ang sinabi ko, nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at gulat na gulat. Napabuntong-hininga ako. Inaasahan ko na ganito ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Lucas. Hindi ko kasi mapigilang hindi sabihin sa kanya. May pinagsamahan kami, at isa siya sa mga kaibigan kong alam kong mapagkakatiwalaan ko kahit na may nakaraan kami. Well, maayos naman kaming nagkahiwalay at pumayag rin naman akong manatili kaming magkaibigan kahit na hindi nagwork-out 'yong relasyon namin. "P-paano nangyari 'yon? I mean.. pumayag ang mga magulang mo?!" dagdag pa nito. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa ito naniniwala sa sinabi ko. Maski ako nga ganoon rin, pero ano bang magagagwa ko, may prowebang kasal ako kay Lucas. "Mahabang istorya.." nangalumbaba kong sabi. Kasalukuyan kami ngayong nasa bakuran ng mansion. Sa Malawak na lawn tapos sa gitna nito ay may gazebo, kung saan may lamesang pabilog at ngayon dito kami nakaupo ni Baron para mag-usap. May pagkain rin sa harap namin, pero tinitigan ko lang iyon. Ang buong akala ko nga ay puro matataas na puno lang ang makikita ko dito. Pero ng dalhin ako dito ni Baron, hindi ko maiwasang hindi mamangha ng todo. Naupo si Baron sa harapan ko at napatitig sa akin. Napaupo naman ako ng maayos ng inabot nito ang kamay ko at hinawakan. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig doon. Katulad pa rin ng dati, wala akong maramdaman na kong anong kuryente kapag magkahawak ang kamay namig dalawa. Hindi katulad ng kay Lucas... Lihim akong napamura ng maisip ko iyon. Bakit ba siya biglang sumusulpot sa isipan ko?! Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Matapos niya akong hilahin palayo kay Baron at umalis sa open balcony ay dumiretso kami sa kuwarto nito. Akala ko mag-uusap kami pero hindi, iniwan niya lang ako at sinabihang doon ako matulog. Napabuntong hininga ako. Nang magising ako kanina, wala siya sa kuwarto niya. Nang lumabas ako upang tanungin si manang Helen, napag-alaman ko namang nasa opisina niya ito ay may ginagawa raw na trabaho. Doon naman pumasok sa eksena si Baron. "Handa akong makinig Maria..." dinig kong sabi ni Baron. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa akin ng magtama ang mga tingin naming dalawa. Muli akong napabuntong-hininga. Ano pa bang magagawa ko. Malalaman at malalaman niya rin naman ang dahilan. Nagsimula akong magkwento sa kanya. Mula sa simula hanggang sa kasalukuyang alam niya. Kitang-kita ko kung paano siya magulat sa bawat kwento ko. kesyo raw bakit nagawa iyon ng nanay ko sa akin. Kesyo raw bakit hindi nila pinahalagahan ang desisyon ko. Kesyo raw may desisyon akong akin. Oo nga, may desisyon akong akin. Pero desisyon ko rin namang sundin na lang ang mga magulang ko, dahil mas importatne sila kesa sa sarili ko. "Hindi mo ba ito pagsisishan?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Baron. Hindi ko nga ba ito pagsisisihan? "Let the pieces fall into it's places.." bahagyang nakangiti kong tugon sa tanong niya. Hindi na rin ito umimik at sinimulan na lang lantakan ang pagkaing nasa harapan namin. Magtatanghalian na ng bumalik kami sa bahay. Marami rin kaming napag-usapan ni Baron. Nagkuwento ito sa naging buhay niya sa Maynila, sa mga nangyari sa mga kaibigan naming naroroon. Hindi ko nga maiwasang hindi matawa dahil ang exaggerated niya kasing magkwento. "Tapos n'ong matagpuan namin si Joy doon sa bar, alam mo ba ang ginawa niya?" natatawang kwento nito. "Ano?" natatawa ko ring tanong. Kasalukuyan kaming naglalakad patungong kusina. "Nakita namin siya sa dancefloor at ayun, pinagtitinginan ng tao dahil kakaiba ang sayaw. Hanep Mars, para siyang baliw doon. Vinedeohan nga namin at pinakita sa kanya pagkaumaga, halos pagsuntukin kaming lahat dahil doon." Natawa ako ng tuluyan sa sinabi niya. Halos mangiyak-ngiyak ako sa kwento niya sa isa naming kaibigan. Nagbiruan pa kami bago tuluyang makarating sa kusina. Ako ang unang nakapasok doon, at nawala ang lahat ng tawa ko sa katawan ng makita ko kung sino ang nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa. Napahinto ako sa paglakad. Nagkatitigan kami habang nakakrus ang braso ntio sa dibdib nito. Napalunok ako ng wala sa oras. "Oh Mars, hindi na ba nakakatawa ang kwento ko—" Natigilan rin si Baron sa sasabihin niya. Ramdam ko na napatitig rin siya kay Lucas. "Oh, nandito na pala kayong dalawa. Umupo na kayo at nang makakain na tayo." ani manang Helen habang inilalapag ang ulam sa lamesa. Hindi kaagad ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil sa titig ni Lucas sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtiim ng bagang nito. "Maria.." Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman kong bumulong sa tenga ko sa Baron. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakangisi sa akin. Lumapit ito at inakbayan ako. Napairap ako sa kanya. "Tara na, kain na tayo. Mukhang masarap ang luto ni manang.." nakangiti nitong sabi sa akin at ginaya ako patungong lamesa. Mukhang nadinig ni manang Heln iyon at nagpasalamat sa komento ni Baron. Napadako ang tingin ko kay Lucas, at lihim akong nagulat ng makita ko kung paano nagsalubong ang kilay nito. Ilang beses na gumalaw ang bagang niya at masamang nakatitig sa bagay na nasa balikat ko. Napasinghap naman ako sa gulat ng mapag-alaman kong ano iyon. Kaagad kong inalis ang pagkakaakbay ni Baron sa akin. Nagulat ito sa ginawa ko at napatingin kay Lucas. Imbes na matakot sa sama ng tingin nito sa kanya, ngumisi ito sa pinsan niya. "Saan mo gustong maupo—" "Dito siya mauupo sa tabi ko." malalim na sambit ni Lucas. Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nitong sinioa ang upuang nasa tabi niya. Muntikan na iyong matumba. Nagkatinginan kami at ang sama pa rin ng tingin nito sa akin. Sinuway siya ni manang Helen sa ginawa niya. Hindi sana ako uupo sa tabi nito pero tinawag niya muli ako. "Maria.. dito ka sa tabi ko." He deeply commanded. Napalunok na lang ako at sinunod ang sinabi nito. Nagkatinginan pa kami ni Baron bago tuluyang lumapit sa upuang malapit kay Lucas. "Sige.. uupo na lang rin ako sa tabi mo Maria.." masayang sabi ni Baron na siyang ikinalingon ko. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tinaasan lang ako ng kilay. Lihim akong napamura. Isang kinaiinisan ko sa ugali ni Baron, mahirap magbasa ng sitwayson. Pero alam ko namang nababasa niya ang nangyayari, siguro'y nasisiyahan lang ito sa pang-iinis sa pinsan. Mukhang hindi gusto ni Lucas ang narinig niya kay Baron. Pero imbes na matakot ito sa tinatapong masamang tingin ni Lucas, hindi nito iyon pinansin at naupo na sa upuang katabi ko. Napabuntong hininga na lang ako at naupo na rin. Nasa kabilang upuan si manang Helen, magkaharap kami. Pero bago kami magsimulang kumain, nagdasal muna kami. Matapos iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Lucas, salubong pa rin ang kilay nito, nakatiim pa rin ang bagang. Ano bang nangyayari dito? Nagsimula na lang akong kumuha ng kamin, hindi nga lang karamihan, pagkatapos ay ulam na niluto ni manang Helen. Susubo na sana ako ng bigla namang magsalita si Baron. "Oh, iyan lang ang kakainin mo?" nagtatakang tanong nito sa akin. Napatingin ako sa plato ko at napalingon sa kanya. Tumango ako bilang tugon sa katanungan niya. Bigla itong ngumisi. "Ano ka diet? Sa pagkakaalam ko ang lakas mong kumain." bigla nitong inabot ang sandok para kumuha ng kanin. Laking gulat ko ng nilagay niya ito sa aking plato! Teka! "Baron! Baka hindi ko maubos to!" "Anong hindi! Naku, pinipigilan mo lang ang sarili mong kumain. Ang sarap ng ulam ni manang oh." kumuha rin ito ng ulam at dinagdag sa plato ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero nginisihan lang ako ng mokong. Nakanguso akong napatingin sa plato ko ngayon. Ang dami. Makakaya ko ba 'tong ubusin?! Medyo busog pa naman ako dahil kanina. Muli kong nilingon si Baron na masayang kumakain. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Napasigaw siya sa gulat dahil doon. "Aray!" Hindi ko siya pinansin at nagsimula na lang kumain. Nakangiti ako ng mapansin ko ang sama ng tingin niya sa akin. Ang buong akala ay hindi siya gaganti. Pero nagulat na lang ako ng sinipa niya rin ako, mas malakas kesa sa ginawa ko sa kanya. Napasinghap ako sa sakit. "Ano ba!" naiinis kong sabi sa kanya. Nginisihan niya na lang ako ulit. Sinipa ko siya pero sinipa rin ako pabalik. Argh. Naiinis na ako sa kanya. Humarap ako kay manang Helen. "Manang oh, si Baron naninipa.." sumbong ko. Imbes na pagalitan si Baron ay natawa na lang si manang. "Ikaw kaya ang nauna." sisi pa nito sa akin. "Eh dinamihan mo kasi yong pagkain ko! Hindi ko 'to mauubos." sisi ko pabalik. "Eh sa hindi ka ganyan kumain eh. Ang baboy mo kaya. N'ong nasa Maynila tayo, ilang extra rice ang binibili mo kahit madami ang baon mong kanin!" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Pero sa kadahilanang gutom talaga ako noong mga araw na iyon! Iba na ngayon! "Tumigil na nga kayo. Nasa harap kayo ng pagkain." natutuwa pang saway ni manang sa amin. Hinampas ko na lang siya sa braso para makaganti. "Aray! Ang amazona mo talaga kahit kailan!" Natatawa pang komento nito sa akin. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ganoon rin naman ang ginawa niya. "Mukhang malapit kayo sa isa't-isa ah. Magkaibigan ba kayo dati?" tanong ni manang. Napalunok ako ng wala sa oras at napalingon kay Baron. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Napalingon ako sa kanang bahagi ko, patuloy lang sa pagkain si Lucas. Muli akong napalunok at napatitig sa plato ko. "Opo manang, magkaibigan kami dati. Tapos umapgrade, naging magka-ibigan!" kwento ni Baron. Muli ko siyang hinampas sa braso. Natawa na lang uli si manang sa inasal namin. Nilingon ko si Lucas, as usual, nakatuon ang tingin nito sa kinakain nito. Hay. "Kaso bumalik rin kami uli sa magkaibigan manang, ang arte kasi nitong si Maria eh.." Napalingon ako kay Baron sa nadinig ko. "Anong maarte?!" "Naku. Maarte ka naman talaga. N'ong nanligaw nga ako sa'yo, palagi mong binabalik 'yong mga regalo ko sa'yo.." paliwanag nito. "Tapos hindi niya kayang ibigay 'yong bagay hinihingi ko sa kanya.." dagdag pa nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. "Hoy Baron—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang tumayo sa tabi ko. Napasinghap ako ng maalala ko si Lucas. Oo nga pala! "Tapos na ako." dinig kong anito. Padabog niyang tinulak paatras ang upuan nito at naglakad paalis doon. Akala ko aalis na talaga siya ng tuluyan, pero huminto ito sa gilid ko. Kagat-labi akong napayuko. Bakit ko ba nakalimutan na nandito pala siya! "Dumiretso ka sa kuwarto natin, Maria. Kailangan nating mag-usap." iyon lang ang sinabi nito at nagsimulang maglakad palayo. Napaangat ako ng tingin at sinundan ang bulto niya na ngayon ay palabas ng kusina. Hindi ako kaagad nakagalaw. s**t! Bakit ko nga nakalimutan na kasama namin siya sa hapagkainan! Siguradong narinig niya ang pinagsasabi ni Baron. Siguradong narinig niya lahat! Argh! Matalim akong napatingin kay Baron. Muli ko siyang hinampas sa braso, pero ngayon, mas malakas na! "Argh! Ang daldal mo talaga Baron! Kainis ka!" "Aray! Ano ba! Tumigil ka nga! Manang oh! Hindi mo ba ako ililigtas kay Maria?!" Huminto ako sa paghampas sa kanya. Hiningal ako dahil doon. Napatingin ako sa nilabasan ni Lucas. Napabuntong-hininga na lang ako at napalingon kay Baron. Nakangisi naman ang mokong na akala mo ay parang nagtagumpay ito sa gusto nitong mangyari. Inirapan ko na lang siya pero tinawanan lang ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Mabuti naman at naubos ko ang pagkaing nasa plato ko. Naunahan pa nga ako ni Baron kahit ikatlong beses na niyang dagdag iyon. So, sino sa amin ang matakaw? Tumulong ako sa pag-lilinis ng lamesa. Si Baron naman ay tinulungan si manang na maghugas ng plato. Nag-usap lang ang dalawa habang nagpatuloy ako sa pagpupunas. Nang matapos ako ay nagpaalam ako sa kanilang dalawa. "Oh, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Baron. Nilingon ko siya tapos tinuro ang kisame. "Sa kuwarto ni Lucas." tugon ko. Tinitigan niya ako ng ilang saglit bago tumango. Ngumisi ito bahagya. Tinalikuran ko na lang siya at muling naglakad palabas ng kusina. Hindi pa ako nakakalayo doon ng madinig ko ang sigaw ni Baron. "Sabihin mo sa asawa mo huwag magselos masyado!" pagkatapos niyang sabihin yon ay nadinig ko ang halakhak nito sa kusina. Napahinto ako sa paglalakad. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Selos? Nagseselos si Lucas? Imposible! Parang lutang ako habang naglalakad patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Iniisip ko ang sinabi ni Baron. Nagseselos si Lucas. Pero paano naman ito magseselos? Bakit naman ito magseselos? Ano namang pagseselosan niya? Baka kamo pagsabihan ako n'on. Base pa lang sa timbre ng boses nito kanina, nagtitimpi ito. Napalunok ako ng wala sa oras at nagpatuloy sa paglalakad. Dinig na dinig ko ang t***k ng puso ko habang naglalakad ako sa pasilyo. Nadaanan ko pa ang kuwarto ko bago ako tuluyang makarating sa harapan ng pintuan ng kuwarto ni Lucas. Hingang malalim Maria. Hindi ka naman siguro kakainin ni Lucas diba? Asawa ka niya. Panghawakan mo muna iyon. Itinaas ko ang kamay ko at kaagad na kumatok sa pintuan. Tatlong pagkataok ang ginawa ko bago ko marinig ang boses ni Lucas. "Pasok." Napabuga ako ng malalim na hininga bago ko tuluyang binuksan ang pinto ng dahan-dahan. Hindi muna ako pumasok, napabuga uli ako ng malalim na hininga bago tuluyang maglakad papasok. Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang pamilyar na disensyo ng kanyang kuwarto. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang mamangha. The whole room is fully furinished, from the ceiling to floor. May carpet pa sa sahig na para bang nakakasayang na itapak mo ang maruming paa mo doon. Even the furnitures, parang makaluma at naalagaan ng mabuti. The walls are painted into beige or, most of the things are brown, ang mga kurtina ay dark brown, at ang kama.. Goodness, ganoon din, kulay dark brown ang comforter na naroroon. Hinanap ng mata ko si Lucas, pero napansin ko na wala siya doon. Napataas naman ako ng kilay, nasaan siya? "I'm here.." dinig kong sambit nito na para bang narinig niya ang tanong sa isipan ko. Napabuntong hininga ako ng madinig ang boses niya mula sa balcony ng kuwarto nito. Maglalakad na sana ako patungo roon ng pumasok naman siya. Nagkatinginan kaming dalawa, ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Napansin ko na naglakad siya palapit sa akin kaya naman hindi ko maiwasang hindi siya tignan. Napalunok ako ng muling magtama ang tingin namin. Ang seryoso ng timpla ng mukha nito. Napaatras ako ng wala sa sarili ng maramdamang ilang sentimetro na lang ang layo niya sa akin. Pero hinuli niya ang kaliwang braso ko at hinila papalapit sa kanya. Pinigilang kong mapansinghap sa ginawa niya. Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang kuryenteng dumadaloy mula sa kamay ko. This feeling. "Nagkarelasyon ba talaga kayo ni Baron?" paninimula nito. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Ang seryoso pa rin ng tingin nito sa akin. Tumango ako bilang kasagutan sa tanong niya. Napansin ko ang paggalaw ng bagang nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso at naramdaman ko na lang na pumulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko. Kaagad kong nilagay ang isang braso ko sa pagitan namin. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko kinaya. Hindi siya nagsalita. Binitawan niya ang isa kong braso at ipinulupot ang natitira nitong kamay sa bewang ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasubsob sa dibdib niya habang ramdam ko na nakahilig ang ulo niya sa ulunan ko. Naramdaman ko ang paghalik nito doon, kasabay ng ilang murang pinakawalan nito. "Akala ko—fvck." hindi nito tinapos ang sasabihin ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Wala na akong nagawa kundi alisin ang kamay ko sa pagitan namin at niyakap siya pabalik. Natigilan ito sa ginawa ko pero kaagad naman siyang nakabawi. He crouched at isiniksik niya ang ulo niya sa aking leeg. Napapikit ako, hindi ko ikakailang parang ang sarap sa pakiramdam na yakap-yakap ko si Lucas. Para bang napakakomportable kapag nasa bisig niya ako. Hindi ko alam kung ilang minuto ba ang tinagal na ganoon ang posiyon namin hanggang sa magsalita ito uli. "What does Baron means about—" hindi nito tinuloy ang sasabihin at tumikhim. Inalis nito ang ulo sa aking leeg at tumayo ng maayos. Tumitig siya sa mga mata ko. Napalunok ako dahil doon at hinitay ang sunod niyang sasabihin. Pero imbes na ituloy nito ang sasabin ay umiwas ito ng tingin sa akin. "Means about.. what?" tanong ko. Sinubukan kong hulihin ang tingin niya, pero lalo lang siyang umiwas. Napabuntong hininga ito at itinuon ang tingin sa akin. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya. Para bang may gutso itong iparating. "About you.. not to be able to give the thing he wanted.." pagtatapos nito sa sasabihin niya. Hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi nito. Napalunok ako ng malaman kong ano ba ang ibig sabihin nito. Ako naman ang napaiwas ng tingin sa kanya. Goodness. Ilang beses kong minura si Baron sa isipan ko. Makakatikim talaga sa akin 'yong lalaking 'yon. Humanda siya. "Maria.. tell me.." hinuli niya ang baba ko at inagat ang tingin sa kanya. Napatitig ako sa abo nitong mga mata. Napakagat-labi ako. "Ano bang ibig sabihin ni Baron sa sinabi nito. Ano ba ang bagay na hindi mo kayang ibigay sa kanya? Kasi kung ano-ano na ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko upang malaman iyon. Is it something important to you? Is it something.. that should be mine?" halos pabulong na ang huling sinabi nito. Napatitig lang ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi bagay ang hinihingi sa akin ni Baron. Pero ewan ko ba kong bakit hindi ako makapagsalita. Muli niya akong niyakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Napalunok ako ng maamoy ko na naman ang kanyang bango. "Fvck. Sana mali ang iniisip ko na bagay na hinihingi niya sa'yo." Anito. Bahagya niyang kinalas ang pagkakayakap naming dalawa at napatingin uli sa akin. He smiled pagkatapos ay muling nagsalita. "Because I'm fvcking jealous. Nagseselos ako dahil kitang-kita ko kung gaano kayo ka-close sa isa't-isa. One evidence is the way the two of you talk to each other. You're comfortable with him.. kaya.." hindi nito ulit natapos ang sasabihin. Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya. Hindi ko alam kong ano ba ang irereact ko sa mga nadinig ko sa kanya. Goodness, paano nalaman ni Baron na nagseselos si Lucas? Bakit naman siya magseselos kay Baron? Just because of our closeness? Magiging close rin naman siguro kaming dalawa in near future hindi ba? Natigil ako sa pag-iisip ng bigla niya uli akong niyakap. This time, pakiramdam ko, parang hindi na niya ako bibitawan sa paraan ng pagyakap nito. Napakahigpit. Na para ang natatakot itong mawala sa akin. "..natatakot ako na baka bumalik ka sa piling niya.." Napaawang ang mga labi ko sa nadinig. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD