Kabanata V: Ex
|Maria|
"B-BARON?!"
Gulat na sambit ko sa pangalan niya. Ganoon rin ito sa akin.
"Ma-Maria.. ikaw nga." naglakad ito papalapit sa akin. Nang ilang sentimetro na lang ang layo nito sa akin, bigla niya akong niyakap.
"Ikaw nga! Akala ko namamalik-mata lang ako!" masayang anito pagkatapos ay kinalas rin ang pagkakayakap sa akin. Hindi ako makakibo at napatitig rin sa kanya. Gusto kong sabihin rin sa kanya na nagulat rin ako nang makita siya.
Ang lapad ng ngiti nito habang nakatitig sa akin pero kaagad rin iyong naglaho. Nagsalubong ang kilay nito na para bang may naalala.
"T-Teka.. Ba't ka nandito sa bahay ni Lucas?" nagtatakang tanong nito.
Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya. Teka, sasabihin ko ba? Magsasalita na sana ako ng may biglang magsalita sa likuran ko. Kaagad akong napalingon at nakita si manang Helen na nakatayo sa 'di kalayuan at nakatingin sa akin. Lumampas ang tingin nito sa akin dahilan para magbago ang itsura nito. Biglang ngumiti si manang at naglakad papalapit sa amin.
"Baron?! Iho? Ikaw ba yan?" galak na tanong ni manang ng tuluyan na itong makalapit sa amin. Dumalo ito kay Baron at tinignan. Napansin ko na bahagyang naluha si manang. Napataas ang kilay ko dahil doon.
"Opo 'Nay Helen.. ako ito.." pagkatapos sabihin iyon ni Baron ay niyakap siya ni manang. Yumakap rin ito pabalik at napatitig na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ang tagal mong nawala ah. Akala ko hindi ka na babalik dito." maluha-luha pang sambit ni manang. Ngumiti na lang si Baron at napadako ang tingin sa akin. Nawala ang ngiti nito sa mukha, napansin naman kaagad iyon ni manang Helen.
"Siya nga pala, bakit naririto po si Maria?" seryosong tanong ni Baron kay manang.
Napatingin naman si manang sa akin at kay Baron. Pabalik-balik ang tingin nito sa aming dalawa. Napatingin ako kay Baron na seryoso pa rin ang pagkakatingin sa akin. Umiwas rin ako ng makaramdam ako ng pagkailang. Napakagat-labi ako.
"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni manang. Tumango si Baron dahil doon pero hindi pa rin inaalis sa akin ang pagkakatingin. Bahgyang tumawa at napailing si manang Helen.
"Ang liit talaga ng mundo." sambit nito. "Oh siya. Akala ko ikaw si Lucas kasi nagtataka akong hindi kaagad nakabalik si Maria sa kusina. Ikaw pala ang nagdoorbell. Siya nga pala Baron, nakapaghapunan ka na ba?"
Umiling si Baron sa tanong ni manang. Akala ko hindi niya pa aalisin ang tingin niya sa akin. Lihim akong nagpapasalamat ng ibinaling nito ang tingin kay manang Helen.
"Hindi pa nga po manang. Hindi talaga ako naghapunan dahil gusto ko ulit na matikman ang mga niuto niyo." nakangiting tugon nito kay manang.
"Talaga? Tamang-tama! Marami akong hinanda! Sumabay ka na sa amin ni Maria na maghapunan! Tara sa kusina." masayang aya ni manang kay Baron. Ngumiti rin si manang sa akin at inayang bumalik sa kusina. Nauna itong maglakad patungo roon. Hindi ko napansin na naiwan kami ni Baron sa foyer.
"Ano ba talagang ginagawa mo dito Maria. Huli sa listahan ko ang makita ka sa mansion ni Lucas." seryosong tanong ni Baron sa akin.
Napalunok ako at napalingon sa kanya. Nakatingin siya kay manang Helen na papalayo na sa amin. Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli. Napapikit ako at napatikhim at inalis rin ang pagkakatingin sa kanya.
"Tara na.. pumunta na tayo sa kusina." ani ko upang iwasan ang katanungan niya. Nauna akong maglakad para sundan si manang Helen. Nadinig ko ang pagbuntong hininga nito. Gusto ko siyang lingunin, lapitan at sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa akin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Malaki na ako, kailangan kong harapin ang buhay ko ng mag-isa at hindi umaasa sa iba.
Nakarating ako sa kusina at natagpuang nagdadagdag si manang Helen ng pinggan sa mesa. Kaagad akong naupo sa upuan ko, kasabay n'on ay ang pagpasok ni Baron sa kusina. Pinaupo siya ni manang sa tabi nito, sa bandang harapan ko. Napagawi ang tingin ko sa isa pang plato, sa dulong bahagi ng mesa kung saan daw nakaupo si Lucas. Nakataklob iyon. Napabuntong hininga ako at ibinalik na lang ang sarili sa pagkuha ng pagkain.
Ako lang ang tahimik sa aming tatlo. Kapag tinatanong naman ako ay tango lang ang ginagawa ko. Sina manang at Baron lang ang nag-uusap buong magdamag. Doon ko nalaman na pinsan ni Lucas si Baron. Nagulat ako n'ong una, gutso ko siyang tanungin kong katulad rin ba siya ni Lucas na isang lobo. Pero mabuti nalang at napigilan ko ang sarili kong magtanong.
Napag-alaman ko ring dating tumira si Baron dito sa mansion. Close daw kasi sila ni Lucas n'ong mga bata sila at si manang na ang nag-aalaga sa kanila simula n'on. Silang dalawa daw ang magpinsan na hindi maipaghiwalay.
"Kaya nga nakakalungkot ng lumuwas ng Manila si Baron." medyo malungkot na sambit ni manang, Nagkatitigan kami ni Baron. Umiwas rin kaagad ako at ibinalik ang mga tingin ko sa pagkain ko.
"Nakahanap kasi ang ama ni Baron ng bagong trabaho sa Maynila kaya napilitan siyang doon na lang rin mag-aral para makasama niya ang mga magulang niya." dagdag pa ni manang.
Napalunok ako at napapikit. Naaalala ko iyon. Sinabi niya sa akin 'yon ng magkakilala kami sa Maynila. Na kailangan niyang umalis sa probinsiya dahil sa trabaho ng ama niya. Napaangat ako ng tingin dahilan para magsalubong ang tingin namin ni Baron. Napakagat labi ako at ibinaling kay manang ang tingin na ngayon ay mukhang patapos na. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain at nagsimula na naman silang mag-usap.
Nauna na akong magpaalam nang matapos ako. Nagkatitigan rin kami ni Baron bago ako tuluyang makaalis sa kusina. Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan ng makaalis ako roon. Para kasing hindi sapat ang hangin sa kusina dahil sa aming tatlo.
Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa loob. Naisip kong lumabas pero hindi ko na lang ginawa. Sa katunyan nga, sumagi sa isipan ko na tumakas. Malaki ang tsansa ko dahil wala si Lucas sa mansion at busy si manang kay Baron. Pero hindi ko na lang ginawa. Napagdesisyonan ko na ring tuparin ang kasunduan, kaya bakit pa ako tatakas?
Naglakad-lakad ako. Pinagmamasdan ko ang bahay habang ginagawa ko iyon. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating matapos kung makita ang isang pintuan na malapit sa ilalim ng hagdan. Pumasok ako roon at tumambad sa akin ang pasilyo na papunta kung saan. Maglalakad na sana ako patungo roon ng maramdaman ko ang malamig na samyo ng hangin. Nagmumula iyon sa bandang kaliwa ko.
Palipat-lipat ang tingin ko sa pasilyo sa at isang bukas na pintuan kung saan nagmumula ang hangin. Sa huli ay humakbang ako pakaliwa, ilang hakbang ang ginawa ko at nakakita ako ng lanai. Napangiti ako dahil doon.
Kaagad akong lumapit sa dulo ng lanai, kung saan may handrail. Nang makalapit ako ay kaagad akong sumandal doon. Napangalumbaba ako at napatingin sa landscape ng mansion. Pero sa likod nang mga 'to ay mga matataas na mga punong-kahoy.
Napabuntong hininga ako, akala ko puro matataas lang na puno ang makikita ko sa mansyong 'to.
Napaangat ako ng tingin at napatitig sa buwan na nakasilip sa mataas na puno. Sumagi sa isipan ko ang pagtataka sa mukha ni Baron. Alam kong gusto niyang malaman kung bakit nga ba ako nandito. Noong una rin naman, hindi ko alam kung bakit nandito rin ako sa mansyon. Pero matapos kung marinig ang dahilan kay Lucas... hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala.
Asawa. May asawa na ako. Inangat ko ang aking kanang kamay at napatitig sa singsing na nasa aking daliri. Kumintab ang mga diyamante dahil sa sinag ng buwan.
Huli sa listahan na gusto kong makamit sa buhay ang magka-asawa. Ang gusto ko lang naman ay matulungan ang pamilya ko na makaahon kahit paano sa buhay. Pero mukhang dahil sa ginawa nila, kaya na nilang wala ako. Sana nga.
"Maria.."
Mabilis kong naibaba ang kamay ko. Agad akong napalingon ng wala sa oras ng marinig ko ang pangalan ko.
Sumalubong ang tingin namin ni Baron na ngayon ay nakatayo hindi kalayuan sa akin. Napatitig lang ako sa kanya. Pero ng mapansin kong nagsimula itong maglakad palapit sa akin, ay kaagad rin akong umiwas. Binalik ko ang tingin ko sa mga tanim sa paligid hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatayo na siya sa tabi ko.
"Kamusta ka na?" tanong nito. Hindi kaagad ako nakaimik n'ong una pero sa huli ay tinugon ko na rin siya.
"Ayos lang."
Tumahimik muli ang paligid. Pero mukhang hindi sanay si Baron doon dahil muli itong nagsalita.
"Pumunta ako sa bahay niyo kanina." anito na siyang dahilan kong bakit ako napalingon sa kanya. Mukhang hindi niya inaasahan iyon. Napaiwas ako bigla ng tingin at napakagat-labi. Gutso ko siyang tanungin kung kamusta ba ang mga magulang ko, kahit isang araw pa lang akong wala roon. Namimiss ba nila ako?
"Akala ko may pinuntahan ka lang kaya umalis rin ako kagaad. Pero hindi ko inaasahan na dito kita makikita Maria." pagpapatuloy nito. Naramdaman ko ang bahagyang pagharap nito sa akin. Hindi ako kumibo.
"Bakit ka nandito, Maria?" diretsahang tanong nito sa akin. Hindi ako lumingon at hindi nakaimik. Gusto ko mang sabihin, pero pakiramdam ko parang hindi pwede?
Muli kong naalala n'ong nasa siyudad pa ako, kung paano kami nagkakilala ni Baron, paano naging magkaibigan.. hanggang sa magkaroon kami ng relasyon.
Dati ko siyang nobyo. Tuumagal rin kami ng halos dalawang taon. Siya lang naman kasi ang close ko ng mga panahong nasa siyudad pa ako. Sa kanya pa ako nakadepende, sa kanya rin nakadepende ang kasiyahan ko. Pero sa huli, mali pala ang pakiramdam na iyon. Kaya gaya ng ibang relasyon, nagkahiwalay rin kami. Ako ang kumalas, dahil pakiramdam ko hindi tama kung ipagpapatuloy namin iyon. Parang hindi kami puwede. Mabuti naman at kahit paano ay natanggap niya at napagpasyahan naming maging magkaibigan na lang. Ayoko rin naman siyang mawala sa buhay ko. Importante siya sa akin.
"Maria... bakit ka nandito?! Hindi ligtas na naririto ka sa mansiyon—"
"Hayaan mo na ako Baron." pagpuputol ko sa sasabihin niya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Bakit Maria? Ano bang nangyayari? May namamagitan ba sa inyo ni Lucas?" seryosong tanong nito sa akin. Napalunok ako at napalingon sa kanya. Seryoso nga siya. Mariin ang pagkakatitig nito sa akin. Muli kong iniwas ang tingin ko at binalik sa mga halaman.
"Wala ka na roon para alamin pa.. Baron.." tanging tugon ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahas na pinaharap sa kanya.
"Kung may namamagitan sa inyo Maria! Kumalas ka na sa kanya! Hindi siya ang nilalang na inaasahan mo! Mapanganib siya!" pasigaw na paliwanang nito sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya, kitang kita ko roon ang pangungumbinsi nito sa akin.
Napabuntong hininga ako at napayuko. Kung pu-pwede nga lang na kumalas ako sa kanya, gagawin ko. Pero ang mapag-alaman kong kasal ako sa kanya? Hindi ko alam kong magagawa ko pa ba. Sagrado sa akin ang salitang kasal. Pero hindi naman ako ikinasal. Pero basta.
Marahan kong inalis ang pagkakahawak ni Baron sa magkabilang balikat ko. Mabuti naman at hindi niya ako pinigilan. Umatras ako palayo sa kanya at tinitigan ang mga mata niya.
"Wala na akong pakealam roon Baron. Kaya ko ang sarili ko." tanging nasabi ko at naglakad palayo sa kanya. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng pigilan niya ako sa braso. Muli akong napabuntong hinga.
"Pero Maria.. nag-nag-aalala lang ako sa'yo..Matagal rin ang pinagsamahan natin." halos pabulong na anito sa akin. Nilingon ko siya at bahagyang nginitian.
"Alam ko.. pero sana naman hayaan mo na ako sa mga desisyon ko Baron. Matagal na tayong wala..."
Mukhang natigilan siya sa sinabi ko. Kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong iyon para umalis. Pero muli niya akong piniglan.
"Maria.. makinig ka sa akin.. Hindi ka ligtas dito. Hindi ka pupwede dito?! Magkaiba kayo ng buhay ni Lucas—"
"At sino ka naman para husgahan ako?" pagpuputol ko sa sasabihin niya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya tungkol sa magkaiba kami ng buhay ni Lucas. Napansin ko na muli siyang natigilan.
"N-No.. hindi iyon ang ibig kong sabihin.." pagpapaliwanag nito. Bumuga ito ng malalim na hininga at napahilot sa sentido. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Hindi mo kasi maiitindihan—"
"Edi ipaintindi mo sa akin. Ano bang problema doon?" muli kung pagputol sa sasabihin niya. Napatitig ako sa kanya na ngayon ay mukhang nahihirapan sa sitwasyon niya.
Sinubukan kung kunin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero sa muli, hindi niya ako hinayaan. Medyo nakaramdam na ako ng iritasyon dahil doon. Inangat ko ang tingin sa kanya na ngayon ay nakapikit pa rin at mukhang nag-iisip ng sabihin.
Sa katunayan, mukhang nakukuha ko naman ang gusto nitong sabihin sa akin. Ang tungkol sa pagkakaiba ng buhay namin ni Lucas. Malakas ang pakiramdam ko na alam niya ang katauhan ni Lucas. Maaaring katulad rin siya nito. Pero hindi pa naman ako sigurado.
"Ang hirap kasing ipaliwanag, Maria.." sumusuko nitong sambit. Hindi ako umimik at napatitig lang sa kanya. Inangat niya ang tingin sa akin, pagkatapos ay hinla ako papalapit sa kanya. Akala ko ay may sasabihin lang siya pero nagulat ako ng yumuko ito at hinilig ang ulo sa balikat ko.
That's when I get his gesture. He always do that kapag naii-stress siya sa akin. Ramdam ko ang mabigat na hininga na pinapakawala niya. Nakahawak pa rin sa braso ko ang kamay niya.
"Nakaka-stress kanpa rin." pabirong anito. Natawa na lang ako at napailing. Umaandar na naman ang katopakan niya. Seryoso kanina pero ngayon sinasaltik naman.
"Para kang baliw.."
"Pasensiya na. Ang hirap mo kasing kumbinsihin..." natatawang anito na lang. Hindi na lang ako muli umimik at hinayaan siya sa balikat ko. Kahit paano ay namiss ko rin siya. Gaya ng sabi niya, matagal rin ang pinagsamahan namin.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kanang kamay ko. Dumistansiya siya sa pagkakahilig sa akin. Noong una hindi ko pa makuha kong bakit niya hawak-hawak ang kamay ko. Pero nang mapansin kong titig na titig ito sa singsing na nasa daliri ko ay bigla akong natigilan. Napalunok ako ng wala sa oras.
Inangat niya ang tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay nito.
Magsasalita na sana ito ngunit pareho kaming natigilan ng may marinig kaming tumikhim mula sa likuran ko. Sabay kaming napalingon sa kung sino iyon. At halos ikagulat ko ng makita ko kung sino ang nakatayo sa di kalayuan sa amin.
"What the devil are you doing.." dinig kong sabi ni Lucas. Napalunok ako ng wala sa oras. Ang dilim ng tingin nito, mula sa likuran niya ay nakita ko si manang Helen na mukhang gulat rin.
Ibinalik ko ang tingin kay Lucas na ngayon ay naglalakad na papalapit sa amin ni Baron. Mariin ang pagkakatingin nito sa akin pero napabaling iyon kay Baron. Lumipas ang tingin nito sa kamay kong hawak-hawak ni Baron at kitang-kita ko kung paano umigting ang panga nito.
Muli akong napalunok kasabay n'on ay ang pagbitaw ni Baron sa aking kamay. Naglakad ito sa harapan ko, na tila ba pinoprotektahan ako nito kay Lucas. Nagulat ako dahil doon.
"Stay away.. Baron.." matigas na sabi ni Lucas pero hindi nagpatinag si Baron. Kinabahan na ako dahil doon.
"B-Baron—"
"Stay there, Maria.." pagpuputol nito sa sasabihin ko. Napakagat labi ako. Napatingin ako kay Lucas na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Napayuko ako at napabuntong hininga.
"Give her to me.. Baron" dinig kong sambit ni Lucas. Inangat ko ang tingin ko kay Lucas. Napansin ko ang pagtiim ng bagang nito. Dios mio..
"B-Baron.. Let me—"
"Maria.." muling pagputol ni Baron sa sasabihin. "Break up with her, Lucas. Alam mong magkaiba ang mundo niyo." dinig kong biglaang sambit ni Baron na siyang ikinagulat ko.
"Baron! Ano bang pinagsasabi mo?!" gulat na gulat kong sabi. Umalis na ako sa likuran niya at pumunta sa pagitan nilang dalawa. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatitig ito sa akin.
"Why Maria? Iyon lang ang naiisip kong paraan—"
Hindi natapos ni Baron ang sasabihin ng biglang magsalita si Lucas. Sabay kaming napatingin sa kanya.
"Sino ka para sabihin sa akin na hiwalayan ako ni Maria, Baron?" pansin ko ang pagtitimpi ni Lucas sa boses niya. I gulped and walk towards him to let him calm. Lihim akong nakaramdam ng kaginhawaan ng mapansin kong pumantay ang paghinga nito.
Mabilis nitong hinawakan ang braso ko at bahagyang hinila palapit sa kanya. Napatitig ako sa mukha niya ng dahil doon. Seryoso ang mukha nito habang magkasalubong ang kilay.
"Why Lucas? Minsan na rin niya akong naging nobyo. I know her more than you. At alam ko na mapanganib kong mananatili siya sa'yo. Bakit, ilang buwan pa lang ba kayo? Dahil ng maghiwalay kami ni Maria ay n'ong isang taon pa lang—"
"So, you're just his ex..?" may panuyang pagputol ni Lucas kay Baron. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso.
Natahimik si Baron dahil doon. Naibaling ko sa kanya ang tingin at sumalubong sa akin ang mariin nitong titig. Napayuko ako dahil doon.
"Well sorry cousin... Sorry to inform you. But Maria is my wife now.." he suddenly revealed.
Napasinghap ako sa sinabi ni Lucas. Nanlalaking mga mata akong napatingin sa kanya. Pero hindi na ako nakareact ng tuluyan ng maramdaman ko na lang na hinihila na niya ako palayo kay Baron.
To be continued...