Frustrations

1621 Words
At iyon nga ang nangyari... Isinugod ako sa ospital dahil malakas yata ang pagkakabagok ng ulo ko, matapos kong himatayin bago pa man ako magsimulang kumanta sa competition, dalawang araw na ang nakalilipas. Nakabalot ng bendahe ang ulo ko at paminsan minsan ay nakakaramdam ako ng kaunting kirot sa bandang batok. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nilukuban na talaga ako ng sobrang nerbyos at pressure habang nasa taas ng stage ng mga sandaling iyon. Dalawang araw na ring namamaga ang mga mata ko kaiiyak dahil sa kahihiyan. Binisita naman ako nila mama at papa kahapon. Sina Glessy naman at Chelsea ay binantayan ako magdamag dahil panay raw ang daing ko sa sakit ng ulo. Nagpaalam kanina ang dalawa at ngayon ay kasama ko naman si Maya. Tantiya ko ay alas sais na ng hapon dahil kulay orange na ang liwanag na tumatagos sa bintana mula sa papalubog na araw. Iniayos ko ang sarili at umupo habang nakasandal sa malalambot na unan sa likod ko. Nagbabalat naman ng apple si Maya at ngumiti nang makitang gising na ako at nagagawa ko ng umupo mag isa. "Kamusta pakiramdam mo, Andy?" bati ni Maya na may pag aalala sa mga mata. "Okay na ako. Sana nga palabasin na ako ng mga doctor para makapasok na ulit ako sa school. " sabi ko na pinasigla ko lamang ng kaunti ang boses dahil ayokong isipin ng lahat na masyado akong naapektuhan sa nangyaring kahihiyan sa event. "Wag kang magmadali. Magpagaling ka ng husto dahil nire-review pa yung result ng tests mo, girl. Saka, bumisita nga pala kanina si School Head, nagdala ng mga flowers saka fruits para sayo. Kasama nya si William kanina." nakangiting sabi ni Maya matapos iabot sa akin ang platito ng binalatan nyang mansanas. "Ang bait talaga ni Mrs. Cruz sakin." naibulong ko habang kumakain. Pinagmamasdan naman ako ni Maya na may kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Bakit?" nahihiya kong tanong. "Nabanggit ba sayo nila Chelsea at Glessy na si Aspen Hawthorne ang tumakbo sa stage para buhatin ka?". Nagloading ang utak ko ng saglit. Pakiramdam ko bumagsak ang langit sa akin. Sana dumiretso na sa utak ko para magka amnesia na ako at makalimutan kong binanggit iyon ni Maya. Pero hindi ko maintindihan ang kilig na naramdaman ko sa sinabi na iyon ni Maya. Gumuhit sa ala ala ko ang mga matang nahagip ng paningin ko bago ako panawan ng ulirat sa stage. "Hoy, hindi ako nagbibiro." pakli ni Maya habang humalukipkip at pasalampak na isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Sa tingin ko ay bahagya itong nainis sa reaksyon ko dahil pinagtawanan ko siya. Pero anong dapat kong i-react? Napaka imposible naman kase na galing sa kung saang sulok ng building na iyon ay tatakbo ang panget na yon paakyat ng stage para lang i-check kung humihinga pa ako. Isa pa, wala naman iyong pakealam sa existence ko sa mundong ibabaw dahil unang una, complete strangers kami at ni isang beses sa buhay ko ay hindi ko pa nakita ang panget na yun na naging concern sakin. Kaya anong dahilan para mag alala sa akin ang lalaking iyon? Wala akong maisip bukod sa gusto akong ihulog ng iyon sa hagdan noong una kaming nagkita. "Napaka imposible naman kase ng sinasabi mo." natatawa kong sabi habang ngumunguya ng masanas. Nakakafresh sa pakiramdam ang juice nito habang nadudurog sa bibig ko kaya hindi ko namalayan na sunod sunod na pala ang pagsubo ko. "At ano naman ang imposible don, Miss Failure?". Bigla nanaman akong nakaramdam ng kakaibang pagtaas ng balahibo sa batok ng marinig ko ang pamilyar at nakakasira ng araw na boses na iyon. "Hi Aspen." awkward na bati ni Maya na parang naramdaman din ang kakaibang aura sa paligid naming dalawa. Para iyong may dalang kakaibang kilabot sa katawan lalo na kapag nagsalita iyon na parang sinlamig ng yelo ang boses. "Anong ginagawa mo dito, PANGET?", hindi ko alam kung bakit pero eto nanaman at biglang kumulo ang dugo ko ng makitang nakasandal ang transferee sa bukana ng pinto ng kwarto. Naka uniform pa iyon na itinupi lamang ang manggas hanggang sa siko at ang necktie naman nito ay hindi na naka ayos ang pagkakatali sa collar ng polo. Katulad ng dati ay magulo parin ang buhok ni Aspen na parang isang hunk lang sa mga anime na napapanood ko sa TV. Hanggang nagyon ay naroon parin ang mga tingin nito na parang inaantok lang sa sobrang pungay. "I just want you to know that if you're planning on killing yourself on that stage, please tell my Aunt about it. I don't like the idea that because of you, I might lost a fortune worth of my inheritance." tuloy tuloy sa pagsasalita ito na halata ang magkahalong inis at pang aasar sa napaka aroganteng boses nito. Ha?! "Uhm... guys, I guess sa labas muna ako. Mukang mahaba pa yata ang pag uusapan nyo." paalam ni Maya na pinanlalakihan ako ng mata dahil halatang nasisindak na rin sa presensya ng aking unwelcomed visitor. Hindi umalis si Aspen sa pagkakasandal sa hambana ng pinto kahit na nang iwan kami ni Maya. Nakakapag taka lang na alam niyang may mga sponsors ako na galing sa ibang bansa at sinasabi pa naitong kasalanan ko at napadpad siya sa lugar ko! "Before anything else, I forgot to introduce myself to you, Ms. Arinola-" Hoy! Pakiramdam ko ay para akong sasabog sa kahihiyan. "Pwede ba kung sisirain mo lang mood ko lumabas kana?", sobra talaga ang pagpipigil ko habang nakasimangot akong ngumunguya ng mansanas. Feeling ko ay pumait yata ang lasa nito sa bibig ko. Alumpihit naman ng tawa ang siraulo na parang natutuwa pa na nakikita kong nagpipigil lang ng galit sa kanya. Mala-hyena ang halakhak niyon na lalong nagpakilabot sa balahibo ko. Sinapo pa nito ang noo sabay suklay sa mahaba nitong buhok. "Alam mo, ang sarap pakinggan ng boses mo kapag nagagalit." "Labas" Bumuntong hininga habang nakangisi si Aspen. "I am fully aware that you know me already. Kaya ito nalang ang sasabihin ko sayo. Sa susunod, mag iingat ka na. Kase kapag namatay ka, mawawalan ako ng mana. Naiintindihan mo ba?", sabi nito na medyo sumeryoso na ang mukha. Natigilan ako. Nag isip. Di kaya... Nang huli kong makausap sa e-mail si Ms. Christina H. Dalrymple, sinabi niya sakin dati na mayroon siyang problema about her nephew, kaya nagdesisyon siya na bigyan ito ng isang matinding task kung karapat dapat ba daw iyong bahaginan ng mana ng kanyang ama. Si Ms. Dalrymple ay isang devoted catholic at ang main sponsor sa pagpapagawa ng simbahan na dati kong kinakantahan. Madalas kaming itreat noon ni Ms. Dalrymple na kumain sa labas at dahil nga muntik na akong mahinto noon sa kolehiyo at nakaabot ang balita sa youth ministry, at ito na ang sumagot sa pag aaral ko kahit hanggang nakabalik na ito sa London. Tinupad nito ang pangako at ngayun nga ay nasa fourth year na ako sa St. Hillaire Academy. Konting tiis na lang at makakatulong na ako kina papa. "Kung ganon, ikaw yung pamangkin na sinasabi ni Ms. Dalrymple.", nasabi kong may pagka mangha dahil hindi ako makapaniwala na seryoso pala ang sponsor ko sa sinasabi nito. "Oo. Kaya magpakabait ka sa akin, daga. Dahil pamangkin ako ng nag papa aral sayo. " umismid pa si Aspen habang nakapako ang paningin sa akin. Hindi maitatago sa mga mata nito ang inis kahit na batid naman nitong wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Biglang umakyat ang acid mula sa sikmura ko hanggang sa lalamunan. "At ano naman ang kinalaman ko sa buhay mo?" tumaas ang boses ko ng bahagya dahil napipikon na talaga ako sa pagiging arogante ng taong ito. "Simple lang. Nandito ako dahil gusto ni Aunty na ikaw ang maghandle ng pagdidisiplina sakin.", nakangisi ito na parang isang sly fox na puno ng sarkasmo sa bibig. "ANO?! NABABALIW KA NA!" napabalikwas ako ng upo sa kama dahil napaka imposible ng sinasabi nito. "Wala sa usapan namin na mag babysit ako ng isang napaka arogante at bwisit na kagaya mo!" "Naku... Sasabihin ko na ba kay Aunty na magbaback out ka na sa scholarship mo?" nang uuyam na sabi ni Aspen habang nakataas ang isang kilay sabay humalukipkip. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Wala sa sariling tinitigan ko si Aspen mula ulo hanggang paa. At nang nahinto ang paningin ko sa arogante nitong titig sakin ay para akong naawa sa sarili. Noong una, inaamin ko sa sarili ko na sobrang attracted ako sa taong ito. Ngunit kung gaano ito ka gwapo ay ganoon rin kagaspang ang ugali. Isama pa ang masamang kutob ko na isa itong spoiled brat at napaka dominanteng nilalang. Umaalingasaw iyon sa masamang aura ng presensya nito sa tuwing lumalapit ito sa akin. Di ko namalayan ay nakalapit na pala si Aspen. Umupo ito sa gilid ng kama at marahang iniangat ang mukha ko ng kanyang hintuturo upang magtama ang mga paningin namin. Kahit na napaka tingkad tingnan ng kulay berde sa mga mata nito ay hindi maitatanggi roon ang hindi ko maipaliwanag na lungkot na parang itinatago lamang nito sa mapungay nitong titig. "Ito lang naman ang gagawin mo. Ikaw ang magiging personal tutor ko, personal assistant ko at higit sa lahat ayoko ng nakakarinig ng reklamo galing sayo. At wag na wag ka ng magsayang ng oras na magsumbong kay aunty dahil sa mga oras na to, busy siya sa pag hahanda ng kasal nila ng lalake niya. Sa akin mag mumula lahat ng allowance mo kaya parang ako narin ang magbabayad ng serbisyo mo. Nagkakaintindihan ba tayo, daga?" Tapos na ang maliligayang araw ko sa kolehiyo. Ms. Dalrymple bakit? Bakit nagawa mo sakin to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD