"Kahit nagdadalawang-isip akong patirahin ka dito sa bahay ko, wala akong magagawa. Alam ko rin naman na ayaw mo akong kasama, diba?", sabi ni Aspen sabay hagis ng isang pares ng susi sa sakin. Apat na araw akong naconfine sa ospital dahil sinigurado ng mga doctor na walang hemorrhage na nangyari sa pag kakauntog ng aking ulo. Awa ng Dyos ay wala naman silang nakitang blood clot at kahit anong makakasama sa akin. Nakipag argumento pa ako kay Aspen na hindi ko naman kailangan na tumira pa sa bahay niya na halos isang oras ang layo sa eskwelahan. Kahit na may sarili itong kotse ay hindi naman ako papayag na sasabay ako dito pagpasok sa school. Una sa lahat, napaka laking eskandalo kapag nalaman ng buong campus na nakatira ako sa bahay ng isang pasaway na transferee. Hindi lang ako mak