The Big Day

2060 Words
This is the day. Byernes, alas kwatro ng umaga. Maagang nagtipon tipon ang buong team ng Glee Club at Movers (Dance Club) ng St. Hillaire Colleges. Hinihintay nalang namin ang bus service para ihatid kami sa venue ng Competition Event ng aming eskwelahan. Abala ang lahat sa pag kakabisado ng kani-kanilang tono at galaw habang ang iba naman ay busy sa pag dutdot ng kani-kanilang mga cellphone. Ang mga instructors naman ay panay ang paalala sa mga estudyante kung ano ang mga dapat at di dapat gawin kapag nakarating na ng venue. Sa pagkaka alam ko ay gaganapin ang patimpalak na iyon sa isang Theater Hall na pinag gaganapan ng mga Stage plays ng mga artista for educational purposes, mapa-high school man o kolehiyo. Mahamog pa at malamig ang paligid kaya karamihan ay nakasuot pa ng jacket sukbit ang mga naglalakihang bag na ang laman ay mga costume. Habang nasa isang tahimik na sulok ako malayo sa lahat, ay nakikinig naman ako ng minus one ng aking solo piece sa aking earphone para sa laban ko mamaya. Naisipan kong maupo sa isang wooden bench malayo sa lahat. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko dahil ang sa pagkakaalam ko ay mga professional singers na ang makakalaban ko mamaya. Nakakapanlumong isipin na tatlong magagaling na pambato ng kani-kanilang branch ang siguradong dudurog sakin sa stage. Para akong isang warrior na sasabak sa isang gera na wala man lang kasuot-suot na armor. Ang galing diba? Napaka suicidal kong tao. Natatawa nalang ako sa sobrang kaba. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga hagikhikan nila Glessy at Chelsea na sabay nang naglalakad papunta sa akin. Umangat ako ng tingin sa kanila at nakita ko ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Chelsea na parang maiihi na sa kilig. Tinigil ko muna ang pakikinig sa cellphone ko at hinarap ang dalawa. "Anong problema sa ekonomiya ng pilipinas?" pabiro kong sabi habang nakangiting ko silang pinag mamasdan. "Ayun bes, Ayun..." kandahaba ang nguso ni Glessy habang magkahawak kamay silang kinikilig ni Chelsea. Hay naku. Ito talagang si Glessy. Parang wala talagang kasawaan na lagi nalang nagpapa-palit palit ng syota. At ngayun, mukang may natitipuhan nanaman itong iba. Napapailing na tumingin ako sa itinuturo ng dalawa at sa ilalim ng postlight malapit sa bus stop sa harap namin ay nakita ko ang sinasabi nilang school heartthrob na si William James Cruz. Yup. Bukod siguro dun sa bwisit na transferee student na tumulak sakin sa hagdan ay masasabi kong hindi papahuli sa kagwapuhan itong si William. Si William ay anak ni Mrs. Cruz, na siyang school head ng eskwelahang ito. Member ng Movers Club si William at balita ko ay freelance model na ito sa isang sikat na clothing company. Lumabas na rin ito ng isang beses sa isang TV commercial ng cellphone at higit sa lahat, palakaibigan ito at walang arte sa katawan. Di tulad ng masungit na Aspen na yun. Kaimbyerna! Ang totoo, kababata ko si William. Classmate ko sya simula elementary hanggang High School sa Holy Trinity Academy. Ayoko lang ikwento kina Glessy at Chelsea dahil paniguradong di ako titigilan ng dalawang iyon na magkwento tungkol sa lalaking iyon. Nagkakamustahan naman kami ni William noon pero hindi lang talaga ako yung tipo na feeling close kahit kanino. "O anong meron?" sabi ko sa flat na boses para asarin sina Chelsea. Ibinalik ko ang earphones sa mga tenga ko at nakinig muli sa pyesa na kakantahin ko mamaya. Sa pagkakataong iyon ay hininaan ko lamang ang volume para marinig ko parin ang mga sasabihin nila. Nanlaki naman ang mga mata nila nang tiningnan ako at sabay pa sila ni Glessy na pasalampak na umupo sa tabi ko. "Alam mo, ikaw Andy iba na yan ha? Sabihin mo nga samin ang totoo, hindi ka ba attracted sa mga lalake?" inis na sabi ni Glessy habang nakasimangot. At dahil naka earphone ako, nagpanggap akong hindi ko sila naririnig kaya patuloy lang akong nakayuko at nakapikit habang nakikinig ng music. Ginalaw galaw ko pa ang ulo ko habang nakapakit at nakangiti na parang nag eenjoy ako sa pinakikinggan ko pero sa totoo lang ay rinding-rindi n ako sa minus one ng kantang ito. "Kelan ka pa naging tomboy, Andy?," ani Chelsea sabay tulak sa balikat ko. Napatawa ako ng bahagya dahil asar na asar na ang dalawa. "Saan nyo naman nakuha yan? Hindi ako ganoon. Nagkataon lang na di pa ako dumadating sa punto na talagang attracted ako kuung kanino-kanino lang." natatawa kong sabi habang nakatingin sa nakabusangot na mukha ni Chelsea. "Isa pa, mas problema ko ang event mamaya. May oras pa ba akong mang hunting ng pogi?". Liar! Parang kidlat na lumitaw sa isip ko ang mala demonyong ngisi sa mukha ng transferee na yon. Biglang nanindig lahat ng balahibo ko sa batok at talagang ang creepy sa pakiramdam! "O, ayos ka lang?", ani Glessy dahil bigla ko nalang nayakap ang sarili ko sa pagkabigla. "Hindi, nasira yata tiyan ko sa kinain kong champurado kanina." pagsisinungaling ko naman. Bakit ba para kang bangungot, Aspen Hawthorne! Napaka lawak ng Theater Hall na naarkila ng St. Hillaire Colleges. Talagang exclusive dahil saradong sarado ang building at mala sinehan ang loob nito na may malawak na stage at carpet na sahig. Ang pader din mismo ay nababalutan ng red carpet at malahiganteng sound system sa magkabilang panig ng Hall. Habang nasa backstage, tinutulungan ako ni Chelsea na masuot ang gown costume para sa choir competition. Gawa iyon sa makintab na linen cloth na kulay royal blue. Venus Cut ang design na hanggang sakong ang haba. May slit na hanggang kalahati ng hita sa magkabilang gilid ang costume. Napapalamutian naman iyon ng mga bulaklaking burda na kulay rosegold sa bandang dibdib at mga nagkikislapang sequins kapag natapat sa ilaw. Ang mga lalake naman ay mga naka-kulay royal blue long sleeves na polo at kulay rose-gold nectie na pinaresan ng itim na slacks. Uniform ang make up, pearl earings, at hairstyle ang lahat ng babae. Maayos na nakapusod ang mga buhok naming lahat at napag usapan narin na maglagay ng glitters sa may bandang dibdib. Dahil halos anim na taon na akong nag pe-perform sa choir ay nakasanayan ko narin ang mga kaartehan sa costume ng bawat grupo na nasasalihan ko. Classical performance daw kase ito at may mga malalaking organizations ang nagpapaevent ng mga kompetisyong ganito na ibat ibang bansa ang magkakalaban. Hindi magkamayaw ang mga tao matapos ang performance ng Movers Club mula sa ibat ibang branch ng school. Hyper na hyper ang mga babae sa Upper benches habang si Mrs. Cruz, ang emcee sa Branch Competition Event ngayong taon na ito ay pinapakalma ang mga kinikilig na first years sa lower benches. Parang magigiba ang Hall sa lakas ng hiyawan ng lahat. Isang maikling mensahe ang sumunod mula sa School President ng aming school. At Panghuli ang aming grupo na sasalang sa Choir Competition. Malakas na tilian mula sa suporta ng kani-kanilang school branch ang naganap habang nag pe-perform ang bawat grupo. Masayang panoorin at masasabi kong nakaka overwhelm ang mapabilang sa mga ganitong klaseng activities. "Okay guys! It's our turn! Let's bring the bacon home!", hiyaw ng aming Choir President at saka naghiwayan ang buong grupo namin. Pagkatapos ay maayos na kaming pumila sa stage. Nakakasilaw ng husto ang spot light pero taas noo kaming humarap sa lahat ng mga manood at sa mga judges. Pumwesto narin si Choir Master, Emric sa harap para magconduct. Nagbigay rin si Sir Emric ng ilang tipa sa piano keyboard para sa first tone ng bawat section. Sa unang kumpas ni Sir Emric ay nagsimula nang sumabay sa hangin ang tinig ng bawat isa. Sa umpisa ay puro humming lamang. Nakaramdam ako ng peacefulness sa puso ko habang masuyo at smooth naming kinakanta ang pyesa. Pambato talaga ang mga soprano namin pagdating sa head tonal kaya walang kahirap hirap nilang naabot ang mga notang pamatay sa taas. Kami namang nasa alto ay suporta lamang habang pinapanatiling buo at makapal ang tunog kasabay ang bass section. Matagumpay at maayos naming natapos ang kanta hanggang sa pinaka huling nota. Umugong ang malakas na palakpakan at halos mapunit ang mga mukha ng mga kasama ko sa sobrang lawak ng mga pagkakangiti nila. Pero ang totoong laban ko, magsisimula palang. Matapos ag Choir Competition, nagsibaba na kami papuntang dressing room para mag bihis. Agad naman akong nilapitan nila Chelsea, Glessy at Maya. "Ready ka na ba?" excited na sabi ni Glessy habang hinuhubad ang gown. Ganoon din ang dalawa. Ako naman ay nanginginig ang mga kamay kaya nahirapan akong ibaba ang zipper sa tagiliran ko. "Siguro... " Iyon lang ang naisagot ko dahil hindi naman ako sigurado kung magiging successful ako sa gagawin ko mamaya. "Kaya mo yan girl." nakangiti naman sabi ni Maya na tinulungan na akong magtanggal ng gown. Si Chelsea naman ay inalis na sa pagkakapusod ang buhok ko at sinimulan ng plantsahin iyon habang si Glessy naman ang nag alis ng make up ko para lagyan ako ng iba namang kulay. "Ito ba ang isu-suot mo, Andy? Seriously?" napa ismid si Chelsea nang kunin sa bag at makita ang dress na gagamitin ko sa solo singing. "Kalokohan yan, girl." disappointed na sabi ni Maya. Natawa naman ako sa reaction nila. "Hindi naman mahalaga kung ano isu-suot ko guys. Mairaos ko lang tong competition, makakahinga na ako ng maluwag." paliwanag ko sabay hablot sa kulay baby blue dress na gamit ko pa noong JS prom sa high school. "Glessy, dala mo ba yung project dress natin?" nag ala Doña bigla ang boses ni Chelsea at hinablot palayo sakin ang lumang dress na hawak ko. "Eto na, Señora." sabi naman ni Glessy at ipinakita ang isang crimson red ball gown. Heart shape strapless ang gown na iyon at may mga design na rose petals sa pababa. May mga burda rin iyon ng iba't ibang linya sa bandang dibdib at talagang napakalaki ng skirt nito. Sa loob ng shirt ay makakapal na lases na kulay itim. Napanganga ako sa nakita. "Guys, hindi nyu naman kailangang mag effort ng ganito... Saka baka hindi rin kumasya sakin yan masyado yatang maliit sa bewang ko." nahihiya kong sabi sa kanila habang sinusubukan ko na magpigil ng iyak. Sobrang naoverwhelm ako sa effort ng mga kaibigan ko. "Sus, wala yan. Alam mo namang pwede akong kumuha ng kahit anong dress sa boutique ni Mommy. Kilala mo naman iyon. Ilang beses ka na ba niyang inalok na magmodel ng mga gown niya?", ani Glessy na parang naiiyak na rin sa tuwa. "Hala, salamat. Hindi ko alam gagawin ko kapag wala kayo..." nasabi ko nalamang sabay yakap sa tatlo. Sobrang saya ko dahil kahit na hindi naman ako kasing yaman nila at isa lamang akong hamak na vocational student sa St. Hillaire ay napaka buti parin nila sakin. "Oy, yung make up mo baka kumalat." saway ni Maya. Sisinghot singhot naman ako at ngumiti. Natawa kami ng makita ang mukha ni Maya na lusaw na ang make up sa kaiiyak. Matapos nila akong ayusan ay sinenyasan na ako ni Mrs. Cruz na magready. Huminto pa ito para titigan ako ng saglit habang matamis na nakangiti sa aming tatlo. "Kaya mo yan, ha." pagpapalakas sa akin ng loob ni Chelsea. "Miss Arriola, come up here on stage." Sabi ng isa sa mga assistant sa backstage. Kinikilig na nagcheer sina Maya, Chelsea at Glessy habang naglalakad ako paakyat. Naroon nanaman ang nakakabulag na silaw ng Spotlight sa harap ko. Ramdam ko ang malakas na kalabog ng puso ko kasabay ang matinis at nakabibinging tunog sa aking tenga. Ang katahimikan ng paligid ay nagbigay sa akin ng kakaibang discomfort dahil alam kong lahat ng mga mata sa building na ito ay nakatingin na sa akin. Kasabay ng nakakasilaw na spotlight, ay ang biglang pagblurr ng paningin ko. Nag panick na ako at hindi ko na namalayan na bumilis na ang paghinga ko dahil pakiramdam ko ay naninikip na ang dibdib ko sa sobrang pressure na nararamdaman. Sumasabay pa ang sikmura ko na para akong masusuka sa sobrang kaba. Please. Not now... "Uhm, Ms. Arriola, okay ka lang ba?" Hindi ko na matukoy kung kaninong boses iyon dahil umikot na ang paningin ko. Bago pa man manghina ang mga tuhod ko ay may nahagip akong pares ng berdeng mga mata. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig ng stage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD