"Why are you keep on staring at me?"
Napalunok ako. Napahiya dahil natulala yata ako sa estrangherong tumulak sakin.
Bahagyang nakatagilid ang lalaki pero makikita ang pagiging simpatiko sa itsura nito. Kahit na mukang badtrip at naniningkit ng mga mata ay may taglay itong kinis at kaputian. Balingkinitan lamang ito ngunit sa tantiya ko ay may taas na five feet eight inches.
Maninipis at mamula mula ang mga labi na parang anak mayaman. Sinabayan pa ng buhok nitong itim na itim ngunit may kulay puti sa bahaging bangs na bahagyang tumatakip sa kaliwa nitong mata.
At tama ba ang nakita ko?
Berde ang mga mata niya...
Oh my god...
Parang nahipnotismo ako bigla sa itsura nya na kahit gusot na papel sa pagkakasimangot ay talaga namang kahit na sino ay mapapatitig sa kagwapuhan ng nilalang na to.
Humarap ang lalaki sa amin ni Glessy na may pang iinis sa kanyang mga ngiti. Parang natuwa pa na nakasakit ang loko loko!
"Hoy! Magdahan dahan ka nga! Di mo pag aari tong hagdan!", bulyaw ni Glessy. Para akong estatwa na umurong ang dila sa pagkapahiya dahil natulala ako sa lalaking iyon.
"Next time, try not to block the way, you hear me? Hagdan to, hindi lugar para makipag tsismisan." ani ng lalaki sa tinatamad na tinig na para kaming mga walang kwentang nilalang sa harapan niya.
Doon na talaga ako napikon. Sumosobra na talaga tong unggoy na to!
"PANGET!", sinigaw ko ng malakas at halos buong hallway ay narinig iyon. Nagtinginan ang mga estudyante sa gawi namin at ang iba ay nagsimulang magtawanan at magbulungan.
Natawa narin si Glessy dahil sa lahat ng pwede kong sabihin ay iyon lang ang nasabi ko.
Ang awkward ko talaga, nakakahiya.
Patuloy ang tawanan sa hallway at parang batang napikon na umalis ang lalaking tumulak sa akin sa hagdan. Dapat lang sa kanya yun.
Kahit di naman talaga siya panget...
Sa naisip ko ay parang gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader.
Matapos ang isang oras na practice para sa Solo Singing ko at mapagalitan ni Ms. Cruz dahil lagi nalang akong late sa mga activities ko ay dumiretso agad ako sa Computer Lab namin.
Hinanap ko agad si Shelby, ang pinaka close ko sa buong IT afternoon class. Nakita ko siyang busy sa pagbabasa ng kanyang mga notes na marahil na diniscuss kanina habang abala ako sa pagppractice ng kanta.
Ito ang disadvantage ng pagkakaroon ng mga extra-curricular activities sa school. Marami kang naii-skip na mahahalagang klase lalo na ang major subjects. Nakakapagod isipin kahit pinangako ng office na magkakaroon naman kami ng make-up classes dahil masaya paring matuto na nakikipag share ka ng ideas sa mga katabi mong classmates.
Ngayun, kailangan kong mag self study nanaman para makahabol sa lessons namin sa CSS.
"Ito nga pala yung hinihiram mong notes, Andy. Sorry, intindihin mo nalang mejo magulo yan, bilis kase magdiscuss nung instructor natin", mahinhing sabi ni Shelby matapos iabot sakin ang notebook at ayusin ang mga gamit niya sa kanyang shoulder bag.
"Okay lang. Laking tulong din to, Shels, salamat. " nakangiti kong sabi habang sabay kaming naglalakad palabas ng room. Four thirty seven na rin kase ng hapon at tapos na lahat ng subjects namin sa araw na iyon. Pagod na rin ako at ang lalamunan ko kakahiyaw sa pagkanta para lang sa maibibigay kong karangalan sa kasumpa-sumpang school na ito.
"Nabalitaan ko yung nangyari ahh, nakaaway mo raw yung bagong transferee kanina." ani Shelby.
Ah, so transferee pala yung unggoy...
"Oo, harabas ba naman kung maglakad eh, kala mo siya lang tao sa daan." Kahit na gaano ko kagustong itanong kung kilala nya ang estrangherong iyon ay nagpigil ako dahil ayokong isipin niyang interesado ako sa taong iyon.
Inilapat ni Shelby ang hintuturo sa pisngi nito na waring nag iisip. "Ahh.. Sa pagkakaalam ko, bago lang iyon dito. Halos bukambibig ng mga tao yun dito ngayun kase nga may lahing briton yung transferee. Naitanong ko sa pinsan ko, classmate nya kase yun. Aspen Hawthorne daw pangalan. Hindi ba nasa klase nyo rin siya?"
Napayuko ako. Kaya parang may kakaiba sa itsura nya, may lahing alien pala ang loko.
"Interesado ka ba sa kanya?" biglang tanong ni Shelby sa matinis na tinig.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagkapahiya kaya natatawa akong nagsalita habang awkward na nakatingin sa mukha ni Shelby. "Wala akong balak magkaroon ng boyfriend na alien",Sabi ko.
Natawa rin si Shelby."Kunsabagay, mukhang di rin kayo magkakasundo nun baka lagi kayong magbabatuhan ng granada sa isat isa." biro nito.
Agad ko namang pinutol ang usapin tungkol sa nangyari kanina sa hagdan at nagtanong tungkol sa mga lessons na itinuro sa kanila kanina. Bumibigat lang pakiramdam ko habang kinukwento nya kung paano sila nagtutulungang makabuo ng design through CSS sa web designing.
Di na talaga ako makapag hintay matapos ang linggong ito. Tatlong araw pa bago ang kompetisyon at tatlong araw pa akong ngangawa sa harap ng School Head namin para masiguro nito na nasa kondisyon lagi ang boses ko.
Nang makarating kami sa parking lot area ng school ay agad nang nagpaalam sa akin si Shelby saka nagtungo sa sundo nitong kotse. Nag iisang anak kase ito ng may ari ng isang malaking Department store sa lugar namin at ninong ko naman ang papa nito. Dati kaseng magka-klase sa high school ang mga tatay namin.
Pag kaalis ni Shelby ay naiwan akong naglalakad pauwi. Sanay naman ako laging mag isa dahil nuon pa man, hindi na ako lumalagi sa bahay ng mga magulang ko. Madalas akong nakikituloy sa mga kapatid ni mama o di kaya ay sa mga bahay ng malalapit naming kamag anak. Kung tatanungin mo kung bakit, minsan tinatanong ko rin yan sa sarili ko.
Siguro ay ayoko lang talagang nalalagi sa bahay na kasama sila. I mean, hindi naman ako pariwara, pero mas gusto ko ang malayo sa kanila. Yung malaya kong nagagawa ang gusto ko at walang nangingialam sa aking mga desisyon.
Pero inaamin ko, namimiss ko rin na pinapagalitan ako ni mama kapag nakakalimutan kong patayin ang gripo sa banyo. O kaya si papa kapag hindi ko nalilinisan ang paborito nyang sound system sa bahay.
Namimiss ko rin ang pamilya ko. Pero hindi lang talaga ako yung tipo na nalalagi sa isang lugar.
Matapos kong maggrocery ng ilang pagkain at personal hygene na pang stock sa bahay ay balak ko sanang dumaan muna sa isang book store para tumingin ng mga bagong labas nilang sales ngayon. Iyon lang ang pampalipas ko ng oras bukod sa pag kalikot ko sa laptop at pakikinig ng music.
Oo boring ang buhay ko pero mas ok na boring ako kesa naman magkaroon ng salasalabit na problema dahil sa tinatawag nilang "adventure" sa buhay.
Habang papalabas ng bookstore ay nakita ko nanaman ang halimaw na tumulak sakin kanina sa hagdan!
Oh dear me!
Nasa pinto ako ng bookstore at sa harap ng tindahan ay ang highway at waiting shed para sa paradahan ng bus. May dalang itim na Guitar case ang lalaki at nakaitim itong Tshirt at pantalon. Marahil ay naghihintay iyon ng bus para makarating sa kung saan. Buti na lamang ay bahagyang nakatagilid ito at nakatingin sa malayo kaya hindi siya napansin.
Naku talaga namang...
Ayoko na talagang masira ng tuluyan ang natitira kong bait ngayung araw na ito kaya dahan dahan akong naglakad palayo sa pinto ng bookstore at agad tumalikod sa gawi ng lalaking sumira ng araw ko.
"HOY DAGA"
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Nakasimangot akong humarap sa kanya. At siguro kung hindi ako tinulak ng alien na to kanina sa hagdan ay maganda sana ang impression ko dito. Pero hindi nalang pala. Ang pangit din kase ng ugali kaya wag nalang.
"Saan ang punta mo, daga. Iniiwasan mo ba ako?" nakangising pang-iinis nito habang nakapamewang pa sa harap ko. Ang nakakainis pa roon ay parang humahanga pa ako sa pagiging cool nito kahit na halatang may disgusto ito sa akin.
"Wala akong panahong makipag asaran sayo, PANGET. Sinira mo araw ko." Pakli ko sabay talikod dito. Alam kong naiinis ako sa mayabang nyang presensya pero parang...
Kinikilig ako?
Bigti kana na Andy!
Mabilis akong naglakad palayo rito habang bitbit ang mga dala kong grocery bag. Di talaga kinakaya ng paningin ko ang tumingin sa kanya. Masyado syang maanghang sa mata!
Nang makarating ako ng bahay ay inayos ko agad ang lahat ng mga pinamili kong pagkain at gamit. Kahit na nang makauwi ako ay hindi parin nawawala ang inis sa dibdib ko.
Siguro ay dahil napahiya ako na napatitig sa mukha ng lalaking iyon at hindi ko matanggap na sa kauna-unahang pagkakataon ay natulala ako sa mukha ng isang napaka sungit na fourth year student transferee!
At muntik pa akong ihulog sa hagdan nung psycho nayun!.
Sa inis ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Kelan pa ako nagkaroon ng interes sa isang lalaki na mukang mabahong rakista? Sa nakita ko kanina, mukang may gig iyong pupuntahan at halatang inip na inip sa bus na hinihintay.
Sa pagkakasubsob ng mukha ko sa unan ay biglang namuo sa isipan ko ang masungit na mukha ni Aspen.
Well, first impression lasts...
Napamura ako sa sarili.