Glee Club

1204 Words
"Miss Andielyn Arriola, lagi ka nalang late!", inis na bungad agad ng aming Choir Master na si Sir Emric. Parang mga robot na sabay sabay tumingin sakin ang lahat ng tao sa music room. Ang iba ay umismid, ang iba naman ay nagbulungan. Sa isang kumpol kung saan naroon ang alto section ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Glessy. Ganoon rin sina Maya at Chelsea. Kahit na medyo napahiya ay yumuko nalang ako palapit sa mga kaibigan ko at naupo ng tahimik sa tabi ni Glessy. "Paimportante talaga... " nahagip ng pandinig kong bulong ng kung sino man mula sa aking kaliwa. Galing sa Soprano section. Hindi ko napigilang iikot ang mga eyeballs ko sa pag ka irita. Sinenyasan naman ako ni Glessy na wag ko nalang pansinin dahil paniguradong masisira lang ang araw ko kakaisip sa mga taong di naman alam ang nangyayari sa buhay ko. "Hayaan mo na sila. Inggit lang yang mga yan. " bulong naman ni Chelsea. Napabuntong hininga nalamang ako. At saka matipid na ngumiti. Tumikhim si Sir Emric at saka tumipa sa piano keyboard na nakapatong sa lamesita. Hudyat para umpisahan na ang nakagawiang vocal lesson at breathing lesson para sa araw na iyon. Kasabay ng Solo Singing Competition ay ang Choir Competition ng bawat branch ng St. Hillaire Colleges. Sa dalawang slot ng competition ako sasabak sa araw na iyon at hiling ko ay sana, hindi ako atakihin ng kaba at anxiety sa nalalapit na kompetisyon. Ang piyesa para sa Choir Competition ay medyo challenging. Totoong napahirap ng pyesa at masaya akong nasa Alto Section ako dahil nakikita ko kung paano lumabas ang litid ng mga nasa matataas na nota. Natapos ang three hour session practise namin na wala namang problem maliban lang sa mga tenor na hirap mag head tone dahil karamihan sa kanila ay hindi naman tlga kumakanta ng ganung mga tono. Dalawa roon ay kilala ko. Sina Jim at Mark. Sa pagkaka-alam ko ay mga fans ng alternative rock ang mga ito kaya nakakatawang isipin na mag fa-falsetto sila sa pagkanta. Lagi kong nakikitang tumutugtog ng gitara ang mga ito sa harap ng school habang kasama ang mga barkada nila kapag uwian. "Andy, kamusta yung practice mo sa Solo?", ani Glessy na malawak ang pagkakangiti. Si Glessy lang ang close ko sa Glee Club kahit na magkaiba kami ng course. Office Management kase sya at classmates nya sina Chelsea at Maya. "Okay lang.", sabi ko namang nakangiti pero traydor yata ang kaba na nararamdaman ko dahil nahalata yata nitong di maganda ang mood ko. "Pinapatawag ka daw ni Madaam", nag aalalang sabi niya na ang tinutukoy ay ang aming School Head. Parang sasabog na ang dibdib ko sa pressure na nararamdaman. Naglakad ako palayo sa music room at sumunod naman sakin si Glessy. Ang totoo, hindi ko naman talaga ginusto na maging contestant sa Solo Singing. Wala naman akong magagawa kahit magsumiksik ako sa room. Nakakainis lang na parang binabayaran ako kung maka mando ang office sa mga pinapagawa nila sakin. Hay buhay.... "Sige susunod na ako. Pahinga lang ako saglit. Sumakit ng konti lalamunan ko eh." pagsisinungaling ko kahit hindi naman tlga masakit ang lalamunan ko. Wala ba Kong karapatang mag pahinga kahit saglit?! Ngumisi ng bahagya si Glessy. Pagdating sa pagsisinungaling ay hindi ko siya maloloko. Hinalintulad pa niya ako dati sa isang salamin. Masyado daw akong transparent. Alam nyang gumagawa lang ako ng dahilan para makaiwas sa mga mata ng iba pa naming choirmates. Napangiti narin ako. "Nga pala.. Kamusta na kayo ni Shawn?", naisip kong itanong para naman may mapag usapan kami. Alam kong idadaldal nanaman nya ang napanood nyang Koreanovela na kinaaadikan niya ngayon. "Shawn?! Sinong Shawn?" pinanlakihan pa niya ako ng mata habang tumitipa sa kanyang cellphone. Nag blush bigla ang loka. Naningkit ang mata ko at nanunukso akong napangisi sa tabi niya sabay siko sa braso nito. "Eh, diba kagabi lang magkasama kayo? Nakita ko kayong magkawak kamay habang naglalakad papuntang-" "Oh my Gosh, Oh My gosh!" naeeskandaluhang tili ni Glessy habang tinatakpan ang bibig ko. Sabay linga linga sa paligid na parang tinatantya kung may nakarinig sa mga sinabi ko sa kanya. "Aray ko naman", alis ko sa kamay niya dahil nasubsob sa nguso ko ang daliri nito. Napangiwi tuloy ako ng bahagya. "Ikaw- pano mo nalaman? Bat andun ka?" bulong nito na parang naiinis. "Nakalimutan mo yatang doon lang ako nagta-trabaho banda sa Cofee Shop sa tapat ng-" "O-Oo na, nawala sa isip ko. Tsk, pwede ba wag mong lakasan boses mo habang sinasabi mo yung Shawn?" Napangisi nanaman ako at nangalumbaba habang tinitingnan siya na namumula. Itong si Glessy, napaka love junky tlga. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero halos linggo linggo itong magpalit ng boyfriend at kapag may hindi siya nagustuhan ay nakikipag break ito na parang walang nang yari. Pero kahit b***h ang tawag sa kanya ng halos buong eskwelahan ay siya lang ang matatawag kong bestfriend sa lugar na ito. Una sa lahat, dahil moody ako ay mahirap akong pakisamahan. Si Glessy lang ang nakakapag tyaga sa pagiging topakin ko. "Sweet si Shawn. " pacute na sabi ni Glessy. " Yan din ang sabi mo kay James, at kay Lino, kay Ed, kay Gerard-" Natawa ako ng malakas ng pinalo nya ako sa balikat. Halatang naiinis na ito at nagtitimpi lang. "Hayaan mo na ako Andy. Alam mo namang matagal ko ng hinahanap ang lalakeng perpekto sakin ehh. Talagang nagkataon lang na mga sira ulo ang natatapat sakin. " ani Glessy habang malayo ang tingin sa asul na langit. Malamig ang hangin sa thrid floor na iyon ng building kaya marami rin ang tumatambay sa gilid ng hagdan. Lovelife. Kelan ba ako nag isip ulit ng tungkol sa lovelife? Ang taong tulad mo na maraming dapat gawin, walang karapang lumab-layp. sabi ng kakapiranggot na boses sa utak ko. Hayysss.... Ang totoo, natatakot talaga ako sa kalalabasan ng singing contest na yun. Kahit na hindi ko naman ginustong mapili eh ang tingin sakin ng karamihan ay atribida at attention-seeker. Wala naman akong pakelam sa titulong makukuha ko. Gusto ko lang matapos na ang lahat ng ito para hindi na ako usigin ng mga inggiterang tao sa eskwelahang to. Kapag nanalo talaga ako, isasaksak ko sa baga nila ang trophy na makukuha ko. Nang pumihit na ako pababa ng hagdan ay nakaramdam ako ng mabigat na pagdagan sa likod ko at muntik na akong sumubsob sa bakal na hadlebar ng hagdan kung hindi ako nasalo ni Glessy. Ang masaklap pa ay nalaglag ang bag ko sa ground floor. Nanayo lahat ng balahibo ko nang maalala ko na nasa loob nun ang kabibili ko lang na babasaging angel keychain!!! "Naku po-" "Hahara-Hara kase. Hagdan yan hindi tambayan. " umalingawngaw sa pandinig ko ang isang baritonong boses ng isang lalaki. Nag init bigla ang ulo ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa utak ko at sa sobrang inis ko ay marahan kong naitulak si Glessy para mabigyan ako ng space. Masasapak ko tlaga tong salbahe na to. Napaka ungentledog! Nang makabawi ako sa pagkabigla at sa panghihindik sa galit dahil sa pinaka mamahal kong keychain ay hinila ko sa balikat ang pangahas na tumulak sakin Napanganga ako ng mga limang segundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD