Gusto ko pa sanang matulog ngunit dapat na akong bumangon para harapin nanaman ang isang napaka ordinaryong araw ng lunes.
Halos wala namang espesyal na nangyayari sa buhay ko kundi ang pumasok sa eskwelahan, umattend ng choir practice sa Glee Club at umuwi ng bahay para mag aral ulit gumawa ng mga design para sa aming web class.
Isa nga pala akong IT student sa isang nakakalungkot na kadahilanan. Ang totoo, gusto ko sana maging isang teacher balang araw pero dahil ang pinaka mura at pinaka mabilis na paraan para makakuha ng matrikula ay ang computer studies, pinagtyagaan ko nalamang iyon. Tutal, masasabi ko namang fast learner ako at isa sa pinaka magaling na web designer sa aming klase.
Mag isa akong naninirahan sa isang maliit na boarding house malapit sa aming eskwelahan. Hindi naman gaano sikat ang pinapasukan ko ngunit sa panahon ngayun, hindi na mahalaga kung saan ka nagtapos. Ang mahalaga, may diploma kang maipapakita kapag nag apply ka ng trabaho.
Galing ako sa isang malaki at simpleng pamilya. Panganay ako at may naiisang kapatid na babae. Nasa probinsya sila naninirahan ngayon at dahil nakuha ako bilang isang scholar sa aming eskwelahan, maswerte akong nakakatanggap ng pera mula sa ibang bansa para tustusan lahat ng pangangailan ko hanggang sa makatapos ako ng pag aaral sa Central City.
Late na ako.
Dagli kong tiningnan ang cellphone ko para icheck kung may mga bago akong mensahe. Napabuntong hininga nalamang ako nung nakita ko ang reminder para sa araw na ito.
Practice for the singing contest this coming week. Go straight to the office and bring your minus one. Ms. Cruz will be your mentor today.
Nagtungo naman ako sa aking laptop at nakita ko agad ang isang malungkot na mensahe mula sa sponsor ko sa ibang bansa.
"Hi, Andy.
I want to know if you're doing fine at school. Anyway, I'm sorry for being out for almost two weeks. I am having a problem with my nephew and we've been arguing almost forever. I had a plan to send him somewhere to give him some lessons so I hope it will work somehow. Have a nice day and please send me a picture of you and your friends. It will make me happy to see you're enjoying your college life. You're always like a daughter to me.
Love,
Ms. Dalrymple.
Napangiti ako ng matamis. Hindi parin ako nawawalan ng pag asa na meron paring mababait na tao sa mundong ito.
Pero kahit ganoon ay ayoko namang iasa kay Ms. Dalrymple ang lahat ng pangangailangan ko.
Ang totoo, kaya napilitan lang akong mag audition ay para sa makukuha kong premyo sa patimpalak na iyon.
Apat na branches ng school namin ang maglalaban laban at talagang pinipiga ako ng aming school head na si Ms. Cruz para makuha ang championship. Syempre, bilang branch head ay karangalan ng school namin ang nakataya. Na lalong nag papakaba sakin.
Ang masaklap pa sa pangyayaring iyon, nang mag audition ako para sa choir ay nangyaring nag hahanap rin sila ng solo singer para sa nalalapit na foundation day ng aming paaralan.
Ayoko tlga at iniiwasan ko ang makasali sa anumang singing competition dahil hindi ako kumportable na nakikipag kompitensya sa iba. Inaamin kong mababa lang ang self confidence ko sa sarili at may takot din akong kumanta ng mag isa sa stage dahil nasanay na ako na laging kabilang lang sa grupo.
Ngayun, wala na akong ligtas.
Mabilis akong naligo at halos matanggal na ang mga ngipin ko sa gilagid sa sobrang lamig ng tubig. Ilang beses ba ako nangarap ng shower na may heater? Hindi ako yung tipo ng tao na madalas humiling ng magagarbong bagay pero hindi naman siguro masasabing luho iyon kung makakabuti naman sa katawan ko diba?
Matapos kong magbihis, napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Hindi naman ako yung tipo na agaw pansin ang itsura. Kung tutuusin, simple lang tlga ako. Mahaba at maitim ang buhok, mejo may kaputian, balingkinitan at mamula mula ang maninipis na labi.
Ang mga mata ko naman, may pag ka almond shape na namana ko kay papa. At ang maliit kong mukha ay namana ko naman kay mama. Lagi akong tinutukso noon na ampon lamang ako ng mga magulang ko dahil maganda daw akong bata pero nginigitian ko na lamang dahil alam kong may lahing espanyol sila mama at kamuka ko daw ang yumao kong lola na noon ay paborito ni mama na binibisita dahil sa luto nitong turon at minatamis na buko.
Ang kwarto ko naman ay hindi kalakihan. Isang single bed, bedside table na may nakapatong na laptop at ilang hilera ng mga libro. Paborito ko ang kulay berde kaya pinili kong bumili ng bulaklaking green na kurtina para sa malawak na bintana ng kwarto na gawa sa kahoy.
Nasa second floor ang kwarto ko kaya tanaw ko ang naghihilerang mga bahay sa labas at unang sumasalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin sa umaga at ang healthy vitamin D na binibigay naman ng sikat ng araw.
Ang pader sa gilid ng kama ko ay balot mga posters ng mga paborito kong anime series. Syempre anime lover na talaga ako nuon pa. Ang kisame ko naman ay may mga nakadikit na glow in the dark planetarium na nakakapag pakalma sa akin sa gabi.
Kapag nakikinig ako ng music, pinapatay ko lamang ang ikaw at saka tititig sa mga ito habang nangangarap na balang araw, makakakanta din ako sa malalaking stage gamit ang mga sarili kong kanta na sinusulat ko kapag nag iisa ako dito sa kwarto at nagtitipa ng luma kong gitara na niregalo pa sa akin ni papa noong last birthday ko.
Mabait ang mag asawang may ari ng boarding house. Minsan, kapag maghapon akong nagkukulong sa kwarto para mag practice tumipa ng gitara ay dinadalhan ako ni Nanay Lusing ng pagkain.
Pero need ko na magmadali. Pinuputakti na ako ng text ni Glessy dahil late nanaman ako sa practice namin. Hindi ko tlga mapigilan ang mapangiti. Masaya maging pasaway sa office lalo't alam kong kailangan nila ako para sa patimpalak na iyon.